Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered -kab01

  • View
    444

  • Download
    25

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Anotasyon ng Kabanata 1 ng Noli Me Tangere ni Rizal

Text of Noli Me Tangere Deciphered -kab01

KABANATA 1 ISANG PAGTITIPONSa pagtatapos ng Oktubre 1 , si Don Santiago delos Santos, na kilala sa tawag na KapitanTiyago2, ay nagkaloob ng isang hapunan. Kahit na laban sa kaniyang kinaugalian ay noon lamang niya ipinaalam, na naging dahilan nang usap-usapan sa Binondo 3 sa iba pang distrito, at maging sa loob ng nababakurang lunsod ng Maynila.4 Nang panahong iyon si Kapitan Tiyago ay kilala sa karangyaan, at ang kanyang bahay ay katulad ng bayan, na hindi marunong magsara ng pintuan sa sinuman, maliban sa kalakalan o sa lahat bago o mapangahas na kaisipan.5 Katulad ng koryente, ang balita ng paanyaya ay mabilis na nakarating sa daigdig ng mga parasitiko, langaw o sampid na dahil sa hindi maubos na kabaitan ng Diyos, ay dumami ng labis-labis sa Maynila.6 Ang ilan ay humanapMGA PALIWANAG SA KABANATA 1 Ang unang talata ng Noli na tumutukoy sa panahon ng panimula ng nobela na itinaon sa pagtatapos ng Oktubre ay katulad ng nasa The Wandering Jew ni Sue. Tiniyak ni Sue ang taon na 1830 at sa Noli ay hindi. Sa pag-aaral sa panahunan ng Noli ay waring tumutugma ito sa petsang Oktubre 31, 1882 hanggang sa kamatayan ng isa sa pangunahing tauhan ng nobela na Disyembre 25, 1882 . Maaring ang ginamit ni Rizal na reperensiya sa taong 1882 ay ang pagbabalik sa Pilipinas ng isang intilekwal na Pilipino sa katauhan ni Gregorio Sancianco na sumulat ng aklat na Progreso de Filipinas. Higit pang ipapaliwanag sa mga sa mga susunod na pahina ukol sa aklat na Progreso ni Sanciangco. Sa kabilang dako kahit na ito ay waring naganap sa taong 1882 ay nagpasok din si Rizal ng mga historikal na kaganapan sa Pilipinas na sumasakop mula sa taong 1880-1886. 2 Bakit tinawag si Santiago de los Santos na Kapitan Tiyago? Sa panahon ng Espanya, ang pamamahala ng pueblo ay nakalaan sa mga katutubong Pilipino na tinatawag na gobernadocillo o tinatawag din na capitan. Tinawag siyang Kapitan Tiyago dahilan sa namuno siya ng isang distrito ng mga mestiso sa Kamaynilaan. Subalit, ang pangalang Santiago de los Santos ay mayroong simbolikal na kahulugan, Matutunghayan ito sa mga anotasyon sa Kabanata 6. 3 Ang tunay niyang kaugalian ay palaging maaga sa pagpapabatid sa kaniyang mga isinasagawang kasayahan. Ang pagtitipon na ito sa nobela ay ginawa ng biglaan. 4 Ang Maynila sa panahon ng mga Espanyol ay limitado lamang sa nababakurang distrito ng Intramuros. 5 Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay itinulad ni Rizal sa Pilipinas na bukas sa mga interesadong dayuhan, ngunit hindi sa sariling komersiyo, na siyang dahilan kung bakit ang ekonomiya ng bansa magmula pa sa panahong ng Espanya ay kontrolado ng mga dayuhan (Ongoco). Nagkasya ang mga Pilipino na maging mga kasosyo at empleyado lamang ng mga dayuhan mamumuhunan at hindi mga tunay na may-ari ng negosyo na sana ay nagligtas sa ating bayan sa kuko ng kahirapan. Isa pang katangian ng Pilipinas ay ang hindi nito bukas sa mga makabago at mapangahas na kaisipan. Ginamit ni Rizal na pambungad ang nasabing mga salita dahilan sa ang kaniyang nobela ay isang mapangahas na akda na susuri sa kabuuan ng lipunang Pilipino, sa kahinaan ng kolonyal na pamahalaan at isang pagbubunyag sa kahinaan ng kolonyal na simbahan. 6 Sa huling tatlong dekada ng pananakop ng Espanya ay dumating sa Pilipinas ang maraming mga Espanyol na nandayuhan para maghanap ng oportunidad pangkabuhayan. Karamihan sa mga Espanyol na ito ay na-empleyo sa tanggapan ng pamahalaang kolonyal (Robles. The Philippines in 19th Century). Ang ganitong patakaran ng Espanya ay mababakas hanggang ngayon sa mga tanggapan ng pamahalaan na ang nakapuwesto ay mga kapartido ng mga nagwaging pulitiko.

11ng betun sa sapatos, ang iba ay mga butones at kurbata, ngunit ang pinagiisipan ng lahat kung papaano babati sa may-ari ng bahay na parang matagal nang kakilala, o pakunwaring paghingi ng tawad sa hind pagdating ng maaga. Ang hapunan ay idinadaos sa isang bahay sa daang Anloague, dahil hindi na namin matandaan ang bilang ay ilalarawan namin sa paraang makikilala pa ngayon, kung hindi pa sinisira ng mga lindol. 7 Hindi kami naniniwala na ito ay ipinagiba ng may-ari, sapagkat ang pagsira ng mga gusali ay karaniwang gawain ng Diyos o ng Kalikasan, na marami ring kontrata sa aming pamahalaan.8 Ito ay isang malaking bahay, na katulad sa kaanyuan ng karamihan sa bayan, at nakatayo sa tabi ng isang sanga ng ilog-Pasig, na tinatawag na estero ng Binondo,9 at gaya ng lahat ng ilog sa Maynila, ay gumaganap ng ibat ibang

7 ISANG PAG-ARAL SA BAHAY NI KAPITAN TIYAGO Ang Daang Anloague ay ang kasalukuyang kalye Juan Luna sa Binondo, Maynila. Tinawag noon na Anloague ang kalsadang ito dahilan sa noong unang panahon ay dito naninirahan ang mga karpintero ng bahay. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay isang tunay na bahay na minsang natayo sa nasabing kalye. Ito ay pag-aari ni Balvino Mauricio, isang negosyanteng Pilipino na napadawit sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Bago maipatapon si Balvino Mauricio ay mabilisan ipinagbili ang bahay sa negosyante si Don Telesforo Chuidian (Glosaryo). Sa isang bahagi ng talatang ito ay makikita ang propetikal na pananaw ni Rizal sa pagbanggit na kung hindi pa ipinasisira ng may-ari ang bahay na kaniyang tinutukoy. Ang katotohanan, nanatiling nakatayo ang bahay na kaniyang inilalarawan hanggang magtapos ang kolonyalismo ng Espanya. Sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang bahay na ito ay nagsilbing tanggapan ng Kawanihan ng Rentas Internas (Glosaryo). Sa taong 1902 ay pinagsama sa bahay na ito ang tanggapan ng Kawanihan ng Rentas Internas at ang Station No. 2 ng Pulisya ng Maynila para sa Distrito ng Binondo (Municipal Board 1904 at Official Gazette January 27,1904). Sa taong 1911 ay inalis sa bahay ang tanggapan ng pulisya ng Binondo at pinagsama naman ang opisinang Rentas Internas at ang Kawanihan ng Lupa (Manila Alamanac 1911). Sa artikulo ni Ambeth Ocampo sa kaniyang aklat na Rizal Without Overcoat ay tiniyak niya na ang dating kinatatayuan ng bahay na ito ay inuukopa ngayon ng gusaling State Investment Center. Sinabi ni Rizal na hindi na matandaan ang bilang ng bahay. Subalit sa unang taon ng mga Amerikano, ang address ng Kawanihan ng Rentas Internas (na inilalarawang bahay ni Kapitan Tiyago) ay 147 Calle Anloague. (Manila Directory 1901). 8 Sa bahaging ito ay nagpapatawa si Rizal nang isulat niyang hinahayaan natin sa kalikasan o sa Diyos ang pagsira ng mga inprastruktura, na marami ng kontrata sa pamahalaan maraming mga gusali ng pamahalaan sa panahon ni Rizal ang sira na o wala na sa kaayusan, na isang indikasyon ng dekidensiya ng kolonyal na rehimen. Sa katotohanan, sa unang taon nang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas ay itinatag nila ang Bureau of Architecture at binigyan nito ng pansin ang pagsasa-ayos ng mga gusali ng pamahalaan na kanilang naratnan na nasa masamang kaayusan. Ipinahihiwatig dito ang kawalan ng urban zoning sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng panukalang urban zoning sa kabuuan ng Maynila ay naging advocacy ng arkitekto ng pamahalaan na si Sr. Juan Arellano na siyang gumuhit ng plano ng Pambansang Gusaling Post Office. Maaring basahin ang artikulo ni V. M. Mallari na Architects and Architectures in the Philippines. Philippine Magazine, August 1930. 9 Ang Estero ng Binondo ay isang sanga ng ilog Pasig na ang tubig na dumadaloy sa distrito ng Binondo at ginagamit bilang daanan ng mga bangka na nagdadala ng mga kalakal sa nasabing lugar. Ang ilan sa mga bangka na ito ay nagmumula pa sa mga kalapit na lalawigan ng Maynila na may mga dalampasigan na sakop ng Manila Bay. Ang mga mangangalakal naman mula sa lalawigan ng Laguna ay nakakarating din dito mula sa Lawa ng Laguna na dumadan sa Ilog Pasig. Ang rutang ito ay mahalagang malaman para maunawaan ang ruta ng pagtakas ni Ibarra sa Maynila sa Kabanata 61.

12mga gawain bilang paliguan, imburnal, labahan, palaisdaan, daanan ng mga sasakyan at talastasan, at sinasalukan ng iniinom na tubig kung ito ay makakagaang sa gawain ng aguador na Tsino.10 Sa layong halos isang kilometro ng estero ay nandoon ang daanan ng mga kalakal, siksikan, nakatutulig ang pagdaan ng mga sasakyan at dumadaan sa isang tulay na kahoy, na ang isang panig ay na wala sa ayos sa tagal na anim na buwan, at hindi madaanan ang kabiyak sa kalahating taon,11 kaya sa taginit ay sinasamantala ng mga maliliit na kabayo ang gayong hindi nagbabagong kalagayan upang lumundag sa tubig, na ikinabibigla ng taong nasa loob ng karwahe na inaantok o iniisip ang mga progreso ng kasalukuyang siglo.12 Ang bahay na aming inilalarawan ay mababa at hindi tuwid; kung ang arkitektong gumawa nito ay malabo ang mata, o ang lindol at bagyo ang pumilipit sa kaniyang anyo ay hindi masasabing na may katiyakan. Isang malapad na hagdanan na may berdeng gabay at ang baytang ay nababalutan ng alpombra, ang akyatan mula sa pintuan sa ibaba hanggang sa itaas, at sa magkabilang

Maaring sangguniin ang satellite map ng Google Earth sa pagtunton ng Ilog Pasig. 10 Sa sinulat na ito ni Rizal ay mapupuna na maging sa kaniyang kapanahunan ay nagsisimula na ang pagpapabaya at pagsira ng mga tao sa Ilog Pasig. Pansinin ang namatyagan ng isang manlalakbay na si Feodor Jagor : [Neglected river and canals offensive.] In the suburbs nearly every hut stands in its own garden. The river is often quite covered with green scum; and dead cats and dogs surrounded with weeds, which look like cabbage-lettuce, frequently adorn its waters. In the dry season, the numerous canals of the suburbs are so many stagnant drains, and at each ebb of the tide the ditches around the town exhibit a similar spectacle. Ang paglalarawan ni Rizal sa Ilog Pasig sa nobela ay buhat sa kaniyang personal na nasaksihan at sa nabasa niyang dokumentasyon ni Jagor ay isang anyo ng pagbibigay ng maagang babala sa maaring maging kasuklam-suklam na kalagayan nito sa kasalukuyan. Hindi rin nakaligtas sa pagpuna ang katusuhan ng mga Tsinong aguador na kumukuha ng tubig sa ilog para ihatid na inumin sa kanilang mga suking Pilipino. Isang paghahan