25
KABANATA 20 ANG PULONG SA TRIBUNAL Ang salas na ito ay may lawak na labindalawa o labinlimang metro ang haba at walo o sampu ang luwang. Ang mga dingding na bato ay pinahiran ng apog at puno ng mga larawang guhit sa uling na pangit ang kaayusan at ang ilang may masagwang anyo, sa ilalim ay may mga sulat ng paliwanag ng katuturan. Sa isang sulok ay nakahanay at nakasandal sa bato ang may mga sampung lumang baril na sinusulutan ng bala at pulbura, kasama ng ilang kalawanging sable, mga espadin at mga talibong: iyon ang sandata ng mga kuwadrilyero. 1 Sa isang dulo ng salas na nagagayakan ng maruruming kurtinang pula ay nakatago at nakasabit sa pader ang larawan ng Hari; 2 sa ibaba ng larawan, sa ibabaw ng isang mesang kahoy, ay may isang lumang silya na sira ang mga braso; 3 sa harapan nito ay may 1 MGA PALIWANAG Ipinapakita na ang baril na ginagamit ng mga kuwadrilyero (lokal na pulisya ng bayan) ay napakaluma (nilulusutan pa ng pulbura at bala). Samantalang ang ginagamit na mga baril ng mga guwardiya sibil ng Espanya ay kinakargahan ng bala sa pamamagitan ng pagkasa. Isang simbolismo ng arsenal ng katutubong hukbong pampulisya ng mga bayan noon. 2 Ang maruming kurtinang pula - isang lihim na parunggit ni Rizal sa madumi at madugong kasaysayan ng Espanya na sa lahat ng digma ay ang pangalan ng kanilang hari ang binabanggit. Makikita ang magkatulad na lihim na parunggit sa Kabanata 24 . Isang masakit na biro ng pagkakataon na ng bitayin si Rizal ay isinigaw ng mga Espanyol ang mabuhay ang hari ng Espanya. 3 Ano ang simbolismo ng silyang sira ang braso sa ilalim ng larawan ng hari? Sa mga tanggapan ng pamahalaan, ang lamesa ng pinuno ng lokal o maging ahensiya ng pamahalaan ay nasa ilalim ng larawan ng pangulo ng Pilipinas. Ang paglalagay ng larawan ng pangulo ng Pilipinas ay hindi lamang para magsilbing display, kundi isang 226

Noli Me Tangere Deciphered-kab020

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

KABANATA 20 ANG PULONG SA TRIBUNAL

Ang salas na ito ay may lawak na labindalawa o labinlimang metro ang haba at walo o sampu ang luwang.  Ang mga dingding na bato ay pinahiran ng apog at puno ng mga larawang guhit sa uling na pangit ang kaayusan at ang ilang may masagwang anyo, sa ilalim ay may mga sulat ng paliwanag ng katuturan.  Sa isang sulok ay nakahanay at nakasandal sa bato ang may mga sampung lumang baril na sinusulutan ng bala at pulbura, kasama ng ilang kalawanging sable, mga espadin at mga talibong:  iyon ang sandata ng mga kuwadrilyero.1

           Sa isang dulo ng salas na nagagayakan ng maruruming kurtinang pula ay nakatago at nakasabit sa pader ang larawan ng Hari;2 sa ibaba ng larawan, sa ibabaw ng isang mesang kahoy, ay may isang lumang silya na sira ang mga braso;3 sa harapan nito ay may isang malaking lamesang kahoy na may mantsang tinta at ukit ng may mga titik at ng iba’t ibang anyo na tulad ng mga lamesa sa mga taberna

1MGA PALIWANAG Ipinapakita na ang baril na ginagamit ng mga kuwadrilyero (lokal na pulisya ng bayan) ay napakaluma (nilulusutan pa ng pulbura at bala). Samantalang ang ginagamit na mga baril ng mga guwardiya sibil ng Espanya ay kinakargahan ng bala sa pamamagitan ng pagkasa. Isang simbolismo ng arsenal ng katutubong hukbong pampulisya ng mga bayan noon.2

Ang maruming kurtinang pula - isang lihim na parunggit ni Rizal sa madumi at madugong kasaysayan ng Espanya na sa lahat ng digma ay ang pangalan ng kanilang hari ang binabanggit. Makikita ang magkatulad na lihim na parunggit sa Kabanata 24. Isang masakit na biro ng pagkakataon na ng bitayin si Rizal ay isinigaw ng mga Espanyol ang mabuhay ang hari ng Espanya.3

Ano ang simbolismo ng silyang sira ang braso sa ilalim ng larawan ng hari?Sa mga tanggapan ng pamahalaan, ang lamesa ng pinuno ng lokal o maging ahensiya ng pamahalaan ay nasa ilalim ng larawan ng pangulo ng Pilipinas. Ang paglalagay ng larawan ng pangulo ng Pilipinas ay hindi lamang para magsilbing display, kundi isang simbolismo na ang kapangyarihan ng pinuno ng tanggapan ay ekstensiyon ng kapangyarihan ng punong ehekutibo ng Pilipinas. Sa panahon ng kolonyalismo, ang hari ng Espanya ang pinakamataas na pinuno ng Pilipinas kaya nandoon sa tribunal ang kaniyang larawan. Ang silyang sira ang braso ay isang paraan ng paglalarawan ni Rizal ng kawalan ng kapangyarihan ng lokal na pinuno ng pamahalaan na kumakatawan sa hari.

226

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

sa Alemanya na palaging pinupuntahan ng mga estudyante.  Mga bangko at mga silyang sira-sira ang bumubuo ng mga kasangkapan.4

Ang salas na ito ay pook ng pagpupulong, salas litisan, at mga pagpapahirap atbp. 5 Sa sandaling ito ay nagpupulong ang mga maykapangyarihan sa bayan at mga nayon:  ang pangkat ng matatanda ay hindi nakikisama sa mga may kaunting kabataan, hindi sila magkasundo:  Kinakatawan nila ang mga pangkating conservador at liberal, ngunit ang kanilang labanan lamang ay nagiging mahigpit sa mga bayan-bayan.6

“Nagdududa ako sa inuugali ng kapitan!” sinasabi sa kanyang mga kaibigan ni Don Filipo, ang pinuno ng pangkating liberal, “may naiisip akong isang paraang binalak tungkol sa ugaling ipagpahuli ang pagtatalo tungkol sa mga gugulin.  Alalahanin ninyong labing isang araw na lamang ang nalalabi sa atin.”7

            “At ang kapitan ay tumigil pa sa kumbento upang makipag-usap sa kurang may sakit!” sabi ng isa sa mga binata.8

“Walang kailangan!” sagot ng isa, “lahat ay handa na.  Huwag lamang sanang magtagumpay ang balak ng mga matatanda…”9

4 Ang mga bangko at silyang sira-sira naman ay upuan ng mga kinatawan ng bayan. Kung papaanong sira ang braso ng upuan ng pinunong bayan ay ganoon din ang mga kalagayan ng kinauupuan ng mga kinatawan ng mga mamamayan sa lokal na batasan. Ang mga nakaupo doon ay wala ring tunay na kapangyarihan.

5 Nagpapakita na ang gusaling tribunal ay nagsisilbi sa lahat ng mga gawaing pambayan – nakakatulad ito sa gusali ng ating mga munisipyo sa ating kasalukuyang panahon6

Ang labanan ng mga makaluma at liberal ay sa bayan-bayan lamang at hindi sa pangkapuluang larangan dahilan sa wala namang tunay na partido ng mga liberal sa Pilipinas (nawala noong 1872).

7 Isang pagpapakita ni Rizal na sa Pilipinas ay pinag-uusapan ang mga mahahalagang bagay kapag malapit na itong ganapin.

8 Ipinapapansin na ang pinuno ng bayan ay humihingi muna ng dikta mula sa kumbento ukol sa dapat na maging resulta ng pagpupulong sa tribunal. Kung ganoon, anumang mga pag-uusapan sa lokal na batasan ay kailangan na sang-ayunan ng kura.

ANO ANG SIMBOLISMO?Mapansin na ang kapitan ng bayan ay humihingi ng payo sa kurang maysakit – isang lihim na pahiwatig na ang pinunong bayan ay nanalig sa isang masakitin o papahina ng kapangyarihan. Makikita ang pagkakatulad at kahulugan nito sa Kabanata 53.

9 Sa pagpupulong ay nahahati ang kapulungan sa pangkat ng mga matatandang konserbatibo at mga kabataang liberal. Mapansin na ang mga liberal ay mayroong kahandaan na labanan ang maaring idikta ng

227

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

“Sa palagay ko ay hindi!” ang sabi ni Don Filipo, “ako ang maghaharap sa panukala ng mga matatanda…”

“Bakit?  Ano ang sabi ninyo?” ang pamanghang tanong ng mga nakikinig sa kanya.

“Ang sabi ko ay ganito:  kung ako ang unang magsasalita ay ihaharap ko ang panukala ng ating mga kalaban.”

“At ang sa atin?”            “Kayo ang bahalang magharap,” ang sagot na nakangiti ng tinyente-mayor at ang tinukoy ay ang isang batang kabisa, “pagkatapos na matalo ako ay kayo naman ang magsalita.”

“Hindi namin kayo maunawaaan, ginoo;” ang tanong nang mga kausap na nakatingin sa kanya na may pagtataka.

“Pakinggan ninyo!” marahang sabi ni Don Filipo sa dalawa o tatlong nakikinig sa kanya, “kaninang umaga ay nakita ko si Matandang Tasyo.” “At ano?”

“Ang sabi sa akin ng matanda ay ganito:  ‘Higit pa ang galit sa inyo ng inyong mga kalaban kaysa mga panukala ninyo. Ibig ninyong huwag mangyari ang isang bagay?  Kayo ang magpanukala, at kahit na may kabuluhan pa ng higit sa isang mitra ay hindi sasang-ayunan.  Kailan pa man at tinalo na kayo ay gawin ninyong ipanukala ng pinakadukha sa inyong lahat ang inyong balakin at maapi lamang kayo ng inyong mga kalaban ay sasang-ayunan nila.” Ipaglihim lamang ninyo ito.10

“Datapwa’t…”

kura sa kapitan ng bayan.

10 Dito ay makikita na ginagawang personal ng mga Pilipino ang mga pagtatalong pampulitika. Kahit na anong ganda ng isang panukala, basta ito ay magmumula sa kalaban sa pulitika ay hahanapan ng butas upang ito ay masira at huwag maging tanyag ang kalaban.

Ang pinaka-klasikal na halimbawa nito sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang naging tunggalian nina Quezon at Osmena - para sa magkaibang batas pangkalayaan na hiniling nila mula sa Amerika. Naunang makakuha sa Estados Unidos si Osmeña ng batas na nangangako ng kalayaan sa pilipinas ang Hare Hawes Cutting Act. Kumilos si Quezon, humanap siya ng butas sa HHC Act at pagkatapos na ito ay mapatay sa kongreso ng Pilipinas ay nagtungo si Quezon sa Estados Unidos at nakuha niya ang binagong bersiyon ng batas sa pangalang Tyding McDuffie Act, ang tunay na layunin ni Quezon ay upang matakluban ang katanyagan ni Osmeña.PANSININ DIN ITO: - Kayo ang magpanukala, at kahit na may kabuluhan pa ng higit sa isang mitra ay hindi sasang-ayunan. Ang mitra ay suot sa ulo ng obispo. Sa kapanahunan ni Rizal, ang arsobispo ng Maynila ang pinakamainpluwensiyang pinuno sa pamahalaaang kolonyal. Mayroon itong kakayahan na alisin sa pamamagitan ng pailalim o hayagang paraan ang sinumang punong ehuktibo ng bansa na magiging salungat o inaakala niyang banta sa kapakanan ng kolonyal na simbahan. Dahilan dito ay higit silang kinatatakutan at sinusuyo ng mga punong ehekutibo ng kolonyal na pamahalaan at ang kanilang mga panukala ay pinapahalagahan. Sa hanay ng pananalitang ito ni Rizal ay kaniyang lihim na ipinapaalam na marami o mayroon pang mga ideya na higit na mahusay kaysa galing sa mga ulo ng obispo ng kolonyal na simbahan.

228

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

“Kaya ilalahad ko ang panukala ng ating mga kalaban at dadagdagan ko pa hanggang maging kakatuwa.  Tumahimik kayo!  Narito si Ginoong Ibarra at ang guro sa paaralan!” Ang dalawang binata ay bumati sa mga pangkat ngunit hindi nakisali sa mga usapan.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang kapitan na ang mukha ay parang hindi nasisiyahang-loob:  siya rin ang nakita natin kahapon na may dalang isang arobang kandila.  Pagdating niya ay huminto ang mga bulung-bulungan, ang bawat isa ay umupo sa kanilang upuan at naghari ang katahimikan. Naupo ang kapitan sa luklukang nasa ibaba ng larawan ng Hari, makaapat o makalimang umubo, hinaplos ang ulo at mukha, ikinatang ang mga siko sa hapag, inalis, umubong muli at inulit din ang mga unang ginawa.

“Mga ginoo!” ang sa huli ay nasabing ang boses ay mahina, “nangahas akong ipatawag kayong lahat sa pulong na ito… ehem… ehem… idaraos natin ang pista ng ating patrong si San Diego sa ika-12 ng buwang ito…ehem…ehem…ngayo’y ika-2 na tayo…ehem…ehem!”

At dito ay inatake siya ng isang matinding ubong paos at tuyo at siyang nagpatigil sa kanya.11

Sa gayong kalagayan ng kapitan ay tumindig sa kinauupuang bangko ang isang matatanda, isang taong may anyong arogante, na may mga apatnapung taon gulang.  Siya ang mayamang si Kapitan Basilio na kalaban ng nasirang si Don Rafael, isang taong nag-aakalang magmula nang mamatay si Santo Tomas de Aquino ay hindi na sumulong kahit isang hakbang man lamang ang mundo, at mula nang iwan niya ang San Juan de Letran ay umurong na ang Sangkatauhan.12

            “Ipahintulot sa akin ng inyong mga kamahalan na gumamit ng pananalita tungkol sa mahalagang bagay na ito,” ang sabi, “ako ang unang nagsalita, kahit tunay na ang ibang kasama sa ngayon ay may higit na karapatan kaysa akin, ngunit ako ang unang nagsasalita sapagkat inaakala kong sa mga bagay na ito ay ang taong magpaunang magsalita ay walang kahulugang siya ang una, gaya rin naman ng walang kahulugang maging panghuli ang mahuling magsalita.  Saka ang isa pa, ang mga bagay na aking sasabihin ay lubhang mahalaga, na hindi nararapat pabayaang sabihin sa huli, kaya’t ibig kong magpauna sa pagsasalita upang malagay sa dapat kalagyan.  Ipahintulot nga sa akin ng

11

“At dito ay inatake siya ng isang matinding ubong paos at tuyo at siyang nagpatigil sa kanya” Sa maniwala kayo at hindi ay napakasimbolikal ng pag-ubong ito ng Kapitan ng bayan ng San Diego. Mamamaya pagkatapos ninyong mabasa ang kabanatang ito ay titiyakin ko na patatawanin kayo ni Rizal.

12 Bakit sa ganitong paraan ipinakilala ni Rizal si Don Basilio?Ginamit ni Rizal ang kaisipan na nakakaapekto sa ugali ni Don Basilio, bilang paraan ng pagpaparunggit sa mga prayle laban sa mga matatandang paraan ng pagtuturo ng Santo Tomas at San Juan de Letran.

229

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

inyong mga kamahalan na siyang magsalitang una sa pulong na ito na kinahaharapan ng mga bantog na kaginoohang gaya ng ginoong kasalukuyang kapitan, ang nagkapitan at mabuti kong kaibigang si Ginoong Valentin, ang nagkapitang kaibigan ko sapul pagkabata na si Ginoong Julio, ang ating dakilang kapitan ng mga kuwadrilyero na si Ginoong Melchor at iba pang kamahalan, na hindi ko na tutukuyin upang huwag akong humaba pa sa pagsasalita, na nakikita ng inyong mga kamahalan na pawang dito ay kaharap.  Ipinakiki-usap ko sa inyong mga kamahalan na ipahintulot sa akin na maunang magsalita kaysa sa iba.  Sana ay magkaroon ako ng palad na sang-ayunan ng pulong ang aking kahilingan?”            At ang mananalumpati ay magalang na yumukong nakangiti.            “Makapagsasalita kayo at kami ay makikinig,” sabi ng mga kaibigang tinukoy at iba pang naniniwala na siya ay mabuting mananalumpati:  ang matatanda ay umubo at pinagkuskos ang mga palad, tanda ng kasiyahang-loob. Matapos na pahirin ang pawis sa mukha ng panyong sutla ay nagpatuloy si Kapitan Basilio:13 “Sapagkat ang inyong mga kamahalan ay nagbigay ng pagsang-ayon sa kahilingan ng aking abang pagkatao, at sa kapahintulutan na ako ay mauna sa ibang dito ay dumadalo ay sasamantalahin ko ang pahintulot na ito, na ipinagkaloob sa akin, at ako ay magsasalita.  Ipinalalagay ko sa aking ako ay nasa gitna ng kagalang-galang na Senado Romano, na aming sinasabi noong magagandang kapanahunan, na dala ng kasawian ng Sangkatauhan ay hindi na babalik, at hihilingin ko sa mga patres conscripti14 gaya ng sinasabing pantas na si Ciceron, kung siyang nasa kalagayan ko sa ngayon, hihilingin ko, dahil kulang na tayo sa panahon, at ang panahon ay ginto tulad ng sinabi ni Solomon, na sa mahalagang bagay na ito ay ihanay ng bawat isa na maikli, maliwanag at walang sikot-sikot ang kanyang akala.  Nasabi ko na.”15

            At siyang-siya sa sarili at sa taimtim na pakikinig ng lahat sa salas ay umupong tiningnan nang tinging mapagmataas si Ibarra na nakaupo sa isang sulok,16 at isa pang tinging 13 Ginamit ni Rizal ang aktwasyon na ito ni Don Basilio upang ipakita ang kakatuwang pag-uugali ng mga pulitikong Pilipino sa panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas , na hindi rin nalalayo sa makikita natin sa ating kapanahunan.

14 patres conscripti - Kahulugan ay “mga hinirang na ama” – sa atin ay mga inihalal na mambabatas sa sangay lehislatura.

15 Sa hinaba-haba ng sinabi ni Don Basilio ay nais lamang niyang sabihin na dapat iklian ng mga magsasalita ang kanilang mga sasabihin sa kapulungan. Subalit ginamit ni Rizal ang mahabang pangungusap na iyon ni Don Basilio upang ipahiwatig ang kawalan ng kabuluhan o esensiya ng mga makalumang kaisipan na ginagamit sa makabagong kapanahunan.

16 Bakit ganoon ang aktwasyon ni Don Basilio? Sapagkat si Don Basilio ay kalaban sa usaping panghukuman ang ama ng binata; at ang simbolismo nito ay ang pagmamataas ng matandang kaalaman, sa nakaupo, tahimik, at nagmamasid lamang na mga

230

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

makahulugan sa kanyang mga kaibigan, na parang ang ibig sabihin sa kanila’y: “Ha! Magaling ang pagkakasalita ko, ha!” Ang muli ang mga tinging mapagmataas na iyon ay itinapon naman ng kanyang mga kaibigan sa lugar ng mga bata na waring ibig silang patayin sa inggit.            “Ngayon ay maaaring magsalita ang may ibig na, ehem!” sabi ng kapitan na hindi nabuo ang ibig sabihin… dahil muli siyang inatake ng ubo at buntunghininga.17

   Kung hahatulan ang katahimikan ay walang may nais na tumayo:  sa gayon ay sinamantala ni Don Filipo ang pagkakataon at humiling na makapagsalita.         Ang mga conservador ay nangagkindatan at naghudyatan ng makahulugan.          “Ihaharap ko ang aking guguling ukol sa pista, mga ginoo!” sabi ni Don Filipo.18

           “Hindi namin matatanggap!” sagot ng isang matandang may sakit na pagkatuyo, na pusakal na conservador. “Laban kami,” sabi pa ng iba pang mga kalaban.19

             “Mga ginoo!” ang sabi ni Don Filipo na pinigil ang ngiti, “hindi ko pa nasasabi ang balak na taglay naming mga bata dito.  Ang malaking balak na ito ay natitiyak namin, siyang sasang-ayunan ng lahat kaysa binabalak o mababalak ng aming mga kalaban.            Ang hambog na panimulang ito ay lalong nagpatindi ng pagkamuhi sa mga konsebador, kaya’t sinumpaan na in corde na siya ay mahigpit na sasalungatin.  Si Don Filipo ay nagpatuloy. “Mayroon tayong 3,500 pisong gugugulin.20  Sa halagang ito ay

bagong ideya na kinakatawan ni Ibarra.17

“At dito ay inatake siya ng isang matinding ubong paos at tuyo at siyang nagpatigil sa kanya” Talagang binibigyan ni Rizal ng tindi at pag-uulit ang pag-ubo ng kapitan ng bayan ng San Diego.

18 Maaring ang iminumungkahi ni Don Filipo ay gastusin sa kapistahan ng bayan – ngunit mapupuna sa takbo ng mga usapan ang pagkakatulad nito sa pag-uusap ngayon ukol budget ng pamahalaang lokal at nasyonal.

19 Mapapansin na sa kainitan ng mga kasamahan sa lokal na batasan, na hindi pa inihaharap ni Don Filipo ang kaniyang panukala ay agad ng tinutulan ng kaniyang mga kalaban.Pansinin na ang tumutol ay isang matandang maysakit na pagkatuyo o tuberkulosis. -Isang masakit na simbolismo ni Rizal sa mga makalumang kaisipan na umiiral sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan, dahilan sa panahon na iyon ni Rizal, ang sakit na tuberkulosis ay halos walang epektibong kagamutan.

20 Ang nasabing halaga ay napakalaki at sapat para sa taunang budget para sa operasyon ng isang maliit na pueblo sa panahon ng Espanya. Isipin na ang ganitong halaga ay gagamitin lamang na pang-gastos sa kapistahan. Kung sa ating panahon ay makikita ito sa budget ng pamahalaan na labis kaysa sa kinikita, kaya nagkakaroon ng taunang depisit, na nauuwi sa pangungutang ng bansa.

231

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

makapagdaraos tayo ng isang pistang hihigit sa karangyaan ng lahat ng pistang nakita na, sa ating lalawigan o sa mga kalapit lalawigan.”            “Hmn!” ang bulalas ng mga walang paniwala, “ang bayang A ay gumugol ng 5,000, ang B ay 4,000, hmn!  Kahambugan!”            “Pakinggan ninyo ako mga ginoo, at maniniwala kayo sa sinabi ko!” ang patuloy ni Don Filipo na walang katinag-tinag.  “Ipinalalagay ko na magtayo ng isang malaking dulaan sa gitna ng liwasan, na magkakahalaga ng 150 piso.”  “Hindi sasapat ang 150, dapat ilagay na 160,” ang hadlang ng isang mapusok na konsebador.           “Itala po ninyo, Ginoong Director, ang 200 piso na iuukol sa dulaan!”21 ang sabi ni Don Filipo.  “Ipinalalagay ko na kunin ang komedya sa Tondo upang magpalabas sa pitong gabing sunud-sunod.  Pitong palabas na 200 piso bawat isang gabi ay 1,400:  itala ninyo ang 1,400 Ginoong Director.  Matanda at bata ay namamanghang nagkakatinginan:  ang mga nakaka-alam lamang ng lihim ang di umiimik.           “Ipinalalagay ko pang magkaroon ng maraming kastilyo;22 walang mga luces at rueda23 na maliliit, na mga bata at dalaga lamang ang nakakagusto, walang ano mang ganyan.  Ipinalalagay kong magkaroon ng 200 malalaking bomba na tigalawang piso ang isa at 200 kuwitis na gayon din ang halaga.  Ipagagawa natin sa Malabon.”24

             “Hmn!” ang hadlang ng isang matanda, “hindi ako nagugulat ni nabibingi sa isang bombang tigalawang piso; kailangang maging tigatlong piso.”            “Itala ninyo ang 1,000 piso na ukol sa 200 bomba at 200 kuwitis!”

            Ang mga konsebador ay hindi na nakapagpigil; ang ilan ay tumindig at nangag-usap-usap.            “Upang makita ng ating mga kalapit-bayan na tayo ay marunong gumastos at marami tayong labis na salapi,” patuloy ni Don Filipo na inilakas ang salita at sinulyapan ang pulutong ng

21 Mapapansin na ang kaniyang naunang panukala ay 150 para sa dulaan, at sinabi ng matatanda na gawing 160 at para mahigitan pa ni Don Filipo ang balak ng kalaban ay pinagawang 200 ang ukol sa dulaan.

22 Ang salitang kastilyo sa nobela ay hindi nangangahulugan sa mga istakturang pang-maharlika ng Europa – sa kapanahunan ni Rizal ang salitang kastilyo ay nangangahulugang mga paputok.

23 Mga luces na umiikot, may pako na pinupupok sa poste o bakod, at pagkatapos sisindihan upang magbigay ng maririkit na liwanag.24

Sa panahon ni Rizal ang mga mahuhusay na gumawa ng mga paputok ay matatagpuan sa Malabon – kung papaanong sa ating panahon ay kilala sa paggawa ng paputok ang ilang mga bayan sa Bulacan.

232

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

matatanda,25 “ay ipinalalagay ko:  Una, apat na hermano mayor 26 sa dalawang araw na pista at, pangalawa, na sa bawat isang araw ay magtapon sa dagat ng 200 inahing manok na pinirito, 100 relyenong pabo at 50 litson,27 tulad ng ginawa ni Sila, na kapanahon ni Ciceron, na binanggit kanina ni Kapitan Basilio.”            “Iyan nga, gaya ni Sila!” ang ulit ni Kapitan Basilio.            Ang pagkahanga ay nag-iibayo.            “Sa dahilang maraming mayayaman ang dadalo at ang bawat isa ay libu-libong piso ang dala at ang kanilang lalong mabubuting manok, at ang liampo28 at ang mga baraha, ay ipinalalagay kong

25 Ipinaririnig sa mga matatanda para lalo pang kamuhian ang kaniyang mga panukalang sa totoo ay hindi niya gusto at dapat sana ay naging panukala ng mga matatanda.

26 Hermano Mayor – pangunahing kapatid na namumuno sa pag-aabala at gumugol ng malaking halaga sa kapistahan ng bayan o nayon.

27 Ang pagtatapon ng mga pagkain sa ilog - ang katuparan ng simbolismong ito sa ating panahon ay ang pagiging butas ng ating gastusing pampamahalaan, una ay sa luho ng mga opisyal at higit sa lahat ay sa katiwalian. Isa sa indikasyon ng pagiging maluho ng mga opisyal ng pamahalaan sa ating panahon ay ang kanilang mga ginagamit na mamahaling sasakyan na at ang araw-araw na gasolina nito. Ang sasakyan at ang gasolina na kanilang ginagamit ay mula sa buwis na salapi ng bayan.28

Ang Liampo ay isang uri ng sugal na kinawiwilihan ng mga Intsik sa panahon ng Espanya – ang paglalarawan sa larong ito ay makikita sa desisyon ng Korte Suprema. Dito ay inaakala kong ito nga ang Liam-po na tinutukoy sa Noli me tangere dahilan sa lapit pa ng panahon ng kahatulan sa panahon ng nobela. :G.R. No. L-11420  August 7, 1916 THE UNITED STATES, plaintiff-appellee, vs. WAN YANG, CHAO WUN CHY, SONG TONG, and YONG HONG, defendants-appellants.

“It is a game played by means of a rectangular, brass device, weighing more than two pounds; a second device, also of brass, marked with a visible line, is inserted in the first as in a cover. In this second device or cube there is inserted a square died, the surfaces of which are in two colors, red and white, and inscribed with Chinese characters. After this die has been set in its proper place in the second device, it is completely covered by the larger one, the whole then having the appearance of a single piece. All these arrangements are affected by the banker while the contrivance is concealed under his shirt or under a sheet and this concealment seems to give him a certain advantage over the players. After this is done, some one of the players gives the device a turn on a piece of cloth more than a meter square marked by lines radiating from the center to form squares. Between the lines are separately marked the numbers 1, 2, 3 and 4. The banker stations himself opposite the number 1 and bets are placed on the corresponding lines after the device has stopped turning. Then the outer cube is lifted, and the number toward which the red side of the die points is the wining number and the other numbers lose.”

233

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

magkaroon ng labinlimang araw na sabong, magkaroon ng kalayaang mabuksan ang lahat ng bahay-sugalan.”29

            Ngunit pinigil siya ng kabataan na nagtindigan, ang akala nila ay nasira ang ulo ng tiniente  mayor.30  Ang mga matatanda ay nangagtatalo.31

            “At sa kahuli-hulihan, upang huwag malimutan ang kapakanan ng ating kaluluwa…”32

            Ang bulung-bulungan at sigabong umalingawngaw sa lahat ng dako ng kanilang kinalalagyan ay nakatakip sa kanyang boses; iyon ay naging isang kaguluhan na lamang.            “Hindi!” ang sigaw ng isang ayaw magpalamang (uncompromising) na konsebador, “ayokong masabi niyang siya ang may gawa ng pista, ayoko!  Bayaan ninyo akong magsalita!”            “Dinaya tayo ni Don Filipo!” sabi ng mga liberal.  “Labanan natin!  Lumipat tayo sa mga matatanda!  Labanan natin!”33

            Ang kapitan, na lalo pang nanlupaypay kaysa dati, ay walang ginagawang anuman na sukat na ikapayapa:  nag-aantay na sila na rin ang gumawa ng kapayapaan.34

Batis: http://www.lawphil.net/judjuris/juri1916/aug1916/gr_l-11420_1916.html

29 Mapansin na sa batasang lokal ay hinihiling na pahintulutan ang sugal para mapagkunan ng pera ng pamahalaan. Sa kasalukuyan ang prankisa sa mga legal na sugalan tulad ng casino ay nagmumula sa kongreso ng Pilipinas.

30 Nagpakalabis si Don Filipo sa kaniyang mapaglarong istratehiya, kaya maging kakampi niya ay napagkakamalan siyang nasisiraan ng ulo.31

Bakit nagtalo-talo ang lapian ng mga matanda?Maging sila man ay nalito – sa dahilan ang panukala ni Don Filipo ay ang talaga nilang gusto, subalit natutulan na nila ito. Napagtatanto na nila na napaglaruan sila ni Don Filipo.32

Pansinin na maging sa pagbibigay ng prayoridad ay ipinahuli ni Don Filipo ang kapakanan ng kaluluwa – mapansin na wala siyang anumang panukala para sa budget para sa gawaing pansimbahan. Si Rizal ay isa sa mga unang nagpanukala na ang kolonyal na simbahan ay hindi dapat na bigyan ng salapi ng pamahalaan.

33 Nagkaroon ng pakunwaring paglipat ng mga kabataan sa lapian ng mga matatanda: Sa kasaysayan malimit na sa mga maiinit na pagtatalo sa ating kongreso ay nagaganap ang paglilipatan ng partido.

34 Dito sa aktwasyon na ito ay makikita ang pagiging tunay na inutil ng kapitan ng bayan (tandaan sana ang simbolo na ginamit ni Rizal sa silyang sira ang braso). Kung ang kaguluhan sa pagpupulong ng konseho ay hindi niya nasawata, papaano ang maaring pagkasira ng kaayusan at kapayapaan sa bayan. Ngunit ang kaniyang panlulupay at hindi pag-awat ay dahilan sa mayroon siyang ibang naisin na kakaiba sa pinagtatalunan ng mga kinatawan ng bayan na nasa kapulungan.

234

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

            Ang kapitan ng mga kuwadrilyero ay humingi ng salita; pinayagan siya, ngunit hindi ibinuka ang bibig at muling naupo na lito at nahihiya.35

            Salamat at tumindig si Kapitan Valentin, ang pinakamalamig sa lahat ng konsebador at nagsalita.            “Hindi namin matatanggap ang panukala ng tinyente mayor dahil sa ang aming panukala ay isang bagay na higit sa nararapat.  Ang gayon karaming bomba at karaming gabi ng komedya ay gugustuhin lamang ng isang binata, gaya ng tinyente-mayor, na maaring makapagpuyat nang maraming gabi at makarinig ng maraming putok na hindi mabibingi.  Sumangguni ako sa mga taong matutuwid ang pag-iisip at lahat sila ay tutol sa panukala ni Don Filipo.  Hindi po ba gayon, mga ginoo?”

“Opo!  Opo!” ang sabay-sabay na sabi ng mga bata at matatanda. 

Ang mga bata ay natatawa na madinggan ng gayong pananalita ang isang matanda.             “Ano ang gagawin natin sa apat na hermano mayor?” ang patuloy ng matanda.  “Ano ang ibig sabihin ng inahing manok na iyan, mga pabo at mga litsong itatapon sa tubig?  Kayabangan ang sasabihin ng ating mga kalapit bayan, at pagkatapos ay anim na buwan tayong magsasalat.36  Ano ang pakikialam natin kay Sila at sa mga Romano?  Naanyayahan na ba nila tayo kahit minsan man lamang sa kanilang mga pista?  Ako mismo ay hindi pa nila naiibitahan, gayong ako ay matanda na!”            “Ang mga Romano ay naninirahan sa Roma na kinaroroonan ng Papa!” bulong sa kanyang marahan ni Kapitan Basilio.

“Ah, nauunawaan ko na ngayon!” bulalas ng matanda na hindi nangiti.  “Kung sila ang magpista marahil ay nangagbibihilya/vigil at ipinatatapon ng Papa sa tubig ang mga pagkain upang huwag magkasala.37  Subalit anuman, ang palagay ninyo ay hindi matatanggap, hindi magagawa, isang kahangalan!”

35 Kapitan ng kuwadrilyero ay katulad ng hepe ng pulis ngayon - Mapapansin na noon pa man ay mahiyain ng magsalita sa kapulungang pambatasan ang mga pinuno ng pulisya – mayroon na kayang Executive Order ang Gobernador Heneral noon na nagbabawal sa kanilang magsalita sa kapulungan ng lokal na batasan?36

Ipinapakita rito ni Rizal na ang pagiging labis-labis na paghahanda at gastos ng mga Pilipino sa paghahanda ay nagbubunga ng ating mga kasalatan. Ang walang patumanggang pagastos para sa anumang paghahanda ay isa na sa kahinaan ng mga Pilipino, sa ganito ay nawawala ang ating pagiging praktikal at nalilimutan natin ang bukas na magiging salat.

37 Nagbi-vigilia umiiwas sa pagkain ng karne - ipinapakita rito ni Rizal na ang mga paghahanda sa kapistahan sa mga bayan sa Pilipinas ay higit na maluho kaysa sa Vaticano na sentro ng Katolisismo.

235

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

Si Don Filipo, na tinutulan ng mahigpit, ay napilitang mag-urong ng kanyang panukala.            Ang mga konsebador na lalong masisidhi, na nasiyahang-loob dahil sa pagkatalo ng kanilang kalaban, ay hindi nangagambala nang tumindig ang isang binatang kabisa na humihiling na makapagsalita.38

“Hinihingi ko sa inyong mga ginoo na patawarin ako kung sakaling kahit bata ay nangahas na magsalita sa harap ng ganito karaming mga kagalang-galang na tao, na dahil sa kanilang katandaan at sa kalamigang-loob at mabuting pagkukuro na ginagamit sa pagpapasya sa mga bagay-bagay, datapwat dahil ang dakilang mananalumpati na si Kapitan Basilio ay nag-anyaya sa lahat upang ipahayag dito ang kanilang opinyon ay maging kalasag ng kaliitan ng aking pagkatao, ang kanyang sinabi na dapat igalang.”

Iginagalaw ng mga makaluma ang kanilang ulo na parang nasisiyahang-loob.          “Mabuting magsalita ang batang ito!  Hindi palalo!  Mahusay mangatwiran,” sabi ng isa’t isa.”39

            “Sayang at hindi marunong kumilos na mabuti!” ang puna ni Kapitan Basilio.  “Datapwa’t napagkikilalang hindi pinag-aralan si Ciceron at saka napakabata pa.”            “Kung inihaharap ko man sa inyo, mga ginoo, ang isang panukala,” ang patuloy ng binata, “ay hindi ko ginagawa ito sa pag-asang inyong mamabutihing lubos, ni inyong tatanggapin; ibig ko lamang na, kasabay sa nais kong sumailalim pang minsan sa kapasyahan ng lahat, ipakilala sa mga matatanda na kasang-ayon nila kami sa pag-iisip, yamang inaangkin naming lahat ang mga haka na inihanay dito nang buong inam ni Kapitan Basilio.”

“Mabuti, mabuti!” sabi ng mga napuring mga makaluma.  Si Kapitan Basilio ay sumenyas sa binata upang sabihin dito kung paano dapat igalaw ang kamay at kung paano dapat ilagay ang paa.  Ang tanging walang kaimik-imik ay ang kapitan na waring nalilibang o may iniisip:  waring ang dalawang bagay na ito ang nangyayari sa kanya. 

Ang binata ay nagpatuloy: “Ang aking palagay, mga ginoo, ay binubuo lamang ng sumusunod:  bumalak ng mga bagong bagay na panonoorin na hindi ang mga karaniwan at lagi nang nakikita sa araw-araw, at punyagiin na ang salaping nailak ay huwag lumabas sa ating

38 Pinatayo ni Rizal para magsalita ang isang batang cabeza de barangay – ang isang hindi kilalang tauhan na ito sa Noli Me Tangere ay gagamitin ni Rizal para sa pagpapahayag niya ng kaniyang alternatibong pananaw pampulitika, pangkabuhayan, panlipunan, at maghahayag ng lihim na kaisipan ni Rizal na kailangang mapag-aralang mabuti.

39 Sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Don Basilio ay ipinapakita ni Rizal na ang liberal na kaisipan ay nangangailangan na mapakinggan at hangaan ng mga makalumang kaisipan, sa layunin na maipakita ang katuturan nito sa ating lipunan.

236

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

bayan40 at huwag itapon sa pulbura,41 kundi gamitin sa isang bagay na pakikinabangan ng lahat.”42

            “Iyan nga!  Iyan nga!” ang payo ng mga bata, “iyan ang ibig namin.”            “Mabuti!” ang dugtong ng mga matatanda.            “Ano ang pakinabang natin sa isang linggong komedya na gusto ng tiniente-mayor?  Ano ang matututuhan natin sa mga hari sa Bohemya at Granada, na nagpapapugot ng ulo ng kanilang mga anak na babae o kaya ay binabala sa kanyon at pagkatapos ay magiging trono ang kanyon?  Hindi tayo mga hari, ni hindi tayo mga barbaro, wala tayong kanyon, at kung gagayahin natin sila ay mabibitay tayo sa Bagumbayan.43  Ano ang mga prinsesa na nakikisama sa  mga patayan, at nakikilaban sa mga prinsipe at nag-iisang lumilibot sa mga bundok at kaparangan, na parang natikbalang?  Sa ating kaugalian ay iniibig natin ang katamisan at masuyong ugali ng babae at nangingilabot tayong mahipo ang mga kamay ng isang binibini, na puno ng dugo, kahit ang dugong ito ay dugo ng isang moro o higante; sa atin ay hindi pinahahalagahan, at inaaring hamak, ang isang lalaking nanakit sa isang babae, maging siya man ay prinsipe, alperes o tagabukid.44  Hindi kaya makalibong mabuti ang itanghal

40 punyagiin na ang salaping nailak ay huwag lumabas sa ating bayan - Sa bahaging ito ay makikita ang pilosopiyang pang-ekonomiya ni Rizal, ang salapi ng bayan ay hindi dapat na lumabas mula rito kung hindi tunay na kailangang-kailangan. 41

Malupit ang simbolismong ito “ang salapi ng bayan ay hindi dapat itapon sa pulbura” – ayaw ni Rizal na ang napakalaking budget ay gamitin ng bayan para sa pulbura o mga bagay na pumuputok. Bahala na kayong intidihin iyan.

42 kundi gamitin sa isang bagay na pakikinabangan ng lahat – para kay Rizal, dito dapat gastusin ang salapi ng bayan. Tama po ba si Rizal, mga congressman at senador ng ating republika.

43 Ang pinapanood sa panahon ng Espanya ay mga kuwento ng pakikipaglaban ng mga dayuhang kaharian para sa kanilang kayalaan. Ngunit kapag sila ang gumaya sa mga nasabing palabas ay hahantong sila sa bitayan. Mapansin sana na muling binanggit ni Rizal dito ang Bagumbayan – parang alam na niya noon pa mang sinusulat niya ito kung saan niya pagbabayaran ng malaki ang kaniyang ginawang kapangahasan sa pagsulat ng Noli Me Tangere . Sa bahaging ito ay pansinin ang alternatibong pagtatanghal na pinanunukala ni Rizal sa pamamagitan ng batang cabeza de barangay.44

Pagpapakita ni Rizal na sa Pilipinas ang pananakit ng babae ay isang hamak na pag-uugali. Ang katotohanan ang tingin ng mga Pilipino ay bakla lamang ang mga lalaking nanakit ng babae. Paala-ala lamang sa mga babae na sinasaktan nang kanilang mga asawa – ikinalulungkot ko na ipaalam sa inyo na nakapag-asawa kayo ng isang bakla na nag-aanyong macho.

237

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

natin ang ating mga sariling kaugalian upang magamot ang masasama nating bisyo at mga kasiraan at itanyag ang mabubuting ugali?”45

            “Iyan nga, iyan nga!” ang ulit ng kanyang mga kasang-ayon.            “May katwiran!” ang bulong ng ilang matanda na nangmumuni-muni.

“Hindi ko naisip iyan, kailanman,” ang bulong ni Kapitan Basilio.46

            “Nguni’t paano ninyong magagawa ang bagay na iyan?” sabi ng isang ayaw malamangan.            Lubhang madali!” sagot ng binata.  “May dala ako ritong dalawang dula, na tiyak na aariing mabuti at mainam ng tumpak na pang-unawa ng mga kagalang-galang na matatandang nagkakatipon dito.  Ang pangalan ng isa’y ‘Ang paghahalal ng Kapitan sa Bayan,’ ito ay isang komedyang tuluyan na may limang yugto, na sinulat ng isa sa mga kaharap. 47  Ang isa naman ay may

45

Ipinapakita rito ang kahalagahan ng lokal na tanghalan sa pagtatanghal ng ating katutubong kultura at kaugalian bilang paraan sa muling pagkagising ng bayan sa kahigitan ng ating mga katutubong kahusayan na nawala dahilan sa pananakop ng mga dayuhan.

46 Mapapansin na maging ang mga matatanda, maaring may pagmamalaki dahilan sa kanilang mga karanasan at natamong kaalaman ay tahimik na tagahanga ng mga makabago at praktikal na kaisipan na nagmumula sa mga kabataan. Mayroong pangangailangan na maipakita ng bagong paniniwala ang kaniyang pagiging praktikal. Hindi dapat maging bantulot o duwag ang tagapagdala ng mga bagong paniniwala. Tandaan na ang unang kabiguan ay ang hindi pagsasagawa.

47 Mayroon tatlong gustong ipakita dito si Rizal: Una, ang mga lokal na manunulat ay mayroong magagawang

malaki kung ang kanilang mga sinulat ay tatanggapin ng sarili nilang mga kababayan. Hindi salat ang mga bayan-bayan sa mga mahuhusay na manunulat;

Pangalawa, Talaga yatang magkakasakit si Rizal kung hindi makapag-sisingit ng palihim na insulto. Pansinin ang pamagat ng tula at pagkatapos ang sumunod na mga salita “‘Ang paghahalal ng Kapitan sa Bayan,’ ito ay isang komedyang tuluyan” Ang halalan sa Pilipinas ay isang komedyang tuluyan – kung nabubuhay lamang si Rizal ay makikita niyang napakarami ng yugto ang komedya ng halalan sa Pilipinas.

Pangatlo: Ang sumulat ng komedya ay isa sa mga kaharap – siguro ang sumulat ay kalaban sa eleksiyon ng pinunong bayan na hindi matanggap ang pagkatalo kaya sumulat ng komedya. Talagang ang pinoy panahon pa ni Rizal ayaw tumanggap ng pagkatalo.

Makikita rito na sa kabila ng kaiklian ng pangungusap ni Rizal, pero napakabigat at punong-puno ng kahulugan.

238

Page 14: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

siyam na yugto, dulang kababalaghan at may kaayusang satiriko, na sinulat ng isa sa mga mahuhusay na makata ng lalawigan at ang pamagat ay ‘Mariang Makiling.’48 

Sa pagkakakita naming magiging mabagal ang pagtatalo tungkol sa paghahanda ng pista, at sa takot na kapusin sa panahon, ay lihim naming hinanap ang aming mga taong magsisilabas at pinapag-aral namin ng kani-kanilang mga gagampanan.49 Inaantay naming ang isang linggong pagsasanay ay sapat na upang kanilang magampanang mabuti ang kani-kanilang tungkulin.   Ang bagay na ito, mga ginoo, bukod sa bago, makabuluhan at karapat-dapat ay may isa pang kabutihan, ang di-pangangailangan ng malaking gugulin:  hindi tayo mangangailangan ng mga kagayakan, magagamit ang mga kasuutan natin; ang mga karaniwang gamit.”50

48 “es un drama fantástico de carácter satírico, escrito por uno de los mejores poetas de la provincia” ito ang tekstong Espanyol – simple lamang ang adbertisyo ni Rizal sa kaniyang Noli Me Tangere – isang pantastikong drama na may karakter na satiriko. Sa salin ni Patricio Mariano ay dulang kababalaghan at may dinadaliring kasamaan

Pagkatapos ay pansinin pa escrito por uno de los mejores poetas de la provincia - “sinulat ng isa sa mga pangunahing makata sa kanilang kalalawigan” – tandaan natin na ang San Diego sa paglalarawan ni Rizal ay isa sa mga bayan ng Laguna at tagaroon si Rizal. Napansin mo bang simple lang si Rizal sa pagpapakilala ng nobela at ng kaniyan sarili.

KARAGDAGANG KAALAMAN:Maging si Rizal ay mayroong isang katha na pinamagatang Maria Makiling

49 Pansinin na mayroong mga inihahanda na gaganap na lihim na sinasasanay para sa pagtatanghal ng bayan.

50 “Ang bagay na ito, mga ginoo, bukod sa bago, makabuluhan at karapat-dapat ay may isa pang kabutihan, ang di-pangangailangan ng malaking gugulin: hindi tayo mangangailangan ng mga kagayakan, magagamit ang mga kasuutan natin; ang mga karaniwang gamit” Kanina ay ipinakita ni Rizal na mayroong sikretong sinasanay na mga aktor para sa kanilang mga gagampanan … na ang mga ito ay maari rin mga Pilipino lihim na sinasanay para gampanan ang tungkulin sa bayan. Sa bahagi kayang ito ay lihim kayang ipinararating ni Rizal ang kaniyang programang pampamahalaan ng pagkakaroon ng awtonomiya mula sa Espanya?

Pansinin ang paghahati ng mga salita: Isipin ninyo“Ang bagay na ito, mga ginoo, bukod sa bago, makabuluhan at karapat-dapat ay may isa pang kabutihan, ang di-pangangailangan ng malaking gugulin: (dahilan sa ang mga Espanyol na opisyal at mga empleyado ng kolonyal pamahalaan na pinasusuwelduhan mula sa buwis ng mga Pilipino). Hindi tayo mangangailangan ng mga kagayakan, (ang mga opisyal na Espanyol ay laging naka-gala uniform at marami pang mga dekorasyon) magagamit ang mga kasuutan natin; (puwedeng isuot ang

239

Page 15: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

            “Ako ang gugugol para sa entabladong tanghalan!” ang bulalas ni Kapitan Basilio.51

            “Kung may lalabas na kuwadrilyero ay ipahihiram ko ang aking mga tauhan!” sabi ng kapitan ng kuwadrilyero.52

            “At ako… at ako… kung kailangan ang isang matanda…” ang sabi ng isa at ipinakatuwid-tuwid ang katawan.53

            “Tinatanggap, tinatanggap!” ang sigaw ng marami.54              Ang tiniente-mayor ay maputlang-maputla dahil sa laki ng kagalakan; nangilid ang luha sa kanyang mga mata.55

barong na hindi na kailangan na sakluban ng frock coat) at mga karaniwang sa ating buhay (puwedeng magpakatotoo). Maaring ang mga mensaheng ito ay nakatago na sa atin bunga ng agwat ng panahon – subalit sa kapanahunan ni Rizal ay marami siyang mga mambabasa na nakakaintindi nito.

51 “Ako ang gugugol para sa entabladong tanghalan!” ang bulalas ni Kapitan Basilio.” - sa pananalita ni Kapitan Basilio ay mayroong lihim na mensahe si Rizal. Inaasahan niya na ang mga Pilipinong mayayaman ay gugugol para sa paghahanda ng entablado kung saan maaring gampanan ng bayan ang kaniyang tunay at malayang kasaysayan.

52 “Kung may lalabas na kuwadrilyero ay ipahihiram ko ang aking mga tauhan!” sabi ng kapitan ng kuwadrilyero. – Inaasahan na kaya ni Rizal na ang mga Pilipino na naglilingkod sa kolonyal na kapulisan ay makakatulong sa pagkilos para sa gaganaping pagtatanghal ng bayan.

Pansinin ang lihim na programa ni Rizal - Kung kinakailangang kumilos ang bayan para sa ating kalayaan ay mayroon ng nakahandang armadong pangkat para maisagawa ito – ang mga kuwadrilyero, na kahit na totoo na salat sa mga sandata (gaya ng ipinakikita sa Talababa Blg. 1) ay maaring makipaglaban para sa kalayaan ng bayan. Ito ang dahilan, kung bakit hindi nagsikap ang Espanya na mabigyan ng makabagong armas ang mga kuwadrilyero ng mga pueblo kahit na ang mga ito ay nasa panganib ng pananalakay ng mga tulisan. 53

“At ako… at ako… kung kailangan ang isang matanda…” ang sabi ng isa at ipinakatuwid-tuwid ang katawan. Ang pagganap sa isang makasaysayang pagtatanghal sa entablado ng bayan ay hindi lamang para sa mga kabataan, maging ang mga matatanda ay mayroon mahalagang papel sa aktwal na pagtatanghal sa entablado ng kasaysayan.

54 “Tinatanggap, tinatanggap!” ang sigaw ng marami” - Ipinapakita ni Rizal sa bahaging ito na ang pagsasagawa ng isang pagtatanghal pangkasaysayan ay nangangailangan ng kolektibong pagsang-ayon ng mga mamamayan.

55 “Ang tiniente-mayor ay maputlang-maputla dahil sa laki ng kagalakan;

240

Page 16: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

“Napapaiyak sa sama ng loob!” ang  inakala ng ayaw  magparaya ng anuman, at sumigaw:56

            “Tinanggap, tinanggap nang walang pagtatalo!”           At siyang-siya ang kalooban sa paghihiganti at lubos na pagkatalo ng kanilang kalaban ay pinuri ng labis ang balak ng binata. Ito ay nagpatuloy. “Ang ikalimang bahagi ng salaping naipon ay bahaginin sa ilang gantimpala; halimbawa, sa lalong mabuting bata sa paaralan, sa pinakamahusay na pastol, magsasaka, mangingisda, atbp.  Makapaglalaro tayo ng patulinan ng bangka sa ilog sa dagat-dagatan, patakbuhan ng kabayo, palusebo, at maglagay ng iba pang palaro na malalahukan ng ating mga magbubukid.57 Sang-ayon ako na, alang-alang sa ating kinaugalian, magkaroon ng kastilyo; ang mga rueda at mga kastilyo ay mainam at masayang panoorin, ngunit inaakala kong hindi natin kailangan ang mga bomba na ipinalagay ng tenyente-mayor.  Upang pasayahin ang kapistahan ay sukat na ang dalawang bandang musiko, sa gayon ay maiiwasan natin ang mga kagalitan at pag-aaway na siyang sanhi, na ang mga kaawa-awang musiko na dumadalo upang pasayahin ang ating mga pista ay nagiging tulad sa mga manok na nagsasabong, na pagkatapos ay umuuwing masama na ang bayad, masama ang pagkain, ay bugbog pa ang katawan, at kung minsan ay sugatan pa.  Ang salaping lalabis ay iuukol sa pagsisimula ng konstruksiyon ng isang bahay na magagamit na paaralan, sapagkat hindi natin mahihintay na ang Diyos ang pumanaog at siyang magtayo noon:  lubhang kasakit-sakit, na samantalang tayo ay may isang sabungan na maibibilang sa mga pinakamalaki, ang ating mga bata naman a nag-aaral sa tabi ng sabsaban ng kabayo ng kura.  Ito ang buong balak, sa maikling sabi:  ang pag-ayos sa kanya’y dapat na maging gawain ng lahat.

Isang masayang ingay naghari sa salas:  lahat ay halos sumang-ayon sa binata, mangilan-ngilan lamang ang bumubulong.

“Mga bagong bagay!  Mga bagong bagay!  Sa aming kabataan…”58

nangilid ang luha sa kanyang mga mata” Sa pamamagitan ng pangingilid ng luha ni Don Filipo ay ipinadadama ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa ang kaligayahan na maaring matamo ng bayan sa kanilang pagtatamo ng kalayaan na makapagtanghal na malaya sa entablado ng kasaysayan ng bayan.56

“Napapaiyak sa sama ng loob!” ang  inakala ng ayaw  magparaya ng anuman” Inihahandog ko ang bahaging ito sa mga ayaw maniwala na ang mga pagsusuring ito sa talababa 50-55 ay siyang nakatagong mensahe ni Rizal para sa kaniyang mga matatalinong mambabasa.

57 Na ang katutubong laro ay isa sa mga ninanais ni Rizal na pagsikapan na buhayin sa panahon ng kapistahan. Alam ni Rizal ang kahalagahan ng palakasan (hindi yong malapit sa mataas na tao) sa kadakilaan ng isang malayang bayan. Sapagkat ang pisikal na lakas ng ating mga batikang manlalaro ay indikasyon ng pisikal na kalakasan ng kaniyang mga mamamayan.

58 Mapansin sana na ang kabisa ng barangay ay bata at binata –

241

Page 17: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

“Tanggapin na muna natin sa ngayon!” ang sabi ng iba, “inisin natin iyon.”59 At itinuro ang tinyente-mayor.60

Nang maghari ang katahimikan, ang lahat ay sang-ayon na, at hinihintay ang pasya ng kapitan.          Ito ay nagpapawis, hindi mapalagay, hinaplos ang noo at sa huli ay bahagya nang pautal na nakapagsabing: “Ako man ay sang-ayon din… ngunit, ehem!”61

           Ang buong tribunal ay tahimik na nakikinig.           “Datapwat ano?” ang tanong ni Kapitan Basilio           “Lubos na sang-ayon!” ang ulit ng kapitan, “itong… hindi ako sang-ayon… itong oo, datapwa’t…” at kiniskis ng kamay ang mata.           “Subalit ang kura,” ang patuloy ng kahabag-habag na tao, “ang ibig ng kura ay iba.”

pagpapakita ni Rizal na ang kabataan ay may kakayahan na manguna sa kapakanan ng bayan, makikita din sa batang kabisa ang lalim ng dedikasyon at komitment para sa bayan – mga malilinis na hangarin ng mga batang namumuno sa bayan bago sumapit sa dapithapon ng kanilang ideyalismo, sa mga panahon na hindi pa sila nahahantad sa virus na nagkalat sa mga trapo na kanilang nagagamit, naisu-suot, nahahawakan, o napapadaiti sa kanilang konsensiya.

59 Sa pananalitang ito ng mga kasama sa lokal na batasan ay ipinakikita ni Rizal ang sistema ng pang-iinis ng batas. Maaring mayroong pagkakataon na ang isang panukala na nasa kapulungan ay labis na popular at ito ang hinihingi ng mga tao. Dahilan sa popularidad ay mayroong mga mambabatas na hindi nangangahas na sumasalungat dito, subalit sa panahon ng pagpapatupad ay doon sila gumagawa ng pamaraan upang inisin o maging inutil ang batas.

Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ang BATAS RIZAL na nagtatadhana ng pagtuturo ng buhay, ginawa, at sinulat ni Rizal. Subalit natakot ang isang makapangyarihang negosyo sa bansa at ang naging paraan ay maipabasa sa mga mag-aaral na Pilipino ang sanitized edition ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.60

Pakunwari pa si Rizal na ang itinuturo ay si Don Filipo. Upang pagtakpan ang kaniyang palihim na mensahe. - Ano ang katunayan na ang batas ang talagang nais na ipakita ni Rizal na iniinis at hindi si Don Filipo?

Sa kapanahunan ni Rizal ay maraming mga batas pang-reporma ang Espanya para sa kanilang kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas, subalit ang mga batas na iyon ay binibinbin o kaya ay hindi ipinatutupad sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Gobernador Heneral na tinatawag na cumplase.Isa sa mga batas na nais na ipatupad ng Espanya noon sa Pilipinas ay ang codigo civil na kung saan ang bahagi ng tinatawag na kasal sibil ay pinahihintulutan. Subalit ang probisyon ukol sa kasal sibil ay tinutulan ng mga prayle at hindi ipinatupad sa Pilipinas.61

Naririto na naman ang simbolikal na pag-ubo ng kapitan ng bayan.

242

Page 18: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

           “Ang gunagastos ba sa pista ay ang kura o tayo?  Nagbibigay ba siya ng isang kuwalta man lamang?” ang bulalas ng isang matalas na tinig.62

           Ang lahat ay napatingin sa dakong pinanggalingan ng mga pangungusap na ito:  ang naroroon ay ang pilosopong si Tasyo.           Ang tinyente-mayor ay nakatayong nakatitig sa kapitan.           “At ano ang ibig ng kura?” ang tanong ni Kapitan Basilio.                  “Ang ibig ng kura…ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong malalaking misa…at kung may salaping lumabis ay komedyang Tundo at awit sa mga pagitan”                      “Ayaw kami!” sabi ng mga binata at ilang matanda.                       “Iyon ang ibig ng Padre Kura!” ang ulit ng kapitan, “ipinangako ko sa kura na masusunod ang kanyang hangad.”                      “Kung gayon ay bakit ninyo kami pinulong?”                       “Upang ang…sabihin ko sa inyo!”                       “At bakit hindi ninyo sinabi sa una at una pa?”            “Sasabihin ko nga sana sa inyo, mga ginoo, ngunit nagsalita agad si Kapitan Basilio at hindi ako nagkapanahong… Kailangang sundin ang kura!”63

           “Kailangang sundin!” ang ulit ng ilang matanda.           “Kailangang sumunod, at kung hindi ay ibibilanggo tayong lahat ng alkalde!” ang dugtong na malungkot ng ibang matanda.           “Kung gayon ay sumunod kayo at kayo ang gumawa ng pista!” bulalas ng kabataan na sabay tindig.  “Iniuurong namin ang aming ambag.”           “Nasingil nang lahat!” sabi ng kapitan.           Nilapitan ni Don Filipo ang kapitan at pinagsabihang: “Nilimot ko ang paglingap sa sarili, nang dahil sa isang mabuting

62

Isang mapait na komento ni Rizal sa mga alagad ng simbahan, hindi naman sila gumagastos (kung sa ating panahon ay exempted sa buwis) ngunit sila ang maingay sa pagtutol sa mga patakaran ng pamahalaan na hindi angkop sa kanilang mga kagustuhan.63

Kaya lang pala nakapagsalita ang mga tao sa pulong sa tribunal ay inatake lamang ng ubo ang Kapitan, wala pala siyang balak na magkaroon pa ng deliberasyon sa bulwagan. May commitment na ang puno ng bayan sa puwersang naglagay at nagpapanatili sa kaniya sa kapangyarihan. Takot siyang sirain ang commitment dahilan sa alam niyang may puwersa ang kura na alisin siya sa puwesto, na maaring katulad ng mga hinalinhan niya. Hindi siya kayang ipagtanggol ng iilan at walang sapat na kasanayang mga kuwadrilyero na ang arsenal ay naglalaman lamang ng mga sandatang luma at naliligiran ng kolonyal na hukbo na may higit na makabago at malakas na sandata, malayang nakakabisita sa kanya, at kinakatulong pa ang kaniyang mga kuwadrilyero sa pagsupil sa mga taong labas na nagsusulong ng armadong pakikibaka laban sa kolonyal na pamahalaan. Ito ang mukha ng puppet na pinuno ng bayan noong panahon ng Espanya.

243

Page 19: Noli Me Tangere Deciphered-kab020

bagay; kayo ay nilimot ninyo ang karangalan ng pagkalalaki dahil sa isang masama at ibinagsak ninyong lahat…”64

Sabi ni Ibarra sa guro ay: “May ipagbibilin ba kayo sa kapitolyo?  Ngayon din ay aalis ako.”            “Mayroon ba kayong pakay?”            “Mayroon tayong pakay!” ang sagot ni Ibarra na parang may ipinaglilihim.           Sa daan ay sinabi ng matandang pilosopong si Tasyo kay Don Filipo, na nagmumura sa kanyang kapalaran, na: “Tayo ang may kasalanan! Hindi kayo nangagsitutol nang kayo ay bigyan ng isang pinunong alipin, at ako naman, ulol na tao ako, ay aking nalimot ang gayon.”65

64 Nilimot ni Don Filipo ang sariling karangalan dahilan sa ipinasok niya ang isang panukalang hindi sinang-ayunan ng lahat. Subalit ang puppet na kapitan ng bayan ay nilimot ang karangalan ng pagiging isang lalaki na dapat sanang lagyan ng paninindigan at dahilan sa kawalan nito, ang buong kapakanan ng bayan ay lalong napariwara.65

Huwag kang umasa na magkakaroon ng mabuting pulitiko kung ang bayan ay hindi marunong bumoto. Huwag kang umasa na magkakaroon ng matinong gobyerno, kung hindi ka marunong na tumutol sa mga katiwalian. Sa huli, huwag kang umasa ng pagbabago mula sa isang pinunong uto-uto sa malakas na puwersa ng lipunan, tau-tauhan ng panlabas na pamahalaan o ng mga dayuhang mamumuhunan.

244