Click here to load reader

Noli Me Tangere -Tauhan

  • View
    16.245

  • Download
    28

Embed Size (px)

Text of Noli Me Tangere -Tauhan

Noli Me Tangere

Kasaysayan ng Noli Me TangereAng Noli me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, saEuropa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.

Mga TaohanJuan Crisostomo IbarraAnak na binata ni Don Rafael Ibarra, ang pinakamayaman sa bayan ng San Diego. Kasintahan ni Maria Clara. =)

Maria ClaraAnak na dalaga ni Kapitan Tiyago, kasintahan ni Crisostomo. Pinakamagandang dilag sa bayan ng San Diego.

EliasIsang saimpalad na nagligtas kay Ibarra sa kapahamakan.

Kapitan TiyagoKilala rin sa tawag na Sakristan Tiyago, ama ni Maria Clara at isa sa pinakamayaman sa San Diego.

Pari DamasoDating kura ng San Diego, inaama ni Maria Clara at tagapayo ni Kapitan Tiyago.

Pari SalviKura ng San Diego, may lihim na pagtangi kay Maria Clara.

Tiya IsabelHipag ni Kapitan Tiyago at tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

AlperesPinuno ng guwardiya sibil, kaaway ni Pari Salvi.

Don AnastacioKilala bilang si Pilosopo Tasyo o Tasyong Baliw. Maalam na matanda na kayat nilalapitan ng tao sa san diego upang humingi ng payo.

Donya ConcolacionMaybahay ng alperes, kinatatakutan ng taumbayan sa San Diego dahil sa itsura kasamaan ng ugali

SisaIna ng magkapatid na sakristang sina Basilio at Crispin.

Kapitan HeneralKumakatawan sa hari ng Espanya, pinakamakapangyarihan sa Pilipnas. Naging kaibigan ni Ibarra.

Don FilipoTinyente mayor ng San Diego.

LucasKapatid ng taong madilaw na namatay habang inihuhugos ang bato sa paaralan.

SinangIsa sa mga kaibigang dalaga ni Maria Clara na malapit sa kanya.

Donya VictorinaAng mayamang asawa ni Don Tiburcio de Esdpadana na nagpapanggap na isang Europea.

Don TiburcioIsang Kastilang nagpapanggap na doktor, napangasawa ni Dona Victorina.

Alfonso LinaresPinsan ni Don Tiburcio. Inilalaang pakasalan ni Maria Clara.

BasilioPanganay na anak ni Sisa at sakristan ng Simbahan ng San Diego.

CrispinSakristan ng simbahan ng San Diego at bunsong anak ni Sisa.

Pari SibylaParing Agustino at kura ng Binundok.

Tinyente GuevarraTinyente ng guwardiya sibil. Nagtatanggol sa ama ni Ibarra.