17
KABANATA 4 EREHE AT FILIBUSTERO Si Ibarra ay walang tiyak na gagawin. 1 Karaniwang may kalamigan ang simoy ng hangin sa gabi sa mga mga buwang iyon sa Maynila, na umaalis sa manipis na ulap na nagpapadilim sa langit: Inalis niya ang sumbrero at huminga ng malalim. Ang mga karwahe ay nagdaraan na parang kidlat, samantalang ang mga paupahang kalesa ay parang naghihingalo kung magdaan, 2 mga naglalakad na iba’t ibang lahi ang dumadaan. Lumalakad siya ng hindi regular ang hakbang, na tulad sa ng isang taong may ibang pinag-iisipan o walang magagawa, patungo ang binata sa kinaroroonan ng liwasan ng Binondo at ginagala ng tingin ang lahat ng pook na parang may ibig alalahanin. Iyon din ang mga dating kalsada at mga bahay na pinintahan ng puti at asul at mga pader na pinintahan ng kulay batong-buhay na masama ang pagkakagaya; sa kampanaryo ng simbahan ay naroon din ang kanyang orasang ang mukha ay umaaninag sa dilim, ang mga dating tindahan ng mga Insik na natatakpan ng maruruming panabing at mga rehas na bakal, na ang isa ay binaluktot niya isang gabi, na ginaya ang mga batang walang pinag-aralan sa Maynila: walang nagtuwid sa bakal na iyon. 3 1 MGA PALIWANAG Mapapansin na umalis lamang si Ibarra sa hapunan dahil sa labis na pagka-inis. 2 Pansinin ang pagkakaiba ng takbo ng sasakyang pribado at pampubliko noong kapanahunan ng pananakop ng Espanya Sa Pilipinas. Noon pa man ang mga nakaririwasa sa buhay ay nag-e-enjoy ng speed at convenience, samantalang ang mga mahihirap ay nagtitiis sa mabagal na mga sasakyang pampubliko. 3 Hinahayaan ang isang bagay na walang kaayusan – isang pagbatikos ni Rizal sa kawalan ng pagmamalasakit ng mga naninirahan sa Pilipinas sa 50

Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

KABANATA 4 EREHE AT FILIBUSTERO  

 Si Ibarra ay walang tiyak na gagawin.1  Karaniwang may kalamigan ang

simoy ng hangin sa gabi sa mga mga buwang iyon sa Maynila, na umaalis sa manipis na ulap na nagpapadilim sa langit:  Inalis niya ang sumbrero at huminga ng malalim.

Ang mga karwahe ay nagdaraan na parang kidlat, samantalang ang mga paupahang kalesa ay parang naghihingalo kung magdaan,2 mga naglalakad na iba’t ibang lahi ang dumadaan.  Lumalakad siya ng hindi regular ang hakbang, na tulad sa ng isang taong may ibang pinag-iisipan o walang magagawa, patungo ang binata sa kinaroroonan ng liwasan ng Binondo at ginagala ng tingin ang lahat ng pook na parang may ibig alalahanin.  Iyon din ang mga dating kalsada at mga bahay na pinintahan ng puti at asul at mga pader na pinintahan ng kulay batong-buhay na masama ang pagkakagaya; sa kampanaryo ng simbahan ay naroon din ang kanyang orasang ang mukha ay umaaninag sa dilim, ang mga dating tindahan ng mga Insik na natatakpan ng maruruming panabing at mga rehas na bakal, na ang isa ay binaluktot niya isang gabi, na ginaya ang mga batang walang pinag-aralan sa Maynila:  walang nagtuwid sa bakal na iyon.3

“Marahan ang lakad!” ang bulong sa sarili at nagpatuloy sa daang Sacristia.4

1MGA PALIWANAG

Mapapansin na umalis lamang si Ibarra sa hapunan dahil sa labis na pagka-inis.

2 Pansinin ang pagkakaiba ng takbo ng sasakyang pribado at pampubliko noong kapanahunan ng pananakop ng Espanya Sa Pilipinas. Noon pa man ang mga nakaririwasa sa buhay ay nag-e-enjoy ng speed at convenience, samantalang ang mga mahihirap ay nagtitiis sa mabagal na mga sasakyang pampubliko. 3 Hinahayaan ang isang bagay na walang kaayusan – isang pagbatikos ni Rizal sa kawalan ng pagmamalasakit ng mga naninirahan sa Pilipinas sa kanilang kapaligiran. Sa kapanahunan ni Rizal, ang liwasan ng Binondo ay istambayan ng mga batang hindi nag-aaral at sa pinalilipas ang oras sa mga mapaminsalang gawain.

4 Tinatawag ang kalye na Sacristia dahilan sa mula sa sacristia ng simbahan ng Binondo ay nakikita ang kabuuan ng kalsadang ito – sa kasalukuyan ang kalsadang ito ay tinatawag na Ongpin.

50

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

Ang mga naglalako ng sorbetes ay walang tigil sa pagsigaw nang:  “Sorbetee!”  Mga sulong huwepe pa rin ang ilawan sa mga tinda ng mga Insik at mga babaing nagbibili ng mga kakanin at prutas.5

 “Kahanga-hanga!” ang bulalas niya, “ito rin ang Insik na nagtitinda pitong taon na ang nakakalipas, at ang matandang babae ay… iyon din!  Ngayong gabi ay masasabi kong, panaginip lamang ang pitong taon ng pagtigil ko sa Europa…6 at… Santo Dios! hindi pa rin naaayos ang bato na gaya nang aking iwan.”

At tunay nga, tanggal pa rin ang bato ng bangketa sa pagliko ng daang San Jacinto7 na patungong Sacristia.8

 Samantalang namamanghang tinitingnanang ang kawalan ng pagbabago sa bayang walang namamalaging hindi nababago,9 isang kamay ang marahang dumampi sa kanyang balikat; itinaas ang kanyang mukha at ang nakita ay ang matandang tinyente na nakatingin sa kaniya na halos ay nakangiti:  hindi na taglay ng militar ang matigas na pagmumukha ni ang mga kunot ng kilay na ikina-iiba niya.10

“Binata, mag-ingat kayo!  Matuto kayo sa nangyari sa inyong ama!” ang sabi sa kanya.

5 Ang huwepe ay isang sulo na ang ginagamit na panggatong ay ang sahing (resin) na mula sa punongkahoy, kakaiba ito sa ilawan na ang ginagamit na gatong ay kerosene at langis ng niyog. Ang paggamit ng sulo sa pangunahing distritong pangkalakalan sa Maynila ay nagpapakita ng pagiging huli nito sa pagsulong sa larangan ng komersiyo. Sa una pa mang pagtigil ni Rizal sa Europa (1882-1887) ay mayroon ng isang maayos na sistema ng pagpapailaw sa mga kalunsuran ng Europa na kaniya nang naikuwento sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng sulat ang ukol sa ilaw na de koryente.

6 Ang pitong taon ay isang napakahabang panahon upang ang isang lungsod ay umunlad. Subalit sa haba ng panahon na kaniyang ng kaniyang pangingibang-bayan ay walang anumang naganap na pagbabago sa Binondo na noon ay pangunahing distritong pang-komersiyo sa Pilipinas.

7 Ang kalyeng ito ay siyang kasalukuyang Tomas Pinpin.

8 Ipinapakita ang kawalan ng kaayusan ng mga kalsada sa Kamaynilaan sa panahon ni Rizal. Sana mabuhay uli si Rizal para masabi niyang “Santo Dios, wala pa ring kaayusan ang mga kalsada sa Kamaynilaan pagkatapos ng mahigit isandaan taon.”

9 Ibig sabihin nito ay - Maraming mga nagaganap na pagbabago sa bayan sa larangan ng pulitika pero hindi naman sumusulong sa larangan ng ekonomiya. Ito pa rin ang salot sa ating bansa, ilang mga administrasyon na ang nanungkulan sa atin ngunit nanatili ang Pilipinas sa kaniyang kawalan ng tunay na kaunlaran.

10 Sa pamamagitan ng simbolismo ng marahang pagdampi ng kamay ni Tinyente Guevarra sa balikat at ang ngiting nakaukol kay Ibarra ay isang pagbibigay ni Rizal sa posibilidad ng positibong pakikitungo ng kolonyal na pamahalaan sa mga liberal na mamamayan ng Pilipinas.

51

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

“Ipagpaumanhin po ninyo ngunit sa palagay ko ay nagkaroon kayo ng malaking pagtingin sa aking ama… Masasabi ba ninyo sa akin kung ano ang nanyari sa kanya?” ang tanong ni Ibarra sa kaharap.

 “Bakit, hindi ba ninyo alam?” ang tanong ng militar. “Itinanong ko kay D. Santiago, ngunit ang sabi niya ay bukas na niya

sasabihin.  “Alam po ba ninyo?” “Oo, alam ko, tulad ng pagkakaalam ng lahat.  Namatay siya sa

bilangguan!” Napaurong ng isang hakbang ang binata, at tinitigan ang tenyente. “Sa bilangguan?  Sino ang namatay sa bilangguan?” ang tanong. “Ang inyong ama, ay nakulong noon!” ang sagot ng militar na may

kaunting pagtataka.“Ang ama ko… sa bilangguan… nakulong sa bilangguan?  Ano ang

sinabi ninyo…?  Kilala ba ninyo kung sino ang aking ama?  ang tanong ng binata na hinawakan sa bisig ang militar. 

“Sa palagay ko ay hindi ako magkakamali, si D. Rafael Ibarra.” “Oo nga, si D. Rafael Ibarra!” ang mahinang ulit ng binata. “Akala ko ay alam na ninyo ito!” bulong ng militar, na puno ng

pagkahabag nang makita ang nangyayari sa isipan ni Ibarra, “inaakala kong… nguni’t magpakatatag kayo!  Dito ay hindi magiging marangal, kung hindi napapasok sa bilangguan!”11

“Dapat maniwala ako na hindi kayo nagbibiro,” ang sagot ni Ibarra sa mahinang tinig, pagkatapos ng ilang sandaling pananhimik.  “Masasabi ba ninyo sa akin kung bakit siya napasok sa bilangguan?  

Parang nag-iisip-isip ang matanda.“nakapagtataka na hindi kayo nabalitaan ukol sa bagay na iyan ng

inyong mga kaanak.” “Sa huli niyang sulat, may isang taon na ngayon, sinabi niya sa aking

huwag akong magambala kung hindi niya ako masulatan, dahil abala siya sa kaniyang mga gawain; pinaalalahanan niya magpatuloy ako sa pag-aaral… binasbasan ako!” 

“Kung gayon ay ipinadala sa inyo ang sulat na iyan, bago mamatay:  mag-iisang taon na nang siya ay aming ilibing sa inyong bayan.” 

“Anong dahilan at nabilanggo ang aking ama?” “Sa isang marangal na dahilan. Sumabay kayo sa akin, magtutungo

ako sa kuwartel; at ikukuwento ko sa inyo habang tayo ay naglalakad.  Kumapit kayo sa bisig ko.”

Lumakad sandali nang walang imikan:  ang matanda ay nag-iisip at na parang humihingi ng sabihin mula sa kanyang balbas na hinihimas.

“Gaya ng alam na ninyo,” ang bungad na salita, “ang ama ninyo ang pinakamayaman sa lalawigan at samantalang siya minamahal at iginagalang ng nakararami ay may ilan namang ngagalit at naiinggit sa kaniya.  Kaming

11 Sa isang lipunan na pinaghaharian ng kabulukan, ang mga mararangal na kumakalaban sa kabulukang iyon ay nanganganib na mapatapon sa bilangguan. Naging karanasan ni Rizal ang kabuluhan nang nasabing pahayag. Ang ina ni Rizal sa kabila ng mataas na edukasyon at katayuang panlipunan ay nabilanggo dahilan sa bintang na tangkang paglason sa asawa ng kaniyang kapatid na si Jose Alberto-Alonzo. Maraming bahagi na matutunghayan sa Kabanatang ito ang kinuha ni Rizal mula sa karanasan ng kaniyang ina.

52

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

mga Kastilang nagtungo rito sa Pilipinas, sa kasamaang palad ay hindi umuugali nang nararapat.12  Sinasabi ko ito nang hindi lamang dahil sa isa sa mga ninuno ninyo, kundi pati na sa mga kalaban ng inyong ama.13  Ang walang hintong pagbabago,14 ang katiwalian ng mga nasa itaas,15 ang paglalagay sa katungkulan kahit hindi nararapat,16 ang kamurahan at kaiklian ng paglalakbay ang siyang may kasalanan ng lahat:17  nakapunta dito ang mga pinakamasama sa Espanya, at kung may dumarating na isang mabuti, ay sumasama agad sa sandaling panahon.  Ang inyong ama ay maraming nakagalit sa pangkat ng mga Kastila at mga prayle.”

Dito ay huminto nang kaunti.

12 Ang mga Espanyol na dumadating noon sa Pilipinas ay nagiging hambog kaysa sa tunay nilang ugali noong sila ay nasa Espanya. Ang dahilan ay ang kanilang maliit na pagtingin sa mga naninirahan sa Pilipinas – maging ito man ay mga ay insulares (mga inapo ng Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas na tinatawag ding mga creole), mga mestiso ( mga anak ng mga Espanyol at Tsino sa mga katutubong kababaihan) at higit sa lahat ay sa mga Indio.

13 Masama ang ugali ng mga ninunong Espanyol ni Ibarra na katulad ng mga kalaban ng kaniyang ama. Sa ganito ay mayroon mga katutubo at mga dayuhan na nagtatanim na galit sa kaniyang angkan.14

Sa huling kalahati ng ika-19 na siglo, bunga ng kawalang katatagan ng gobyerno sa Madrid ay naging mabilis ang pagpapalit ng gobyerno ng Espanya at nagbunga ito ng mabilisan din pagpapalit ng mga mataas na pinuno na itinatalaga sa Pilipinas. Ang kaiklian o kawalan ng tiyak na panahon ng panunungkulan ay nagbigay daan upang hindi magkaroon ng pang-matagalang reporma sa Pilipinas, kalimitan ay bahagyang panahon pa lamang na nakikilala nila ang kolonya at nagpapatupad na ng mga mapagpasiyang lunas ay saka sila napaalis sa puwesto.  Dahil sa kawalan ng kaalaman ng mga bagong napapalagay na GH sa mga naunang kaganapan sa kolonya, umasa sila nang labis sa mga payo ng mga prayle.15

Dalawa ang uri ng kalaswaan Ang una ay ang katiwalian o pagmamani-obra ng mga aksiyon ng pamahalaan at simbahan upang umangkop sa pakinabangan ng mga nasa kapangyarihan. Ang ikalawa ay ang kahalayang moral na rito ay hindi naging kasubalian ang mga alagad ng kolonyal na simbahan. Sa ikalawang kalaswaan na ipinaliwang sa pamamagitan ni Tinyente Guevarra ay ipinapaalam ni Rizal sa mga mambabasa na bumubuka na ang lamat na babasag sa kadena ng kolonyalismo – at ito ay ang pagkasira ng habing moral (moral fiber) na kumukumot sa kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan.

16 Pinairal ng Espanya ang paboritismo lalo na sa kanilang mga kalahi. Sa ganito ay nalagay sa posisyon sa pamahalaan ang mga taong walang sapat na kaalaman sa isang mahusay na pamamahala. Sa ating panahon, maitutulad natin ito sa mga taong inilalagay sa mga sensitibong puwesto sa gobyerno bilang pabuya sa mga taong gumawa ng paraan para magwagi ang isang nakaupong pulitiko sa pamahalaan.

17 Sa pagbubukas ng Suez Canal noong 1869 ay pinadali ang paglalakbay at pinababa ang halaga sa pamasahe sa barko ng mga Europeo na nagtutungo sa Silangan. Pinag-ugnay ng Suez Canal ang Mediterranean Sea at Red Sea. Dahilan sa kadalian at kamurahan ng paglalakbay ay dumami ang mga mamamayang Espanyol na nakarating sa Pilipinas para makipagsapalaran. Sa kabilang dako, ang mga ilang mga bagong dating na Espanyol ay mga pinaka-aba sa kanilang mga iniwang lipunan. Isa

53

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

“Ilang buwan pa lamang buhat ng kayo ay umalis, nagsimula ang paghihinakit ng loob ni Padre Damaso sa kanya, bagay na hindi ko maipaliwanag ang tunay na dahilan.18  Inakusahan siya ni Pray Damaso nang hindi pangungumpisal:  ngunit bago naman nangyari ang pagkakagalit na iyon, ang inyong ama ay hindi na talaga nangungumpisal, at sa kabila noon ay matalik silang magkaibigan, gaya ng naalala pa ninyo.  At isa pa, si Don Rafael ay isang taong tapat at matuwid ang pamumuhay kaysa sa maraming palagiang nangungumpisal at sa mga taong dumidinig ng kumpisal: Iniangkop niya ang kaniyang sarili sa isang matatag na moralidad19 at sinasabi niya sa akin kung napag-uusapan ang samaan ng loob na iyon ang:  “Ginoong Guevarra, naniniwala ka ba na patatawarin ng Diyos ang isang pagkakasala, halimbawa ng pagpatay ng kapwa tao, sa pamamagitan lamang ng pangungumpisal sa isang pari, na tao rin namang20 na ang tungkulin ay magtago ng bagay na nabatid at nanatiling tahimik dala ng takot na matupok sa apoy ng impiyerno bilang kaparusahan sa tinatawag na acto de atricion?  Mayroon akong ibang pagkakilala sa Diyos,”21 sabi niya, “para sa akin ay hindi nagagamot ng isang kasamaan ang kapwa kasamaan, ni hindi mapapatawad nang dahil sa walang kabuluhang panaghoy, ni sa pamamagitan ng kalilimos sa mga simbahan.”22  “Sinabi niya sa akin ang ganitong halimbawa:  “kung ako ay nakapatay ng isang ama ng pamilya, kung ginawa kong isang nakakahabag ang babae, ang ilang maliligayang bata ay ginawa kong mga

sa halimbawa nito ay si Don Tiburcio na asawa ni Donya Victorina.18

Ang tunay na sanhi ng pagkakagalit ay ipagtatapat ni Pray Damaso kay Maria Clara sa hulihan ng nobelang ito.

19 Iinilalahad ni Rizal na ang pagiging tuwid ng pamumuhay ng tao ay wala sa katuruan ng simbahan kundi sa sariling kalooban at pagsisikap na magkaroon ng matuwid na pamumuhay.20

Sa pamamagitan ng karaniwang pag-uusap ng mga tauhan ni Rizal sa Noli ay nagawa niyang tanungin ang pangunahing dogma ng kolonyal na simbahan. Ang kumpisalan ang pangunahing instrumento ng kolonyal na simbahan upang makontrol ang isipan ng mga Pilipino noon kapanahunan ng kanilang kapangyarihan sa Pilipinas.

21 Sa pamamagitan nito ay makikita ang opening salvo ng ginagawang pagpapakilala ni Rizal ng ibang Diyos, na malayo sa ipinakikilala ng mga alagad ng kolonyal na simbahan sa kaniyang kapanahunan. Habang lumalayo ang mga kabanata ng nobela ay mapapansin ang magiging panunuligsa ni Rizal sa Diyos na ipinakilala ng mga prayle sa mga Pilipino. Makikita ang lupit ng pagsusuri at pahayag ni Rizal sa Kabanata 6 at 14.

22 Walang kabuluhang panaghoy – isang kaugalian sa unang panahon na ang nagkasala ay ipakita ang kaniyang pagsisi sa publiko sa pamamagitan ng pananaghoy (lamentation) na rito ay inaamin at pinagsisihan niya ang kaniyang pagkakasala sa publiko. Ang paglilimos sa simbahan ay nangangahulugan naman ng pagbibigay ng malaking abuloy sa simbahan at sa pamamagitan ng pagbili ng mga dokumento sa kapatawaran.(Basahin ang Talababa Blg. 24)

54

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

ulilang walang mag-ampon, ay mababayaran ko kaya ang Hukumang walang hanggan, kung bayaan kong ako ay bitayin, ikumpisal ang lihim sa isang taong magtatago, sa pagbibigay ng limos sa mga kurang na siyang lalong hindi nangangailangan,23 bumili ng bula de composicion24 o managhoy araw at gabi?  At ang balo at mga ulila?  Iniuutos ng aking budhi na nararapat kong tumbasan sa aking makakaya ang taong aking pinatay, maglingkod ako nang lubos sa buong buhay sa mag-aanak, na ako ang dahilan ng kanilang kasawian; at ganon pa man, sino ang makapapalit ng pag-ibig ng asawa at ng ama?” Ganyan kung mangatwiran ang inyong ama, at sa istriktong pamantayan nakasalig ang kaniyang pag-uugali at gawa, kayat masasabing kailan pa man ay hindi makapananakit sa kaninuman; bagkus ay nagsikap pa na pawiin sa pamamagitan ng mabubuting gawa ang ilang kamaliang, ayon sa sabi niya ay nagawa ng kanyang mga ninuno.”25 “Balikan natin ang samaan nila ng loob ni Pray Damaso, ang alitan ay nauwi sa masamang kaayusan; Binatikos siya ni Padre Damaso mula sa pulpito, at ang hindi pagbanggit sa kaniyang pangalan ay isang milagro, sapagkat wala kang mahihintay sa ugali noon.  Nakikinikinita ko, na sa malaon at madali ay matatapos sa masama ang alitan.”   

Muling huminto ng sandali ang matandang tinyente. “Nang panahong iyon ay naglilibot sa inyong lalawigan ang isang

dating artilyero, na naalis sa pagsusundalo dahil sa pagmamalabis at kamangmangan.26  Dahilan sa kailangang mabuhay ng artilyero, ngunit hindi

23 Ang mga prayle kung ang pagbabasehan ay ang kanilang panata ng kahirapan ay hindi nangangailangan na magkaroon ng malaking kayamanan.

24 Bula de composicion – isang kasulatan mula sa simbahan na maaring mabili ng nagkasala kapalit ng kapatawaran. Sa pamamagitan ng pagbili ng bula de composicion ay sinasabing maaring patawarin ang mga taong nakagawa ng mga sumusunod na kasalanan tulad ng hindi pagbabayad ng utang (sa Diyos ba nagkautang ang tao); Pagnanakaw (ang sabi ni Rizal, nakikikain ba ang Diyos ng galing sa nakaw); pakikiapid sa hindi asawa; sa mga nang-seseduce sa mga babae; at sa mga hukom na nagpapasuhol, mga bulaang saksi; at ipinahihintulot na ariin ng isang tao ang mga ninakaw na kayamanan ng iba. (Para sa higit pang kabatiran, basahin ang Liham ni Rizal sa Kadalagahan ng Malolos).MAGKAKABISA LAMANG ANG BULA DE COMPOSICION SA KUNDISYON NA ANG KASALANAN AY HINDI GINAWA SA PAG-AAKALANG PATATAWARIN SILA KUNG BIBILI SILA NG BULA.

25 Alam ni Don Rafael na ang kaniyang ninuno at ama ay mayroong mga kasalanan sa tao at ang kaniyang ipinapakitang kabutihan ay isang anyo ng pagtutuwid sa mga kamalian ng kaniyang mga ninuno laban sa mga Pilipino.

26 Artilyero - kawal na nakatalaga sa pagpapaputok ng kanyon. Ang nasabing posisyon ay isa sa mga may nakatalagang malaking kabayaran dahilan sa ang kinakailangang gumanap ng maselang na katungkulan ay mga taong dalubhasa. Bakit ito pa ang napili ni Rizal na ibigay na posisyong militar sa kaniyang mangmang na tauhang Espanyol? Sa panahon ni Rizal ay humuhugong na ang mga bali-balita na ang mga nakatalaga sa nasabing posisyon ay mga walang kakayanan para sa nasabing kritikal na gawain, na kaya lamang naitatalaga sa pagiging artilyero ay malakas lamang sa mga nunungkulan sa pamahalaan o establisimentong militar. Ang naganap na Labanan sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898 ay siyang kumumpirma sa katotohanan ng nasabing bali-balita, dahilan sa

55

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

naman pinapayagan na makapagtrabaho ng gawaing kamay dahil sa makasisira sa aming karangalan, siya ay binigyan ng katungkulang maningil ng buwis ng mga sasakyan.27 Ang nakahahabag na taong iyon ay walang pinag-aralan na agad nahalata ng mga Indio; para sa kanila ay hindi karaniwan na ang isang Kastila ay hindi marunong bumasa at sumulat.28  Kinutya siya ng lahat at ang kaawa-awang iyon na ang pagkakapahiya ang katumbas ng mga buwis na kaniyang nasisingil, nalaman niyang siya ay sentro ng pag-aglahi, dahilan upang lalong sumama ang kanyang pag-uugali, na likas ng magaspang at masama nang talaga.  Iniaabot sa kanya nang pabaligtad ang mga dokumento; pakunwaring niyang binabasa at pagkatapos makakita ng espasyong walang sulat at kahit pabaligtad ay lalagdaan ng ilang kahig-manok na naglalarawan ng buong-buo sa kanyang kamangmangan.29 Ang mga Indio nangagbabayad ay nagtatawanan; nilulunok ng maniningil ng buwis ang laway ng kaniyang kapurihan,30 datapwa’t nakasisingil siya, at sa gayong kalagayan ay wala siyang naging pakundangan kaninuman, at sila ng ama ninyo ay nagkaroon ng masamang usapan.”31

ang mga kanyon ng hukbong nabal at panlupa ng Espanya ay hindi man lamang nakatama sa alinman sa mga barko ng hukbong nabal ng Estados Unidos.

27 Isang inipesyente tauhan ng kolonyal na hukbong sandatahan na pagkaalis sa serbisyo ay ililipat sa ahensiya ng pamahalaan na naniningil ng buwis para sa mga sasakyang panlupa (Land Transportation). (Ha! Ibig sabihin ay noon pa man ay ganoon na yon.)

28 Ang mga Espanyol kahit walang pinag-aralan ay nagkakaroon ng trabaho sa pamahalaan. Hiwaga para sa mga Pilipino na makakita ng isang Espanyol na hindi marunong bumasa at sumulat – dahilan sa nakita nila ang kahinaan ng isang tao na ang mga kalahi ay nagyayabang, nagmamarunong, at nagmamaliit sa mga Pilipino.29

Pagtawanan at pangungutya – ito ang palihim na paraan ng mga Pilipino ng paghihiganti sa mga umaapi sa kanila. Maging sa ating panahon ay ginagawa nating katatawanan ang mga opisyal ng pamahalaan na nagmamalabis at nagnanakaw sa kabang yaman ng bayan sa iba’t ibang paraan.  Ano ang simbolismo ng pabaligtad na dokumento na pinirmahan ng maniningil ng buwis? Maaring naganap ito sa nobela sa mangmang na artilyerong naging maniningil ng buwis sa rehistrasyon ng sasakyan, subalit nagaganap din ito sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan kolonyal na lumalagda sa mga kontrata at kasunduan na hindi ganap na pinag-aaralan ang magiging masasamang epekto nito sa bayan sa pagdating ng mahabang panahon.

30 Nilulunok ang kahihiyan, ito ang mukha ng mga pinuno ng pamahalaan na naglulublob sa putikan ng katiwalian, kailangan na magtaglay ng kawalan ng kahihiyan upang makaharap sa sambayanan.

31 Bago pa man maganap ang insidente na naging dahilan ng kamalasan ni Don Rafael ay mayroon nang naunang alitan sa pagitan nila ng at sa maniningil ng buwis. Marahil ay ang hindi sila nagkasundo sa ibabayad na buwis sa rehistrasyon ng sasakyan. Maaring higit na malaki ang kaniyang binabayaran kaysa sa haaga na nakalagay sa resibo – teka, hindi yata karanasan yon ni Don Rafael, mukhang makabagong karanasan yon.

56

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

“Isang araw, ang maniningil ng buwis ay abalang pinagpipihit-pihit ang papel na ibinigay sa kanya sa isang tindahan, upang iayos, isang batang nag-aaral ang sumenyas sa mga kasamahan, nagtawanan ang mga ito sabay ang turo sa kaniya.  Naririnig ng dating sundalo ang tawanan at nakita sa mukha ng mga kabataan ang bakas ng pangungutya:  biglang iniikot ang katawan at hinabol ang mga bata na habang nagtatakbuhan ay sumisigaw ng ba, be, bi, bo, bu.32 Dahilan sa puno ng pagkamuhi, at wala siyang inabutan, ay ibinalibag ang kanyang tungkod na sumugat sa ulo ng isang bata at iyon ay nalugmok; pagkatapos ay tumakbo siyang papalapit sa batang nakahandusay at ito ay pinagsisipa, ngunit isa man sa mga kaharap na kanina lamang ay nagtatawanan ay hindi nagkaroon ng loob na umawat.33  Isang kamalasan na nataon na nagdaraan ang inyong ama.  Sa galit, dahil sa nakita ay tinakbo ang maniningil, pinigilan sa bisig at minura nang katakut-takot.  Marahil nagdidilim ang paningin ng nasabing maniningil kayat umamba ng pataas ang kamay, ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng iyong ama, at sa pamamagitan kaniyang lakas na katangian ng mga inapo ng mga taga Viscaya.34 Sinasabi ng ilan ay sinuntok, at ng iba ay itinulak lamang; subalit ang nangyari ay sumuray ang maniningil ng

32 Ipinapakita rito na ang kapilyuhan ng mga batang Pilipino ay malimit na pinagmumulan ng malaking kaguluhan. Pansinin ang panunudyo na isinigaw ng mga bata – ba, be, bi, bo bu. (maaring isang pagbibiro na ang kahulugan ay Ba… bobo!)

33 Ang masamang ugali ng mga Pilipino sa kanilang pagkabata, pinababayaan ang kanilang kasamahan sa panganib. Ang dating malalakas ang loob na magkakasama, sa pagkasawi ng isa, ang iba ay hindi na makagalaw – tinatawag ang ugaling ito na “nang-iiwan sa ere.” Dito ay masasalamin na ang kaduwagan ng bayan ay nagsisimula pa lamang sa panahon ng ating pagkabata. Hanggang ang kaduwagang ito hindi ito naaalis sa mga taong bayan, asahan ninyo na hindi mamamatay ang katiwalian sa ating pamahalaan.

34 Viscaya (Basque) – rehiyon sa hilagang bahagi ng Espanya. Ang mga mamamayan ng rehiyon ay kilala sa kanilang pambihirang kasipagan, malakas na pangangatawan, at katapangan. Sa kabilang dako, ang mga mamamayan ng Viscaya ay nagtataglay na ng hangarin na magkaroon ng sarili o ganap na kasarinlan mula sa Espanya. Sa sulat ni Rizal sa kaniyang mga kaanak sa Pilipinas ay kaniyang sinabi ito ukol sa mga taga Viscaya (Basconia):

“lalawigang Basco. Dito ang mga bundok ay may higit na maraming halaman na lalong mayayabong at higit na nilinang, bagaman walang maraming naninirahan bagay na siyang ikinatatangi ng lalawigang ito. Ang mga taong Basco ay karaniwang matangkad at talagang mukhang lalaki; karaniwang inaahitan ang kanilang mukha na ang anyo’y higit na pahaba kaysa pabilog-haba, maliit ang mga mata, matangos ang ilong, at ang kabuuang pagkakaharap ay nagpapakilala ng karangalan, kalakasan, at tapat na pagkamagiliw. Ang mga babae’y labis sa kasipagan; sila’y totoong napakasipag na hindi bihirang mamamalas na siyang nag-aararo’t humihila ng kariton.”

Sulat ni Rizal sa mga Magulang at Kapatid - Hunyo 21, 1883

Maaring basahin ang librong sinulat ni Marciano de Borja na Basques in the Philippines na mayroon limited preview sa www.books.google.com

57

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

buwis, nabuwal sa malayu-layo nang kaunti at ang ulo ay tumama sa isang bato.  Marahang itinindig ni Don Rafael ang bata at dinala sa tribunal.  Ang dating artilyero ay nilabasan ng dugo sa bibig, hindi na pinagbalikan ng malay at namatay, ilang sandali ang nakalipas. Gaya ng inaasahan ay naki-alam ang mga maykapangyarihan, ang ama ninyo ay ibinilanggo at pagkatapos ay naglitawan ang kanyang mga lihim na kaaway.  Umulan ng mga paratang, isinakdal siyang pilibustero at erehe:  sa lahat ng dako, ang pagiging erehe ay isang kasawian, lalo na nang panahong iyon na ang nakaupong alkalde sa lalawigan ay isang tao na nagmamalaki sa pagiging relihiyoso, nagdarasal nang malakas ng rosario sa simbahan, kasama ang kanyang mga alila, upang madinig at gumaya ang lahat na magdasal nang malakas kagaya niya.35 Sa kabilang dako, ang maging pilibustero ay higit na masama pa kaysa maging erehe at pumatay ng tatlong maniningil ng buwis na hindi marunong bumasa, sumulat at magbigay pakundangan. Nilayuan siya ng lahat, ang kanyang mga kasulatan at mga aklat ay sinamsam.  Isinuplong siyang mambabasa ng El Correo de Ultramar 36at mga pahayagan sa Madrid, dahil sa ipinadala kayo sa pook ng Suiza na sakop ng Alemanya,37 dahil sa nakunan siya ng sulat at larawan ng isang paring binitay 38 at, hindi ko na alam kung ano pa ang iba.  Ang lahat ng bagay ay pinagkunan ng mga sakdal, pati na ang pagsusuot niya barong tagalog, gayong siya ay dugong-Kastila.39  Kung naging iba lamang ang inyong ama, marahil ay agad na

35 Ang alcalde ay nagsisilbing pinakamataas na pinuno ng pamahalaang panlalawigan at kasama sa kaniyang kapangyarihan ang pagiging hukom ng lalawigan na kaniyang nasasakupan. Sa nobela ay ipinakita na ang alcalde ay panatiko sa simbahan at sunud-sunuran sa mga prayle. Imposibleng magkaroon ng katarungan ang katulad ni Don Rafael na ang isa sa mga kalaban ay mga prayle at ang pangunahing sakdal ay ang hindi pangungumpisal. Sa mga huling taon lamang ng pamahalaang Espanya ang kapangyarihan ng alcalde ay hinati kapangyarihan sa dalawang magkaibang tao – ang alcalde ay nanatili sa kapangyarihang tagapagpaganap at ang pagiging hukom ay ipinagkaloob sa Espanyol na may ganap na kaalaman sa batas.

36 Ang El Correo de Ultramar ay isang babasahin na inililimbag noon sa Espanya. Sa panahon ng liberal na pamumuno ni Carlos Ma. de la Torre (1869-1871) ang pahayagang ito ay nakarating sa Pilipinas at naging kaayon ng mga liberal Espanyol at Pilipino.

37 Ang pag-aaral noon sa Alemanya o sa anumang bahagi ng Hilagang Europa ay maaring maging dahilan ng paghihinala ng mga prayle. Sapagkat sa mga lugar na ito ay lumaganap ang kilusang Protestantismo na noong unang panahon ay tumutol sa kapangyarihan at humamon sa dogma ng Katolisismo at sa mga sumunod na panahon ay naging sanktwaryo at bulwarte ng pananampalatayang Protestantismo.

38 Sa kapanahunang iyon, ang pagtatago ng larawan ni Burgos o sulat nito ay sapat na para maipabilanggo ang isang tao. Ipinapaalam na maraming mga mayayamang Pilipino noon ang hindi makatwirang naisangkot sa Pag-aalsa sa Cavite ng 1872 sa dahilang sila ay mga kaibigan ni Burgos. Ang katotohanan ng salaysay na ito sa nobela ay matutunghayan sa isang sinulat ni Rizal na artikulo na may Pamagat na “Maynila sa Buwan ng Disyembre 1872”

39 Si Don Rafael ay nakikiisa sa mga Pilipino maging sa kasuotan. Maaring ang higit na dahilan nito ay ang pagiging praktikal ng mga kasuotang ito sa mainit na klima sa Pilipinas.

58

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

nakalaya, sapagkat may isang manggagamot ang nagsabing ang ikinamatay ng maniningil ay pagpanhik ng dugo sa ulo;40 ngunit ang kanyang kayamanan, ang panghahawak sa pagtatagumpay ng katarungan, at ang pagkamuhi sa lahat ng bagay na hindi wasto at makatarungan, ang siyang siyang nakasama sa kanya.41  Akong ako na, kahit labis na laban sa kalooban ko ang humingi ng awa sa kaninuman, ay humarap ako sa Kapitan Heneral, ang pinalitan ng kasalukuyang nanunungkulan;42 aking ipinaalam dito na hindi maaring maging pilibustero ang kumakalinga sa kapwa Kastila na maralita o dayo man, na ang mga ito ay binibigyan niya ng pagkain at tahanan, at sa kanyang mga ugat ay dumadaloy pa ang mapagkupkop na dugong-Kastila;43 hindi pinahalagahan nito ang paghahain ng sarili kong ulo sa pananagutan,44 sumumpa ako nang alang-alang sa aking karalitaan at pagkasundalo, at wala akong napala kundi ang isang masamang pagtanggap, at higit pang magaspang na pagpapalis at ang taguring chiflado.45

40 Lumalabas na ang ikinamatay ng maniningil ng buwis ay high blood na maaring kaniyang nakuha noong sandaling nagagalit siya sa mga bata na nagbibiro sa kaniya. Maaring ang pagbasak nito nang magtagpo sila ni Don Rafael ay epekto na nang nararamdaman nitong sakit sa loob ng katawan. Minalas lamang si Don Rafael na mapadaan sa nasabing pagkakataon. Tandaan na si Rizal ay kumuha ng araling Medico Legal.

41 Mayaman si Don Rafael, ngunit hindi nagbigay ng suhol sa hukuman – ayaw kasi ng judge ng hindi nagbibigay ng suhol, kaya tumagal ang usapin. Panahon ng pamahalaang Espanyol ang ipinapaliwanag ko dito.

42 Ang nakausap ni Tinyente Guevarra na Kapitan Henaral ay ang sinundan ng liberal na Kapitan Heneral na lalabas sa Kabanata 37.

43 Alam ni Rizal ang likas na kabutihan ng mga mamamayan ng Espanya. Ginamit niya ang pananalitang ito, upang gisingin ang kaniyang mga mambabasang Espanyol na kupkupin ang Pilipinas mula sa katiwalian na taliwas sa pamantayan ng kanilang demokratikong pamahalaan.

44 Hinihiling ni Tinyente Guevarra na ma-under custody sa kaniyang pangangalaga si Don Rafael Ibarra. Isang paraan kung saan ang bilanggo ay pansamantalang ilalabas sa kulungan at ipagkakatiwala sa ilalim ng isang taong may katungkulan sa pamahalaan, na managot kung ito ay tatakas.

45 Sumumpa sa ngalan ng karalitaan – ito ay panunumpa sa kaniyang mataas na karangalan – marangal dahilan sa kabila ng pagiging opisyal sa isang hukbo na puno ng katiwalian ay nanatiling nasa karalitaan dahilan sa hindi kumukuha ng suhol. Pansinin na ang puwesto na kaniyang pinangangasiwaang himpilan ay pangunahing distritong pangkalakalan at pinaninirahan ng maraming mga Tsino – ang BINONDO.

Malamig na pagtanggap at magaspang na pagpapaalis – ganito siya tinarato sa loob ng Malacañan, matatanto mula sa sinabing ito na si Tinyente Guevarra ay pinagalitan at dinakdakan ng punong ehekutibo saka pinalayas ng palasyo.

Sinabihan si Tinyente Guevarra na hambog o mayabang – dahilan sa pangangahas niya na ilapit ang kaso sa GH, at ang kaniyang panunumpa ng karangalan – hindi ito nagustuhan ng dating GH dahilan sa parang ininsulto ni Tinyente Guevarra ang punong ehekutibo ng kolonyal na pamahalaan. Ipinamumukha ng tinyente ang kaniyang kalinisan, samantalang ang punong

59

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Ang matanda ay tumigil sa pagsasalita upang magpanibagong lakas, ngunit nakitang di kumikibo ang kausap, na nakikinig na hindi siya tinitingnan, ay nagpatuloy:

“Nilakad ko ang usapin sa pakiusap ng inyong ama.  Nilapitan ko ang bantog na abugadong Pilipino, ang binatang si A. ngunit siya hindi ko napapayag, sinabi na kung hahawakan niya ang kaso; “Matatalo lang iyan sa kamay ko,” ang sabi sa akin.  “Ang pagtatanggol ko ay  maaring maging dahilan ng panibago pang akusasyon laban sa kanya at marahil ay pati na rin sa akin.46  Lumapit kayo kay Ginoong M.47 na isang mahusay na  mananalumpati, at may magaang na pangungusap, Kastila at may malaking inpluwensiya.”  Iyon nga ang ginawa ko, at hinawakan ang usapin ng bantog na abugadong iyon at ipinagtanggol nang buong katalinuhan at kahusayan ang inyong ama.  Subalit marami ang kalaban at ang ilan ay mga lihim at hindi kilala.  Ang mga bulaang saksi ay napakarami at ang kanilang mga paratang, na sa ibang paraan ay napawi na parang usok, sa pamamagitan ng pakutyang pagtatanong ng tagapagtanggol. Kung nagawa ng abugado na mawalan silang kabuluhan at sila-sila ay magkasalungatan sa kanilang mga sinasabi, ay mabilis namang lumalabas ang iba pang mga sakdal.48  Isinakdal siya na nangangamkam ng maraming lupain nang wala sa katwiran at hiningan siya ng kabayaran sa mga kasiraan at kapinsalaan; sinabing siya ay nakikipag -alaman sa mga tulisan upang ang kanyang mga pananim at mga hayop ay igalang.49  Sa madaling sabi ay naging labis na magusot ang usapin, kaya makalipas ang isang taon ay hindi tuloy magkalinawan ang

ehekutibo ng pamahalaang kolonyal ay naglulublob sa putikan ng katiwalian.Si Tinyente Guevarra ay tinawag na chiflado - nangangahulugan ngayong

mga taong suplado at naiinis sa mga bagay na marumi. Subalit sa nobelang ito ay ipinakita na ang pagiging suplado ni Tinyente Guevarra ay nakasalig sa delicadesa at integridad.

46 Sinasapantahan na ang binabanggit na Ginoong A ay si Cayetano Arellano na sa panahong iyon ay isa nang bantog na abogado (Glosaryo).

47 Inaakala na ang tinutukoy ay si Sr. Francisco Marcaida o si Sr. Manuel Marzano, mga bantog na mananggol sa Maynila noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang dalawang ito ang nagsilbing mismong abogado ni Dna. Tedora Alonzo (ina ni Rizal) noong ito ay pagbintangan ng pagtatangkang lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid na si Jose Alberto Alonzo.

48 Maging ang ina ni Rizal ay nakaranas na mabilango dahilan sa isang maling sakdal, noong mapatunayang walang katotohanan ang sakdal ay sinundan naman ng panibagong mga sakdal na naging dahilan sa paghaba ng panahon ng pagkakabilanggo ng kaniyang ina. (maaring basahin ang aklat Austin Craig na Life Labor and Lineage of Rizal nasa internet na ngayon )

49 Pinaghihinalaan si Don Rafael na tagasuporta ng mga armadong kaaway ng pamahalaang kolonyal na tinatawag na mga tulisan, dahil hindi nila ginagalaw ang kanyang mga, hayop at pananim. Ang paggalang ng mga tulisan sa mga ari-arian ni Don Rafael ay pagkilala nila sa kabutihang loob ng matanda at nagpapakilala rin na ang mga tulisan ay hindi mga mandarambong na kalimitang inilalarawan ng mga mananakop sa kanilang mga makinaryang pampropaganda, kundi mga mandirigma na mayroong pagpapakundangan.

60

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Kabanata 4 – Erehe at Filibustero

lahat.  Napilitang iwan ng alkalde ang kanyang katungkulan; ang nakapalit ay kilala sa katapatan, ngunit dala ng kasawian ay bahagya na itong lumagi nang ilang buwan;50 at ng sumunod naman dito ay may labis na pagkahilig sa mabubuting kabayo.”51

Ang mga naipong pagtitiis, sama ng loob, hirap ng buhay sa bilangguan, ang masaktan sa nakitang maraming mga walang-utang na loob, ay nakasira sa kanyang matibay na katawan at dinapuan siya ng karamdaman walang lunas kundi ang libingan.52  Nang malapit nang matapos ang usapin, nang makalalabas nang walang sala sa sumbong na kalaban siya ng Inang-Bayan, at sa kamatayan ng maniningil ng buwis , ang inyong ama ay binawian ng buhay sa loob ng bilangguan na walang kasamang sinuman.  Ako ay dumating upang makita na lamang ang kanyang pagpanaw.”

Ang matanda ay nanahimik si Ibarra ay nagsabi kahit isang salita man lamang.  Samantala, sinapit nila ang pinto ng kuwartel.53  Ang militar ay huminto at nang maiabot ang kamay ay nagsabing:

“Binata, para sa mga detalye ng pangyayari ay itanong ninyo kay Kapitan Tiyago.  Sana ay magandang gabi ang sumainyo!  Kailangan kong magbalik sa aking mga gawain sa kuwartel.”54

50 Ang mga pinunong tapat sa pamahalaan ay hindi nagtatagal sa katungkulan. Maari na ang matapat na alcalde ay talagang nilakad ng mga kalaban ni Don Rafael para mapalitan agad. Isang kabalintunaan na si Rizal ay magiging biktima ng pagkakataon na isinasaad niya sa kaniyang nobela. Ito ay noong siya nakapiit sa kasong rebelyon (1896). mayroong hinala ang mga prayle na si GH Ramon Blaco ay may simpatya sa kawalang kinalaman ni Rizal sa rebolusyon – gumawa ng paraan ang mga prayle upang ito ay mapalitan ni GH Camillo Polavieja na siyang lumagda ng hatol na kamatayan kay Rizal.

51 Isang pangungusap na ang kahulugan ay mahilig sa suhol – ang suhol ay naipapasok sa isang katauhan sa pamamagitan ng kaniyang kahinaan at mga personal na kahiligan. Kabayo ang kinahihiligan, kabayo din ang panuhol – kung sa ating panahon ay mga opisyal ng gobyerno na mahilig sa mga magagarang kotse.

52 Sa pangungusap na ito ay naipakita ni Rizal ang isa kaniyang teoryang pang-kalusugan na hindi pa noon masyadong napag-uukulan ng pansin ng siyensiya ng medisina. Ito ukol sa pagkakaroon ng tao ng karamdaman na ang dahilan ay ang hindi maayos na kalagayan ng emosyon (stress) na nagiging sanhi ng malubhang karamdaman

53 Ayon sa glosaryo, ang kuwartel na binabanggit ni Rizal ay minsang naitayo sa Daang Ongpin na kinaroroonan ngayon ng istasyon ng bumbero ng Binondo.54

Sa pangungusap ni Tinyente Guevarra ay makikitahan ito ng pagkakaroon ng katapatan sa tungkulin.

61

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered -kab04

Anotasyon ng Noli Me Tangere

Mahigpit at taos-pusong, ngunit walang kakibo-kibo na hinawakan, ni Ibarra ang mga butuhing kamay na iyon, at walang imik na sinundan nang tingin ang tenyente hanggang sa nawala sa kaniyang tingin.

Ibinalik ang paningin sa kalsada, at kinawayan ang isang nagdaraang karwahe; kinawayan ang kutsero.  

“Sa fonda de Lala!”55  “Marahil ay galing ito sa bilangguan,” ang iniisip sa sarili ng kutsero,

na sabay sa pagpalo sa kanyang mga kabayo.

55 Ang gusaling ito ay unang naging tanggapan ng Russell and Sturgis na isa sa mga unang bahay kalakal ng mga Amerikano sa Pilipinas. Paglipas ng panahon ito ay naging pag-aari ng isang taga India na nanirahan sa Pilipinas at ginawang hotel sa katawagan na Fonda Lala Ari. Sa pagdating ng mga Amerikano ito ay naging Basar Siglo XX. Maaring basahin ang The Philippine Islands Illustrated na sinulat ni Ramon Reyes Lala.

62