24
Pagbasa ng mga Tekstong Profesyonal

Pagbasa Ng Mga Tekstong Profesyonal w Example

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Fil 02Ang tekstong propesyonal ay yaong mga teksto na nagdaan sa mabalasik na pareresirts at ito ay para sa mga taong ang gustong pag aralan ay yaong mga bagay na makakatulong upang maging malawak ang kanilang kaalaman gaya ng mga abogasya at medisina dahil ito ay nakakatulong upang kanilang malaman ang mga bagay na mga patunay o pinatutunayan ng mga akda.

Citation preview

Pagbasa ng mga Tekstong Profesyonal

1Ano ba ng tekstong profesyonal?Masasabi na ang mga tekstong profesyonal ay isinulat ng ma taong profesyonal na mahusay sa kani-kanilang larangan. Isinulat upang mabasa at mapag-aralan ang mga impormasyong nakalahad dito.Layunin ng tekstong profesyonal na maglahad ng mga karagdagang impormasyon, mga makabagong impormasyon na bunga ng mga napapanahong pag-aaral batay sa mga pananaliksik na isinagawa upang matuklas pa ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.Hindi lamang mga kasamahan sa propesyon ang target ng mga tekstong ito, higit ang publikong mambabasa upang magkaroon ng ganap at wastong impormasyon sa mahalgang bagay na may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng isang indibidwal.Nakapag-aambag din ito ng pag-unlad ng mga kaalaman sa mga taong profesyonal na o di kaya naman ay bahagi ito ng professional growth nila.Maituturing na profesyonal ang mga doctor, abogado, guro, inhinyero, arkitekto, dentista, nars at marami pang iba.Karaniwang nagtataglay ang tekstong profesyonal ng mga sumusunod:Hindi maligoy ang paksaKomprehensibo ang paglalahadMaayos at organisado ang pagkakasunud-sunod ng mga ideyaMayaman sa mga impormasyonBunga ng masusing pananaliksikIniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay sa isang tiyak na sitwasyon

Halimbawa ng Tekstong Profesyonal

MedisinaIsang Heart-Healthy DietMula sa Medicine & Health (2001)Sa nakalipas na mga taon, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil sa sakit sa puso. Kung nagkaroon ka na ng heart-to-heart sa iyong doctor, marahil ay sinabihan ka na niya na bawasan ang iyong cholesterol level bago pa lumala ang sitwasyon.Paano ng ba mapapababa ang cholesterol level? Sa pamamagitan ng heart-healthy diet, ay mangyayari ito.

Para umabot sa ideyal na antas ang iyong blood cholesterol (mababa sa 20%), kailangan ang malaking pagbabago sa iyong diet. Ito ay nangangahulugan ng pag-iwas o pag-aalis ng matatabang pagkain sa iyong diet. Nangangahulugan din ito ng pagdaragdag ng ilang uri ng pagkain na nakakatulong para mapababa ang iyong kabuuang cholesterol count, mabawasan ang masamang LDLC (low density lipoprotein cholesterol).

Narito ang ilang natural na cholesterol-busters:

Oat Bran Simulan ang iyong araw ng isang puswelong oatmeal o oat-bran cereal. Lumabas sa mga pag-aaral na ang mga taong may cholesterol level na mahigit sa 229 ay maaring maibaba sa 8-23 porsyento kapag idinagdag ang pagkaing ito sa kanilang diet.Beans - Kumain ng isang tasa ng nilutong beans sa isang araw. Hindi lamang nakakapagpataas pa ito ng HDL (high density lipoprotein o good cholesterol) kapag kinain nang regular sa loob ng mahigit isang taon.Sibuyas Sa mga taong may problemsa sa cholesterol, kumain ng kalahating hilaw na sibuyas sa isang araw para mapataas ang kanilang HDL (high density lipoprotein o good cholesterol).Bawang Kung mataas ang presyon ng dugo, kumain ng hilaw o nilutong bawang. Lumalabas sa mga pag-aaral na pagkain ng isang ulo ng bawang sa isang araw ay epektibong nakakapagpababa sa kabuuang cholesterol level.Soy sa pag-aaral na nalathala sa New England Journal of Medicine, lumalabas na ang diet na mayaman sa soy protein na matatagpuan sa tofu, tempeh at soy milk ay nakakapagpababa sa cholesterol.Prutas at gulay Ang pagkain ng isang mansanas sa isang araw ay nakakapagpababa ng cholesterol. Kumain ng mansanas, carrots at iba pang mga pagkain na mataas ang taglay na soluble fiber na tinatawag ng pectin. Sa pangkalahatan, ang mga gulay at prutas ay mainam na mapagkukunan ng anti-oxidants na maaring maging anti-cholesterol agents.Wine Uminom ng isa o dalawang baso ng red o white wine sa isang araw para mapataas ang good cholesterol. Ang red wine ay sinasabing mainam sa puso. Ang balat ng ubas na ginagamit sa paggawa ng red wine ay nakakapigil sa blood-clot formation o pamumuo ng dugo.Grape Seed Oil Kung ayaw nang magdagdag ng alcohol sa iyong diet, maaring gumamit ng isa pang HDL-booting product na mula sa ubas. Ito ang grape seed oil, isang mild salad oil na nabibili sa ilang natural food stores. Ang oil na mataas sa monouensaturated fats, tulad ng olive at canola ay nakakatulong para mapababa ang bad cholesterol.Isda Ang salmon, mackerel, herring, sardines at tuna ay pawing mataas sa Omega-3 fatty acids na nakakatulong para madagdagan ang good cholesterol.Supplements Maaaring mainam din sa mga ugat ang anti-oxidant supplements. Uminom ng 10,000 hanggan 20,000 International Unit (IU) ng beta-carotene, 100-400 IU ng vitamin E at 1-2 gramo ng Vitamin C araw-araw.Halimbawa ng Tekstong Profesyonal

BatasMahina ang Hustisya sa PilipinasAyon sa ulat ng World Bank, mahina ang sistemang pangkatarungan sa bansa, lalo na ang kabagalan ng proseso ng hustisya sa ating mga korte at mga kaugnay na ahensya ng mga ito.Batay pa rin sa ulat, mahigit sa 500,000 kaso na ang nakabinbin sa Court of Appeals, mga RTC at mga MTC at mga Municipal Circuit Trial sa buong bansa, mula sa dating bilang na 292,094 noong 1992 pa.Idinagdag pa ng WB na malaking bahagi ng ating mga kababayan at mga abogado ang naniniwala na nasusuhulan daw ang mga hukom at nabibili nga ang hustisya sa Pilipinas.Dahil sa pagsusuring ito, kapuna-puna sa WB ang malaking suliranin ng katiwalian sa bansa na itinuring nag-iisang pinakamalaking balakid sa pagkakaroon ng hustisya sa Pilipinas.Nitong mga nakaraang panahon, nagging maingay at aktibo ang mga VACC (Volunteer Against Crime & Crusade) sa pagtawag ng pansin ng pamahalaan ukol sa mga lumalaganap na krimen sa ating bansa. Sa pagdagsa ng presidential reprieves at commutations nitong mga nakalipas na buwan, umugong ang isyu ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa panig ng pamahalaan.Nang maibalik ang parusang kamatayan sa ating lipunan muling nabuhay ang nawawalang pag-asa ng ating mga kababayan na maibalik pa ang kaayusan sa bansa. Subalit ang mga kontrobersyal na mga desisyon ng pamahalaan ukol sa ilang mga death convicts ay tila nagdulot ng isang unos sa kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad.Kapansin-pansin ang patuloy na paglaganap ng panggagahasa at iba pang krimen sa ibat ibang bahagi ng bansa matapos mabitay ang ilang mga nahatulan ng parusang kamatayan ng mga nakaraang taon. Ito marahil ay bunga ng paliguy-ligoy ng pamunuan na ipatupad agad ng batas sa mga nahatulan ng parusang kamatayan. Ating matatandaan na bago tuluyang nabitay si Pablito Andan at katakut-takot na reprieve ang tinanggap nito mula sa Pangulo sa paghihintay ng rekomendasyon mula sa tinaguriang conscience committee sa Malacaang. Huwag din nating kalimutan ang tinanggap ng tatlo pang gumahasa at pumatay sa biktimang si Nancy Sicar ng Sa Luis, Batangas, at ang iba pang tumanggap ng presidential reprieve mula sa Malacaang.Sa usapin ukol sa kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamut, muling nasira ang batas dito. Isang patunay na ang dating death convict na si Josepina Esparas ay nagging habambuhay na pagkakabilanggo na lamang. Kayat lumalakas na naman ang loob ng mga sindikatong hindi mabuwag-buwag ng mga kinauukulan.Positibo man o hindi ang ating gagawing basehan sa pagtaas ng krimen sa ating lipunan, ang malungkot na katotohan unti-unti nang namamatay ang hustisya ng Pilipinas.Malinaw ang katotohan kung lalong lumala ang dating laganap nakaranasan at katiwalian sa bansa, dapat ituring ito ng ating pamahalaan na isang sigalot na dapat puksain sa madaling panahon.Sumasama ang kalagayan ng kaayusan sa bansa. Ito ang katotohanang dapat nating tanggapin at harapin, at di na dapat pang pagtalunan.Sa ulat na ipinalabas ng World Bank, naway matauhan na ang ating mga kinauukulan ukol sa suliraning ito. Nakakalungkot pang mabalitaan na umaabot pa sa isang lupong pandaigdig ang problemang ito nang hindi man lang naaayos ng ating pamahalaanNi: Dante JimenezVACCMga Salitang HiniramPaliwanagheart-to-hearttapatancholesterol levelantas ng kolesterolheart-healthy dietmalusog na pagkain para sa pusoblood cholesterolkolesterol sa inyong dugocholesterol countbilang ng kolesterolsoy proteintoyo protinasoluble fiber natutunaw hiblaWine AlakBlood-clot formationPamumuo ng dugoGrape seed oilLangis ng buto ng ubasNatural food storestindahan ng mga natural na pagkainInternational Unit(IU)pandaigdigang sukatWorld bankBangkong pandaigdiganCourt of AppealsHukuman ng PaghahabolMunicipal Circuit Trial courtpangmunisipyo sa balantok ng husgadoreprievepagpapaurong ng parusacommutationsPalt; kapalit; pagbabagodeath convictsbilanggo ng kamatayanconscience committebudhi komiteMga Salitang HiniramPaliwanag