Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab037

  • View
    2.015

  • Download
    9

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab037

KABANATA 37 ANG KAPITAN HENERALGusto kong kausapin ang binatang iyan! ang sabi ng Heneral sa isa niyang ayudante, ginising niya ang aking pagnanais na siya ay makilala. Ipinasundo na po, aking Heneral! Subalit dito ay may isang binatang taga-Maynila na humihinging mapilit na makapasok. Sinabihan naming ang inyong kamahalan ay walang panahon at hindi naparito upang tumanggap sa mga may sumbong kundi upang tingnan ang bayan at ang prusisyon, ngunit ang tugon ay palaging may panahon ang inyong kamahalan sa pagagawad ng katarungan 1 Ang Heneral ay patakang tuminging sa alkalde.2 Kung hindi ako nagkakamali, sagot ng alkalde yumuko nang bahagya, siya ang binatang nakipag-away ngayong umaga kay Padre Damaso dahil sa sermon. Isa pa? Hindi yata at mayroon pang iba, Ibig ba ng prayleng iyan na guluhin ang lalawigan, o inakalang siya ang nakapangyayari rito? Sabihin ninyo sa binatang iyan na pumasok!3 Ang Heneral ay nangangatal sa galit na nagpalakad-lakad sa magkabilang dulo ng salas. Sa pook na bago pumasok sa salas ay may ilang Kastila na kahalo ng mga kawal at mga pinuno sa San Diego at mga mamamayan; pulu-pulutong na nag-uusap o nagtatalo. Naroon

MGA PALIWANAG 1 Tinuturuan ni Rizal ang mga Pilipino na lumapit sa Kapitan Heneral at umasa sa kagandahang loob nito. Sa kabilang dako ay mababakas ang pagiging mapagparaya ng Kapitan Heneral at kahandaan na duminig ng reklamo ng karaniwang tao. Malaking kaibahan sa karanasan ni Rizal noong nag-aaral pa sa UST, minsang ay pinalo siya ng espada sa likod ng isang opisyal hukbong Espanyol at ito ay kaniyang isinumbong sa GH ngunit si Rizal ay hindi pinakiharapan nito. 2 Ang tinging nagtataka ng Kapitan Heneral sa alkalde ay isang simbolismo ng pagsita/reprimand sa kawalan ng katarungan o kakayahan ng alkalde na magkaloob nito sa lalawigan. Maingat ang alkalde dahil ang sangkot ay ang isang binata at si Pray Damaso na kapwa nagbuintalan. 3 Mahahalata na may taglay na pagka-asar ang Kapitan Heneral kay Pray Damaso - ang katunayan ay kaniyang pinakinggan ang sumbong ng estudyante na nakabuntalan ng huli.

433

din ang lahat ng prayle, liban lamang kay Padre Damaso, at ibig magsipasok upang bumati sa Heneral.4 Ipinamamanhik po sa inyo ng marangal na Kapitan Heneral na maghintay na sandali, sabi ng ayudante sa mga pari, tuloy kayo, binata!5 Ang taga-Maynilang iyon na nagkamaling paghaluin ang Griyego at wikang Tagalog ay pumasok na namumutla at nanginginig sa kabahayan. Lahat ay namamangha: marahil ay malaki ang galit ng Heneral sapagkat nagawang paghintayin ang mga prayle. Ang wika ni Padre Sibyla ay: Ako ay walang anumang sasabihin sa kanya nagsasayang lamang ako rito ng panahon!6 Gayon din ako, ang dugtong ng isang Agustino, halinang umalis! 7 Hindi kaya lalong mabuti ang alamin natin kung ano ang kanyang iniisip? tanong ni Padre Salvi, maiiwasan natin ang isang gulo at maipaaalaala natin sa kanya ang kanyang mga kautangan ng loob sa relihiyon8 Makapapasok po kayo, kung ibig, ang sabi sa mga prayle ng ayudante, na inihatid ang binatang hindi marunong ng wikang Griyego, na ang mukha ay kinalalarawanan ng kasiyahan nang lumabas.

4 Sa kabila ng pagkakaroon ng ibang mga tao na higit na nakakataas sa katungkulan ay inuna pa ng Kapitan Heneral ang binatang mayroong idinudulog sa kanya. 5 Mapapansin na pinaghintay pa ang mga prayle at inunang kausapin pa ang estudyanteng nagsusumbong laban kay Pray Damaso. Ang paghintayin ang mga prayle sa panahong ng mga Espanyol ay isang malaking insulto sa mga kaparian paghintayin ang mga kahalili ni Jesucristo sa lupa at unahin pa ang isang estudyante. 6 Nararamdaman ni Padre Sybila ang pagkakainsulto sa kanila ng sila ay pag-hintayin. 7 Mapapansin na nagkakaisa ang mga prayle sa pagkamuhi sa isang Kapitan Heneral na walang pagpapahalaga sa kanila. 8 Ang aktwasyon ni Padre Salvi ay katulad ng mga diplomatikong prayle noon na hindi hayagang lumalaban sa di kapanalig na Kapitan Heneral, subalit gumagawa ng paraan upang ipakita rito na sila ang tunay na makapangyarihan sa Pilipinas.

434

Si Pray Sibyla ang unang pumasok; sa likod ay kasunod si Padre Salvi, si Padre Manuel Martin at ang iba pang pari. Pakumbabang nangagsiyuko, liban na kay Padre Sibyla na nagtaglay sa pagyuko ng isang pagkamataas; si Padre Salvi ay kaiba, halos nabaluktot ang baywang.9 Sino po sa inyong mga kagalang-galang si Padre Damaso? ang biglang tanong ng Heneral na hindi sila inalok na maupo, ni hindi man itinanong ang kanilang kalagayan, at hindi sila binati ng mga salitang may papuri gaya ng nakapamihasnan ng mga gayong katataas na tao. Si Padre Damaso ay hindi po namin kasama! ang sagot ng matigas ng pananalita ni Padre Sibyla. Nahihiga po ang lingkod ng inyong kamahalan, pakumbabang dugtong ni Padre Salvi, matapos na magkaroon kami ng lugod na batiin kayo at mabatid ang inyong kalagayan, na gaya nang nararapat ugaliin ng sino mang mabuting lingkod ng Hari at ng mga taong may mabuting pinag-aralan, ay naririto rin kami sa ngalan ni Padre Damaso na magalang na lingkod ng inyong kamahalan na inabot ng kasawian. Oh! putol ng Kapitan Heneral na pinaikot ng isang paa ang isang upuan at pinipilit ang ngiti, kung ang lahat ng lingkod ng aking kamahalan ay kagaya ng kagalang-galang na si Padre Damaso ay ibig kong ako na lang sa aking sarili ang maglingkod sa aking kamahalan!10 Ang mga pari na napatigil nga dahil sa nakatayo11 ay napatigil pa rin pati sa pag-iisip dahil sa sinabing ito ng Heneral. Mag-siupo kayo, ang dugtong, matapos ang munting hinto at pinalambot nang kaunti ang pagsasalita.129 Magkaiba ang paraan ng pagyuko ni Padre Sybila at Padre Salvi ang una ay kura paroko sa Maynila at ang huli ay kura paroko sa isang bayan sa lalawigan. 10 Parunggit sa mga prayle mas mabuti pa na wala sila sa pamahalaang kolonyal at maari pang magkaroon ng pagbabago at pagunlad sa Pilipinas. pinaikot ng isang paa ang isang upuan ito ay simbolismo ng pagbabago ng kaayusah ng kapangyarihan, mula sa pagiging sunud-sunuran tungo sa pagiging independente mula sa inpluwensiya ng mga dayuhang kaparian. 11 Nakatayo ang mga prayle isang anyo ng hindi pagbibigay galang o pagpapahalaga sa mga kaparian na nakikialam sa kapangyarihan ng pamahalaan. 12 Pagpapakita ng pakunwaring bigay galang simbolismo ng akomodasyon sa mga taong kaagaw niya sa kapangyarihan. Subalit inayos ng KH ang silya sa pamamagitan ng paa ikaw kaya ang alukin

435

Si Kapitan Tiyago ay naka-prak at lumalakad nang akay sa kamay si Maria Clara na urung-sulong na pumasok at puno ng takot. Subalit nakagawa naman ng isang kalugud-lugod at magalang na yuko. Anak ba ninyo ang binibining ito? ang pahangang tanong ng Kapitan Heneral. At ng inyo pong kamahalan, aking Heneral! ang sagot na walang kapingas-pingas ni Kapitan Tiyago. Napadilat ang mga ayudante at ang alkalde, ngunit iniabot ng Heneral ang kamay sa dalaga at malumanay na nagwikang: Mapapalad ang mga magulang na may mga anak na binibining gaya ninyo! Naibalita na kayo sa akin sa pamamagitan ng paggalang at paghanga ninais kong makita kayo upang kayo ay pasalamatan dahil sa mabuting gawa na ipinamalas sa araw na ito. Nalalaman kong lahat, at pagsulat ko sa Pamahalaan ng Hari ay hindi ko malilimutan ang inyong mabuting ginawa.14 Samantala ay ipahintulot ninyo sa akin, sa ngalan ng Hari na kinakatawan ko rito at nagnanasa sa kapayapaan at katahimikan ng kanyang matatapat na sakop, at sa sarili kong pangalan, na isang ama na may mga anak din na kasinggulang ninyo, na kayo ay handugan ko ng isang gantimpala! Ginoo! ang sagot na nanginginig ni Maria Clara. Nahulaan ng Heneral ang ibig niyang sabihin at tumugong: Lubhang mabuti nga ang kayo ay masiyahan na sa kasiyahan ng sariling budhi at sa paggiliw ng inyong mga kababayan; bagay na sadya ngang siyang pinakamabuting gantimpala, at hindi na tayo dapat humiling ng higit pa sa roon, ngunit huwag ninyong ipagkait sa aking samantalahin ang isang magandang pagkakataon upang ipamalas na kung ang Kapangyarihan ay marunong magparusa, ay marunong din namang magdulot ng gantimpala at hindi palaging bulag.15 Si Ginoong Ibarra ay nag-aantay ng utos ng inyong kamahalan! malakas na sabi ng ayudante. tiyad;13ng silya na ang ginamit sa pag-aabot sa iyo ay paa. 13 Simbolismo ng pagiging bantulot ng mayayamang Pilipino sa harapan ng kapangyarihan ng Espanya. 14 Binabanggit ng Kapitan Heneral ay ang kaniyang isusulat na memorias isang kabuuang ulat na isusumite sa pamahalaan ng Espanya na naglalaman ng mga kaganapan sa panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas. 15 Ang Kapitan Heneral ay isang liberal at repormista na nagbabalak na magpakita ng bagong mukha ng kolonyal na pamahalaan sa harapan ng mga mamamayan ng Pilipinas.

436

Si Maria Clara ay kinilabutan. Ah! ang bulalas ng Kapitan Heneral, ipahintulot po ninyo sa akin, binibini, na ipahayag ang hangad na makita kayong muli bago ko lisanin ang bayang ito; mayroon po akong sasabihing mahahalagang bagay sa inyo. Ginoong Alkalde, samahan ninyo ako sa pamamasyal, na ibig kong gawing palakad, matapos ang pakikipag-usap ng sarilinan si Ginoong Ibarra! Ipahintulot po sa amin ng inyong kamahalan na ipaalam sa inyo, ang sabing mapakumbaba ni Padre Salvi, na si Ginoong Ibarra ay eskomulgado16 Pinigil siya ng Heneral na ang sabi ay: Ikinalulugod kong walang ibang dapat na ipagdamdam kundi ang kalagayan lamang ni Padre Damaso, na nais kong tunay na gumaling nang lubusan, sapagkat ang isang paglalakbay sa Espanya sa kanyang gulang dahil sa isang sakit ay hindi masarap.17 Subalit ito ay kung gusto niya at samantala ay ingatan po kayo ng Diyos! Ang isat isa ay nag-alisan. At sadyang talaga kung gusto niya! ang bulong ni Padre Salvi nang makalabas na. Tingnan natin kung sino ang unang maglalakbay!: ang dugtong ng isang Pransiskano.18 Aalis ako ngayon din! ang sabing masama ang loob ni Padre Sibyla.16 Isang pagpapa-alala ni Padre Salvi na si Ibarra ay hindi dapat na kausapin ng Kapitan Heneral. Mapupuna dito na ang paalala ni Padre