15
KABANATA 53 ANG MABUTING ARAW AY MAKIKILALA SA UMAGA Maaga pa lamang ay mabilis na kumalat sa bayan ang balita na mayroong maraming ilaw sa simenteryo noong nagdaang gabi. 1 May sinasabi ang pinuno ng V.O.T. na mga kandilang may dingas at tinutukoy ang kanilang mga laki at anyo, subalit hindi masabi nang tiyak kung ilan, ngunit nabilang niyang mahigit sa dalawampu . 2 Hindi mapalampas ni Manang Sipa, na kapatid ng Santisimo Rosario, na ang malaking katangian na makakita sa milagro ng Diyos ay isang kalaban ng kanilang Kapatiran: Si Manang Sipa, na kahit malayo sa simenteryo ang tirahan ay nakarinig din ng mga daing at hinagpis, at parang kilala pa niya ang boses ng ilan kataong noong araw ay kanyang… subalit dahil sa kanyang pagiging kristiyano pinatatawad niya, at ipinagdarasal pa niya at inilihim ang kanilang pangalan, kaya ang lahat ay nagpapalagay na siya ay banal . 3 May kahinaan nga ang tainga ni 1 MGA PALIWANAG Ipinakita ni Rizal ang kabilisan ng pagkalat ng balita sa Pilipinas, lalo na sa mga bagay na kababalaghan (lalo na ang milagrong pansimbahan), ngunit mapapansin na sa mga balitang ito ay nababahiran na ng malabis na mga imbentong detalye at sa ganito ay hindi na makatotohanan at mahirap ng mapatunayan. 2 Nagyabang sa pagsasabi na nakakita siya ng mga kandila at pati ang laki at anyo, subalit hindi tiyak kung ilan. (Ito ay dahil posporo ang ginamit ni Elias). Tandaan ang talababang ito. 3 Sa bahaging ito ang mga kapatiran sa loob ng simbahan ay nagkakaroon naman ng labanan sa opinyon at pagpapagalingan ukol sa kaganapan sa sementeryo. Isipin na ang tunay na naganap sa sementeryo ay ang sugal nina Elias at Lucas at 608

Noli Me Tangere Deciphered-kab053

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

KABANATA 53ANG MABUTING ARAW AY MAKIKILALA SA UMAGA

          Maaga pa lamang ay mabilis na kumalat sa bayan ang balita na mayroong maraming ilaw sa simenteryo noong nagdaang gabi.1  

May sinasabi ang pinuno ng V.O.T. na mga kandilang may dingas at tinutukoy ang kanilang mga laki at anyo, subalit hindi masabi nang tiyak kung ilan, ngunit nabilang niyang mahigit sa dalawampu.2  Hindi mapalampas ni Manang Sipa, na kapatid ng Santisimo Rosario, na ang malaking katangian na makakita sa milagro ng Diyos ay isang kalaban ng kanilang Kapatiran:  Si Manang Sipa, na kahit malayo sa simenteryo ang tirahan ay nakarinig din ng mga daing at hinagpis, at parang kilala pa niya ang boses ng ilan kataong noong araw ay kanyang… subalit dahil sa kanyang pagiging kristiyano pinatatawad niya, at ipinagdarasal pa niya at inilihim ang kanilang pangalan, kaya ang lahat ay nagpapalagay na siya ay banal.3  May kahinaan nga ang tainga ni Manang Rufa, ngunit hindi nito maatim na nakadinig ng gayon si Manang Sipa at siya ay hindi nakadinig; sa gayon ay nagsabing siya ay nanaginip na humarap sa kanya ang maraming kaluluwa, hindi lamang ng mga patay pati ng mga buhay; ang mga kaluluwang nasa paghihirap ay namamalimos ng bahagi sa kanyang mga indulhensiyang natatala at naiipon sa talaan.4  Masasabi niya sa mga kaanak noon ang mga pangalan

1MGA PALIWANAG Ipinakita ni Rizal ang kabilisan ng pagkalat ng balita sa Pilipinas, lalo na sa mga bagay na kababalaghan (lalo na ang milagrong pansimbahan), ngunit mapapansin na sa mga balitang ito ay nababahiran na ng malabis na mga imbentong detalye at sa ganito ay hindi na makatotohanan at mahirap ng mapatunayan.2

Nagyabang sa pagsasabi na nakakita siya ng mga kandila at pati ang laki at anyo, subalit hindi tiyak kung ilan. (Ito ay dahil posporo ang ginamit ni Elias). Tandaan ang talababang ito.3

Sa bahaging ito ang mga kapatiran sa loob ng simbahan ay nagkakaroon naman ng labanan sa opinyon at pagpapagalingan ukol sa kaganapan sa sementeryo. Isipin na ang tunay na naganap sa sementeryo ay ang sugal nina Elias at Lucas at ang nakita lamang doon ay ang kiskis ng posporo ay nabigyan na ito ng pakahalugang may kahalong pang-relihiyong kabalbalan. Tandaan ang talababang ito4

608

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

ng nanghihingi at wala siyang hinihiling na katumbas kundi isang munting limos na itutulong sa pangangailangan ng Papa.5

Isang batang nagpapastol ay nangahas na patunayan na wala siyang nakita kundi isang ilaw at dalawa kataong nakasalakot, ang bata ay bahagya nang nakaligtas sa mga palo at tungayaw. Walang nangyari sa kanyang sumpa; pati na sa kanyang mga kasamang kalabaw na maaring magpatunay ng kaniyang sinasabi.6

“Marunong ka pa ba sa celador at sa mga manang, para kang paracmason at erehe?”7 sabi sa kanya na masama ang tingin. Ang kura ay umakyat sa

Nakaharap kay Hermana Ruffa ang mga kaluluwa - nag-iilusyon na siya ay banal at may kakayahan na pagkalooban ang iba mga kapatawaran sa mga kasalanan. Isang pagtuya ni Rizal sa mga prayle – karaniwang tao lamang sila na katulad ni Manang Rufa, ang pagkakaiba ng una ay kinikilala ng mga tao ang kanilang pag-aangkin at ang huli ay nag-aangkin lamang sa sarili.

Ito ang dahilan kung bakit ko pinatatandaan ang mga talababa. Ginamit ni Rizal ang tatlong kakatwang tauhan na ito sa kabanata upang ipakita ang ebolusyon ng maraming mga paniniwalang pangrelihiyon ng simbahan.

ANG MGA KAISIPANG ITO AY INULIT AT IPINAMUKHA NI RIZAL SA KANIYANG PAKIKIPAGSULATAN KAY PADRE PASTELLS.

November 11, 1892

In the study of truth, men are to me like students of drawing who copy a statue while they are seated around it. Some of them are close to it, others are farther away. Some are seated higher, others are at the model’s feet. They see the statue, each from a different angle. The more they try to be faithful in their drawings, the more their drawings will differ from one another. Those who copy the original directly are the thinkers. They are the founders of schools and doctrines. They differ from one another because they start from different points of view. A great number, either because they are far from the model or cannot see very well, or because they are not so adept or because they are lazy, or because of something else, are content a draw from a copy made by a person who is near the statue. If they are favorably disposed, they may draw from the copy which they consider the best or is regarded as the best. Such copyists are the followers, the active sectarians of an idea. Others still lazier, who dare not trace a line for fear of committing a mistake, buy a ready-made copy, perhaps a photograph or a lithographic reproduction. Not only are they satisfied with it, but are proud of it. They are the passive sectarians, who believe everything because they don’t want to do any thinking

609

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

pulpito at muling nangaral ukol sa purgatoryo, at ang mga piso ay muli na namang lumabas sa taguan upang ibayad ng isang misa.8

           Iwanan natin ang mga kaluluwang naghihirap at pakinggan natin ang usapan ni Ginoong Filipo at ni Matandang Tasyo na may sakit at nag-iisa sa kanyang bahay.  May ilang araw nang ang pilosopo o ang baliw ay hindi nakababangon sa higaan, nahihiga dahil sa isang panghihina na lumalala ng mabilis.           “Tunay na hindi ko malaman kung dapat kong batiin kayo dahil sa tinanggap ang inyong pagbibitiw; noong araw na walang galang na hindi dininig ng kapitan ang kahilingan ng lalong marami, ang pagbibitiw ay tama; 9 ngunit ngayong kalaban ninyo

themselves.

Who, then, taking his own as the standard, can properly judge the drawings of others? To be fair, he would have to move to the same place occupied by each and other student and judge according to the viewpoint of each. What is more, he would have to place his eyes at the same height and distance as every other student did. The curves of his retina would have to be adjusted in such a manner that they would be the same as those of every other. He would have the same conditions of refraction, and the same artistic taste.

5

Pinuno ng relihiyon na nanghihingi ng tulong o limos dahilan sa mga obligasyong pinansiyal. Napakapangit na makita na ang pinuno ng relihiyon ay nagpapalimos sa kaniyang mga tagasunod – lumilitaw kasi na pinagsasamantalahan niya ang kapanatikuhan ng sumasampalataya sa kaniyang itinuturong paniniwala. 6

Mapapansin ang katotohanan ay walang bahagi kung ang nagsasalita ay bata o kaya ay taong walang nakakaangat na katangian. Ginamit ni Rizal ang bata upang ipakita na mayroong mga tao na kritikal at hindi naniniwala sa kabalbalan na ipinamamalita ng mga tagapagtaguyod ng kolonyal na simbahan. Pansinin ang bintang sa bata na paracmason at erehe.7

Sa bahaging ito ng kabanata ay pagagong binanggit ang salitang freemason, ngunit lumalabas na ito ay isang lihim na paghahanda ni Rizal sa muling magiging pag-uusap ng kaniyang dalawang tauhang sina Pilosopo Tasyo at Don Filipo, sa susunod na talata. 8

Ipinapakita ni Rizal kung sino ang higit na kumikita ng malaki sa mga kuwento ukol sa milagro. Ang mga panatiko ay maniniwala at ang mga alagad ng kolonyal na simbahan ang makikinabang.9 Ang tinutukoy ay ang pulong sa tribunal Kabanata 20

610

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

ang guwardiya sibil ay hindi nararapat.   Sa kapanahunan ng digma ay kailangang manatili kayo sa inyong puwesto.”10

           “Oo, ngunit kapag ang heneral ay hindi nagtataksil,” ang sagot ni Don Filipo, “batid ninyong nang kinabukasan ay pinakawalan ng kapitan ang mga sundalo na aking nahuli at ayaw isakdal man lamang.  Ako ay walang magagawa kung walang pahintulot ang nakatataas sa akin.            “Kayong mag-isa ay walang ngang magagawa, nguni’t kung sasama ang iba ay malaki ang inyong magagawa.11 

Sinamantala sana ninyo ang pangyayari upang mabigyang halimbawa ang ibang bayan.12  Sa ibabaw ng dustang kapangyarihan ng isang kapitan ay naroon ang karapatan ng sambayanan,13 iyon sana ang simula na ng isang mabuting aral, hindi ninyo ito ginawa.”

10

Tandaan sa una ay iminungkahi ni Pilosopo Tasyo kay Don Filipo na magbitiw dahilan sa walang kabuluhan ang kaniyang tungkulin; ngunit pagkatapos ng gulo na ginawa ng mga guwardiya sibil laban sa mga mamamayan ng San Diego ay kinakailangan na huwag magbitiw si Don Filipo dahilan sa may kalaban ang taong bayan at sa panahon na may kalaban kailangan ng bayan ng lider.11

Kailangan ng bayan ng pagkakaisa sa lahat ng mga hakbangin upang magtagumpay – tandaan na walang sinuman ang magtatagal sa kanilang pagsasamantala, kung ang bayan ay nagkakaisa.12

Gusto ni Pilosopo Tasyo na maging halimbawa si Don Filipo ng mga taga ibang bayan maliban sa San Diego, kung papaano ang lumaban para sa kanilang mga karapatan.

Noong magbalik si Rizal sa Pilipinas mula sa Europa noong 1887-1888, isa sa kanilang naging suliranin ay ang usapin sa pagmamay-ari ng Hacienda ng Calamba, ang pamilyang Rizal at iba pang mga kasama sa lupa na “pag-aari” ng mga Dominicano ay hindi nagbayad ng kaukulang buwis sa lupa, upang ipamukha sa mga Dominicano ang kanilang hindi pagkilala sa pagmamay-ari ng lupa na kanilang sinasaka. Nagkaroon ng ilang negosasyon ang mga prayle para maayos ang usapin sa Calamba, ngunit ang pamilyang Rizal at ang ilang mga kasama ay hindi nagpa-areglo. Masasabi na ang layunin ni Rizal sa ganitong paninindigan ay upang sila ay gayahin ng iba pang mga kalapit bayan na ang lupaing taniman ay “pag-aari” ng mga korporasyong pansimbahan. MAARING NABIGO ANG MGA RIZAL NA MAIPRESERBA PARA SA KANILA ANG LUPANG KANILANG SINASAKA SA CALAMBA, SUBALIT ANG KAWALAN NG KATARUNGAN NA IYON ANG NAGSILBING GATONG SA ISIPAN NI RIZAL UPANG ISULAT ANG KASUNOD NA NOBELANG EL FILIBUSTERISMO NA MAYROONG SAPAT NA INIT UPANG MAGPALIYAB NG HIMAGSIKAN.13

611

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

            “At ano ang magagawa kong laban sa tunay na larawan ng mga pangangamba?  Nariyan si Ginoong Ibarra; na kaayon sa pananalig ng karamihan, inakala ba ninyong siya ay naniniwala sa excomunion?”            “Wala kayo sa magkatulad na kalagayan:  si Ginoong Ibarra ay may pagnanais na magtanim, at upang magawa ito ay kailangang yumuko at sumunod sa tinataniman; ang katungkulan ninyo ay magpagalaw, at upang makapagpagalaw ay kailangan ang lakas at bagsik.14  Saka ang isa pa, hindi ang kapitan ang siyang dapat kalabanin; ang nararapat usigin ay ang namamaslang, ang nanggugulo sa bayan, ang nagkukulang sa kanyang tungkulin; at hindi sana kayo nag-isa, dahilan ang bayan sa ngayon ay hindi na iyong bayan noong nakalipas na dalawampung taon.”15

           “Iyon ang inyong palagay?” ang tanong ni Don Filipo.           

“At hindi ba ninyo nararamdaman,” ang sagot ng matanda na tumagilid nang kaunti sa higaan, “ah! sa dahilang hindi ninyo nakita ang nakaraang panahon,16 hindi ninyo napag-aralan ang ibinunga ng pandarayuhan dito ng mga

Ang punong bayan/mayor – maaring maliit lamang ang kaniyang kapangyarihan kung ikukumpara sa mga kapangyarihan ng mga pinunong pambansa – ngunit nasa kanila ang kapangyarihan ng bayan – sila ang tunay na nagdadala at nagpapatupad ng mga kautusan ng pamahalaan sa tinatawag na antas ng grassroot ng lipunan.14

Ang pinuno ay kailangan ng lakas at bagsik para makapagpakilos. Ang higit na tinutukoy dito ay ang POLITICAL WILL – walang magagawang pagbabago ang sinumang pinuno kung wala siya nito. Kung magkakaroon ang bansa ng isang pinuno na may kakayahan na epektibong masugpo ang katiwalian – ang taong bayan ay hindi manghihinayang na magbayad kahit na may kalakihang buwis. Ang pagiging bantulot ng sambayanan na bayaran ang kanilang buwis ay dahilan sa nakikita nila na ang kabang-yaman ng bansa ay mistulang supot na butas na umagos sa katiwalian.15

Sa panahon ni Rizal, makikitahan na nang pagsulong ang Pilipinas sa iba’t ibang larangan ng karunungan at kabuhayan. Sa pagtatasang ito sa pananalita ni Pilosopo Tasyo, ang mga adbanseng kaalaman ng bayan ay nagbibigay daan upang magkaroon ng isang kolektibong pagkilos ang sambayaan para tapusin ang kolonyalismo ng Espanya.16

Sa pagtagilid ni Pilosopo Tasyo kahit na ito ay nasa higaan ay isang simbolismo na ginamit ni Rizal upang ipakita sa mga mambabasa ang pagpipilit kahit bahagya at nahihirapan ng pagdating ng pagbabago sa Pilipinas. Pansinin na pagkatapos nito ay ipinahayag ni Pilosopo Tasyo ang pagbabago sa pagdaan ng mga panahon.

612

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

Europeo, ang pagdating ng mga libro, ang pagpunta ng ating mga kabataan sa Europa.17 

Pag-aralan ninyo at saka pagkumparahin; tunay ngang nakatatag pa ang Real y Pontificia Universidad de Sto. Tomas na kasama ang kanyang mahuhusay na mga guro, at nagsasanay pa ang ilang matatalino sa pagsambit ng mga pasubali at pag-aanyo sa pasikut-sikot ng tinatawag na escolasticismo18 subalit makakakita kayo ngayon ng kabataang nagkakaroon ng hilig sa metapisika na hindi kagaya noong ating kapanahunan, na ang panis na aral na natutuhan, na matapos pahirapan ang kanyang utak ay   namamatay, na naghahaka-haka lamang sa isang sulok ng kanyang probinsiya, na hindi maunawaan ang kabagayan ng nilikha (ente), ni hindi maliwanagan ang tungkol sa esensiya at presensiya , mga napakatataas na palaisipan na nagpalimot sa atin sa lalong mahalaga – ang ating buhay at sarili nating eksistensiya ?19 

Tingnan ninyo ngayon ang kabataan!  Lubhang masisigla sa harap ng lalong malawak na pananaw, nag-aaral ng Kasaysayan, Matematika, Heograpiya, Literatura, Ciencias Fisicas, mga Wika, mga paksa na noong ating kapanahunan ay kinasusuklaman nating parang nakakadinig tayo ng isang erehiya kung masabi sa atin; ang mga may malayang pag-iisip noong aking kapanahunan ay nagpapalagay na ang mga bagay

17

Ang pagdating ng maraming mga Europeo, ang pagdating mga libro sa Pilipinas, at ang pagtungo ng mga kabataang Pilipino para mag-aral sa Europa ay nagbukas ng isipan ng mga kabataang Pilipino lalo na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paniniwalang pampulitika, pilosopiya, at kabuhayan ng mga liberal na bansa sa Europa. Mga kabataan na nagkaroon ng kaalaman mula sa mga di aktwal (kuwento at nabasa) at aktwal (nakarating sa Europa) upang paghambingin ang umiiral na kalagayan sa Pilipinas at mga malayang bansa ng Europa.18

Ang pilosopong si Aristotle na sinusunod ni Sto. Tomas at ng mga Dominicano sa kanilang Unibersidad. Ang kahulugan ng escolatismo ayon kay Poblete ay bigyán ng ̃ panghulíng ningníng ang mg ̃a catalasan ng ̃ pagmamatuwiran tungcól sa simbahan.19

Binubuksan ni Pilosopo Tasyo ang kahalagahan sa pangangailangan ng pagiging praktikal ng edukasyon. – Ibig ilarawan ni Rizal na ang mag-aaral na nagtapos sa mga naunang panahon ay nagsimulang nag-iisip at namamatay na nag-iisip, ngunit hindi nakakagawa ng angkop na aksiyon para sa pagbabago ng lipunan.

613

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

na iyan ay lubhang maliit sa piling ng mga aral ni Aristoteles at sa mga alituntunin ng lohika. 

Sa wakas ay nakilala rin ng tao na siya ay tao, iniwan ang pagsisiyasat sa kung ano ang kanyang Diyos, ang pagpipilit na mabatid ang hindi nauunawa, ang hindi niya nakikita, ang pagbibigay paliwanag sa mga likha lamang ng kanyang utak; nakikilala ng tao na ang kanyang minanang kayamanan ay ang mundo, na nasa kanyang kakayahan at kapamahalaan, at dahil sa pagkabagot niya sa isang gawaing walang kabuluhan at kapalaluan lamang, ay iniyuko ang kanyang ulo at siniyasat ang lahat ng nakapaligid sa kanya.20 

Tingnan ninyo kung papaano lumilitaw ang ating mga makata; unti-unting binubuksan ng mga musa ng kalikasan sa atin ang kanilang mga kayamanan at nginingitian tayo upang magpatuloy tayo sa paggawa.  Ang mga agham eksperimental ay nagbigay na ng kanilang mga unang bunga:21  ang kulang na lamang ay ang higit silang paunlarin ng panahon.  Ang mga bagong abogado ay lumilitaw na kaayon ng mga bagong pamantayan ng Pilosopiya ng Batas; ang ilan ay nagsisimulang magbigay ng liwanag sa kadilimang bumabalot sa ating mga hukuman at nagpapakilala ng isang pagbabago sa lakad ng kapanahunan.  Pakinggan ninyo kung paano magsalita ang ating kabataan, dumalaw kayo sa mga paaralan, at mga ibang pangalan ang madidinig ninyo sa mga pader ng klaustro, doon din sa mga pook na noon ay maririnig lamang natin ng mga pangalan nina Sto. Tomas, Suarez, Amat, Sanchez, atbp. na sinasamba noong aking kapanahunan.  Walang nang kabuluhan ang sigaw ng mga prayle sa pulpito laban sa mga hindi na sumusunod sa kanila, katulad na lamang ito ng galit ng mga tindera ng isda, laban sa barat ng mga namimili, na hindi napupunang ang kanyang tinda ay

20

Ang itinuro nong una ay tungkol sa relihiyon at paghahanda ng mga tao na maging mamamayan ng kalangitan, sa panahon ng pagkamulat ng bayan ay sinimulan na nilang tingnan ang mundo bilang tunay na tahanan at ang pangangailangan na ito ay kaniyang pamahalaan.21

Karunungang mula sa praktikal na pinagkunan at karunungang maaring gamitin sa praktikal na pamumuhay.

614

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

bilasa na at walang kabuluhan!22 Wala ng kabuluhan ang pagpapalaganap ng mga kumbento ng mga gawain upang masugpo sa mga bayan-bayan ang bagong kilusan; ang mga

diyus-diyusan ay nawawala na; ang ugat ng mga puno ay maaring makapagpahina sa mga pananim na malapit sa kanya, ngunit hindi makamamatay sa ibang halaman, na  pumapaitaas sa langit na gaya ng mga ibon.

           Lubhang masigla ang pananalita ng pilosopo; nagnining-ning ang kanyang mga paningin.           “Kahit paano, ang bagong binhi ay maliit; kung pagsusumikapan ng lahat, ang pagkakasulong na ito na binabayaran natin nang mahal ay maaring mainis,” ang tutol ni Ginoong Filipo na di naniniwala.          “Mainis, sino ang iinis?   Ang taong paslit ba, ang pipigil sa progreso, na makapangyarihang resulta ng panahon at ng kasipagan?23  Kailan niya nagawa ang gayon?  Ang bulag na pagsunod sa pananampalataya, ang bitayan at ang tulos ng sigaan,24

22

Nagsisimula na sa kapanahunan ni Rizal na ang mga kabataan ay hindi na sumunod at naniniwala sa mga prayle (balikan ng ala-ala ang estudyanteng nakabuntalan ni Padre Damaso) – isang pagkamulat ng mga kabataan na sila ang tunay na dapat na humawak ng kanilang isipan at huwag itong ipailalim sa panloloko ng mga taong nagpapakilalang “mga kahalili ng Diyos”. Walang kabuluhan ang mga galit ng prayle sa pulpito – ang kanilang galit ay katulad na lamang ng mga tindera ng isda, na nagagalit sa mga barat na mamimili na tumatawad sa isang bilasa at sirang paninda. Tandaan na ipinakilala ni Rizal ang mga aral ng simbahan na nagmula sa mga matandang pamahiin, pinaghusay upang maipagbili ng mahal – ngunit sa kaniyang kapanahunan ay nagpapakita na nang kabilasaan at maaring kabulukan.23

Sino ang makakahadlang sa pagkilos ng mga kabataan upang isulong ang kanilang mga kaisipan na napapanahon at bunga ng kanilang kasipagang nakakawing sa komitment. Maaaring ang mga matatanda ay nabigo sa kanilang naunang adhikain na alisin ang ating bayan mula sa di magandang kinasasadlakan, pero hindi ang isang henerasyon ng mga kabataan na handang maghandog ng kanilang lakas at buhay para sa tunay na pagsulong at kaunlaran ng bayan. 24

615

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

ang paghadlang sa kanya ay siya pang nagpapabilis sa kanya.  E pur si mouve (gayunman ay kumikilos), ang wika ni Galileo, nang ang mga Dominicano ay pilitin siyang na ipahayag na ang mundo ay hindi gumagalaw;25 ang salitang iyan ay maari ding ikinakapit sa pagsulong ng katauhan.  Ang ilang kalooban ay masisira, ang ilan katao ay masasawi, subalit ito hindi masyadong mahalaga:   ang pagsulong ay magpapatuloy ng kanyang lakad, at sa dugo ng mga lumagpak ay sisipot ang mga bago at malalakas na supling.  Tingnan ninyo, ang pahayagan, kahit na makaluma, ay sumusulong kahit hindi ginusto; ang mga Dominicano man ay hindi rin nakaliligtas sa ganitong kalakaran, at ginagaya ang mga Jesuita na kanilang mahigpit na kalaban:  nagpipista sa kanilang mga klaustro, nagtatayo ng kanilang maliit na tanghalan, gumagawa ng mga tula, at sa dahilang sila ay may pag-iisip din, kahit inaakalang sila ay nabubuhay pa sa panahon ng siglo XV, ay nakikilalang may katwiran ang mga Jesuita, at sila ay nakikibahagi sa kinabukasan ng mga batang bayan na kanilang tinuruan.”26

“Ayon sa sabi ninyo, ang mga Jesuita ay kasama ng pagkakasulong?” ang nagtatakang tanong ni Ginoong Filipo.  “Kung ganoon ay bakit sila tinutuligsa sa Europa?”

“Sasagutin ko kayo nang kagaya ng mga matandang escolastico,” ang sagot ng pilosopo na muling huminga at nanumbalik sa anyong mapangutya ang mukha, “sa tatlong paraan maaring makasama ng pagkakasulong:27  sa unahan, sa

Tulos ng sigaan – sa panahon ng inquisition ay sistematikong pinarurusahan ang mga kalaban ng simbahan na tinatawag na erehe at ang isa sa mga parusa ay sigaan sila ng buhay sa tulos. Tingnan sa Encarta ang kinasapitan ng mga ereheng Albigensian.25

Ipinahayag ni Galileo na ang daigdig ang umiikot sa araw – ang kaniyang natuklasan ay tinutulan ng mga taong simbahan na naniniwala na ang araw ang umiikot sa daigdig. Upang mapatahimik si Galileo, siya ay itiniwalag sa simbahan at ipinabilanggo sa loob ng kaniyang sariling tahanan. Si Galileo ang naging simbulo ng pakikipaglaban ng agham sa kapangyarihan ng simbahan at kahalagahan ng isang malayang pag-uusisa..26

Ipinapakita dito ang kahalagahan ng adbanseng pagtuturo ng mga Jesuita sa kabataan ng Pilipinas sa kaniyang panahon. Tandaan na si Rizal ay estudyante ng mga Jesuita sa Ateneo.27

Tandaan sana ito ng mga bagong mambabasa ng Noli Me Tangere.

616

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

ibabaw at sa likuran; ang mga nauuna ay siyang umaakay sa kanya, ang mga pangalawa ay sumasakay, at ang mga nahuhuli ay nagpapahila, sa mga huling binanggit, kabilang ang mga Jesuita.  Ang gusto nga nila ay sila ang magbigay ng direksiyon, ngunit nakikita nilang iyon ay malakas at may ibang tinutungo ay sumuko sila, pinili nila ang sumunod kaysa sila ay madaganan o maiwan sa lansangan sa gitna ng kadiliman.28  Ngayon, tayong naririto sa Pilipinas ay mahigit sa tatlong daang taon ang pagiging huli natin sa karwahe ng progreso, ang mga Jesuita na sa Europa ay mga reaksiyonaryo, kung dito sa atin titingnan ay parang sila ang kumakatawan sa progreso; utang sa kanila ng Pilipinas ang bagong sumisilay na karunugan, ang mga Likas na Karunungan na siyang pinaka-kaluluwa ng siglo XIX, gaya ng pagiging utang sa mga Dominicano ang Escolasticismo, na patay na; kahit sumama pa ang loob ni Papa Leon XIII;29 walang papang makabubuhay sa paniniwalang pinatay na nang bayan.

Sandali, saan ba napunta ang usapan natin?” tanong na nagbago ng pananalita, “ah! ang kalagayan ngayon ng Pilipinas ang ating pinag-uusapan… Oo nga, ngayon ay pumapasok tayo sa kapanahunan ng tunggalian, ang ibig kong sabihin ay sa inyo; ang aming kapanahunan ay nauukol sa kinagabihan, papalipas na kami.  Ang labanang ito at sa pagitan ng nakalipas - ang matandang kaisipan na nangungunyapit sa umuugang pyudal na moog,30 at ang kinabukasan, na ang tinig niya sa

28

Ang mga Jesuita ay ay nasa likuran ng karwahe ng progreso. Sumusunod lamang sila sa progreso sa upang huwag silang maiwan o masagasaan sa pagbabago na nais na marating ng bayan. Ito ang dahilan kaya sa ating panahon ang mga Jesuita ay tila progresibo sa kaniyang mga ginagawa at adbokasiya, ngunit ang tunay nilang layunin ay ang protektahan ang simbahan na kinalalagakan ng kanilang katapatan.29

Papa Leon XIII – ang nanunungkulang papa sa kapanahunan ni Rizal – Ito ang binanggit na papa na kalaban ng nanunungkulang hari sa Intalya sa Kabanata XI.30

Ipinapakita ng simbolismong ito na ang matandang kaisipan ng mga prayle ay nangunguyapit na lamang sa isang umuugang moog. - Ano ang susi sa ganitong pagtuklas sa kahulugan ng hanay? Nasa loob ng pyudal na pader ng Intramuros ang lahat ng punong tanggapan ng lahat ng religious order noong kapanahunang iyon. Alalahanin na binanggit ni Rizal sa Kabanata 8 na ang Maynila ay parang dalagitang nakasuot ng damit ng kaniyang lola.

617

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

pagtatagumpay ay naririnig na sa malayo, at naliliwanagan ng isang sumisilang na bagong araw, na may dalang Mabuting Balitang buhat sa ibang bayan… Sino ang masasawi at malilibing sa mga labi na madudurog?”31

            Ang matanda ay tumigil, at nang mamalas na nag-iisip si Ginoong Filipo na nakatingin sa kanya ay ngumiti at nagwika: “Halos nahuhulaan ko ang inyong iniisip.”            “Talaga ho?”           “Ang iniisip ninyo, ang marahil ay namamali ako,” ang sabing nakangiti nang malungkot, “ngayon ay nilalagnat ako at ako at taong hindi nagkakamali:  tao naman ako at inaakala kong walang anumang nauukol sa tao na wala sa akin, ang sabi ni Terencio;32 ngunit sa anumang panahon na pahihintulutan na mangarap, ano at hindi tayo mangarap ng magagandang bagay sa mga huling sandali ng buhay?  At ang buong buhay ko ay isang pangarap!  May katwiran kayo, nangangarap ako!  Ang ating mga binata ay walang iniisip kundi ang manligaw at humanap ng kasayahan:  marami pang panahon ang ginugugol nila sa pagdaya at paghahapay ng puri ng isang dalaga, kaysa pagkukuro ng ikabubuti ng bayan;33 ang ating mga babae, sa pag-aalaga sa bahay at pamilya ng Diyos ay nalilimot ang sarili nilang tahanan;34 ang ating mga lalake ay masipag lamang sa bisyo at mga matapang lamang ang kahihiyan; ang mga bata ay namumulat sa kadiliman at masasamang hilig, ang kabinataan ay nabubuhay na maluwat nang walang isang mithi, at ang matatanda, na walang magawang anuman, ay nagagamit lamang upang magbigay ng masamang halimbawa sa kabinataan… Masaya ako sa aking pagkamatay… ibaba na natin ang kurtina.            “Ibig ba ninyo ng gamot?” ang tanong ni Ginoong Filipo upang mabago ang paksa ng usapan na nagpalamlam sa mukha ng maysakit.

31

Sa pananalita ni Pilosopo Tasyo ay nakikini-kinita ni Rizal ang pagdating ng isang malayang bukas.32

Terence (190?-159 BC) - na manunulat ng mga komedya na nanunudyo sa buhay ng mga mayayaman at iginagalang na mga Romano sa kaniyang kapanahunan.33

Isang masakit ngunit makakatotohanang puna ni Pilosopos Tasyo sa kabinataan ng bayan. 34

Ang mga babae ay labis ang pagiging relihiyosa at nalimot ang tahanan.

618

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab053

            “Ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot; kayong mga maiiwan.35 

Sabihin ninyo kay Ginoong Crisostomo na dalawin ako bukas sapagkat may mahahalagang bagay akong sasabihin sa kanya.  Sa loob ng ilang araw ay wala na ako.  Ang Pilipinas ay nababalutan ng kadiliman!”            Ilang sandali pagkatapos ng ilan pang pag-uusap, iniwan ni Ginoong Filipo na tahimik at nag-iisip, ang tahanan ng maysakit.

35

Tayong mga nabubuhay ang kailangang humanap ng gamot sa sakit ng ating bayan – sa kabuuan ng nobelang ito ay ipinakita na ni Rizal ang simula ng kanser na nagpapahirap sa bayan. Napakatindi ng husay ni Rizal sa paggamit ng balintuna, sapagkat si Pilosopo Tasyo sa kalagitnaan ng paghihingalo ay nagbibigay ng kaniyang pinaka- accurate na diagnosis sa kanser ng bayan , na ang naging isang mahalagang kagamutan na nailapat lamang ay ang Himagsikan ng 1896-97 at pagkatapos ay ang mga sumunod na tapal-tapal na solusyon na umaabot pa rin hanggang sa kasalukuyan.

619