15
KABANATA 63 ANG NOCHE BUENA Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-aanak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy . 1 Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang batang, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin. “Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya 1 MGA PALIWANAG Mula sa pamilyang Tagalog na ito na isinasalaysay dito ni Rizal ay kaniyang hahanguin ang mga mahahalagang tauhan para sa kaniyang susunod na nobelang El Filibusterismo. 717

Noli Me Tangere Deciphered-kab063

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

KABANATA 63ANG NOCHE BUENA

            Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy.  Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. 

Doon nakatira ang isang mag-aanak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.1 Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay.  Dalawang batang, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno.  Sa kanyang kaanyuang payat ay  makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.            “Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya ng batang babae, “ay maglaro tayo ng piku-piko, taguan, ako ang taya.”            “Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,” ang dugtong ng batang lalake, “iinom ka ng dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita ng pagtalon sa mga bato sa batisan.”           Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa

1MGA PALIWANAG Mula sa pamilyang Tagalog na ito na isinasalaysay dito ni Rizal ay kaniyang hahanguin ang mga mahahalagang tauhan para sa kaniyang susunod na nobelang El Filibusterismo.

717

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.           “Ipagbili mo ang mga walis na ito,” ang sabi ng lolo sa dalaga, “at ibili mo nang kahit ano ang iyong mga kapatid dahil Pasko ngayon.”           “Rebentador, rebentador ang gusto ko!” ang sigaw ng batang lalake.           “Sa akin ay ulo na ilalagay ko sa aking manyika,” ang sigaw ng batang babae na nakahawak sa tapis ng kapatid.           “At ikaw, ano ang gusto mo?” ang tanong ng matandang lalake kay Basilio.  Ito ay tumayo na nahihirapan at lumapit sa matanda.           “Ginoo,” anya, “nagkasakit nga po ba ako ng mahigit sa isang buwan?”2

           “Magmula nang makita ka naming walang malay-tao at may sugat ay dalawang buwan na ang nakararaan; ang akala namin ay mamamatay ka…”3

            “Diyos na po ang gumanti sa inyo; napakahirap po namin!” ang sabi ni Basilio, “dahilan sa ngayon ay Pasko ay ibig kong pumuntasa bayan upang makita ang aking ina at ang aking kapatid.  Maaring hinahanap nila ako..”            “Pero, hindi ka pa magaling, anak, at iyong bayan ay napalakalayo; hindi ka makakarating doon bago maghating-gabi..”            “Hindi po bale, Marahil ay nalulungkot si nanay at ang aking kapatid; sa bawat taon ay magkasama kami sa kapaskuhan … noong nakaraang taon ay isang isda ang pinagsaluhan naming tatlo… marahil ay umiiyak si nanay sa kahahanap sa akin.”            “Bata ka! hindi ka makakarating na buhay sa bayan!  Mamayang gabi ay may handa kaming inahing manok at tapa ng usa.  Hahanapin ka ng mga anak ko pagdating na galing sa bukid…”            “Kayo ay mga maraming anak, ang aking ina ay wala kundi kaming dalawa; marahil ay iniisip niyang ako ay patay na!  

2 Señor -le dijo- ¿he estado pues enfermo más de un mes?.  - Ang buwan na tinatanong dito ni Basilio ay buwan ay month.

3 Desde que te encontramos desmayado y lleno de heridas, han pasado dos lunas - Ang dalawang buwan na binanggit ng matanda sa kaniyang sagot kay Basilio ay moon – kung si Basilio ay nilipasan ng dalawang buwan (moon) – nangangahulugan na halos lampas lamang siya ng isang buwan/month.

718

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

Sa gabing ito ay ibig ko siyang handugan ng isang kasayahan, isang regalo… isang anak!”4

           Naramdaman ng matanda na ang mata niya ay nababasa ng luha, ipinatong ang kamay sa ulo ng bata at sinabi ritong: “Para kang matanda kung magsalita!  Sulong, lumakad ka, hanapin mo ang iyong ina, bigyan mo ng isang pamaskong aginaldo… ng Diyos, tulad ng sabi mo; kung alam ko lamang ang pangalan ng bayan mo ay nagpunta sana ako noong may sakit ka.  Sulong, anak ko, samahan ka nawa ng Diyos at ng Poong Jesus.  Sasamahan ka ng apo kong si Lucia hanggang sa kalapit na bayan.”           “Bakit?  Aalis ka ba?” ang tanong sa kanya ng batang lalake.  “Doon sa ibaba ay maraming sundalo, maraming tulisan.5  Ayaw mo bang tingnan ang aking mga rebentador?  Pum!  Purumpum!”           “Ayaw ka bang maglaro ng piko at taguan?” ang tanong naman ng batang babae.  “Nakapagtago ka na ba minsan?   Tunay, walang masarap na katulad ng magtago kung hinuhuli ka na.”6

           Si Basilio ay napangiti; kinuha ang kanyang tungkod at napuno ng luha ang mata: “Babalik ako agad,” ang sagot, “dadalhin ko dito ang kapatid kong maliit, makikita ninyo at makakalaro ninyo siya; kasinlaki mo.”           “Papilay-pilay din ba siya kung lumakad?” ang tanong ng batang babae, “kung gayon ay gagawin naming taya sa piko.”           “Huwag mo kaming kakalimutan,” ang sabi ng matanda, “dalhin mo itong tapa ng usa at ibigay mo sa iyong ina.”           Inihatid siya ng mga bata hanggang sa tulay na kawayan na nakalagay sa isang batisang matulin ang agos. Pinakapit siya ni Lucia sa isang bisig at nawala sila sa pananaw ng mga bata. Matulin ang lakad ni Basilio kahit na may benda pa hita niya.

Ang malamig na hanging mula sa hilaga ay pasipol na umiihip at ang mga naninirahan sa San Diego ay kinakaligkig sa ginaw. Noche buena noon ngunit gayunman, ang bayan ay malungkot. 7 Wala kahit isang parol na papel sa mga bintana,

4 Mababakas kay Basilio ng isang kaisipan na nakakahigit ang tanda kaysa sa kaniyang tunay na edad. Ang kakayahan niyang mangatwiran at ang paghahandog niya ng isang mahalagang aginaldo sa ina..5

Higit na pagayapa ang mabuhay sa kagubatan sa panahon ng kolonyalismo.6

Isang walang muwang na pagtatanong ng batang babae, ngunit may sa katotohanan para kay Basilio.7

Ang kalungkutan ng noche buena pagkatapos ng pag-aalsa ay may

719

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

walang kaingayang nagpapakilala ng kasayahan sa mga tahanan, na gaya noong mga nakaraang taon. Sa entresuelo ng bahay ni Kapitan Basilio ay magkausap sila ni Don Filipo (na naging kaibigan niya dahil sa nangyaring kasawian ng huli), sa isang panig ng rehas na bakal,8 samantalang sa kabilang panig ay naroroon dumudungaw sa kalye sina Sinang, ang pinsan niyang si Victoria at ang magandang si Iday.

Ang maliit na buwan ay unti-unting nagliliwanag, kinakalatan ng kulay-ginto ang mga ulap, mga punung-kahoy at mga bahay at nagbibigay ng mahahaba at kahanga-hangang anino.            “Hindi maliit na suwerte ang inyong nakamit, nakalabas kayong walang sala sa kapanahunang ito!” ang sabi ni Kapitan Basilio kay Ginoong Filipo, “sinunog nga ang inyong mga aklat, ngunit higit na malaki ang nawala sa iba.”            Isang babae ang lumapit sa rehas na bakal at tumingin sa loob ng bahay.  Ang kaniyang mga mata ay nangingintab, mukhang maysakit, ang buhok ay lugay at gusot:  dahil sa liwanag ng buwan ay nagkakaroon siya ng kakaibang anyo.            “Sisa!”ang pamanghang nasabi Don Filipo, at matapos ay humarap kay Kapitan Basilio, samantalang ang baliw ay lumalayo.            “Hindi ba nasa bahay iyan ng isang doktor?” ang tanong, “magaling na ba?”            Si Kapitan Basilio ay ngumiti ng mapait.            “Ang doktor ay natakot na maakusahan na kaibigan ni Ginoong Crisostomo kaya pinaalis ang baliw sa bahay.  Ngayon ay palaboy-laboy, baliw ring katulad ng dati, umaawit, hindi nananakit at sa gubat nakatira…”            “Anu-ano ang mga nangyari sa bayan mula nang kami ay uamlais?  Nabalitaan kong mayroon na tayong bagong kura at bagong alperes…”            “Kakila-kilabot na kapanahunan, umuron ang sangkatauhan!” ang marahang sagot ni Kapitan Basilio na iniisip ang matatandang panahon.  “Kinabukasan ng pag-alis ninyo ay nakitang patay ang sakristan-mayor at nakabitin sa kisame ng kanyang bahay.9  Lubhang ipinagdamdam ni Padre Salvi ang

historikal na basehan – ito ay makikita sa artikulong sinulat ni Rizal na may pamagat na Ang Maynila sa Buwan ng Disyembre 1872.8

Nasa isang panig ng rehas na bakal na sina Don Filipo na liberal at Kapitan Basilio na makaluma – napakasimbolikal talaga ni Rizal dahilan sa ipinahihiwatig nito na magkakampi na sila ng paniniwala ng makalumang si Don Basilio.9

Tandaan na noong huli itong makausap ni Elias ay nagbigay pa sa ito

720

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

pagkamatay kayat iniligpit ang lahat ng kanyang kasulatan.10  Ah!  Si Pilosopong Tasyo ay namatay din at inilibing sa libingan ng Insik.”            “Kaawa-awang Don Atanasio!” ang buntunghininga ni Don Filipo,

“ano ang nangyari sa kanyang mga aklat?”            “Sinunog ng mga may mabuting puso, na nag-akalang silay kalulugdan ng Diyos sa gayong gawain.11  Wala ano mang nailigtas, ni ang mga aklat ni Ciceron…12 ang kapitan sa bayan ay hindi gumawa ng anuman upang pigilin ang gayon.”13

            Pareho silang nanahimik.

ng piso sa sakristan mayor para sa pamisa sa isang taong malapit ng mamatay. Hindi maitatanggi na may kinalaman si Elias sa kamatayan ng sakristan mayor.10

Makikita ang ingat ni Padre Salvi dahilan sa agad nitong sinamsam nito ang mga kasulatan sa pagkatapos na matagpuang patay sakristan mayor.

Maunawaan sana ng mga mambabasa na mahilig sa pagsasaliksik sa kasaysayan, na mismong si Rizal sa kaniyang sulat kay Mariano Ponce ay sinabing “basahin ninyo ang mga isinulat ni Burgos, may mabibili kayo sa isang aklatan sa Espanya, kung wala kayo ay mayroon ako, maraming marami”.

Sa kasalukuyan ay wala ng anumang halos makikitang isinulat si Burgos at sa ilang pag-aaral ay lumitaw na maraming mga naisulat na sinasabing kay Padre Burgos ay pinatutunayang mga huwad lamang. Nagkaroon kaya ng sistematikong pagliligpit ng mga sinulat ni Burgos? Maging ang mga arkibo ng mga matatandang institusyon sa Pilipinas, na minsang ang mga alagad ay nakibahagi sa pagsasamantala sa bayan, maasahan kaya sila na maglalabas ng mga matatandang dokumento na hindi papabor o mag-pipinta ng masama sa kanilang katayuan bilang mga iginagalang na institusyon sa kasalukuyang panahon. Tandaan na alam ng mga nangangasiwa ng mga arkibo, ang kahalagahan ng pagkontrol ng kasaysayan, ang susi upang manipulahin ang kasalukuyan at maging ang haharaping panahon.11

Napakahalaga ng aklat sa pagsisinop at pagpapa-alam ng mga sistematikong kaalaman ng mga pantas – ang pagsunog ng mga aklat ni Pilosopo Tasyo ay nagpapakita ng pamamayani sa mga tao ng pagkatakot at paghihinala sa mga bagong kaalaman – kaisipan na ikinintal ng simbahan sa panahong medyebal at nanatiling ipinapairal sa kapanahunan ni Rizal. 12

Sa kabila ng pagiging makaluma ni Kapitan Basilio ay mayroon siyang pagpapahalaga sa mga aklat ng matandang kaalaman – sa paglalarawan ito ng pagsunog ng mga aklat ni Pilosopo Tasyo ay ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ng mga Pilipino sa pagpapahalaga at pagsisinop sa matandang kaalaman ng bayan – ito ay repleksiyon nang sinasabing pagsunog ng mga sinaunang prayle sa

721

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

            Sa mga sandaling iyon ay naririnig ang malungkot na awit ng baliw.            “Alam mo kung ba kailan ikakasal si Maria Clara?” tanong ni Iday kay Sinang.            “Hindi ko alam,” ang sagot nito, “nakatanggap ako ngsulat mula sa kanya, nguni’t hindi ko binubuksan, natatakot akong malaman ang araw ng kasal.  Kahabag-habag na Crisostomo!”            “Balitang kung hindi dahil kay Linares ay maaring nabitay si Kapitan Tiyago, ano ang magagawa ni Maria Clara?” ang sabi ni Victoria.            Isang batang lalake ang dumaang paika-ika; tumatakbong papunta sa liwasan, na pinagmumulanng awit ni Sisa.  Siya si Basilio.  Natagpuan ng bata na walang tao at sira-sira ang kanyang bahay;14 matapos na makapagtanong-tanong ay wala siyang nabatid kundi ang malaman na ang kanyang ina ay baliw at palabuy-laboy sa bayan, tungkol kay Crispin ay wala siyang nalamang kahit isang salita.            Nilunok ni Basilio ang kanyang mga luha, nilunod ang sakit at walang tigil na hinanap ang kanyang ina.  Dumating siya sa kabayanan, nagtanong at narinig niya ang awit.  Pinigil ng sawing bata ang pangangalog ng kanyang mga hita at tinangkang tumakbo upang makarating kaagad sa bisig ng ina.            Ang baliw ay umalis sa liwasan at nakarating sa tapat ng bahay ng bagong alperes.  Ngayon, gaya rin ng dati, ay may isang sundalong bantay sa pintuan, at isang ulo ang nasa bintana, ngunit hindi ang Medusa, ang nakadungaway isang parang binibini; ang alperes at kamalasan ay hindi naman malimit na magkatulad na salita.            Si Sisa ay nagsimulang umawit sa harap ng bahay, nakatanaw siya sa malaking buwang nakaduyan sa asul na

mga matatandang kasulatan ng mga Pilipino dahilan sa paniniwala nila na ang mga ito ay gawa ng demonyo.13

Ang bansang Pilipinas ay nagkaroon din ng ganitong trahedya, ngunit hindi naman sinasadya – ito ay naganap noong “liberasyon” ng Maynila, na maraming mga gusali ang walang pakundangang winasak ng mga Amerikano para mapaalis ang mga nagtatagong sundalong Hapones. Isa sa mga nawasak at nasunog ay ang matandang Aklatang Pambansa at maging aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Kung hindi sana nawasak at nasunog ang nasabing gusali, sana ay mayroon tayong higit na malawak na pananaw sa kasaysayan ng ating bansa.14

Ipinararamdam ni Rizal ang kahabag-habag na buhay ng mga mahihirap na inaapi ng lipunan. Ito rin marahil ang nararamdaman ng mga taong naging biktima ng demolisyon.

722

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

langit, na kasama ng mga ginintuang ulap.  Nakikita siya ni Basilio  ngunit hindi makapaglakas-loob na lumapit, inaabangan marahiln na lisanin ng ina ang pook na iyon; palakad-lakad na patago sa paligid, ngunit iniiwasan na mapalapit sa kuwartel.15

            Ang babaeng nasa bintana ay taimtim na pinakikinggan ang awit ng baliw at inutusan ang sundalong tanod na paakyatin ang umaawit. Nang makita ni Sisa na lumapit ang sundalo at marinig ang boses nito ay puno ng takot na kumaripas ng takbo, sa bilis na tanging Diyos lamang ang nakakaalam, kung papaano ito nagagawa ng baliw.  Naksunod sa kaniya si Basilio, at sa pangangambang baka makalayo ang ina ay tumakbo siyang kinalimutan ang sakit ng kanyang paa.            “Tingnan ninyo hinahabol ng batang iyon ang baliw!” ang pagalit na bulalas ng isang alilang babaeng na nasa daan.            At nang makitang patuloy din ang paghabol ay dumampot ng isang bato at pinukol ang bata, na sabay sa sabing: “Iyan ang bagay sa iyo!   Sayang at nakatali ang aso !”            Naramdaman ni Basilio na maytumama sa kaniyang ulo, subalit nagpatuloy sa pagtakbo, na hindi na iyon pinansin.  Ang mga aso ay nagtahulan, nagsigawan ang mga gansa, ilang bintana ay nabuksan upang magbigay-daan sa pagdungaw ng mga usisero, ang ilan naman ay nagsara sa pangambang baka iyon ay panibagong gabi ng kaguluhan. Nakarating sila sa labas ng bayan.  Unti-unting dumahan ang takbo ni Sisa; malaki ang agwat niya sa humahabol.

“Ina!” ang sigaw ng bata nang siya ay maabutan ng tingin.             Ang baliw, sa pagkarinig ng tinig ay muling nagtatakbo.            “Inay ako ito!” ang sigaw na ubos-lakas ng bata.            Walang naririnig ang baliw, ang anak naman ay humihingal na sumusunod.  Ang mga taniman ay naraanan nila at sila ay malapit na sa gubat. Nakita ni Basiliong ang ina ay pumasok doon at siya ay pumasok din.  Ang mga dawag, ang mga halaman, ang matinik na kawayan at ang mga ugat na nakalabs sa ibaba ng  mga puno ay nakapipigil sa kanilang pagtakbo.  Sinusundan ng anak ang madilim na anyo ng ina na paminsan-minsang ay naliliwanagan ng sinag ng buwang nakalulusot sa mga lugar na walang mga punong walang sanga at sanga.  Iyon ang misteryosong kagubatan ng pamilya ni Ibarra. Ilang beses na natalisod at nadapa ang bata, subalit bumabangon na hindi nakararamdam ng sakit:  ang kabuuan ng kaniyang kaluluwa ay nasa kanyang mga matang nakatitig at sinusundan ang minamahal nitong anyo. Napadaan sila sa batis na malumanay na bumubulong; ang tinik ng kawayan na nasa 15

Natatakot si Basilio na siya ay dakpin, dahilan sa bintang na pagnanakaw sa kumbento.

723

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

ilalim ng putik ng pampang ay bumaon sa kanyang paang walang sapin:  Hindi huminto si Basilio upang bunutin pa ang mga iyon. Sa gitna ng kanyang pagkakamangha ay nakitang ang kanyang ina ay pumasok sa kasukalan at patungo sa pintong kahoy na siyang nagsasara sa libingan ng matandang Kastila, na nasa paanan ng baliti.           Binalak ni Basilio na gayahin, ngunit naabutang nakasara ang pinto.  Ipinagtatanggol ng baliw ang pintuan sa pamamagitan ng payat na bisig at ulong ang buhok ay gusot, tinitiyak nga hindi mabubuksan sa abot ng kaniyang lakas. “Ina, ako, si Basilio, ang anak ninyo!” ang sigaw ng pagod na bata na napahandusay na.           Ngunit ang baliw ay ayaw makinig, patuloy sa pagpigil sa pinto na itinukod nang buong lakas ang paa sa lupa. Binayo ni Basilio ang pinto ng kanyang kamao, ng duguang ulo, umiyak, nguni’t wala ring napala.  Naghihirap na tumayo, tiningnan ang pader na bato, na tinangka niyang akyatin ngunit wala siyang natagpuang anuman na maakyatan.  Nilibot niya at nakakita siya ng isang sanga sa nakakakilabot na baliti na nakalawit sa sanga ng isang puno sa labas.  Umakyat siya sa puno.  Ang pag-ibig sa magulang ay nakagagawa ng himala, at matapos manguyapit sa mga sanga ay nakarating siya sa baliti, at nakitang ang kanyang ina ay patuloy rin sa pagtukod ng ulo sa mga dahon ng pinto.           Ang ingay na gawa ng mga sanga ay napuna ni Sisa; lumingon at nagtangkang tumakas, nguni’t ang anak ay nagpatihulog sa puno, niyakap siya, sinilsil ng halik, ang ina at pagkatapos ay nawalan ng malay.  Nakita ni  Sisa ang noo na naliligo sa dugo; tinitigan ng kaniyang matang parang ibig tumalsik sa kinalalagyan, ang mukha ng bata at ang maputlang mukhang iyon ay gumising sa kanyang pag-iisip; isang munting liwanag ng katinuan ang sumagi sa kanyang isipan, nakilala ang kanyang anak, at matapos makabitiw ng isang sigaw ay nalugmok sa ibabaw ng bata, na niyakap at pinaghahalikan.           Ang mag-ina ay nanatiling hindi gumagalaw.           Nang magbalik ang ulirat ni Basilio ay nakita ang kanyang ina na walang malay-tao.  Tinawagan, binanggit ang pinakamasuyong tawag, at nang makitang hindi humihinga at di gumigising ay tumindig, nagtungo sa batis upang kumuha ng tubig sa pamamagitan ng isang balisunsong na dahong saging at winisikan ang maputlang mukha ng ina.  Nguni’t ang baliw ay hindi kumilos, at ang mga mata ay

724

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

patuloy sa pagkakapikit. Pinagmasda ni Basilio na may pagkatakot; inilapit ang tainga sa puso ng ina, ngunit ang payat at lantang dibdib ay malamig at ang puso ay hindi pumipintig, idinampi ang kanyang labi sa labi ng ina at walang naramdamang paghinga. Niyakap ng kahabag-habag ang bangkay at umiyak ng buong pait. Ang buwan ay nagliliwanag sa malawak na kalangitan, ang simoy ay parang buntong-hiningang gumagala, at sa ilalim ng mga damo ay humuhuni ang mga kuliglig.           Ang gabi ng liwanag at kasayahan ng maraming mga bata na nagsasaya sa upang alalahanin ang unang lingap ng pag-ibig ng langit na ipinadala sa daigdig, sa pamamagitan ng mainit na pagsuyo ng sambahayan. Sa gabing iyon, ang lahat ng pamilyang Kristiyanoay kumakain, umiinom, nagsasayaw, umaawit, at nagtatawanan, naglalaro, nagpapamalas ng pag-ibig, naghahalikan sa isa’t isa…16 ang gabing iyan na sa malalamig na lupain ay pinakamagdanda sa mga bata na mayroong kani-kanilang tradisyunal na puno ng pino, na puno ng nakasabit na ilaw, manyika, kendi at makikintab na palara, na pahangang pinagmamasdan ng mabibilog na matang naglalarawan ng kalinisan ng budhi, ang gabing iyan ay walang ipinagkaloob kay Basilio kundi ang pagiging ulila.  At ano ang malay natin?  Sa tahanan marahil ng mapanglawing si Padre Salvi ay nangaglalaro rin ang mga bata, marahil ay umaawit ng:                                                         

La Noche buena se viene      Ang Noche buena ay dumarating  

La Noche buena se va…     Ang Noche buena ay lumalayo…

            Ang bata ay labis na nag-iiyak at naghinagpis, at nang itaas ang ulo ay nakita sa kanyang harapan anga isang taong siya ang pinagmamasdan.  Ang taong iyon ay marahang nagtanong:           “Ikaw ba ang anak?”           Ang bata sumagot ng oo sa pamamagitan ng pagtango.           “Ano ang balak mong gawin?”           “Ilibing!”           “Sa libingan?”

16

Pagkatapos na ipakita ni Rizal sa kalunos-lunos na kinasapitan ng mag-inang Sisa at Basilio ay ipinakita naman niya ang malaking kontrast ng kaligayahan na hatid ng kapaskuhan sa mag-anak na Kristiyano.

725

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

           “Wala po akong kuwalta,17 at isa pa ay hindi papayagan ng kura.”           “Kung gayon ay ano ang gagawin mo?”           “Kung ibig ninyo akong tulungan…”           “Mahinang-mahina ako,” ang sagot ng di kilalang taong iyon, na itinukod ang kamay at dahan-dahang nahandusay sa lupa, “ako ay may sugat… dalawang araw nang hindi ako kumakain at natutulog… Wala bang pumaritong sinuman ngayong gabi?”           Ang lalake ay namalaging tahimik at tintingnan ang nakaaakit na mukha ng bata.           “Makinig ka!” ang patuloy, na ang boses ay lalong humina, “ako man ay mamamatay rin marahil bago mag-umaga… May mga dalawampung hakbang ang layo rito, sa kabilang ibayo ng batis, ay maraming kahoy na nakabunton; dalhin mo rito, gumawa ka ng isang sigaan, ilagay mo sa ibabaw ang aming mga bangkay, takpan mo, at iyong pagliyabin, na maningas na maningas, hanggang sa kami ay maging abo…”           Si Basilio ay nakikinig.           “Pagkatapos, kung walang paparitong iba pa… ay humukay ka rito, makakatagpo ka ng maraming ginto… at ang lahat ng iyon ay magiging iyo.   Mag-aral ka !”18

           Ang tinig ng istranghero sa kahinaan ay halos hindi na maunawaan.           “Hanapin mo ang kahoy na panggatong… ibig kong tulungan kita.           Si Basilio ay lumayo.  Ang taong iyon ay lumingon sa silangan, at bumulong na parang nagdarasal: “Mamamatay ako na hindi nakikita pagbubukang liwayway sa aking bayan…!19  Kayong makamamalas sa kanya, batiin ninyo

17 Makikita dito na isa sa malaking magagawang kasalanan nating mga mahihirap ay ang mamatay nang walang pera.18

Tandaan sana ang sinabing ito ng lalaking sugatan kay Basilio dahilan sa ito ay masasagot sa susunod na nobela ni Rizal na El Filibusterismo.19

Kahanga-hanga ang pag-ibig ni Elias sa bayan, sa mga huling sandali ng kaniyang buhay ay kaniya pa ring inaala-ala ang bayan, at ang pag-asam sa pangarap na pagdating ng panahon ay sisikat ang isang bagong araw (kalayaan).

Sa bahaging ito ay nasabi ni Elias sa bingit ng kaniyang kamatayan na “Mamamatay ako nang di nakikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan”, sa kabilang dako si Rizal na may-akda ng nobela at pinaghugutan ng kaisipan ni Elias ay isinulat sa kaniyang tulang pahimakas ang “Mamamatay akong nakikita na mula sa ulap ang pagbubukang liwayway”

726

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab063

siya… at huwag kalimuyan ang mga nabuwal sa gitna ng gabi!”

Itinaas sa langit ang mata, ang mga labi ay kuminig na parang sumasambit ng isang dalangin, pagkatapos ay iniyuko ang ulo at dahan-dahang nalugmok sa lupa…§

         Dalawang oras ang nakalipas, si Manang Rufa na nasa batalan ng kanyang bahay at nagsasagawa ng maagang paghuhugas upang magtungo sa misa.  Ang mahabaging babae ay napatingin sa kalapit na gubat at nakita ang isang makapal na usok na pumapaitaas; ikinunot ang noo, at puno ng banal na pagkamuhi ay nagsabing: “Sino kaya ang ereheng iyon na nagkakaingin sa pistang araw?20 Sa ganyang kadahilanan kaya dumarating ang maraming kasawian!  Tikman mong  tumungo sa Purgatoryo at makikita mo kung kukunin kita roon, salbahe!”           

Tandaan na napalimbag ang nobelang ito noong 1887, malayo pa sa hinagap ng mga Pilipino ang katuparan ng isang mapagpalayang rebolusyon. Sa kabilang dako, ang huling paalam ay isinulat ni Rizal sa gabi bago ang araw ng kaniyang kamatayan. Namatay si Rizal sa panahon na ang armas ng mga mapagpalayang anak ng bayan ay nakikipag-tuos na sa mga mapanupil at mapang-aping dayuhan. §

§ Pansinin sana ang posisyon ni Elias bago ito mamatay – pinilit niyang itaas sa langit ang mata at sumasambit ng isang dalangin.

Noong patayin si Rizal sa pamamagitan ng pagsusulsol ng mga alagad ng kolonyal na simbahan ay hiniling niya sa firing squad na siya ay barilin ng paharap, subalit ito ay tinanggihan. Noong siya ay barilin ng patalikod ay pinilit ni Rizal na pumihit na paharap upang ang kaniyang katawan ay bumagsak na nakaharap sa langit. Pagkatapos siyang barilin ng firing squad si Rizal ay sandali pang nag-aagaw-buhay na nakatanaw sa langit ang mga mata, hanggang lapitan siya ng isang opisyal ng hukbong kolonyal at bigyan siya ng tiro de gracia sa pamamagitan ng pagbaril sa kaniyang puso.20

Sa sandaling iyon ay patay na si Elias nang matanawan ni Hermana Rufa na mayroong malaking siga sa kagubatan.

Tandaan na isa sa Sampung Utos ng simbahan ay ang pangingilin ng mga pistang araw – kaya galit si Hermana Rufa sa nakita niyang malaking siga na inaakalang iyon ay gawa ng mga walang galang na magkakaingin.

727