Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab042

  • View
    349

  • Download
    10

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere Deciphered-kab042

KABANATA 42 ANG MAG-ASAWANG ESPADAA

Nakatapos na ang kapistahan; at muli na namang naunawaan ng mga taong-bayan, na kagaya rin ng ibang nakalipas na mga taon, lalong naging dukha ang kanilang mga kabang-yaman, nagpagod sila, nagpatulo ng pawis at nagpuyat nang hindi naman tunay na nagsaya, hindi-nagkaroon ng mga bagong kaibigan; sa isang salita, binayaran nila ng mahal an kanilang kaguluhan at mga sakit ng ulo. Subalit walang kailangan; sa taong darating ay gayon din ang gagawin, gayon din sa isang daang taong susunod, sapagkat ito ang kinaugalian.1 Naghahari ang malaking kalungkutan sa bahay ni Kapitan Tiyago: nakasara ang lahat ng bintana, bahagya nang marinig ang lakad ng mga tao sa sahig, at sa kusina lamang maaring mag-usap nang malakas. Ang kaluluwa ng pamamahay, si Maria Clara, ay nakahiga; sa kanyang kalagayan ay nababakas sa mukha ng lahat, na gaya ng pagkakabakas ng mga damdaming taglay sa mukha ng isang tao. Ano sa akala mo, Isabel: maglimos kaya ako sa krus sa Tunasan o sa Matahong? ang tanong na marahan nang naghihinagpis na ama. Ang krus sa Tunasan ay lumalaki, ngunit ang sa Matahong ay nagpapawis: alin ang inaakala mong lalong milagroso?2 Si Tia Isabel ay nag-isip, iginalaw ang ulo at bumulong: Lumalaki ang paglaki ay nakakahiti kaysa sa pagpapawis: lahat tayo ay pinapawisan ngunit hindi lahat tayo ay lumalaki.MGA PALIWANAG 1 Ipinapaalam ni Rizal na wala naman talagang natatamo ang bayan sa pagdaraos ng kapistahan. Kasalatan ang iniiwan nito sa mga mamamayan ng bayan. Mapansin ang sinabi ni Rizal na sa sandaang taon na susunod ay ganito ang gagawin nila, sapagkat ito ang nakaugalian. Sa kaisipan ng mga Italyano ay nakatala na Nagtatapos ang Kapistahan, Hindi ang kahangalan. 2 Sa panahong iyon ay laganap ang paniniwala sa pagmimilagro ng mga santo upang magbigay daan sa paggaling ng isang maysakit.

484

Tunay nga, Isabel, ngunit tingnan mo ang pagpawisan ang isang kahoy na ginagawa sanang paa ng bangko ay hindi mumunting kababalaghan3 Ang lalong mabuti kaya ay kapwa natin limusan ang dalawang krus, sa gayon ay hindi magselos ang isat isa at mapapadali ang paggaling ni Maria Clara Ayos ba ang silid? Batid mo nang kasama nina doktor ang isang ginoong tila kamag-anak ni Padre Damaso; dapat na walang magkulang na anuman. Sa kabilang dulo ng kainan ay naroroon ang magpinsang si Sinang at si Victoria, na naroon upang samahan ang maysakit. Tinutulungan sila ni Andeng sa paglilinis ng mga kasangkapang pilak na kagamitan sa pag-inom ng tsa. Kilala ba ninyo si Doktor Espadaa? ang masusing tanong kay Victoria ng kapatid sa suso ni Maria Clara. Hindi! ang sagot ng tinanong, ang tanging alam ko tungkol sa kanya ay mahal kung sumingil,4 ayon sa sabi ni Kapitan Tiyago. Kung gayon ay dapat maging mabuti! ang sabi ni Andeng, ang nag-opera sa tiyan ni Aling Maria ay mahal kung sumingil, kaya marunong. Hangal, ang bulalas ni Sinang, hindi ang lahat ng mahal kung sumingil ay marunong. Tingnan mo si Doktor Guevara; matapos na hindi makapag-paanak na mabuti, at pinutol pa ang ulo ng bata, ay siningil nang limampung piso ang baloang nalalaman ay ang sumingil nang mahal.5 Ano ang malay mo? ang tanong ng pinsan, na marahang sumiko sa kanya. Hindi ko malalaman? Ang asawa, na naglalagare ng kahoy, matapos na mawalan ng asawa ay nawalan pa ng bahay, dahil3 Naipakita ni Rizal ang kaniyang kahusayan sa pagkutya sa panatisismo ipinapaalam ni Rizal na ang krus na kahoy ay ginawa sanang upuang bangko, ngunit ang mapalad na kahoy ay naging krus na niluluhuran at pinagdadasalan ng tao samantalang ang kaputol nito ay ginagawang upuan at maaring minamamalas na nakakatanggap ng di kananais na amoy na ipinagkakaloob ng kaniyang pinagmagandahang loob na paupuin. Iisang kahoy na pinagmulan, nagkaroon ng ibang pagtingin at pagpapahalaga ayon sa pagkakagawa sa kanya. Mapalad ang mga bahagi ng PUNO na nagiging PUON. Dahil meron ng Santa Mesa, maari na rin sigurong magkaroon ng Santa Silya. 4 Ang katanyagan ni Dr. Espadaa ay hindi sa kahusayan sa panggagamot (hindi naman ito manggagamot) kundi sa kamahalan ng kaniyang paniningil. 5 Isang pagkutya at pagkondena sa mga mangaggamot na nakagawa ng malpratice sa propesyon.

485

pinilit siyang magbayad ng alkalde, na kaibigan ng manggagamot hindi ko malalaman? Si Tatay pa ang nagpautang sa kanya ng kuwalta upang makaparoon sa Sta. Cruz.6 Isang sasakyang huminto sa tapat ng bahay ang pumutol sa mga usapan. Patakbong pumanaog ng hagdanan si Kapitan Tiyago, kasunod si Tia Isabel upang salubungin ang mga bagong dating. Ang mga dumating na ito ay sina Doktor Don Tiburcio de Espadaa, ang asawa na si Doktora Victorina delos Reyes de de Espadaa, at isang binatang Kastila na may mainam na tindig at pagmumukhang may mainam na anyo. Ang suot ng babae ay isang sutlang balabal na may mga bulaklak at sumbrerong may isang malaking anyo ng loro na halos pitpit sa mga sintas/lace na pula at bughaw; tila nakadagdag sa mga kulubot ng kanyang mukha; ang alikabok sa daan na nahalo sa pulbos sa kanyang pisngi; gaya nang makita natin siya sa Maynila ay nakakapit din sa bisig niya ang kanyang pilay na asawa.7 Ipinakikilala ko sa inyo ang aming pinsang si Don Alfonso Linares de Espadaa! ang sinabi ni Donya Victorina, na itinuro ang binata, sila ay inanak ng isang kamag-anak ni Padre Damaso; pribadong kalihim ng lahat ng ministro8 Ang binata ay yumuko: si Kapitan Tiyago naman ay halos napahalik sa kamay ng binata. Samantalang iniaakyat ang maraming maleta at mga sacos de viaje/travelling bag, samantalang inihahatid sila ni Kapitan Tiyago sa kani-kanilang magiging silid, ay isalaysay natin ang ilang bagay tungkol sa mag-asawang ito na bahagya na nating nakilala sa mga unang kabanata.

6 Ang kuwento ay hango sa katotohanan dahilan sa may katulad itong kaganapan sa Calamba. (Poblete) 7 Maaring isipin kung bakit inilarawan ni Rizal ang mag-asawang de Espada a na laging nakakapit/akay ni Donya Victorina si Don Tiburcio. Isang paglalarawan ng maraming mga mag-asawang Espanyol at Pilipina. Ang katotohanan ay pasanin ng mga asawang babae (na mayayaman) ang kanilang asawang Espanyol, na ang ilan ay mga hampas lupa lamang sa Espanya. Kaya ang mga lalaking Espanyol na ito ay nagtungo sa Pilipinas ay para maghanap ng mga mayayaman o mga tagapagmanang mapapangasawa. 8 Pribadong kalihin ng lahat ng ministro sa paraan pa lang ng pagpapakilala ni Dna.Victorina ay makikita na ang labis na kayabangan. Una ang isang ministro sa kagawaran ay marami ng gampanin - tapos ipakikilalang pribadong kalihim ng lahat ng ministro. Ipinapakita ni Rizal kung papaano ipinakikila ng mga Espanyol ang kanilang sarili mga bagong dating na kamag-anak sa Pilipinas. Pinalalaki ang sarili para hangaan ng mga Pilipinong tubo sa bansa.

486

Si Donya Victorina ay isang babaeng nagtataglay ng apatnapung limang Agosto, na katumbas ng tatlumput dalawang Abril, ayon sa sarili niyang pagtaya sa pagbilang.9 Ayon sa lagi niyang sinasabi, siyay naging maganda noong kanyang kabataan, nagkaroon ng mainam na pangangatawan, ngunit dahil sa mahilig sa pagmamalas sa sariling kagandahan ay hindi niya pinansin ang maraming Pilipinong nangibig sa kanya sapagkat ang kanyang nais ay ang makatagpo ng ibang lahi.10 Ayaw niyang ipagkaloob kaninuman ang kanyang maliit at maputing kamay, ngunit hindi dahil sa kakulangan sa pagtitiwala, sapagkat madalas na nagkakaloob siya ng mga hiyas at mga pag-aaring mahahalaga sa ilang nagbabaka-sakaling taga-ibang lupa at tagarito.11 Anim na buwan muna bago nangyari ang aming istorya sa kabanatang ito ay nakita niyang naging katotohanan ang kanyang pinakamagandang pangarap, ang pangarap niya sa kaniyang buong buhay, na siyang sanhi ng pagpapawalang-kabuluhan sa mga tamis ng kabataan at maging sa mga pangako sa pag-ibig ni Kapitan Tiyago, na ibinulong sa kanyang mga pandinig o inawit sa isang harana. Natagalang lubos bago nangyari ang pangarap; ngunit si Donya Victorina, na kahit na masamang mangastila, ay higit pa sa pagiging-Kastila kay Agustina de Zaragoza,12 ay

9 45 anyos si Dna Victorina, ngunit ang pagpapakilala ay 32 pa lang. 10 Ano ang tunay na anyo ni Donya Victorina? Matutulala ka kapag nabasa mo ang tunay na nais ilarawan ni Rizal ukol sa babaeng ito, at maaring ito rin ang dahilan kung bakit nais niyang makapag-asawa ng isang Espanyol. 11 Ang trabaho ni Donya Victorina ay sumososyo o nagpapahiram ng puhunan sa mga katutubo at dayuhang negosyante sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. 12 Agustina de Aragon ang tunay na pangalan ipinaganak noong Marso 3, 1786 at namatay noong Mayo 29, 1857. Nakilala siya sa kaniyang ginawang partisipasyon sa pakikibahagi pagtatanggol sa lunsod ng Zaragosa na noon ay kinukubkob ng mga Pranses. Siya ang kinikilalang Joan of Arc ng Espanya. Maaring basahin ang Agustina de Aragon sa sa www.wikipedia.org. Ang pangalang Agustina ang isa sa mga dahilan upang mapagdugtong na hinango ni Rizal ang tauhang ito sa isa niyang kamag-anak na si

487

nakababatid nang salawikaing: mabuti na ang tumagal kaysa hindi mangyari, at inaaliw niya ang sarili sa pagbanggit ng walang lubos na kaligayahan sa lupa, na isa sa kanyang mga salawikaing laging nasasabi-sabi sa sarili sapagkat ang mga salitang ito ay hindi lumalabas sa kanyang mga labi sa harap ng ibang tao. Si Donya Victorina na dumaan sa una, pangalawa, pangatlo, at pang-apat niyang kabataan, na hawak ang lambat upang mabingwit sa lawak ng mundo ang dahilan ng kanyang mga pagpupuyat, ay napilitang umayon sa ipinagkaloob sa kanya ng kapalaran. Kung sa halip ng tatlumput dalawang Abril ay naging tatlumput isa lamang ang kanyang dalahin (bagay na sa kanyang aritmetika ay isang malaking agwat),13 ay isinauli sana niya ang huli na ipinagkaloob ni Kapalaran, upang mag-antay ng ibang huli na lalong kapit sa kanyang hangad. Ngunit sa dahilang nasa tao ang pagbabalak, ay nasa kagipitan naman ang pagpapasya, 14 siyang nangangailangang lubha ng isang asawa at napilitang masiyahan sa isang lalake n