13
9 Filipino Modyul 3, Unang Markahan Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan ROSEVILLA A. JUMALON A Joint Project of SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

  • Upload
    others

  • View
    437

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

9

Filipino Modyul 3, Unang Markahan

Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at

konotatibong kahulugan

ROSEVILLA A. JUMALON

(SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT)

A Joint Project of

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY

and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Page 2: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ROSEVILLA A. JUMALON

Editor: Virginia E. Tagab, MaFil

Tagasuri: Riela Angela C. Josol – EPS I – Filipino

Tagalapat: Leo Martinno O. Alejo

Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien -Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag -Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE)

Unang Markahan– Modyul 3: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Page 3: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

1

Alamin

Sa modyul na ito naipapamalas din ng mga mag-aaral ang kanilang

nalalaman sa asignatura na ito sa pangkalahatan. Dito malalaman ang

dalawang dimensiyon sa pagbibigay-kahulugan ng salita.

Pamantayan ng Pagkatuto:

Nabibigyang-kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa

denotatibo at konotatibong kahulugan.

(F9PT-Ia-b-39)

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan din na:

Natutukoy ang denotatibo at konotatibong kahulugan

Nagagamit ang denotatibo at konotatibong kahulugan

Page 4: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

2

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin at ibigay ang tamang sagot ayon sa inyong nalalaman kung ang

mga salita sa ibaba ay mga kahulugang DENOTATIBO o KONOTATIBO. Gawin ito

sa iyong sagutang papel.

1. Buwaya-ganid, sakim, makasarili

2. Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na

maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohiko.

3. Puso-pag-ibig, pagmamahal, damdamin

4. Ibon-kalayaan, kapayapaan 5. Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin.

6. Rosas- pulang rosas na may berdeng dahon.

7. Krus-ito ay simbolo ng relihiyon

8. Ahas-isang traydor o pekeng kaibigan 9. Papel- ito ay isang bagay na sinusulatan

10. Bituin-artista

11. Ama-haligi ng tahanan

12. Ina-ilaw ng tahanan

13. Ahas- isang uri ng hayop na nanunuklaw

14. Buwaya-isang nilalang na naninirahan sa tubig

15. Nagsusunog ng kilay-sinusunog ang kilay

Subukin

Page 5: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

3

Aralin

1

Denotatibo at Konotatibong

Pagbibigay-kahulugan

Balikan

Gawain A:

Panuto: Magbigay ng dalawang kahulugan ng mga salita na makikita sa

hugis bilog. Gayahin ang ilustrasyon sa ibaba.

DENOTATIBO

KONOTATIBO

Tuklasin

Gawain :

Ibigay ang kahulugan o ipaliwanag ang kasabihang “Hindi matutularan ang

haligi ng tahanan sapagkat ang buhay nila ay sa pamilya nakalaan.”

Page 6: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

4

Sagot:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________.

Suriin

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga salita na nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan. Sa bahaging ito ay

magkakaroon ka ng mahahalagang interpretasyon sa pagbibigay-kahulugan ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base

sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang mga sinasabi kong uri o paraan ng pagpapakahulugan.Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang malalaman mo na ang salita ay nasa

denotatibo o konotatibong pagpapakahulugan. pagbibigay-kahulugan. Halina’t tingnan at suriin ang mga halimbawa.

DENOTATIBO AT KONOTATIBONG PAGPAPAKAHULUGAN

Parehong tumatalakay sa kahulugan ang denotatibo at konotatibo pero paano

ito nagkaiba?

DENOTATIBO-ay ang literal na kahulugan ng salita o parirala o ito ang tawag sa

kahulugang hinango o makikita sa diksyunaryo.

KONOTATIBO- ay ang kahulugan ng salita o parirala ayon sa pagkagamit sa

pangungusap o nakadepende sa pangungusap ang ibig sabihin ng salita o parirala

o ito ay pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita.

Halimbawa:

1. BOLA

Denotatibo: isang uri ng bagay na tumatalbog

Pangungusap: Ang bola ay ginagamit sa paglalaro ng mga kabataan.

Konotatibo: pambibiro, mabulaklak na salita

Pangungusap: Huwag kayong magpadala sa bola lalo na sa mga kalalakihan.

2. PAPEL

Denotatibo: bagay na sinusulatan

Pangungusap: Huwag itapon ang papel kahit saan.

Page 7: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

5

Konotatibo: ginagampanan

Pangungusap: Ano nga ba ang papel mo sa buhay?

3. AHAS

Denotatibo: isang uri ng hayop na gumagapang

Pangungusap: Maraming ahas sa masukal na kagubatan.

Konotatibo: traydor, taksil, pekeng kaibigan

Pangungusap: Ahas ka! Pinagkatiwalaan pa naman sana kita.

4. BULAKLAK

Denotatibo: bahagi ng halaman

Pangungsap: Nababanguhan ako sa mga bulaklak ng rosas.

Konotatibo: dalaga

Pangungusap: Tulad mong isang magandang bulaklak.

5. ILAW

Denotatibo: ilaw na nasa tahanan

Pangungusap: Pakipatay naman ng ilaw.

Konotatibo: Nanay, Ina

Pangungsap: Maasikaso sa pamilya ang ilaw ng tahanan.

Pamprosesong Tanong: Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

1. Anu-ano ang dalawang dimensiyon sa pagbibigay-kahulugan?

Sagot:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Paano nga ba natin makikilala ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan?

Sagot:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 8: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

6

Pagyamanin

Gawain A. Ibigay ang Denotatibo at Konotatibo na kahulugan ng bawat pahayag at gamitin

ito sa pangungusap.

MGA PAHAYAG DENOTATIBO KONOTATIBO PANGUNGUSAP

1. maitim na

ulap ay

nagbabantang

mapunit

2. kaluwagang-

palad

3. umakit sa

malaking

kamay

4. papel de

bangko

5. matigas na

loob

6. dilim

7. balat-sibuyas

8. bumulwak

ang wagas na

pagmamahal

9. nagpapangilo

sa nerbiyos

10. palad

Page 9: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

7

Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

Ang denotatibo ay ang paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay tumutukoy sa literal na konsepto ng isang bagay, tao, lugar o pangyayari at karaniwang makikita sa diksyunaryo ang ganitong uri ng kahulugan. Samantalang ang konotatibo ay paraan ng pagpapakahulugan kapag nagtataglay ng mga emosyon o pansaloobing pahiwatig subhektibo ang ganitong paraan ng pagpapakahulugan o maaaring hindi hayag o may iniuugnay pang ibang kahulugan.Sa madaling salita, ang konotatibo ay mga salita sa pangungusap na nakabatay ang kahulugan sa konteksto o gamit nito sa pahayag. (context clue)

TANDAAN: Ang kahulugan ng salita ay natutukoy dahil sa mga pahiwatig na salita sa loob ng pangungusap. Narito ang mga paraan upang matukoy ang pahiwatig sa kahulugan ng salita sa pangungusap. 1. Depinisyon Direktang mababasa ang kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap. Nakasusugat ng puso ang mahahayap na salitang binigkas ng kanyang kaaway. 2. Karanasan Nahango ang kahulugan batay sa mismong karanasang nabanggit sa pangungusap. Labis ang kanyang pighati dahil sa walang paalam na pag-alis ng kanyang minamahal. 3. Salungatan Maliban sa kasingkahulugan, mainam na malaman ang kasalungat nito. Ang kabuktutan ay hindi dapat magkubli sa anino ng kabutihan. 4. Pahiwatig Ito ay kahulugan batay sa sanhi at bunga ng pahayag. Ang pagsulong ng bayan ay makakamit kung magtutulungan ang mga mamamayan at pamahalaan. 5. Pagsusuri Kailangan dito ng kakayahang panglinggwistika upang masuring maigi ang salita. Naglaho siya sa karimlan.

Page 10: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

8

Iswai Isagawa

Gawain :

Panuto: Magbigay ng limang halimbawang salita/parirala/pangungusap ng

denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan mula sa mga akdang inyong

nabasa at gamitin ito sa pangungusap.

DENOTATIBO KONOTATIBO PANGUNGUSAP

1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin

Panuto: Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na salita, parirala o pahayag kung ito ba ay nasa Denotatibo o Konotatibong pagpapakahulugan.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Buwaya-Ganid, Sakim, Makasarili

2. Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring

iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohiko.

3. Puso-Pag-ibig, Pamamahal, Damdamin

4. Ibon-Kalayaan, Kapayapaan 5. Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin. 6. Rosas- pulang rosas na may berdeng dahon. 7. Krus-ito ay simbolo ng relihiyon 8. Ahas-isang traydor o pekeng kaibigan

Page 11: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

9

9. Papel- ito ay isang bagay na sinusulatan 10. Bituin-artista

11. Ama-haligi ng tahanan

12. Ina-ilaw ng tahanan

13. Ahas- isang uri ng hayop na nanunuklaw

14. Buwaya-isang nilalang na naninirahan sa tubig

15. Nagsusunog ng kilay-sinusunog ang kilay

Karagdagang Gawain

Gawain 1: Bumuo ng sanaysay na sumasalamin sa sariling karanasan gamit

ang denotatibo at konotatibong pagbibigay-kahulugan.

Sagot:

Page 12: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

10

RUBRIK sa Pamantayan ng Pagmamarka:

Kriterya

Napakalinaw

ang Pagkakabuo (15pts)

Lubhang malinaw ang pagkakabuo

(10pts)

Hindi malinaw

ang pagkakabuo (5pts)

Nilalaman

Mensahe

Pagkakabuo

Susi sa Pagwawasto

Page 13: Pagbibigay-kahulugan ng malalim na salitang ginamit sa ...ng salita batay sa iyong pang-unawa.Gamitin natin ang salitang AMA, base sa iyong mga sagot sa itaas ay maiuuri natin ang

11

Mga Sanggunian:

1. Panitikang Asyano 9

2. https://philnews.ph.

3. https://www.slidesshare.net