29
Name of Reporters (Hindi capitalize) 9- RUTHERFORD S.Y 2014-2015 Noli Me Tangere KABANATA 4-6

Noli Me Tangere Report

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A report about noli me tangere.

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Report

Name of Reporters (Hindi capitalize)9- RUTHERFORDS.Y 2014-2015

Noli Me TangereKABANATA 4-6

Page 2: Noli Me Tangere Report

TALASALITAAN• BISIG-• TINUTUDYO-• MATIPUNO-• ULIRAT-• PARATANG-• FONDA DE LALA-

BRASO

TINUTUKSO

MALAKAS

MALAY

AKUSASYON

isang uri ng panuluyan sa Maynila

Page 3: Noli Me Tangere Report

IKA-APAT NA KABANATA:

Noli Me Tangere

Erehe at Pilibuster

o

Page 4: Noli Me Tangere Report

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan.

Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat.

Page 5: Noli Me Tangere Report

Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.

Page 6: Noli Me Tangere Report

Sinabi ni Ibarra na sumulat ang kanyang ama sa kanya may isang taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.

Page 7: Noli Me Tangere Report

Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit.

Ang mga nuno nila ay mga kastila. Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat.

Page 8: Noli Me Tangere Report

Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso ay nagkasira. Di-umano, di nangungumpisal si Don Rafael.

Page 9: Noli Me Tangere Report

Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.

Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi, bo, bu" na labis na ikinagalit nito.

Page 10: Noli Me Tangere Report

Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata.

Isa ang sinampal na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si Don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.

Page 11: Noli Me Tangere Report

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato.

Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael.

Page 12: Noli Me Tangere Report

Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na parusa.

Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay,

Page 13: Noli Me Tangere Report

isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.

Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abogadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng

Page 14: Noli Me Tangere Report

artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos ng lahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.

Hindi na niya natamasa ang malayang buhay.

Page 15: Noli Me Tangere Report

Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay ang tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay na sa kalesa si Ibarra.

Page 16: Noli Me Tangere Report

IKA-LIMANG KABANATA:

Noli Me Tangere

Isang Bituin sa gabing madilim

Page 17: Noli Me Tangere Report

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala niya ang kanyang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing

Page 18: Noli Me Tangere Report

ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sa bahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi, may suot na diyamante at ginto.

Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak.

Page 19: Noli Me Tangere Report

Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama.

Si Padre Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag

Page 20: Noli Me Tangere Report

samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.

Page 21: Noli Me Tangere Report

IKA-ANIM NG KABANATA:

Noli Me Tangere

Si Kapitan Tiyago

Page 22: Noli Me Tangere Report

Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.

Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman.

Page 23: Noli Me Tangere Report

Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensiyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.

Page 24: Noli Me Tangere Report

Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta. lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak.

Para kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.

Page 25: Noli Me Tangere Report

Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo.

Si Kapitan Tiago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko.

Page 26: Noli Me Tangere Report

Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga Santa Cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.

Ang pag bili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra

Page 27: Noli Me Tangere Report

dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.

Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw.

Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayunman nagiging masakitin si pia nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak niya siya ay namatay.

Page 28: Noli Me Tangere Report

Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang Maria Clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay Tiya Isabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.

Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan.

Page 29: Noli Me Tangere Report

Siya’y nag paalam kay Padre Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pag kapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.

Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.