Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab026

  • View
    284

  • Download
    8

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab026

KABANATA 26 BISPERAS NG PIYESTANgayon ay ikasampu ng Nobyembre, bispiras ng pista. Bumangon ang bayan mula sa kanyang karaniwang ayos, at napaloob ito sa isang mabilis na kilusan na walang katulad;1 sa bahay, sa daan, sa simbahan, sa sabungan at sa bukid: ang mga bintana ay puno ng banderitas at mga kurtinang may sari-saring; sa lahat ng dako ay maririnig ang putukan at musika; ang simoy ay napuno ng kasayahan. Ibat ibang minatamis na gawa mula sa mga katutubong prutas Sa ibabaw ng maliit na lamesa na nalalatagan nang maputing panapin na binurdahan, iniaayos ng mga dalaga sa mga lalagyang kristal. Sa bakuran ay sumisiyap ang mga tandang, kumakakak ang mga inahin, umuungol ang mga baboy, na puno ng takot dahil sa kasayahan ng tao.2 Akyat-panaog ang mga alila na may dalang mga kasangkapan, mga kubyertos na pilak: sa dako rito ay may kinagagalitan dahil sa pagkabasag ng isang pinggan, sa dako roon ay pinagtatawanan ang isang tangang babaing tagabukid: sa lahat ng dako ay may naguutos, may usap-usapan, nagsisigawan, nagpapapalitan ng palagay dahil sa nangyayari, ang bawat isa ay nag-uutos sa paggawa, at ang lahat ay kaguluhan, ugong at kaingayan. At ang lahat ng pagsusumakit na ito at ang lahat ng pagpapagod ay dahil sa dadalong kakilala o di kakilala; at upang libangin ang sinumang taong marahil ay hindi pa nakikita kundi noon lamang, ni hindi na naman makikitang muli pagkatapos, upang ang dalo, ang taga-ibang lupa, ang kaibigan, ang kaaway, ang Pilipino, ang Kastila, ang mahirap, ang mayaman, ay umalis na taglay ang kasiyahang-loob at kabusugan: hindi man lamang sila hinihingan ng utang na loob, ni hindi inaasahan silang hindi gagawan ng masama sa mapagpatuloy na mag-aanak samantalang natutunaw sa tiyan ang kinain o matapos ang gayon! Ang mga mayayaman, ang mga nakapuntang minsan man lamang sa Maynila at nakakita nang higit kaysa iba, ay nagsibili ng serbesa, champagne, mga alak at mga pagkaing galing sa Europa, mga bagay na bahagya na nilang matitikman

MGA PALIWANAG 1 Sa kapanahunan ng kapistahan ay nagiging mabilis ang aktibidad ng mga tao kahit na sa isang liblib na bayan. Ang bayan na sinasabihang tamad sa loob ng isang linggong pagdiriwang ay dadayuhin ng mga tao at bibilis ang pagkilos ng mga tao at ang pag-kot ng gulong ng komersiyo. 2 Ipinapakita na ang kasiyahan ng mga tao ay nakapangingilabot sa mga hayop.

332

o maiinom ang isang lagok. Ang kanilang mga dulang ng pagkain ay magara ang pagkakahanda.3 Sa gitna ay may disenyo na parang pinya, na mabuti ang pagkakagaya, na kinapapakuan ng mga panghinuki, na tinabas nang kahusayan ng mga bilanggosa mga sandaling ipinagpapahinga. May anyong pamaypay, may anyong tungkos ng bulaklak, isang ibon, isang bulaklak, isang palaspas o mga tanikala na pawang gawa sa isang putol na kahoy: ang gumawa ay isang naparusahan, ang kasangkapan ay isang masamang kampit at ang nag-udyok sa paggawa ay ang tinig ng bastonero.4 Sa tabi ng pinyang ito, na tinatawag na palillera, ay nangakatumpok sa mga lalagyang kristal ang matataas na bunton ng suha, lansones, atis, tsiko, at mangga, kahit na buwan ng Nobyembre.5 Pagkatapos, sa malalapad na pinggan sa ibabaw ng mga papel na may mga ukit at may pintang maiinam na kulay, ay may mga hamon na galing sa Europa, sa Tsina, isang malaking pastel na ayos-Agnus Dei o kalapati marahil, ay ang Espiritu Santo, mga relyenong pabo, atbp., at kasaliw ng mga tinuran ang pang-alis-suyang mga botelya ng atsara, na may sari-saring ayos, na bulaklak ng bunga at iba pang gulay at bungangkahoy, na mainam ang pagkakaputul-putol at nadidikit sa mga tagiliran ng garapon sa pamamagitan ng arnibal. Nililinis ang mga globong kristal na nagkasalin-salin sa mga magkakaanak;6 pinakikintab ang mga kagamitang tanso; inaalisan ng takip ang mga lamparang gas, na nakabalot sa cavass na pula na pinagtataguan sa buong santaon, sa langaw at lamok, na nakasisira sa kanila; ang mga almendras at palawit na kristal na may tapyas ay naggagalawan, mataginting na nag-uumpugan, umaawit, na parang nakikisabay sa kapistahan, nasasayahan at nagbibigay ng liwanag sa pagtatapon sa mga dingding ng sari-saring kulay ng bahaghari. Ang mga bata ay naglalaro, nagsasaya, hinahabol ang mga kulay,3 Sa panahon ng kapistahan ay handang ipakain at ipatikim ng mga Pilipino sa kanilang mga bisista ang mga pagakin at inumin na bihira o hindi man lamang nila natitikman, sa araw-araw na buhay. 4 Ang mga kasangkapan sa mesa ay gawa sa bilangguan na ipinagbibili sa labas. Maging ang mga bilanggo ay mayroong angking pagka-malikhain at kahusayan sa sining. Mga kasanayan, na maaring natutuklasan at nagagawa lamang ng mga bilanggo sa panahon na sila ay nasa kulungan at doon lamang nila nasisiyasat ang kahusayan na hindi nila alam na taglay nila noong sila ay malaya pa. 5 Pagpapakita ni Rizal ng kakayahan ng mga Pilipino na makapagbunga ng mga prutas kahit wala sa panahon. Ang kamahalan ng mga prutas sa buwan ng Nobyembre na idinidikta ng malaking kahilingan (demand), ang susi sa pagtuklas ng mga Pilipino ng mga pamamaraan para magawa ang mga mahihirap na bagay. 6 Isa sa ipinapamana ang globong kristal na siyang pumapaloob sa isang ilawan na ginagatungan ng langis o kerosina ipinapakita ang kamahalan at kahalagahan ng kasangkapang ito.

333

natatalisod, nakababasag ng mga tubo, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakapipigil sa kasayahan ng pista: kung sa ibang araw lamang nangyari iyon ay iba sanang bagay ang ibabayad na luha ng kanilang mabibilog na mata.7 Kagaya ng mga iginagalang na mga lamparang iyon, ay nailalabas din sa tataguan ang mga gawain ng mga dalaga: mga takip na gawa sa gantsilyo, mga maliliit na alpombra, mga bulaklak na papel;8 lumalabas ang lumang bandehang kristal na ang ilalim ay may nakapintang isang munting lawa na may maliliit na isda, buwaya, kabibe, lumot, at talampas na bubog na may mariringal na kulay. Ang bandehadong ito ay pinupuno ng tabako, sigarilyo at maliliit na hitso na pinilipit ng mga makikinis na kamay ng mga binibini. Ang sahig ng bahay ay makintab na parang salamin; mga kurtinang pinya o husi sa mga pintuan; sa mga bintana ay nakasabit ang mga parol na salamin o papel na kulay-rosas, bughaw, luntian at saga:9 ang bahay ay puno ng bulaklak at mga pasong nalalagay sa mga pedestal na galing sa Tsina; pati na ang mga santo ay hinihiyasan, ang mga larawan at mga reliquia ay nag- -aanyong pista, inaalisan sila ng alikabok, nililinis ang mga salamin, at nilalagyan ng bulaklak ang kanilang mga sisidlan.10 Sa mga lansangan, may mumunting patlang na may mga nakatayong maiinam na arkong kawayan na ibat iba ang pagkakagawa, na nalilibiran ng kaluskos, na sa pagkakita sa kanila ay nagpapasaya sa puso ng mga bata. Sa paligid ng patio ng simbahan naroroon ang malaki at mamahaling tolda, na ang tukod ay mga kawayan, upang madaanan ng prusisyon. Sa ilalim ng toldang ito ay naglalaro ang mga bata, nagtatakbuhan, nag-aakyatan sa kawayan, naglulundagan at napupunit ang mga bagong baro na dapat sanang isuot sa araw ng pista.11 Sa liwasan itinayo ang ang tanghalang kawayan, pawid at kahoy: doon magtatanghal ng kahanga-hanga ang kompanya ng Tundo12 at makikipag-agawan sa mga diyos sa kababalaghang walang7 Nagiging mapagbigay at mapagpasensiya ang mga tao sa panahon ng kapistahan. 8 Paglalarawan sa kahusayan ng mga kababaihan sa gawaing kamay at ang kapistahan ay isang panahon na kanilang naipapakita sa maraming tao ang kanilang mga husay sa mga sining na ginagamitan ng kamay. 9 Ang kalinisan ng bahay ay pinag-iibayo sa araw ng kapistahan. Mapapansin na noon pa man, ang mga palayok na gawa sa Tsina ay isa na sa mga paboritong gamit ng mga Pilipino sa kanilang mga bahay. 10 Makikita na pana-panahon lamang ang debosyon ng mga Pilipino sa rebulto ng kanilang mga santo/santa hinahayaan nila ito sa isang lugar na inaalikabok sa loob ng isang taon at inilalabas lamang sa panahon ng kapistahan. Isang anyo ng debosyon na pakitang tao lamang. 11 Ipinapakita ni Rizal ang pagiging masayahin at likas na kalikutan ng mga batang Pilipino. 12 Ang Tondo ay nagsisilbing lugar ng mga mahuhusay na artista sa

334

katotohanan;13 doon aawit at magsasayaw sina Marianito, Chananay, Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria, atbp.14 Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga dulaan at malugod na nanonood ng mga dula: tahimik na nakikig sa mga awit, humahanga sa sayaw at kilos, hindi sumisipol, ngunit hindi rin naman pumapalakpak.15 Kung hindi maibigan ang palabas ay nginunguya ang kanyang hitso o kaya ay umaalis nang hindi nakabubulahaw sa ibang marahil ay nagigiliw sa palabas. Maminsan-minsan lamang umuungol ang mga dukhang taong-bayan, kung hinahagkan o niyayakap ng mga

tanghalan. Maging si Andres Bonifacio ay naging artista sa entablado, noong panahon ng kaniyang kabataan. Sino ang magsasabi na ang mga artistang pulitiko ay ngayon lang si Bonifacio ang una sa kanila. 13 Ang isa sa mga orihinal na layunin ng pagtatanghal sa entablado ay isang pang-aliw na itinatakas ang isipan ng mga tao sa malagim na realidad ng buhay at ng kanilang lipunan, kaagaw ng mga diyos tinutukoy ang mga pamahiin at kuwento ukol sa mga himala ng santo at santa ng simbahan ay kakalabanin ng mga kababalaghan sa aksiyon at drama na itatanghal sa entablado. 14 Tinutukoy ni Rizal dito ay ang mga sikat na artista sa entablado noong kaniyang kapanahunan. Dahilan sa wala pa ang cinema, ang mga artista ay dumadayo upang magtanghal sa ibat ibang lugar na mayroong kapistahan. Mga kilalang artista sa tanghalan sa kapanahunang iyon. Ito ang isinasaad ng Glosaryo: y Si Ratia ay artistang Pilipino na sumali sa maraming pagtatanghal ng sarsuwela sa Maynila at nakapagtanghal din sa teatro Felipe sa Espanya noong taong 1877-1878. y Si Jose Carvajal ay isang mestisong Espanyol na napabantog bilang komedyante. y Si Yeyeng na ang buong pangalan ay Praxedes Fernandez ay isang artistang lalong bantog at kinalugdan ng madla, maging ng mga Pilipino at mga Espanyol. Tinuruan siya ng isang artistang babae