36
KABANATA 49 ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG Bago maganap ang paglubog ng araw ay itinuntong naman ni Ibarra ang kanyang paa sa bangka ni Elias na nasa baybay ng lawa. Parang hindi nasisiyahang-loob ang binata. 1 “Ipagpatawad po ninyo, ginoo,” sabi ni Elias na may lungkot nang siya ay makita, “ipagpatawad po ninyo ang aking kapangahasan na tipanin kayo; ibig kong makausap kayo nang buong laya at pinili ko ang lugar na ito sapagkat dito ay walang makakarinig sa atin; sa loob ng isang oras ay makababalik tayo.” “Nagkakamali ka, kaibigang Elias,” ang sagot ni Ibarra na nagpilit na ngumiti, “pagkatapos ng ating pag-uusap ay ihatid ninyo ako sa bayang iyon na ang 1 MGA PALIWANAG Makikita sa pagkakataong na papalubog na ang araw at ang kawalan ng kasiyahang loob ni Ibarra na tumuntong sa bangka ni Elias, napilitan lamang siya na paunlakan ang pag-uusap na ito sa bangka ng tulisan. Ipinababatid sa mga mambabasa ang simbolismo ng papalubog na araw ay ang nalalapit na pagtatapos ng kapangyarihan ng Espanya sa bangka ng Pilipinas. 555

Noli Me Tangere Deciphered-kab049

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

KABANATA 49ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG

           Bago maganap ang paglubog ng araw ay itinuntong naman ni Ibarra ang kanyang paa sa bangka ni Elias na nasa baybay ng lawa.  Parang hindi nasisiyahang-loob ang binata.1

            “Ipagpatawad po ninyo, ginoo,” sabi ni Elias na may lungkot nang siya ay makita, “ipagpatawad po ninyo ang aking kapangahasan na tipanin kayo; ibig kong makausap kayo nang buong laya at pinili ko ang lugar na ito sapagkat dito ay walang makakarinig sa atin; sa loob ng isang oras ay makababalik tayo.”

“Nagkakamali ka, kaibigang Elias,” ang sagot ni Ibarra na nagpilit na ngumiti, “pagkatapos ng ating pag-uusap ay ihatid ninyo ako sa bayang iyon na ang kampanaryo ay natatanaw natin, mula rito.2 Nagkaroon ako ngayon ng masamang kapalaran.”            “Nang masamang kapalaran?”

1MGA PALIWANAG Makikita sa pagkakataong na papalubog na ang araw at ang kawalan ng kasiyahang loob ni Ibarra na tumuntong sa bangka ni Elias, napilitan lamang siya na paunlakan ang pag-uusap na ito sa bangka ng tulisan. Ipinababatid sa mga mambabasa ang simbolismo ng papalubog na araw ay ang nalalapit na pagtatapos ng kapangyarihan ng Espanya sa bangka ng Pilipinas.

2 Ipinakikiusap ni Ibarra na sa ibang bayan siya ibaba ni Elias at hindi sa San Diego. – Ang bayan na itinuturo ni Ibarra ay ang bayan ng Los Banos. Subalit, ipinakikita rito ni Rizal ang kaisipan ng mga mayayaman na tatalilis papunta sa ibang bayan upang huwag masabit sa anumang magiging kaguluhan.

555

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            “Opo, dahilan sa nasalubong ko sa pagpunta rito ang alperes na nagpipilit na ako ay samahan; 3 Naisip ko ko kayo at naalala kong baka kayo ay makilala, ay  sinabi ko sa kanyang ako ay papunta sa bayang iyon at maghapon ako roon sapagkat ibig akong salubungin bukas ng hapon.”           

“Nagpapasalamat po ako sa inyong pagmamalasakit, subalit sana ay hinayan na lamang ninyong sumama sa inyo,” ang sagot ni Elias na walang tigatig. 4            

“Ha?  At paano kayo?”            “Hindi maaring ako ay kaniyang makilala, sapagkat noong

minsan niya akong nakita ay hindi mangyayaring maisip niyang matandaan aking anyo at mga palatandaan.”5

3

Tandaan sana na may kautusan din ang Kapitan Heneral sa alkalde mayor na pasubaybayan o gumawa ng ulat ang alperes sa mga aksiyon ni Ibarra. Ito ay dahilan sa ang KH ay nakakatanggap ng mga lihim na sumbong laban sa binata. Totoong may mataas na pagtingin ang Kapitan Heneral kay Ibarra, ngunit hindi siya hangal na agad na magtitiwala. Noong manungkulan si GH Carlos Ma. de la Torre sa Pilipinas ay kinilala ang kaniyang pagiging liberal at mabuting pakikitungo kay Padre Jose Burgos, ngunit sa kabila noon ay nandoon din ang lihim ni de la Torre na buksan at siyasatin ang sulat na para kay Padre Burgos. Matutunan natin na ang isang pinuno ay hindi lamang pinamamanmanan ang kaniyang mga kaaway sa pulitika, kundi maging ang kaniyang sarili kaibigan, dahilan sa ang mga pinagkakatiwalaang mga kaibigan ay maaring siyang maging susi ng kaniyang pagbagsak. 4

Pansinin na walang katigtigatig si Elias, kahit na samahan pa ng alperes si Ibarra hanggang sa bangka. Makikita rito na ang mga taong nagmamalasakit sa mga inaapi ay maaring makagalaw ng malaya at makapaglaro maging sa tungki ng ilong ng kanilang mga kaaway.5

Kinukumpirma ni Elias ang hinala at usap-usapan na siya ang nanakit sa alperes. Kung ganoon, papaano matatandaan ng Alperes ang mukha ni Elias – dahilan sa noong sila ay magkita ay sinaktan ni Elias ang Alperes at nahulog sa kabayo at nakalublob sa putik pati ang

556

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            “Talagang minamalas ako!” ang buntung-hininga ni Ibarra na nasa ala-ala si Maria Clara.  “Ano ang sasabihin ninyo sa akin?”            Si Elias ay tumanaw sa kanyang paligid.  Malayo na sila sa pampang; ang araw ay papalubog na, at sa dahilang sa mga lupaing iyon ay matulin ang pagtatakipsilim6 at ang pagkalat ng dilim ay nagpapakinang sa liwanag ng buwan na nasa kaniyang kabilugan.            “Ginoo,” sabi ni Elias, “ako ay may dala sa inyo na mga karaingan ng maraming kapos-palad.”ª

            “Ng mga kapos-palad?  Ano ang ibig ninyong sabihin?”            Sa kaunting salita ay isinalaysay ni Elias ang naging pag-uusap nila ng pinuno ng mga tulisan, na hindi na sinabi pa kay Ibarra ang pag-aalinlangan at babala ni kapitan Pablo.  Si Ibarra ay taimtim na nakinig at nang matapos ni Elias ang pagsasalita

mukha.Sa pamamagitan ni Elias ay iginanti ni Rizal sa pamamagitan ng

imahinasyon ang kaniyang sarili sa natamo nitong pananakit ng alperes ng Calamba noon.6

Ipinapaalam ni Rizal sa mga mambabasa na hindi nakakarating sa Pilipinas, na maaga ang paglubog ng araw sa ating bayan. Sa Europa sa panahon ng tag-init, ang oras ng gabi ay noon pa lamang nalubog ang araw.ª

ª Napaka-simbolikal ng pag-uusap na ito nina Elias at Ibarra sa bangka. Si Elias ay katutubo ng bayan, si Ibarra naman ay creole. Pansinin din sana na ang pag-uusap ay ginawa sa bangka na sa malimit na pagkakataon ay simbolismong ginagamit sa paglalarawan ng bayan. Tandaan na ang bangka ay pag-aari ni Elias at nakikisakay lamang si Ibarra. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay makikita ang magkaibang pananaw ng dalawang pangunahing tauhan ng nobela; si Elias ang tagapagsalita ng sambayanan at si Ibarra naman ang kumakatawan sa kaisipan ng mga creole. ginamit ni Rizal ang kabanatang ito, upang ipamukha sa mga creole ang karaingan ng bayan na hindi nila pinapansin o pinahahalagahan man lamang – gayong nakasakay sila sa magkaparehong bangka.

557

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ay naghari ang isang mahabang katahimikan na pinukaw ni Ibarra. “Kung gayo’y gusto nila ay ang…?”            “Isang radikal na reporma sa hukbong sandatahan,7 sa kaparian, sa sistema ng hukuman,8 sa isang salita, humihingi sila ng isang pagtratong katulad sa magulang mula sa Pamahalaan.”            “Pagbabago sa anong paraan?”           “Halimbawa:   igalang ang karangalan ng tao, magkaroon ang mga tao ng kaunti pang kaligtasan sa kanilang pamumuhay, bawasan ng kaunting lakas ang hukbong sandatahan, alisan nang napakalaking kapangyarihan ang mga taong madalas na umaabuso sa kanilang panunungkulan.”9

            “Elias,” ang sagot ng binata, “ hindi ko alam kung sino kayo, ngunit naghihinala akong kayo ay hindi karaniwang tao:  ang inyong mga kilos at kaisipan ay hindi kagaya ng sa iba.  Maiintindihan ninyo ang aking ibig sabihin kung sabihin ko sa inyo10 na kung maraming mga depekto ang kalagayan sa

7

Panahon pa ni Rizal ay gusto na ng sambayanan ng radikal na reporma sa kolonyal na hukbo – na pinamumugaran ng mga katiwalian, kawalan ng kakayahan, at paglabag sa karapatang pantao.8

Bulok na hukuman dahilan sa nasusuhulan ang mga hukom para pumanig sa mga akusadong may kakayahan na bilhin ang katarungan. Sa panahon pa ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas ay kinamumuhian ng mga mamamayan ang mga hoodlum in robe na parang mga tindero na nilalagyan ng presyo ang bawat maa-areglong kaso.9

Kung hindi lang ito nakasulat sa nobela ni Rizal ay iisipin na ito ay manipesto o pahayag ng mga progresibong grupo sa ating kapanahunan.10

Dito ay makikita na nagkakaroon ng mataas na pagtingin si Ibarra kay Elias na isang misteryosong indibidwal. Ngunit ang salitang iyon ay pamamaraan lamang upang hikayatin o utuin ni Ibarra si Elias. Inuuto ng creole ang tagapagsalita ng sambayanan na pakinggan ang panig ng kolonyal na pamahalaan.

558

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ngayon ay maari pang sumama kung magbabago.  Maaaring makakita ako ng mga kaibigan na mapagsalita sa Madrid, babayaran ko sila.11 Maari kong makausap ang Kapitan Heneral, subalit ang mga unang sinabi ko ay wala tayong mapapala; ang Kapitan Heneral ay walang gaanong kapangyarihan upang magpasok ng mga pagbabago,12 at ako naman ay hindi kikilos kahit isang hakbang tungkol sa bagay na na inilalapit ninyo, sapagkat alam kong lubos na kahit tunay na ang mga corporacion religioso ay may depekto ay kailangan sila sa ngayon, sila ang tinatawag na masamang bagay na kailangan.”

11

Ang binabanggit ni Ibarra na mga kaibigan sa Madrid na kaniyang maaring bayaran ay mga lobbyist na ang gawain ay binabayaran upang kausapin ang mga kinatawan ng batasan upang paboran ang kanilang mga panukalang batas o adbokasiya. May pagkakataon din na ang mga lobbyist ay binabayaran ng mga mayayaman para hadlangan ang panukalang batas na makakasama sa kanilang kapakanan. Dahilan sa magastos ang kumuha ng mga lobbyist – sa ibang bansa na tuso ang mga negosyante, sumusoporta na lamang sila ng mga kandidato o pinatatakbo na lamang ang kanilang mga popular na empleyado sa batasan para mangalaga sa kanilang mga negosyo.12

Isang paglalantad ni Rizal sa kalagayan ng Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Walang tunay na magagawa ang punong ehekutibo para mabago ang kalagayan sa Pilipinas. Una sila ay mga inilagay ng Madrid para mangasiwa at magpatupad lamang ng mga tagubilin at batas na mula sa Espanya; pangalawa, sila ay nadidiktahan ng mga prayle na may kapangyarihan para hilingin sa Madrid na paalisin ang mga pinuno na hindi nila magugustuhan – ngunit pumapayag ang mga alagad ng simbahan na manatili ang isang tiwaling pinuno sa bansa basta ito ay sunud-sunuran sa kanilang kagustuhan. Ipinakikita ni Rizal na ang pinuno ng isang bansa na kontrolado ng higit pang mataas na kapangyarihan o takot sa interest ng mga makapangayrihang grupo ay walang tunay na magagawang anumang pagbabago para sa kapakanan ng ating bansa.

559

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            Si Elias ay nabigla, itinaas ang ulo at namamanghang tiningnan si Ibarra.13           

“Kayo po rin ba ay naniniwala na may masamang  bagay na kailangan?” tanong na ang boses ay halos nanginginig, “naniniwala ba kayong sa paggawa ng kabutihan ay kailangang gumawa ng masama?”            “Hindi; nananalig ako sa kanya, gaya ng pananalig sa isang mahapding gamot na ating inilalapat kung ibig nating gamutin ang isang sakit.  Ang bayan ay isang katawan na nagdaranas ng isang matagalang karamdaman, at upang ito ay magamot ay napipilitang gumamit ang Pamahalaan ng mga kaparaanang matitindi at masasakit, kung iyon ang ibig ninyong ipalagay, nguni’t makabubuti at kinakailangan.”14

            “Ang pamahalaan ay katulad ng isang masamang manggagamot, ginoo, walang hinahanap kundi ang lunasan at gamutin ang mga sintomas, ngunit hindi naman sinisiyasat ang pinagmumulan ng sakit, o kung alam man niya ang dahilan ay natatakot na ito ay labanan.15  Ang guwardiya sibil ay itinatag lamang sa layunin na

13

Nagtataka at namamangha si Elias, dahilan si Ibarra ay hindi kikilos para sa mga karaingan ng bayan na ipinapaalam niya, at sa dulo ay ipinagtatanggol pa ni Ibarra ang sistema na nagpapahirap sa mga kapus-palad. Sa kasalukuyan ay katulad sa ating pamamangha at pagkadismaya sa mga inihalal natin sa batasan dahilan sa pangakong maglilingkod para sa mahirap, ngunit pumapabor naman sa mga batas na higit pang nagpapahirap sa mga mahihirap.14

Para kay Ibarra, ang pamahalaan ay kailangang gumagamit ng mga hindi popular na patakaran para malunasan ang karamdaman ng bayan. Maaring gumamit ng isang hindi popular na desisyon, ngunit sa pagdating ng panahon ay tunay na pakikinabangan ng bayan. Pero sa kasaysayan ng ating bayan ay ang napakarami ng mga hindi popular na desisyon ang pikit matang sinunod ng sambayanan, ngunit lalo pa tayong naghirap pagkatapos ng maraming panahon.15

Ang pamahalaan ay katulad ng isang masamang manggagamot, ang

560

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

sugpuin ang kasamaan sa pamamagitan ng pananakot at lakas, ngunit ang layunin ng pagtatayo nito ay hindi naman nangyayari at kung may nagagawa ay nagkakataon lamang.16 At dapat malaman na ang mga guwardiya sibil ay walang napagbubuntunan ng sisi kundi ang mga taong bayan lamang, kapag sila ay binigyan ng mga kailangan sa ikaaayos ng kanilang ugali.  Sa ating bayan, sa dahilang walang partidong pampulitika ang mga mamayan, dahilan sa hindi nagkakaisa ang bayan at ang pamahalaan.17 Sa ganito, ang pamahalaan ay nararapat na maging mapagpaumanhin, hindi lamang dahilan sa ito ang nararapat niyang gawin, kundi sa dahilang ang mga mamamayan, na kapos sa kanyang pagkalinga at pinababayaan, ay walang pananagutan dahil nga sa hindi sila tumanggap ng malaking liwanag,18  Saka ang isa pa, sang-ayon sa inyong

kaniyang mga lunas sa karamdaman ng bayan ay remedyong tapal-tapal lamang – hindi nilulunasan ang tunay na sanhi ng karamdaman ng bayan sa dahilang hindi nito alam o kung alam man ay natatakot ito na galawin ang tunay na dahilan ng suliranin ng bayan. Ito ang dahilan kung bakit ang Pilipinas ay napakaraming mga programa (ang tawag naman ng iba ay pakulo), ngunit hindi naman tunay na nakakalunas sa mga karamdaman ng bayan. 16

Ang guwardiya sibil ay itinatag sa layunin na sugpuin ang tulisanismo, ngunit ang higit nitong ginambala ay ang katiwasayan ng pamumuhay ng mga taong bayan at kung may mahuling mga tulisan ay nagkakataon o suwerte lamang at hindi bahagi ng kanilang epektibong operasyon. 17

Magkaiba ang kapakanan ng pamahalaan sa kapakanan ng mga mamamayan.18

Sa bahaging ito ay ipina-aalam ni Rizal sa mga mambabasa ang tinatawag na Kontratang Panlipunan – kung saan mayroong kontrata ang mga mamamayan na susunod at papailalim sa isang pamahalaan, kapalit naman ng obligasyon ng pamahalaan na pagkakalooban ng pagkalinga at kabutihan ang mga mamamayan. Ang mga mamamayan na hindi susunod o papailalim sa legal na kautusan ng pamahalaan ay

561

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

halimbawa, ang panlunas na inyong iminumungkahi sa sakit ng bayan ay tunay na hindi mabisa, walang nagagamot kundi ang mga parte ng katawan na hindi naman apektado ng karamdaman na pinahihina at iniaaboy sa kasamaan.  Hindi kaya lalong makatwiran na pabagsikin ang gamot sa parte ng katawan na tunay na may sakit at bawasan ng kaunti ang bagsik sa dakong wala namang karamdaman?”            “Ang pahinain ang guwardiya ay maglalagay sa panganib ng kapayapaan ng mga bayan-bayan.”19

            “Ang katiwasayan ng mga bayan!” ang mapait na bulalas ni Elias.  “Halos malabinlimang taon ngayong ang mga bayang ito ay may guwardiya sibil,20 tingnan ninyo:  

maaring bigyan ng kaparusahan. Sa kabilang dako, ang isang pamahalaan na walang pagkalinga at walang kakayahan na isulong ang kabutihan ng mga mamamayan ay maaring alisan ng katapatan ng mga mamamayan. Ang Teorya ng Kontratang Panlipunan ang siyang pilosopikal na basehan sa pagbibigay matuwid sa pagsusulong ng isang himagsikan. Ang mga taong bayan ay walang responsabilidad na mahalin at ipagtanggol ang isang iresponsableng pamahalaan.19

Paniniwala ni Ibarra na ang pagbabawas sa kapangyarihan ng guwardia sibil (demilitarisasyon) ay magbubunga ng higit na panganib dahilan sa maaring paglakas ng kilusan ng mga tulisan.20

Ang guwardiya sibil ay itinatag noong Marso 24, 1868 (http://www.guardiacivil.org/revista/result.jsp?id=471) at ayon kay Elias ay halos maglalabing-limang taon na buhat ng iyon ay maitatag. Ang eksaktong 15 taon ay papatak na Marso 24, 1883, sa ganito ay mauunawaan natin na ang piktisyosong petsa na nagaganap ang nobela ay magmula Oktubre 31 hanggang Disyembre 25, 1882. Mula sa sinabi ni Rizal na ang Noli Me Tangere ay kasaysayan ng Pilipinas sa nakalipas na 10 taon – lumilitaw na ang peryodong sinusuri ng nobela ay ang dekadang sakop ng Enero 1873 (malaman na si Rizal ay may artikulong “Ang Maynila sa Buwan ng Disyembre 1872”) hanggang Enero 1883. Subalit nililinaw ko na mayroon ring ilang mga historikal na kaganapan na isiningit rito si Rizal na galing sa ibang mga

562

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

mayroon pa tayong mga tulisan; naririnig na nilolooban nila ang mga bayan, at nanghaharang pa rin sa mga daan. Patuloy ang nakawan at hindi nadadakip ang mga may kasalanan; ang tunay na may kagagawan ay lumalaboy na malaya, ngunit hindi gayon ang mga payapang mamamayan.21  Itanong ninyo sa bawat marangal na mamamayan kung ang ang guwardia sibil ay tinitingnan bilang kabutihan, at bahagi ng pangangalaga ng pamahalaan, o pahirap sa mga tao. Ang panunupil at ang mga kasamaang ginagawa nila ay higit na napaminsala kaysa sa marahas na gawain ng mga tulisan. Ang mga kagagawan ng tulisan ay seryoso subalit bihira lamang na maganap at may pagkakataon ang mga tao na ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Subalit sa pang-aabuso ng mga legal na sandatahang pangkat, ang mga mamamayan ay walang karapatan kahit man tumutol man lamang.22 Ano ang naibibigay na benepisyo ng mga kawal na ito sa kabuhayan ng ating mga bayan-bayan?  Balakid sila sa mga paglalakbay pagkat ang lahat ay delikadong maparusahan sa maliit na kadahilanan;23 higit na binigyan ng atensiyon ang mga pormalidad kaysa tunay na kabuluhan ng mga bagay; ito ang unang sintomas ng kawalang kakayahan,24 ang isang tao na nakalimot lamang na

taon.

21 Para kay Elias ang matagal na panahon pagkakatatag ng guardia sibil sa layunin na pairalin ang kapayapaan sa mga kanayunan ay hindi ito naging mabisa sa pagpapanatili ng kapayapaan ng bayan. Ipinapakita dito ni Rizal, ang kawalan ng pagiging epektibo ng solusyong militar laban sa tulisanismo o kilusan ng mga taong labas.22

Sa mga tulisan ang tao ay maaring lumaban, subalit kapag sundalo ang umaabuso, ang bayan ay walang lakas na lumaban. Sa ganito ay higit kinatatakutang ng mga tao ng sundalo ng kolonyal na sandatahang lakas. 23

Uso na ang mga check point noon at napakahigpit pa ng mga guwardiya sibil na nagbabantay.24

563

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

dalahin ang sedula ay ikakadena at paparsahan, na hindi na iginalang ang kalagayan ng taong kanilang dinadakip kung marangal at iginagalang; ang unang ginagawa ng mga pinuno ng guwardiya sibil ay turuan ang mga tao na pagpugayan, sa ibig man o sa sapilitan, kahit na sa gitna ng kadiliman ng gabi,25 na siya namang ginagaya ng kanilang mga sundalo sa pagpapahirap at pagnanakaw sa mga taong-bukid,26 at ang dahilan ay napakababaw; Hindi nila iginagalang ang mga tahanan; hindi pa natatagalan may ninakawan sa Calamba, sa bintana nagdaan ang mga sibil na nanloob, ang bahay na iyon ay tirahan ng isang tahimik na mamamayan na pinagkakautangan ng salapi at utang na loob ng pinuno ng mga nagnakaw na guwardya sibil;27 walang kapayapaan ang tao:  kapag kailangan linisin ang kuwartel o ang kanilang mga bahay ay lalabas sila at manghuhuki ng maaring pagawain sa maghapon; ibig pa ninyo ng iba?  Sa mga araw ng nakalipas na kapistahan ay patuloy na hindi nagagambala ang mga bawal na sugal,28

Para sa mga taong walang kakayahan - mas mahalaga ang kaanyuan (pormalidad), kaysa sa panloob na katuturan. 25

Ang pagyuko sa mga pinuno ng guwardia sibil ay isa sa mga ipinag-uutos sa mga mamamayang Pilipino sa panahon ng pananakop ng Espanya at ang sinumang hindi makakatugon sa kautusan ay mapaparusahan ng labis. 26

Ang masamang ugali ng pinuno ay ginagaya ng kaniyang mga tauhan. Isang masakit na bahagi ng ating kasaysayan na ang mga pinuno ng guwardiya sibil ay mga Espanyol at ang kaniyang mga tauhan ay mga Pilipino – ngunit ang mga Pilipinong ito na naglingkod sa kolonyal na hukbo ay naging malupit sa sariling kababayan – nakitulad sa mga Espayol.27

Makikita na ang mga alagad ng batas ay kasangkot sa paggawa ng krimen tulad ng pagnanakaw at panloloob. Panahon ng kolonyalismo ng Espanya ang tinutukoy dito.28

Walang kakayahan ang mga alagad ng batas na sugpuin ang mga

564

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

subalit ginulo nila ang kasayahan na pinahintulutan ng mga maykapangyarihan; nakita ninyo ang palagay sa kanila ng mga tao.  Ano ang pakinabang na pigilin ang pagsulak ng mga kalooban at paghihintay sa katarungan ng mga tao?  Ah!, ito ba ang tinatawag ninyong tagapangalaga ng kaayusan at katiwasayan…!”29

            “Umaayon akong may mga depekto nga,” sagot ni Ibarra, “pero tanggapin natin ang mga depektong ito para sa kabutihan na kasama nito. Ang pangkat ay maaring may mga depekto, ngunit, paniwalaan ninyo ito, na ang takot sa kanila ang nakapipigil sa pagdami ng mga kriminal.”30           

“Ang sabihin ninyo dahil sa takot ay higit na lumaki ang bilang,” ang pagtutuwid ni Elias.  “Bago maitatag ang pangkat ng guwardiya sibil, ang halos lahat ng salarin, maliban sa iilan ay nagiging tulisan lamang dahil sa gutom; nangungulimbat at nagnanakaw upang mabuhay, ngunit paglipas ng kasalatan, muli na namang lumilinis ang mga lansangan;31 Kaya silang sugpuin

sugalan, dahilan sa tumatanggap ang pinuno nila ng malaking halaga mula sa sugalan. Panahon ng kolonyalismo ng Espanya ang tinutukoy dito.29

Pagkatapos ng mahabang litanya ng mga kalaswaan ng mga guwardiya sibil ay itinanong ni Elias ng paretorika “ito ba ang mga tagapangalaga ng kaayusan”. Sa pamamagitan ng mga salitang ito ay parang sinasampal ng malakas ni Elias si Ibarra sa isang kalagayang pasibo o walang paki-alam sa kalagayan ng bayan.30

Para kay Ibarra ay kailangan ang mga guwardya sibil sa kabila ng mga depekto ng mga ito, para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bayan.31

Sa pananalita ni Elias ay makikita na ang tulisanismo ay nakakawing sa usapin ng kabuhayan. Ang kahirapan ng bayan ay nagtutulak sa mga tao na yumakap sa tulisanismo at ang pagkatapos ng pagsasalat ay napapawi ito. Ang mga maling programang pangkabuhayan at katiwalian sa pamahalaan, na pinagmumulan ng kahirapan ng bayan at siyang maituturing na tunay na ugat ng paglakas ng anumang

565

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ng mga mahihinang sandata ng mga mga maralita ngunit matatapang na kuwadrilyero. Ang mga kuwadrilyero iyan na labis na pinupulaan ng mga nagsusulat tungkol sa ating bayan; iyang mga taong ang karapatan ay ang mamatay, ang tungkulin ay makipaglaban, at ang gantimpalang tinatamo ay ang labis na panlalait.  Ngayon, may mga tulisan na pang-habang buhay na.   Isang maliit na pagkakamali, isang krimeng nilapatan ng hindi makataong parusa, ang pakikibaka ay laban sa pagmamalabis ng mga maykapangyarihan, ang pagkatakot sa malupit na pahirap ay nag-taboy sa kanila sa panunulisan at pumipilit sa kanilang pumatay o mamatay.32  Ang terorismo ng guwardiya sibil ang nagsara ng pintuan sa kanilang pagbabalik sa kabutihan, at sa dahilang ang isang tulisan ay nakakalabang mabuti sa kabundukan, kaysa mga sundalong kanilang kinakalaban, ang nagyayari ay wala tayong lakas na sukat makasugpo sa kasamaang sa atin din nagmula.33  Alalahanin ninyo ang nagawa ng katalinuhan ni Heneral dela Torre! Ang amnestiyang ipinagkaloob sa mga tulisang iyan ay nagpapatunay na sa gitna ng mga kabundukang iyan ay tumitibok pa ang puso ng mga tao at naghihintay lamang ng kapatawaran.34  May kabuluhan

armadong samahanan na lumalaban sa pamahalaan.32

Ang kalupitan ng mga kolonyal na hukbo at ang isang tiwaling pamahalaan na walang kakayahan na magkaloob ng pagbabago sa mga mamamayan ang nagbibigay daan upang maging pang-habang buhay na ang komitment ng mga armadong puwersa na lumalaban sa kanila.33

Sa hanay ng pananalitang ito ni Rizal ay ipinapakita at nagbabala si Rizal sa kolonyal na hukbo ang kalamangan ng topograpiya sa pakikidigma ng mga inaalpi laban sa isang pangkating mapang-api at mapagsamantala. 34

Tinutukoy ay si Heneral Carlos Maria de la Torte na naging KH ng Pilipinas. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan ay ipinahayag niya ang pagkakaloob ng kapatawaran noong Agosto 15, 1868, sa mga tulisan sa lalawigan ng Cavite na pinamumunuan ni Casimiro

566

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

lamang ang pananakot, kapag ang bayan ay alipin, kapag ang mga kabundukan ay walang mga yungib, kapag ang maykapangyarihan ay maglalagay ng bantay sa bawat punongkahoy at kapag ang katawan ng alipin ay walang laman kundi sikmura at bituka lamang.35 Subalit ang taong sa kawalan nang pag-asa, ay lalaban para sa kaniyang buhay, nararamdanan na ang kanyang bisig ay malakas, ang puso ay tumitibok, at sa buong pagkatao ay nagtataglay ng pagkamuhi, papaanong masugpo ng pananakot ng pamahalaan ang lagablab na kanyang dinagdagan pa ng gatong?”36

Camerino, at mula sa pangkat na ito (tinatayang 50 katao) nang mga sumukong tulisan ay itinatag niya ang pangkat ng mga tauhan na naging personal niyang tagapag-bantay at tinawag na Guias de la Torre.35

Ipinapakita ni Elias na ang pananakot ay walang kabuluhan sa isang bayan na ang topograpiya ay angkop para sa isang matagalang digmaang bayan. Ang Espanya ay mangangailangan ng malaking puwersa ng hukbo para mabantayan ang buong Pilipinas (bawat punongkahoy). Ngunit ang higit na kalamangan ay ang mga Pilipino ay mayroong utak na may kakayahan na mag-isip ng tunay na dahilan ng kanilang mga kahirapan at pagsasamantala. Sa sulat ni Rizal kay Blumentritt ay kaniyang inilarawan ang isang kolonya na kaniyang nabisita sa isang paglalakbay at sinabi niyang “ang dami ng kutang militar ay kasindami ng mga bahay ng mga mamamayan, at ang bilang ng mga mamamayan na kaniyang nasasakupan ay kasindami ng kanilang mga kanyon.”36

Ito ang kabalintunaan - ang kahirapan na nararamdaman ng mga mamamayan at ang katiwalian ng pamahalaan ang siyang nagiging gatong upang higit na mag-apoy ang rebelyon na kanilang sinusugpo.

567

Page 14: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

“Nalilito ako Elias, sa mga sinasabi ninyo; halos maniniwala akong may katwiran nga kayo, kung hindi lamang mayroon akong sariling mga paniniwala.  Ngunit tingnan ninyo ang isang bagay; huwag ninyong ipagdamdam dahil sa kayo ay hindi ko itinuturing sa karaniwan at itinatangi ko kayo; tingnan ninyo kung sinu-sino ang mga taong humihingi ng pagbabagong iyan!  Lahat sila halos ay pawang salarin o mga taong malapit nang maging ganoon!”37

            “Mga salarin o magiging salarin; subalit bakit sila nagkagayon?  Sapagkat ginulo ang kanilang kapayapaan,

37

Ang paniniwala ni Ibarra ay ang mga humihingi lamang ng pagbabago sa lipunan ay ang mga tulisan lamang o malapit nang maging tulisan. - Sa kasalukuyang panahon, lagi na lamang na pinagdidiskitahan ng pamahalaan na ang mga taong nagnanais ng pagbabago ay mga aktibista at napaparatangan na mga subersibo. Sinasabi pa na ang mga taong bayan na humihingi ng pagbabago ay mga kasangkapan ng de-establisasyon. Isang kalakaran ng kasaysayan na mga salitang rebelde, terorista, manggugulo, kasangkapan ng de-istablisasyon ay mga terminong ginagamit ng ayon sa petsa ng panunungkulan ng mga mapagsamantalang uri. Pagkatapos ng panahon ng paghahari ng isang mapanupil na pinuno, ang mga ito ay ituturing na mga bayani ng bayan. Katulad lang sila ng mga katipunero na sa pag-uulat ng pahayagan sa Maynila noong 1896-1897 ay tinawag na rebelde; ang sandatahang lakas ng Unang Republika ay tinawag ng mga Amerikano na mga insurektos, si Macario Sakay ay tinawag na bandido, ang mga aktibistang lumaban sa pamahalaang Marcos ay tinawag na mga subersibo. Ang sabi nga sa Count of Monte Cristo ni Dumas ay “Rebellion is just a matter of date”

568

Page 15: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

winasak ang kanilang kaligayahan, sinugatan ang kanilang mga damdamin at nang humingi ng katarungan at kalinga ay natanto nilang wala silang maaasahan kundi ang kanilang sarili.38  Nagkakamali kayo, kung iniisip ninyong walang humihingi noon kundi ang mga salarin lamang; magtungo kayo sa bawat bayan, sa bawat bahay; pakinggan ninyo ang nakatagong hinagpis ng mga pamilya at mapapaniwala ninyo ang inyong sarili, na ang mga kasamaang sinusugpo ng guwardiya sibil ay kasinlaki, o maliit pa kaysa mga kasamaang kanilang ginagawa.  Maituturing ba na puro salarin ang lahat ng taong-bayan?  Ano pa ang dahilan at ipagtatanggol pa sila sa   mga salaring kagaya nila?   Bakit hindi wasakin na silang lahat?”            “Ilang mga kamalian ang tunay na lumilitaw dito, na ngayon ko lamang nakita, mukhang ang mabuting panukala ay nawalan ng kabuluhan sa pagsasagawa, dahil sa Espanya, ang mga kawal na ito ay naglingkod na lubhang mabuti.”39

            “Hindi ko iyon pinag-aalinlanganan:  marahil sa Espanya ay higit na organisado, ang mga kawal ay pinili mula sa pinakamahuhusay; at marahil din namang dahil sa siya ay kailangan ng Espanya, ngunit hindi kailangan ng Pilipinas.  Ang ating mga kaugalian, pamamaraan ng pamumuhay, na ginagamit kailanman at binabalak na ipagkait sa atin ang isang karapatan, ay ganap nating nalilimutan kapag tinatangkang ipilit sa atin ang anuman.  At sabihin ninyo sa akin, Ginoo, bakit ang ibang bansa na kalapit at kahawig ng Espanya, ay hindi itinatag

38

Sa pananalita ni Elias ay kaniyang ipinapakita na ang kapabayaan at direktang pang-aabuso ng pamahalaan sa mga taong bayan ay nagbubunsod sa kanila na makilala ang sariling lakas para labanan ang pamahalaan.39

Ang mabuting impresyon ni Ibarra sa guardia sibil ay dahilan sa nakita niya ang maayos at propesyonal nitong gampanin sa Espanya na isa sa mga bansang kaniyang napuntahan. Sa kabilang dako, sa Pilipinas ang guwardiya sibil ay isa sa mga kinamumuhiang institusyon ng mga Pilipino.

569

Page 16: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ang ganitong hukbo?   Iyon ba ay dahilan sa kaunti ang bilang ng nakawan sa kanilang mga perokaril, kakaunting mga kaguluhan, kakaunting mga patayan at hindi karaniwan ang asasinasyon sa kanilang malalaking kapitolyo?”40

            Si Ibarra ay tahimik na nag-iisip, at ilang sandali ay itinaas ang ulo at sumagot: “Ang tanong na iyan, kaibigan, ay kailangan ng isang seryosong pag-aaral; kung sa aking pagsisiyasat ay makita kong may katwiran ang mga karaingang iyan ay susulatan ko sa aking mga kaibigan sa Madrid, sapagkat wala tayong kinatawan.41  Samantala, maniwala kayo sa akin na kailangan ng pamahalaan ng isang pulutong ng kawal na may  malaking lakas upang ito ay igalang, at maipatupad ang kaniyang kapangyarihan.”            “Maari o iyan, ginoo, ay kung naglalabanan ang pamahalaan at ang taong bayan; ngunit alang-alang sa ikagagaling ng pamahalaan ay hindi natin dapat ipakilala sa bayan na siya ay kalaban ng pamahalaan.42  Hindi pa iyon, kung

40

Si Elias sa kabila ng pagiging taga bukid ay mayroong malaking kaalaman sa mga kaganapan sa labas ng bansa. Sa pamamagitan ni Elias ay ipinapakita ni Rizal na sa kabila ng nagaganap na tusalismo sa Pilipinas ay higit na payapa ng Pilipinas kumpara sa mga bansa sa Europa. Kaya ang tanong ni Elias, bakit sa mga bansang kalapit ng Espanya na may mataas na kriminalidad ay walang mga guardia sibil?41

Sa pamamagitan ng pananalitang ito ni Ibarra ay ipinakita niya sa mga mambabasa na ang isa sa mga sanhi ng kaguluhan sa Pilipinas ay ang kawalan ng kinatawan sa cortes o batasan ng Espanya. Ang pagkakaroon ng kinatawan sa cortes ang dapat sana ay nagbigay ng pagkakataon upang maipakita sa Madrid ang tunay na kalagayan sa bansa at makapaglapat ng matitinong mga batas at kinakailangang kalunasan. 42

Ang labis na pagpapakita at paggamit lakas militar ay isang anyo ng pagtuturing sa mga taong bayan na kalaban sila ng pamahalaan. Kapag pinalibutan ng mga guardiya sibil ang isang barangay, sinusuri ang dala-dalahan ng mga mamamayan – ito ay isang anyo na ang

570

Page 17: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

sadya ngang gayon ang mangyayari, kung piliin natin ang lakas kaysa kabantugan,43 ay nararapat nating tingnang mabuti kung kanino natin ipinagkakaloob ang hindi natatakdaang kapangyarihang.  Ang ganyang kalaking kapangyarihan sa kamay ng mga taong mangmang, puno ng mga masasamang bisyo, walang edukasyon ukol sa moralidad, at hindi napapatunayan ang prinsipyo, ay matutulad lamang sa sa isang sandatang hawak ng isang baliw na nasa gitna ng maraming taong hindi makalaban.44  Pumapayag ako at umaayon sa inyo na kailangan ng pamahalaan ang lakas na ito, subalit nararapat na piliing mabuti ang gagawing bisig, piliin ang mga higit na nararapat; at dahil ibig niyang bigyan ng kapangyarihan ang sarili kaysa siya ay pagkalooban ng bayan, ay ipakilala man lamang na marunong siyang mamahala.”45

pamahalaan ay walang tiwala sa kaniyang mga mamamayan.43

Kabantugan o lakas – ang pamahalaang may kabantugan na rito ang esensiya ay popularidad at suporta ng mga mamamayan ay hindi nito labis na kailangan ng lakas ng hukbong sandatahan. Ang pamahalaang walang popularidad at hindi makakasandig sa pagmamahal at pagmamalasakit ng taong bayan ay asahan mong isang pamahalaan na nakasakay sa tigre ng militarisasyon na ginagamit niyang panakot sa mga mamamayan, at maari rin na ang tigreng ito ang kakain sa kaniya sa isang panahon na ang kapritso nito ay hindi mapagbibigyan.44

Kahulugan nito sa ating panahon – scalawags in uniform.45

“Dahilan sa ang kapangyarihan ng pamahalaan ay hindi nanggaling sa bayan” – ang pamahalaan ay dapat na ipakita na siya naman ay nararapat sa paghawak ng kapangyarihan. Ito ang hirap sa Espanya noon, hindi mula sa taong bayan ang kaniyang kapangyarihang pampamahalaan, subalit pinahihirapan at inaabuso pa ang mga mamamayan – ito ang mga pangunahing sangkap sa perpektong kemistriya ng himagsikan. Sa ibang pagkakataon naman ay maari nating maisip ang isang namumuno na ninakaw lamang ang mandato sa pamamagitan ng pandaraya sa halalan –dahilan dito, ang pamahalaan nakaluklok sa kaniyang ninakaw na mandato mula sa mga

571

Page 18: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            Ang pananalita ni Elias ay naging mabilis, maalab, ang kanyang tinig ay yumayanig; at ang mga mata ay kumikinang.  Isang mahabang katahimikan ang sumunod:  ang bangkang noon ay hindi pinagagalaw ng sagwan ay parang tahimik na nakalutang sa ibabaw ng tubig; ang liwanag ng buwan ay nangingibabaw sa isang bughaw na langit; ilang mga ilaw ang nagliliwanag sa malalayong dalampasigan.ª

            “At ano pa ang hinihingi?” ang tanong ni Ibarra.

mamamayan ay siyang higit na dapat na magpakita ng kahusayan at pagmamalasakit sa mga tao, DAHILAN SA GANITONG PARAAN LAMANG NITO MAIPAPAKITA NA NARARAPAT SA KANIYA ANG KANIYANG NINAKAW NA MANDATO MULA SA SAMBAYAN. Ang masama ay ninakaw na ang mandato – pinapaghirap pa ang mga tao, ang sinumang mamamahala sa ganitong paraan ay uuwi sa trahedya.ª

ª Pansinin ang simbolismo ni Rizal sa talatang ito:

Ang pananalita ni Elias ay naging mabilis, maalab, ang kanyang tinig ay yumayanig; at ang mga mata ay kumikinang – paraan ng pagpapahayag ng mga taong lider sa kilusang pagbabago.

Isang mahabang katahimikan – nagaganap sa panahon na ang bayan ay nag-iisip ng kaniyang tutunguhing aksiyon. Mapanlinlang sa mga namumuno ang hindi pagkibo ng bayan, dahilan sa hindi nakibo ay kanilang pinagsasamantalahan katulad sa pagbatak sa isang lubid na hindi napapansin na malapit nang mapatid.

ang bangkang noon ay hindi pinagagalaw ng sagwan ay parang tahimik na nakalutang sa ibabaw ng tubig –ang kalagayan sa panahon na nakabitin pa ang kolektibong desisyon ng bayan para baguhin ang lipunan.

ang liwanag ng buwan ay nangingibabaw sa isang bughaw na langit - kumakatawan sa mga mataas na ideyalismo na dinadala ng mga tagapagpabago ng lipunan.

Ilang mga ilaw ang nagliliwanag sa malalayong dalampasigan –ang mga praktikal na ideyalismo na maaring mapuntahan at magamit ng mga taong bayan.

Ang hinihintay na lamang ay ang pag-usad ng bangka (bayan)

572

Page 19: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            “Pagbabago sa mga kaparian,” ang sagot ni Elias, na ang boses ay nanlulupaypay at malungkot “humihingi sila ng kaunting proteksiyon laban sa…”            “Laban sa mga ordenes religiosas ?”46

            “Laban sa mga naniil sa kanila, ginoo.”            “Nalimutan na ba ng Pilipinas ang mga utang na loob sa orden na iyan?  Nalimot na ba niya ang sila ang humango sa kanila sa kamalian upang sila ay ilagay sa tunay na pananampalataya, sa mga pagtulong sa kanila laban sa mga kalupitan ng mga kapangyarihang sibil?  Ito ang masamang bunga ng hindi pagkaalam ng kasaysayan ng bayan!”47

Ang nabiglang si Elias ay halos hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. “Ginoo,” ang matigas na sagot, “inakusahan ninyo ng walang utang na loob ang bayan, hayaan ninyo akong na kabilang sa bayang nagtitiis ay ipagtanggol ko siya.  Naipagkaloob na namin ang maraming bagay sa pagkilala ng utang na loob. Upang tanawin na ang isang gawa ay utang na loob, kailangang ang gawaing iyon ay walang hangad na makinabang.  Iwan natin sa isang dako ang misyon, ang kawanggawang kristiyano na palagi nang sinasabi; huwag nating tukuyin ang kasaysayan,48 huwag nating tanungin kung ano ang

sa pamamagitan ng pagsagwan na ginagamitan ng talino at lakas upang tunguhin ang direksiyon na kaniyang pupuntahan.

46

Ordenes Religiosas -kapisanan ng mga prayle. Mapapansin na ang pagkatapos na ipakita ni Elias ang kaniyang pagnanais na ireporma ang hukbong sandatahan ay sumunod niyang ipinaalam kay Ibarra ang tungkol sa mga prayle.47

Ipinakita ni Ibarra kay Elias ang mga “kabutihang” nagawa ng mga prayle sa kasaysayan ng Pilipinas: Una, ang pagbibigay sa atin ng relihiyon; at pangalawa, ang mga prayle ang naging tagapagtanggol ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga encomendero laban sa mga katutubo sa mga unang taon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.48

Mapapansin ang pagkabigla ni Elias ng sabihin ni Ibarra na walang utang na loob ang bayan dahilan sa pagpuna sa mga prayle. Ipinakita

573

Page 20: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ginawa ng Espanya sa mga Hudyo na nagbigay sa buong Europa ng isang aklat, isang pananampalataya at isang Diyos; 49 Ano ang ginawa nila sa mga Arabe na nagbigay sa kanya ng kabihasnan, na naging mapagparaya sa kanyang pananampalataya at gumising sa kanyang natutulog na damdaming makabayan, na halos nasira na sa panahon ng pagkakasakop sa kanila mga Romano at mga Goth.50  Ang sabi ninyo ay binigyan tayo ng pananampalataya at inalis tayo sa kamalian, tinatawag ba ninyong relihiyon ang hipoktritong

ni Elias na ang pagpuna at pagnanais na baguhin ang kaparian ay hindi kawalan ng utang na loob. Kaya nilinaw ni Elias na ang utang na loob ay ginagawa hindi dahilan sa maaring maging kapakinabangan – ang kawang-gawa ay ginagawa dahilan sa pagkukusa at bukal sa loob na pagmamalasakit.49

Sa lahi ng mga Hudyo nagmula si Jesucristo na nagtatag ng Kritiyanismo at nagbigay sa Europa ng Biblia, ngunit sa kabila nito ang mga Hudyo ay inusig ng labis-labis sa Espanya at sa ibang mga bansa sa Europa. Ipinamumukha ni Elias kay Ibarra kung sino ang higit na walang utang na loob.50

Ipinakikilala ni Elias (na tagabukid) kay Ibarra (na edukado ng Europa) ang kawalang utang na loob ng Espanya sa mga Arabe na nagbigay sa Espanya ng kabihasnan (sa mga unang panahon ng pagsilang ng kabihasnang Europeo ay nakakalamang ang Espanya ay dahilan sa mga kontribusyong pangkabihasnan ng mga Arabe na nakakasakop sa kanilang lupain). Hindi sinira ng mga Arabe ang pananampalatayang Katoliko ng Espanya kahit na ito ay kaniyang nasakop (kabaligtaran sa Pilipinas na pinaslang ng Espanya ang katutubong relihiyon ng Pilipinas at maging ng pananampalatayang Islam sa dako ng Kamaynilaan at mga Islamikong pook na nasakop nila sa Pilipinas). Sa huli ay utang na loob ng Espanya ang damdaming nasyonalismo nito sa mga Arabe – dahilan sa hangarin ng Espanya na muling mabawi (reconquista) ang kanilang lupain sa mga Arabe ay bumangon ang kanilang diwang makabansa na halos nawala na nang sila ay sakop pa ng mga Romano at Goth.

Bakit parang higit na malalim si Elias sa pagsusuri ng kasaysayan, kaysa kay Ibarra (na nagsabi na “ito ang sama ng

574

Page 21: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

kabanalan, matatawag bang relihiyon ang pagbibili ng mga correa at kalmen, ituring na katotohanan ang mga milagro at mga kuwentong naririnig natin sa araw-araw?  Iyan ba ang mga itinuturo ni Jesucristo?  Kung dahil lamang sa mga bagay na ito ay hindi kailangan ang isang Diyos na magpapako sa krus, o pilitin tayo na magtaglay ng walang katapusang pagkilala ng utang na loob;51 ang mga pamahiin ay lumilitaw na noon pa mang sinaunang panahon, ang kailangan lamang ay ang paghusayin ang mga pamahiin na ito upang maging higit na maitaas ang presyo nito.52  Maaring sabihin ninyo sa akin na kahit gaano mang kalaki ng kasiraan ng ating relihiyon sa ngayon ay higit na kanais-nais ito kaysa sa dati nating relihiyon; Naniniwala ako at pumapayag sa gayon, ngunit napakamahal ng ating naging kabayaran, ng dahil sa kanya ay iniwan natin ang ating pagkabansa at pagsasarili; dahil sa kanya ay ipinagkaloob

kawalan ng alam sa kasaysayan ng bayan) na edukado sa Europa. Isa kaya itong paraan ni Rizal sa pagpapakilalang ang historian ay ipinapanganak at hindi lamang nililikha ng mga dalubhasaan at pamantasan. Si Rizal sa kaniyang sarili ay isang taong ipinanganak na historian – hindi upang magkuwento ng mga kakatwang naratibo, o trivia kundi upang magamit ito bilang instrumento sa pagtanaw sa kakaharapin ng bayan. Malalaman sa susunod na kabanata ang dahilan ng maraming kaalaman ni Elias sa Kasaysayang ng Pilipinas at Pandaigdig sa kabila ng unang impresyon sa nobela na isa siyang tulisan. 51

Makikita ang pagpuna ni Rizal sa tunay na mukha ng kolonyal na Katolisismo sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. 52

Sa pananaw ni Elias ang matatandang pamahiin ay pinaghuhusay lamang upang higit na maipagbili ng mahal. Hindi maitatanggi na sa kritikal na pag-aaral ng kasaysayan ay mababakas na ang Katolisismo ay isang anyo ng pagsasa-“Kristiyano” ng paganismo na kaniyang nadatnan sa matandang imperyo ng Roma. Kung ayaw mong maniwala ay basahin mo ang kasaysayan ng kapaskuhan at makikita mo na sa araw ng pasko ay ipinagdiriwang natin ay hindi ang kapanganakan ni Cristo kundi ang selebrasyong pagano.

575

Page 22: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

natin sa mga pari ang ating malalaking mga kabayanan, ang ating mga bukirin, at ipinagkakaloob natin sa kanilang ang ating mga naiipon sa pagbili mga bagay na kailangan sa pagsisimba. Ipinasok dito sa atin ang isang dayuhang kalakal, na binibili natin sa napakalaking halaga, samakatwid, patas na.53  Kung ang sasabihin ninyo ay ang pagtatanggol nila sa atin laban sa mga tinatawag na encomendero54 ay masasabi ko sa inyong dahil nga sa kanila kaya tayo nahulog sa mga kamay ng mga taong ito; ngunit hindi, kinikilala kong isang tunay na pananalig at isang tunay na pag-ibig sa Katauhan ang nag-aboy

53

Para kay Elias malaki ang binayaran ng Pilipinas sa pagyakap sa relihiyong Katoliko – nawala ang ating pagsasarili, ipinagkaloob natin sa simbahan ang pinakamabubuting mga bayan upang maging mga asyenda ng simbahan, ang ating mga naipon para maisagawa ang ating pagsisimba. Kung suriin man ito ni Elias na may maanghang ngunit makakatotohanang pagpuna ay lumilitaw na ipinasok ng Espanya sa bansa ang isang dayuhang kalakal (dayuhang relihiyon) at binayaran ng malaki - patas na – wala tayong dapat pang bayarang utang na loob sa kolonyal na simbahan.54

Ang mga Espanyol na nakasama ni Legaspi sa pananakop sa Pilipinas ay pinagkalooban ng Espanya ng karapatang magmay-ari sa lupain sa mga nasakop na lugar at kasama sa mga lupaing ito ay ang mga Indiyo na ang bilang ay umaabot ng libong katao (tinatawag na encomienda) at ang mga encomendero (pinagkalooban ng encomienda) ay may bahagi sa butaw na nakokolekta mula sa mga nasasakupang katutubo. Sa kabilang dako, isa sa kanilang mga pananagutan ay ang pangalagaan ang mga Indiyo sa kaniyang distrito at turuan sila ng mga araling pangrelihiyon. Subalit lumilitaw na hindi nagkasundo ang mga encomendero at mga misyonero, nagbigay ang mga prayle ng mga ulat sa hari ng Espanya para ilantad ang pagiging ganid at mapagmalupit ng mga encomendero. Ang encomienda ay nagtapos sa unang bahagi ng ika-18 siglo. Isang malaking kabalintunaan na sa pagkawala ng encomienda ang mga prayle ang higit na nakinabang sa pagkontrol ng Pilipinas at sa ilang mga mayayamang lupaing taniman ng ating kapuluan.

576

Page 23: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

sa mga unang misyonerong dumating sa ating mga dalampasigan; kinikilala ko ang utang na loob na dapat nating taglayin sa mga may mararangal na pusong iyon; batid kong ang Espanya noon ay maraming magigiting na relihiyoso, pulitiko, mamamayan at kawal.  Subalit dahil ba sa ang ninuno ay mababait ay papayagan na natin ang mga pang-aabuso ng kanilang mga mahahalay na inapo? 55 Dahil ba sa tayo sa nakalipas ay ginawan ng isang kabutihan ay magiging kasalanan sa atin na hadlangan na tayo ay gawan ng isang kasamaan?  Hindi hinihingi ng bayan ang pag-papaalis sa kaparian, walang hinihiling kundi mga nararapat na pagbabago na angkop sa mga bagong kalagayan at mga bagong pangangailangan.”            “Minamahal ko ang bayan na katulad ng pag-ibig mo sa kanya, Elias; may naunawaan akong ilan sa iyong mga naisin, pinakinggan kong mabuti ang inyong mga sinabi, nguni’t gayunman, kaibigan, ay inaakala kong tila namamali tayo nang kaunti:  ang mga pagbabagong-palakad ay hindi kailangan dito.”56

           “Diyata po?” tanong ni Elias na iniunat ang mga kamay na parang nawawalan ng lakas, “hindi ba ninyo nakikita ang pangangailangan ng mga reporma, sa kabila ng kasawian ng inyong mga kaanak…?”57

            “Ah!  Nalilimot ko ang sarili, at nalilimot ko ang tinamo kong mga kasawian para sa ikapapanatag ng Pilipinas, sa harap

55

Kinikilala ni Elias ang utang na loob sa mga sinaunang mga misyonero na nagmalasakit para pagpapasimula ng Katolisismo sa Pilipinas, ngunit hindi siya dapat na matali sa “mabuting” ginawa sa kahapon para ipikit ang mata sa mga kamalian na nagaganap sa ngayon.56

Si Ibarra ay ay naniniwala na hindi angkop ang Pilipinas para sa reporma – dinadala ni Ibarra sa pag-uusap na ito ang pananaw ng mga konserbatibo sa Espanya at sa Pilipinas ng kaniyang kapanahunan.57

Nagtataka si Elias sa kawalan ng aksiyon ni Ibarra para sa bayan sa kabila ng kasawian ng kaniyang mga kaanak.

577

Page 24: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

ng mga kapakanan ng Espanya!” ang biglang putol ni Ibarra.  “Upang mamalagi ang pagsakop sa Pilipinas ay kailangang ang mga prayle ay magpatuloy sa kanilang mga inuugali, at sa pakikiisa sa Espanya naroroon ang kagalingan ng ating bayan.”58

            Huminto na sa pagsasalita si Ibarra ay patuloy pa rin si Elias sa pakikinig; ang kanyang mukha ay malungkot, nawalan ng kinang ang kanyang mga mata. “Tunay ngang ang mga misyonero ay siyang nakakuha sa lupaing ito;59 inaakala ba ninyo na mapamamalagi ang Pilipinas nang dahil sa mga prayle?”            “Oo, dahil lamang sa kanila, gayon ang pananalig ng lahat ng sumulat tungkol sa Pilipinas.”60

            “Oh!” ang bulalas ni Elias na inihagis ang sagwan sa loob ng bangka, “hindi ko inaakalang napakababa ng palagay ninyo sa Pamahalaan at sa bayan.  Bakit hindi ninyo kapwa sila alipustain?  Ano ang sasabihin ninyo sa isang mag-aanak na namumuhay na payapa dahil lamang panghihimasok ng taga-labas?  Isang bayan na sumusunod, dahil sa dinadaya, isang pamahalaang nakapagpapasunod dahil sa

58

Sa pangangatwirang ito ni Ibarra ay paglalarawan ni Rizal sa pagiging manhid ng maraming mga mayayamang mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan 59

Tunay na ang mga prayle ang nakasakop sa kapulupan, tandaan na si Legaspi ay mayroon lamang mahigit sa 300 kawal sa kaniyang ekspedisyon at sa mga unang siglo ng pananakop ng Espanya ay limitado lamang ang bilang ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga prayle ang nagsikap na magtayo ng Katolisismo na siyang magsisilbing angkla ng katatagan ng kolonyalismo ng Espanya sa Pilipinas. Ang dahilan kaya nasabi ni Elias ang pananalitang iyon ay dahilan sa nakita niyang si Ibarra ay hindi kikilos para sa kagalingan ng bayan – dahilan sa kaniyang paniniwala sa simbahan.60

Katulad ng paniniwala ng mga nag-aral sa ibang bansa na ang kanilang nakikitang solusyon sa suliranin ng bansa ay makikita sa mga aklat na kanilang napag-aralan sa dayuhang bayan.

578

Page 25: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

pandaraya,61 isang pamahalaan na hindi nakaaakit at nakapagpapagalang nang dahil sa sarili niyang gawi!62  Ipagpatawad po ninyo, ginoo, nguni’t inaakala kong ang inyong Pamahalaan ay hangal at nagpapatiwakal kung natutuwa sa pangyayaring ang gayon ay panaligan!63  Napasasalamat po ako sa maganda ninyong kalooban, saan ninyo gusto na ihatid ko kayo ngayon?”64

            “Huwag,” ang sagot ni Ibarra, “mag-usap tayo, kailangang mabatid kung sino ang may katwiran sa bagay na ito totoong mahalaga.”65

61

Ang kaisipang ito ni Elias na nanatili pa hanggang ngayon – ang pamahalaan ay nabubuhay sa pamamagitan ng mga ginastusang mga propaganda upang ipakita na sila ay gumagawa para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Mga propaganda na ginastusan sa mass media at iba pang mga paraan na nangangako ng kaunlaran at pagkatapos ay makikita natin ang ating mga sarili na higit pang nakalubog sa kahirapan.62

Ang isang mahusay na pamahalaan ay iginagalang kahit walang propaganda kung nararamdaman ng mga tao na sila ay tunay na nakikinabang dito.63

May panganib ang propaganda ng pamahalaan – ito ay kung ang mismong pamahalaan ay naniniwala sa kaniyang sariling propaganda at ang mga mamamayan ay hindi na naniniwala rito at nakikita na ang katotohanan na ang pamahalaan ay hindi na nagsisilbi sa kanilang kapakanan – ang anumang propaganda na makikita ng diskontentadong mamamayan ay isa na lamang katatawanan o insulto sa kahirapan na kanilang nararanasan. 64

Magalang na paraan ng pagsasabi ni Elias kay Ibarra na “umalis ka na ngayon din dito sa bangka ko. – Ipinapakita ni Rizal sa mga creole na kung hindi sila magmamalasakit sa mga Pilipino ay mabuti pang lumayas na lang sila sa ating bangka/bansa. Ulitin ko lang, na ang katutubong si Elias ang may-ari ng bangka at nakisakay lamang ang creole na si Ibarra.65

579

Page 26: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            “Ipagpatawad po ninyo,” ang sagot ni Elias na iginalaw ang ulo, “ang pananalita ko po ay walang lakas upang kayo ay mapaniwala; kahit tunay na ako ay nakapag-aral nang kaunti, akoy isang tagarito, ang aking nakaraan ay hindi ninyo kilala, at ang aking mga pangungusap ay lagi ninyong pinag-aalinlangan.66  Ang mga nagpahayag nang laban sa aking mga sinabi ay mga Kastila, at dahil sa kanilang kalagayan, kahit na walang kabuluhan at kamangmangan ang turingan, ang kanilang pagsasabi, ang kanilang mga katangian at ang kanilang pinanggalingan, ay nagbigay sa kanila ng isang karapatan na nag-uudyok sa aking huwag na silang kalabanin kailanman.  At saka ang isa pa, kung nakikita kong kayong umiibig sa inyong bayan, kayo na ang ama ay namamahinga sa ilalim ng mga matahimik na along ito, kayong hinamak sa harapan, inaalimura at pinag-uusig, ay nagtataglay pa ng mga ganyang pananalig, kahit na laban sa lahat ng bagay at sa inyong katalinuhan, ay nag-aalinlangan na ako sa aking mga paniniwala at tinatanggap ko ang pangyayaring baka nga ang bayan ay namamali.  Sasabihin ko sa mga sawing-palad na iyan, na umaasa sa mga tao, na sila’y umasa na lamang sa Diyos at sa lakas ng kanilang bisig.67  Muli akong napasasalamat sa inyo at sabihin ninyo kung saan ko kayo nararapat ihatid.”            “Elias, ang inyong mahahapding pangungusap ay nakakasugat sa puso ko at nagbibigay din sa akin nang pag-aalinlangan.  Papaano?  Hindi ako lumaki sa gitna ng bayan, hindi ko marahil kilala ang mga pangangailangan; nagdaan ang

Nakaramdam si Ibarra na pinalalayas na siya ni Elias sa bangka/bansa.66

Ipinapakita ni Elias na ang kaniyang mga sinasabi ay may katotohanan sa kabila ng kakauntian ng kaniyang pinag-aralan – ang tunay niyang awtoridad para magsalita para sa kalagayan ng bayan ay ang pagiging taga-rito. 67

Umasa sa Diyos na magbibigay sa bayan ng tunay na kalayaan; sa lakas ng sambayanan para magkaisa; at sa lakas ng kanilang bisig para maisagawa ang kanilang pagkilos na may adhikang mapagpalaya.

580

Page 27: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

aking kabataan sa paaralan ng mga Heswita , lumaki ako sa Europa, ang pag-iisip ko ay walang napag-aralan kundi mga aklat at ang mga nabasa ko lamang 68 ay ang naihayag ng tao; ang nakatago sa dilim, ang hindi sinasabi ng mga manunulat, ay hindi ko nababatid.69  Gayunman, ang ating bayan ay iniibig ko nang tulad ng pag-ibig ninyo sa kanya, hindi lamang sa dahilang tungkulin ng sinumang tao ang ibigin ang kanyang tinubuan at marahil ay pagkakautangan ng kaniyang libingan; hindi lamang sa dahilang gayon ang itinuro sa akin ng aking ama, sa dahilang ang aking ina ay isang tagarito at ang lahat ng aking magagandang alalahanin ay nasa kanya; iniibig ko siya sa dahilan din namang utang ko sa kanya at magiging utang pa ang aking kaligayahan!”70

            “At ako ay dahilan sa utang ko sa kanya ang aking mga kasawian,”71 ang bulong ni Elias.

68

Sa bahaging ito ay napagtanto ni Ibarra na may limitasyon ang kaniyang mataas na edukasyon. Ito ang edukasyon na purong teoretikal lamang at walang ganap na pakikisalamuha sa mga mamamayan. Kabaligtaran ni Elias na limitado ang edukasyon ngunit ang kaniyang tunay na paaralan ay ang lipunan at ang mga karanasan ng mga tao na kaniyang nakasalamuha ay nagsilbing aklat na maari niyang mapagkunan ng mga malalalim na kaalaman at katotohanan.69

Totoo na marami ng nasulat na mga aklat na matatagpuan sa aklatan, ngunit sa pamamagitan ng sinabi ni Ibarra ay makikita natin ang pangangailangan ng pagsusuri o research sa anumang bagay na nais nating matutunan maging ito man ay munti o kumplikadong bagay.70

Utang ni Ibarra sa bayan ang kaniyang kaligayan at magiging kaligayahan – isa itong katotohanan dahilan si Ibarra ay isinilang mula sa isang nakakariwasang angkan at umaasam ng mabuti pang buhay sa darating na panahon. 71

Kay Elias ay kabaligtaran, mahal niya ang bayan sa kabila ng malaking kasawian na kaniyang pinagdaananan – ang pagmamahal ni Elias sa bayan ay wagas, isang pag-ibig na nagnanais na maging

581

Page 28: Noli Me Tangere Deciphered-kab049

            “Oo nga kaibigan, alam kong kayo ay nagtitiis, kayo ay sawing-palad, at ang bagay na ito ang nag-tataboy sa inyo sa pag-aakalang maulap ang kinabukasan, at ang bagay na ito’y nagpapabigat sa inyong mga opinyon; dahil dito ay may alinlangan ako sa inyong mga karaingan.  Kung matataya ko sana ang mga dahilan, ang bahagi ng nakaraan…”            “Ang aking mga kasawian ay may ibang pinagmulan; kung magkakaroon ng kaunting kabuluhan ay isasalaysay ko sa inyo, sapagka’t bukod sa hindi ko ipinaglilihim ay lubhang alam na ng marami.”            “Marahil, ang pagkaka-alam ko sa inyong naging buhay ay makapagpapabago sa aking paniniwala; alam ninyong wala akong lubos na paniniwala sa mga sinasabi, lalo kong pinaniniwalaan ay ang mga pangyayari.”72

            Si Elias ay namalaging tahimik nang ilang sandali.            “Kung gayon po,” ang tugon, “ay isasalaysay ko sa maikling pananalita ang aking kabuhayan.”

instrumento sa pagpapalaya ng kaniyang bayan mula sa isang mapagsamantala at mapanupil na sistema.72

Panaligan ang nangyayari kaysa sa sinasabi – ang pagmamatyag sa nagaganap ay higit kaysa pakikinig.

582