Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab040

  • View
    1.920

  • Download
    21

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab040

KABANATA 40 ANG KATWIRAN AT LAKAS

Sa ika-sampu ng gabi, ang mga panghuling kuwitis ay marahan ng pumapaitaas sa madilim na langit at nagkikislapan doon, parang mga bagong bituin ang ilang lobong papel na pinataas sa tulong ng mainit na usok.1 Ang ilang may mga palamuting luces ay nag-aalab at nagbabanta na maaring makasunog sa lahat ng bahay; kaya may pangkat ng mga tao na may hawak na mahahabang kawayang may basahan sa dulo at may mga timba ng tubig.2 Ang liwanag ng paputok at luces ay namumukod sa manipis na ulap at sila ay tila mga multo na galing sa kaitaasan upang panoorin ang kasayahan ng mga tao. Maraming mga paputok sa ibat ibang hugis ang sinisindihan tulad ng rueda, mga kastilyo, mga toro o kalabaw na may apoy at isang malaking luces sa anyong bulkan na ang liwanag na dumaig sa

MGA PALIWANAG 1 Ang tinutukoy ay ang mga maliliit na hot-air balloon na gawa sa papel na ang panggatong ay nasa ilalim ng isang latang batya na idinisenyo ayon sa laki ng lobo. Pinakakawalan ng sabay-sabay ang mga mainit na lobong ito sa gabi ng kapistahan at mula sa malayo ay natatanaw ng mga tao na parang mga bituin. Ang huli kong nakitang may ganitong uri ng pailaw ay nasaksihan ko ng mapadaan ako noong 1980s sa bayan ng Tanza, Cavite ngunit ang pailaw na ito ay pinipigilan na ngayon dahilan sa ang himpapawid ng nasabing bayan ay nasa daanan ng eroplano. Pansinin sa dulong taas na kaliwa larawan ang mainit na lobong papel 2 Sa panahon ni Rizal ay organisado na ang mga brigada ng pamatay sunog sa mga bayan-bayan. Pansinin sa larawan ang lalaking may hawak na malaking kawayan na naka-upo sa palupo ng bubungan ng bahay para alisin ang mga makakasunog na elemento sa bubungan.

468

ganda at kalakihan sa lahat nang nakita ng mga mamamayan ng San Diego.3 Ngayon ay patungo ang lahat ng tao sa liwasan ng bayan upang panoorin ang huling pagtatanghal ng dula. Sa lahat ng pook ay may mga sinisindahang luces de Bengala na tumatanglaw sa masasayang pulu-pulutong; ang mga bata ay may dalang sulo upang hanapin sa mga damuhan ang bombang hindi pumutok at iba pang labi na maari pa nilang magamit,4 ngunit ang musiko ay tumugtog ng bilang pasimula ng pagtatanghal at iniwan ng lahat ang kabukiran. Ang malaking entablado ay maliwanag na maliwanag; libulibong ilaw ang nangakalagay sa paligid, nakabitin sa bubong at nakakalat na pulu-pulutong sa lapag. Isang alguwasil ang nagbabantay sa kanila at kung lumalabas upang sila ay ayusin ay piniputuhan at sinisigawan ng mga tao ng: Hayan na, nariyan na!

Sa harap ng entablado ay naroon ang orkestra at iniaayos ang tunog ng kanilang mga instrumento, nagpapadinig ng ilang tugtugin; sa likod ng orkestra nalalagay ang pook na sinabi ng kabalitaan sa kanyang sulat. Ang mga maykapangyarihan sa3 Isang paglalarawan ni Rizal sa labis na pagkahumaling sa paputok ng mga Pilipino bilang bahagi ng kasayahan. 4 Ang pamumulot ng mga batang Pilipino sa mga hindi pumutok na rebentador at mga natirang pulbura ay matanda ng kaugalian sa ating bayan. Sa ganitong mga pamumulot maraming mga bata ang nadidisgrasya.

469

bayan, ang mga Kastila at mga mayayamang nakipamista ay nakaupo sa nakaayos na silya. Ang bayan, ang mga taong walang mga katangian at walang katawagang kagalang-galang ay nakalagay sa ibang panig ng liwasan; ang ilan ay may dalang bangko hindi upang gawing upuan, kundi upang maging remedyo sa kanilang kapandakan:5 ang bagay na ito ay nagiging sanhi ng maiingay na tutol ng mga walang bangko, ang mga unang tinuran ay bumababa naman agad, ngunit di magtatagal nangagaakyatang muli sa bangko na parang walang anumang nangyari. Paroon, parito, sigawan, mga bulalas na paghanga, halakhakan, isang buscapies na nasindihan, isang reventador, ay napapadagdag sa kaingayan. Sa dako ritoy nasisiraan ng isang paa ang bangko at ang mga nakatuntong at nagbagsakan sa lupa, sa gitna ng tawanan ng karamihan, ang mga nangahulog na iyon ay ang ilan kataong nanggaling sa malayo upang manood, at sila ngayon ang pinanonood; sa dako roon nangagkakagalit at nagtatalo dahil sa kinatatayuang pook; sa daku-dako roon ay may nadinig na tunog ng mga kopa at botelyang nabasag: ang dahilan noon ay si Andeng na may dalang alak at mga pamatid-uhaw, hawak ng dalawa niyang kamay ang bandeha, subalit nakasalubong ang kanyang nobyo at sinamantala ang pagkakataon sa kalagayang iyon ng dalaga.6 Ang nangangasiwa sa palabas ay ang tiniente-mayor na si Ginoong Filipo, sa dahilang ang kapitan sa bayan ay mahiligin sa monte;7 si Ginoong Filipo ay nakikipag-usap kay Matandang Tasyo: Ano ang gagawin ko? anya hindi tinanggap ng alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; inaakala ba ninyong wala kayong lakas upang magampanan ang inyong mga katungkulan? ang tanong sa akin. At ano ang isinagot ninyo?

5 Pansinin ang salaysay at ang larawan ng isang pagtatanghal ng moromoro sa Pilipinas noong ika-19 na siglo. 6 Sa pagkakataong ito ay hindi na pinatawad ni Rizal si Andeng. Inilarawan ni Rizal ang ang kapilyuhan ng nobyo ni Andeng. Isipin na lamang ninyo na ang dalawang kamay ni Andeng ay may hawak na tray at nakasalubong nobyo at imbis na kumuha ng mga kopita ay iba ang dinampot. Kung ano ang dinampot ay hindi na binanggit ni Rizal. 7 Paglalarawan ni Rizal sa kapabayaan sa tungkulin ng pinuno ng bayan - Iniwan ng kapitan ng bayan ang tungkulin sa isa sa pinaka-abalang panahon para maiparaos ang kaniyang bisyo.

470

Ginoong Alkalde, ang sagot ko, ang lakas ng isang tiniente-mayor, kahit na walang kakabu-kabuluhan, ay katulad din ng sa kahit sinong maykapangyarihan: ito ay nanggagaling sa nasa itaas. Ang haring hari na ay tumatanggap ng lakas sa bayan, at ang bayan naman ay sa Diyos.8 Ang bagay pa namang ito ang wala sa akin, Ginoong Alkalde! Subalit ayaw makinig sa akin ng alkalde at sinabi sa aking saka na namin pag-usapan ang bagay na ito, matapos ang pista. Kung gayoy tulungan nawa kayo ng Diyos! ang sabi ng matanda at tumangkang umalis. Ayaw ba ninyong panoorin ang palabas? Salamat! Upang mangarap at magsagawa ng kaululan ay sapat na ako sa aking sarili, ang sagot ng pilosopo na ang tawa ay pakutya,9 ngunit maalaala ko pala, hindi ba ninyo napupuna ang ugali ng ating bayan? Mapayapa ngunit mahilig sa mga panoorin tungkol sa digmaan, sa mga madugong labanan; nangagarap ng pagkakapantay-pantay at humahanga sa mga emperador, mga hari at mga prinsipe; walang pananampalataya at naghihirap para sa pagdaraos ng maringal na pistangpansimbahan; ang ating mga kababaihan ay may matamis na ugali at tuwang-tuwa kapag may isang prinsesa na nagpapaikot ng sibat batid baga ninyo kung saan nagbubuhat ito? Sa10 Ang pagdating ni Maria Clara na kasama ang kanyang mga kaibigan ay nakaputol sa salitaan. Sinalubong sila ni Ginoong Filipo at inihatid sa kani-kanilang upuan. Kasunod na dumating8 Itinuturo rito ni Rizal na ang kapangyarihan ng hari ay galing sa taong bayan at ang kapangyarihan ng bayan ay sa mula sa Diyos. Isang pagtutol ni Rizal sa despotismo na naniniwala sa absolute na kapangyarihan ng hari dahilan sa ito ay galing sa Diyos. Kung sa ating panahon, ang lakas ng pinakamataas na pinuno ng bansa ay galing sa mga mamamayan at hindi sa mga dayuhan, sa mga tagalabas na mamumuhunan, at hindi rin sa mga usurerong bangko na bumabangkarote ng ating kabang yaman. 9 Bakit tumatawa ng pakutya si Pilosopo Tasyo? Sabihin ba naman niyang Upang mangarap at magsagawa ng kaululan ay sapat na ako sa aking sarili hindi siya katulad ni Padre Salvi, na nagtago pa sa mga puno para panoorin si Maria Clara upang makagawa ng kaululan. SAMANTALANG SI PILOSOPO TASYO AY MAYROONG MALAKAS NA IMAHINASYON. 10 Ipinapakita ang kontradiksiyon ng mga ugaling Pilipino. Ang tanong na iniwan ni Pilosopo Tasyo ay walang kasagutan. Nais ni Rizal na ang kaniyang mga mambabasa ang gumawa ng kasagutan.

471

ang kura, na kasama ang isa pang Pransiskano at ilang Kastila. Kasabay rin ng kura na dumating ang ilang mamamayan na ang katungkulan ay umalalay sa mga prayle. Gantihin nawa sila ng Diyos hanggang sa kabilang-buhay! ang sabi ni Matandang Tasyo, samantalang lumalayo. Sinimulan ang palabas sa pag-awit ni Chananay at ni Marianito ng Crispino e la Comare. Ang mata at pandinig ng lahat ay nasa dulaan, iisa lamang ang hindi: si Padre Salvi. Waring walang dahilan sa pagparoon liban sa silayan si Maria Clara, na ang taglay na kalungkutan ay nagbibigay ng kaakit-akit na anyo sa kanyang kagandahan, kayat hindi dapat na siya ay hindi malasin ng tinging halos pasamba. Ngunit hindi tinging pasamba ang ipinahahayag ng mga matang nakalubog ng Pransiskano:11 sa mapanglaw na tinging iyon ay may nababanaag na mahigpit na kalungkutan; marahil ay gayon ang mga mata ng itiningin ni Cain, buhat sa malayo, ang Paraiso, nang inilalarawan sa kanya ng kanyang ina ang mga kagandahan!12 Nagtatapos ang bahagi nang pumasok si Ibarra: ang kanyang pagdating ay naging sanhi ng bulung-bulungan: ang lahat ay napatingin sa kanya at sa kura.13 Subalit ang gayon ay tila hindi niya napupuna sapagkat binating gaya rin nang dati si Maria Clara at ang mga kaibigan nito, at umupo sa tabi ng binibini. Si Sinang lamang ang nagsasalita: Pinanood mo ba ang bulkan? ang tanong. Hindi, kaibigan, sinamahan ko ang Kapitan Heneral. Sayang! Kasama namin ang kura at kinuwentuhan kami ng kinasasapitan ng mga kaluluwang natutupok sa impiyerno: akalain mo! Takutin kami upang huwag masayahan! Akalain mo!11 Nakalubog na mata ay tanda ng malabis na pagseselos Tandaan ang usapan sa kabanata 24 na ang selos ay nagpapalalim ng mata. 12 Ang tingin ni Padre Salvi kay Maria Clara ay katulad ng tingin ni Cain na may labis na paghahangad at panghihinayang sa paraisong halamanan (tandaan ang sermon ni Padre Damaso na halamanan ng Panginoon) na alam niya na nakapagbibigay ng kaligayahan, subalit hindi siya pinahihintulutan at wala siyang karapatan na pasukan. Kung sakaling pasukan man ni Padre Salvi ang paraisong halamanan, ito ay sa anyo na lamang ng isang pangangahas at kasalanan. 1