65
Paghahambing ng Epekto ng Advertisement ng Clear at Vaseline Grupo bilang 6 Ika-3 term AY 2009-2010 FILDLAR c33 Estuesta, Jan Marlo D. Martinez, Gabriel Sta. Ana, Donna Katrina S. Dra. Teresita F. Fortunato

Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

  • Upload
    donna

  • View
    323

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

Paghahambing ng Epekto ng Advertisement ng Clear at Vaseline

Grupo bilang 6

Ika-3 term AY 2009-2010

FILDLAR c33

Estuesta, Jan Marlo D.

Martinez, Gabriel

Sta. Ana, Donna Katrina S.

Dra. Teresita F. Fortunato

Talaan ng NIlalaman

Ang Suliranin at ang Kaligiran

Page 2: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 1

Introduksyon 2

Batayang Teoretikal 3

Paglalahad ng Suliranin 3

Kahalagahan ng Pag-aaral 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4

Depinisyon ng mga Termino 5

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 5

Metodolohiya ng Pananaliksik 5

Paglalahad at Pagsusuri ng Datos 9

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon 22

Sanggunian 24

Apendises 25

Page 3: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 2

I. Ang Suliranin at ang Kaligiran

A. Introduksyon

Ang mga Pilipino ay sadyang masisipag at maraming ginagawa sa araw-araw ng

pamumuhay. Gising sa umaga, kumain, magtrabaho, magpahinga, magtrabaho, matulog.

Kahit sa dami na ginagawa ng mga Pilipino araw araw, ay may iisang bagay na hindi

nakakalimutan at hindi pinalalampas, ang paliligo. Madalas ay hindi na natin pinagiisipan ito

dahil nakagawian na ito ng lahat ng tao sa buong mundo. Ang mga Pilipino ay malilinis sa

katawan kaya hindi pinalalampas ang paliligo, at hindi rin basta basta ang mga ginagamit sa

paliligo. Dalawa lamang ang ginagamit ng lahat sa paliligo at iyon ay ang shampoo o sabon.

Marami ang pinagpipilian sa mga tindahan at minsan ay pabago bago pa ng binibili dahil

parating may bagong produkto at brand na lumalabas. Pero kahit ano pa man ito, hindi

maiiwasan na bumili ng mga produktong ito dahil kasama na ito sa ating mga pangunahing

pangangailangan sa pang araw araw.

Ang dalawang ipagtatapat sa papel na ito ay ang produktong shampoo ng Unilever, sa

tatak na Clear at Vaseline. Ang Clear ay nanumbalik sa merkado ng Pilipinas kailan lamang,

at nagsimula sila sa pamamagitan ng pagpapalabas ng komersyal sa telebisyon ng may mga

sikat na artista o singer katulad na lamang nina Rain at Nicole Scherzinger. Ginamit nila ang

paraang ito para makilala ng mga tao ang nakikita nila sa telebisyon, at dahil malalaking

bituin ang kanilang pinalabas ay marami ang taong maakit sa kanilang produkto at gagawing

subukuan ang mga ito kahit na nagsisimula pa lamang sila sa merkado. Ang Clear ay isang

dalubhasang shampoo para sa balakubak ng mga tao, at ang kanilang target market ay ang

mga Asyano dahil mula sa kanilang pananaliksik ay maraming Asyano ang nagdurusa sa

Page 4: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 3

balakubak. Pero hindi tumigil ang Clear sa pagpapawala lamang ng balakubak, ginawa rin

nila na maging matibay and buhok at hindi naglalagas.

Ang Vaseline naman ay hindi nagdalubhasa sa pagpapawala ng balakubak, ang kanila

namang ipinaglilingkod ay ang mga taong gusting mabango, matibay ang buhok at hindi

problema ang balakubak. Ang mga consumer ng produktong ito ay para sa mga pamilya

dahil ito ay ang tanging shampoo na nagbibigay sa pagkinang, malusog na buhok, at ay kilala

upang itaguyod ang pagkakasama at matalik na relasyon sa loob ng pamilya sa pamamagitan

ng kanyang mga halaga ng lokal na tatak at mga prinsipyo.

Sa papel na ito ay makikita ang kahalagahan ng mga patalastas sa mga produktong

nabanggit at ang kahalagahan ng nito para sa ikabubuti ng produkto at ng konsumer.

B. Batayang Teoretikal

Ang napili naming paksa ay ang paggamit ng patalastas sa pagbenta ng Clear at Vaseline

shampoos sa Konsyumer. Itong paksa ay ang napili namin dahil ginusto naming malaman

kung ano ang mga epekto ng adbertisment sa pagbenta ng mga produkto, ito ba ay

makakatulong sa pagbili o ito lang ay isang gastos na ginagawa ng mga kompanya?

C. Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing suliranin

Paano nakakaimpluwensya ang Ads ng Clear at Vaseling sa consumer?

Page 5: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 4

Mga tiyak na suliranin

1. Anu-ano ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang

advertisement?

2. Bakit mas epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B?

3. Ano ang mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa

produkto?

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik para malaman ang mga resulta

ng kung anong klaseng advertisement and epektibo para sa mga tao, at magamit sa hinaharap

na panahon. Ang mga resulta at datos na malalakap mula sa riserts na ito ay maaring gamitin

para sa mga magiging advertising sa darating na panahon. Malalaman rin mula sa riserts na ito

ang mga epektibong paraan ng pagaanunsyo sa publiko ng mga impormasyon ng isang tatak o

produkto dahil mula na mismo sa mga namimili ang mga datos na nakuha. Kung malalaman ang

mga epekitbo o di kaya ang pinakaepektibo na paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon ng

isang produkto, sa darating na mga panahon ay magagamit narin ang mga paraan na ito sa mas

mabisang paraan.

E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pagaaral nito ay isinagawa ng grupo gamit ang surbey at pagsangguni sa mga iba’t

ibang awtor na mas may kaalaman sa field ng advertising. Ang aming survey ay base sa mga

tanong na aming ginawa upang maintindihan ng mambabasa ang mga nagagawa ng advertising

para sa Clear at Vaseline shampoo. Ang aming pagaaral ay limitado sa mga sagot lamang ng

aming mga napagatanungan at aming mga nabasa.

Page 6: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 5

F. Depinisyon ng mga Termino

Advertising- Ang paggamit ng media upang ilahad sa nakararami ang produkto, serbisyo

o ano mang bagay.

Konsumer- isang tao o oraganisasyon na gumagamit at bumibili ng isang bagay.

Merkado - kung saan ang mga kalakal at serbisyo ay binili at naibenta

Sale- kantidad ng mga nabenta

Target Market - grupo ng mga tao na ang mga pangangailangan at mga kagustuhan ay

tumutugma sa produkto na hanay ng isang kumpanya at kanino ang mga produkto ay

marketed

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Wala pang literatura o pag-aaral na nakasagawa na tungkol sa aming paksa.

III. Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang aming grupo ay nagpasagot ng surbey sa mga tao tungkol sa komersyal ng dalawang

produkto, ang Clear shampoo at ang Vaseline shampoo. Itinanong namin kung sila ay nakapanuod na ng

komersyal ng mga ito at pinasagot namin ang aming surbey. Kami din ay nagsagawa ng interbyu sa mga

tindahan o sari-sari store na nagbebenta ng Vaseline at Clear shampoo. Kami din ay nagsaliksik gamit

ang internet at ang iba’t ibang libro.

Page 7: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 6

Surbey

1. Ilang taon gulang ka na?

2. Nakakapanood ka na ba ng commercials ng Vaseline at Clear?

Oo, pareho

Oo, Vaseline lang

Oo, Clear lang

Hindi3. Ang mga commercial ba na ito ay nakahikayat sa iyo na bumili?

Oo

Hindi4. Ang mga personalidad ba na nakikita sa mga commercial ay nakakahikayat ba sa inyo bumuli ng produkto?

Oo

Hindi5. Palagay mo ba ay epektibo ang mga commercial upang mapakilala ng lubusan ang mga produkto?

Oo

Hindi6. Naiintindihan mo ba ng maayos ang mga gusto iparating ng mga commercial?

Oo

Hindi7. Nagkaroon na ba ng pagkakataon na dahil sa commercial ng Vaseline o Clear ay napabili ka nito?

Oo

Hindi8. Sino o ano ang nagpakilala sa inyo sa produkto?

Tv komersyal

pamilya o kaibigan

print ads

Iba pa: 9. Gumana ba ang mga produkto katulad ng isinasaad sa mga commercial?

Page 8: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 7

Oo

Hindi

Surbey 2

1. Ano ang iyong kasarian?

Babae

Lalaki

2. Kung may dalawang klase lamang ng shampoo ang meron sa mundo ano dito ang gagamitin mo?

Vaseline

Clear

Bakit?

3. Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline?

Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline? Mga bata

Mga teenager

Mga matanda

Mga magulang

Mga lolo at lola

4. Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Clear?

Mga bata

Mga teenager

Mga matanda

Page 9: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 8

Mga magulang

Mga lolo at lola

5. Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Vaseline?

Kababaihan

Kalalakihan

Paano mo ito nasabi?

6. Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Clear?

Kababaihan

Kalalakihan

Paano mo ito nasabi?

7. Ano dito ang nasubukan mo nang gamitin?

Clear

Vaseline

8. Ano ang masasabi mo sa (mga) nagamit mo nang produkto?

9. Kung hindi mo pa nasusubukan ang kahit ano sa Clear at Vaseline, bakit hindi pa?

IV. Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

Mga tiyak na suliranin

1. Anu-ano ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang advertisement?

2. Bakit mas epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B?

3. Ano ang mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa produkto?

Page 10: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 9

Presentasyon ng sagot sa mga tiyak na suliranin

1. Ang mga mensahe na ibinibigay mula sa mga advertisement ay depende sa kung ano ang

gustong iparating nga mga kumpanya tungkol sa kanilang mga produkto. Ang karaniwang

isinasaad dito ay kung paano gumagana ang isang produkto at kung ano ang mga magiging

epekto nito. Kasama rin sa advertisement kung anong klaseng tao ang gumagamit nito para

maakit ang mga taong katulad o gusto maging katulad ng kung sino ang personalidad sa mga

advertisement.

2. Nakita namin sa aming mga surbey at interbyu, na ang Clear ay mas nakakabenta kaysa sa

Vaseline. Mas maganda at mas epektibo ang patalastas at katangian ng produkto kumpara sa

Vaseline. Ang target market ng dalawang produkto ng shampoo, ay kahit anong age group basta

may buhok. Subalit mas nakakakuha ng atensyon and patalastas ng Clear shampoo dahil ito ay

mas bago at ito ay gumagamit ng sikat at batang actor.

3. Ayon sa diksyunaryo and advertising ang paggamit ng media upang ilahad sa nakararami ang

produkto, serbisyo o ano mang bagay. ("advertising," ) Bakit nga ba importante ito sa mga

magbebenta ng produkto? Madaling isipin na ang produkto ay makikilala ng nakarararmi, ngunit

and advertising ay mas malaki ang impact kung ang pagkagawa ng adbertismo ay epektibo

upang tumatak sa isipan ng mga manonood ang adbertisment. Bakit nga ba tatak sa mga

manonood ang adbertisment ng dalawang shampoo? Una ay malaki ang audience na nararating

ng paggamit ng telebisyon, dahil dito mas napaparami ang mga taong makakakilala sa mga

shampoo. Ayon sa “Radio and TV Advertising” ang paggawa ng adbertisment ay dapat may

target market, may budget, may mga gagawa ng endorsment, at impormasyon galing sa mga

taong nakagawa na ng endorsment. Ang lahat ng ito ay makatutulong sa paggawa ng epektibong

commercial.

Page 11: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 10

Mapapansin na ang Vaseline ay biglaang lumabas at napuno ang mga istasyon ng mga

commerical nito. Gumamit ang gumawa ng adbertisment ng mga sikat na artista na may

magaganda at mahahabang buhok katulad ni Heart Evangelista, Nikki Gil at iba pang mga artista.

Ayon sa “Examining the Effectiveness of Athlete Celebrity Endorser Characteristics and Product

Brand Type: The Endorser Sexpertise Continuum” ang endorser ay nakatutulong sa pagpapalaki

ng pagkakilala sa produkto dahil ang mga endorser ay tumutulong na ibahagi ang kanilang

popularidad sa produktong kanilang iniiendorso. Dagdag pa dito ay nagkakaroon ang mga

manonood ng pagiisip na ang endorser ng produkto ay gumagamait rin ng nasabing produkto. Sa

Vaseline ipinapahayag ng commercial na ang mga artista ay gumamit ng produkto nila kaya ang

kanilang buhok ay mahahaba ay mukhang malusog. Gayon din naman sa Clear, ipinapakita

naman dito si Mr. Piolo Pascual at mga kasama niyang ibang artista na ang Clear ay nakakawala

ng dandruff at epektibo sa pagmimintina ng buhok upang ito ay manatiling malusog.

Ang paggamit ng biglaang paglabas ng mga adbertisment ay nagpapalaki ng benta dahil

ang mga tao ay magugulat sa rami ng adbertiement sa telebisyon at sa kanilang isipan ay

nakapagtataka na ang lakas ng advertising, siguro ay ang produktong ito ay epektibo at maganda

gamitin. ("Market tests: sales," 1998) Ayon naman sa aming pagtatanong sa mga tindahan

pansin nila ang pagtaas ng kanilang benta lalo na pag may bagong labas na commercial.

Idinagdag rin nila na ang clear ay malakas ang benta ngayon, sa aming palagay ito ay dahil sa

mga bagong labas na commercial sa tv. Karamihan raw na bumibili ay may mga edad na

teenagers hanggang sa mga matatanda.

Sa paghahanap ng mga teorya at sa mga interview na aming isinagawa ang advertisment

ay epektibo dahil nakikilala ang produkto at ang gusto nito iparating sa mga manonood. Sa

aming palagay ang di-paggamit nito ng isang nagbebenta ay baba ang benta, mahihirapan ang

paglaki ng kumpanya at mas konting tao ang makakaalam ng kanilang produkto.

Page 12: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 11

Mga resulta ng interbyu at mga surbey

90%

5%5%

Nakapanood ka na ba ng commercials ng Vaseline at Clear?

Oo, perho Oo, Vaseline lang Oo, Clear lang Hindi

Pinapakita dito na karamihan ng tao ay nakapanuod na ng commercials ng Vaseline at

Clear at kaunting pursyento lamang ang hindi pa nakakapanuod. Masasabi rin na epektibo ang

mga commercial na ginawa at ipinalabas dahil alam ng mga konsumer ang kanilang napanuod na

commercial.

Page 13: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 12

44%

56%

Ang mga commercial ba na ito ay nakahikayat sa iyo na bumili?

Oo Hindi

Hindi kaagad kasunod ng pagpapanuod ng patalastas ang pagbili sa mga produkto,

minsan ay hindi sapat ang nasa patalastas upang makahikayat na bumili ang nakapanuod.

24%

76%

Ang mga personalidad ba na nakikita sa mga commercial ay nakakahikayat ba sa inyo bumuli ng produkto?

Oo Hindi

Hindi rin lamang nakasalalay sa kung sino ang personalidad ang nasa patalastas, marami

ang hindi nahihikayat ng personalidad na kanilang napapanuod o naririnig pero kahit papaano ay

may pursyento rin na nahihikayat ng personalidad.

Page 14: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 13

61%

39%

Palagay mo ba ay epektibo ang mga commercial upang mapakilala ng lubusan ang mga produkto?

Oo Hindi

Ang unang layunin ng commercial ay ipaalam sa publiko ang kanilang produkto o

serbisyo, at tama lamang na maging epektibo ang mga ito upang makilala ng lubusan ang

produkto. Pero hindi para sa lahat ay sapat na ito at epektibo ito para sa produkto dahil marami

pang paraan para makilala ng lubusan ang produkto katulad nalamang ng mga sample.

Page 15: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 14

78%

22%

Naiintindihan mo ba ng maayos ang mga gusto iparating ng mga commercial?

Oo Hindi

Hindi lahat ng mensahe sa patalastas ay napaparating sa mga konsyumer, ngunit napaka

importante na maparating ng maayos at tama ang mensahe ng isang patalastas dahil

nakasalalay rito kung ano ang magiging reaksyon ng consumer sa produkto, kung bibilin ba nito

o hindi at kung ano ang magiging tingin nila sa produktong ito.

Page 16: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 15

78%

22%

Nagkaroon na ba ng pagkakataon na dahil sa commercial ng Vaseline o Clear ay napabili ka nito?

Oo Hindi

Ang pangunahing layunin ng mga commercial ay mapabili nila ang mga nanunuod nito

pero hindi lahat ng nanunuod nito ay para sa kanila ang commercial, may tinatawag din na

target market ang mga produkto at sila ang malamang na maaakit ng commercial para bumili ng

kanilang produkto.

Page 17: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 16

83%

17%

Sino o ano ang nagpakilala sa iyo sa produkto?

tv komersyal pamilya o kaibigan

Pinapakamalaking pursyento parin ang tv komersyal upang maipalaganap ang mga

produkto dahil malaking pursyento rin ang nakakapanuod ng tv sa isang bigay na oras sa tamang

oras at tamang consumer o nanunuod kung kaya nagiging epektibo ang tv komersyals.

Page 18: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 17

56%

44%

Gumana ba ang mga produkto katulad ng isinasaad sa mga commercial?

Oo Hindi

Mula sa mga commercial ay nalalaman kung pano gamitin o ano ang gamit ng isang

produkto, kaya dapat mula dito ay dapat makatotohanan ang mga isinasaad. Hindi natin

masasabi na hindi makatotohanan ang mga commersyal dahil labag ito sa batas, pero masasabi

natin na hindi kuntento ang ilang konsumer sa kanilang nabiling produkto.

Page 19: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 18

Ang mga sumusunod na resulta ay nagmula sa mga hindi piling (random) na sampung kababaihan.

60%

40%

Kung may dalawang klase lamang ng shampoo ang meron sa mundo ano dito ang gagamitin mo?

Vaseline Clear

Masasabi dito na mas pipiliin ng babae na gamitin ang Vaseline kumpara sa Clear, kahit

na hindi nagkakalayo ang resulta nila. Dahil nakasaad sa Vaseline na ang kanilang produkto ay

importante ang pagkabango nito at nagpapatibay sa buhok, mas nakaaakit ito sa kababaihan

dahil habol nila sa shampoo ang mabango at nagpapatibay ng buhok. Ang Clear naman ay mas

nakaaakit sa mga taong ayaw sa masyadong mababagong amoy at gusto rin nila na

nakatatanggal o nakakaiwas sa pagbuo ng balakubak.

Page 20: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 19

30%

30%

15%

20%

5%

Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Vaseline?

Mga bata Mga teenager Mga matanda Mga magulang Mga lolo at lola

Ang target market ng Vaseline ay mga pamilya, ayon sa resulta ay ang mga taong

malamang na gumagamit ng Vaseline ay mga bata, teenager at magulang. Ang mga bata,

teenager at magulang ay malamang na magkakasama sa isang bahay bilang isang pamilya.

Madalas sa isang pamilya ang gumagamit ng iisang klase ng shampoo lamang dahil mas

nakakatpid ito para sa mga magulang.

Page 21: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 20

6%

39%

33%

17%

6%

Sa iyong opinion, sino ang mga taong gumagamit ng produktong Clear?

Mga bata Mga teenager Mga matanda Mga magulang Mga lolo at lola

Walang duda na magkaiba ang target market ng Vaseline at Clear. Kung ikukupara ang

resulta ng sinusundan na resulta ay ang Clear ay mas naaangkop para sa mga teenager at

matanda, hindi kasama ang mga bata at magulang dahil ang bata at magulang ay naangkop para

sa mga pamilya at ang terminong teenager at matanda ay naangkop bilang mga inidbidwal.

Page 22: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 21

100%

Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Vaseline?

Kababaihan Kalalakihan

Ang Vaseline ay mas nakaaakit ng mga kababaihan dahil sa mabangong amoy nito na

gusto ng mga babae at mula sa mga commersyal ay ang target market ng Vaseline ay mga

kababaihan at pamilya, hindi mga lalaki.

Page 23: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 22

20%

80%

Anong kasarian ang karamihan na gumagamit ng Clear?

Kababaihan Kalalakihan

Ang mas naaakit ng Clear ay ang mga lalaki mula sa resulta dito, makikita rin natin sa

ilang komersyal ng Clear na lalaki ang kanilang piling target market para sa kanilang shampoo na may

leybel pa na “Clear Men” dahil sa amoy nito at sa tapang ng formulasyon nito para sa kanilang shampoo

na iwas balakubak na natatanging para sa mga lalaki pero hindi rin lahat ng kanilang produkto ay pang

lalaki lamang. May piling produkto lamang ang Clear na piling pang lalaki ang gamit.

V. Buod, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang pagaaral na ito ay tungkol sa mga adbertisment ng Clear at Vaseline shampoo.

gumamit kami ng mga tanong upang pagusapan ang nasabing paksa, ang mga ito ay, Anu-ano

ang mga mensahe na ibinibigay ng mga produkto mula sa kanilang advertisement? Bakit mas

epektibo ang advertisement ng produktong A kumpara sa produktong B? At ang huli ay, Ano ang

mga epekto ng advertisement sa produkto? Kung wala ang advertisement sa produkto? Sinagot

namin ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanong tanong sa mga tao sa mga tindahan at mga

konsumer sa pamamagitan ng surbey.

Page 24: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 23

Ang adbertising ay importante upang makilala ang produkto. Para sa dalawang shampoo

na aming, pareho silang gumagamit nito upang mapakilala ang kanilang produkto at ang kung

para saan ito. Ipinapakita nila ito upang tumaas ang kanilang benta at kumita rin ng malaki.

Gumagamit sila ng mga endorser dahil pag sikat ang mga endorser sisikat rin naman ang

kanilang prodkuto. Epektibo ang parehong kumpanya ng dalawang shampoo dahil ayon sa

aming surbey, maraming tao ang nakakaalam sa Vaseline at Clear.

Inirerekumenda ng grupo na ang mga susunod na mananaliksik sa itong pagaaral na ito

ay humingi ng mga datos na galing sa mga gumawa ng produkto upang makita ang mga

naitulong ng paggawa nila ng adbertisment. Inirerekumenda rin namin na lakihan ang

pagkukumpara sa iba pang brand ng shampoo na ibang kumpanya ang gumawa.

Ang adbertisment ay nakatutulong sa pagpapakilala ng mga dalawang shampoo sa mga

konsumer. Ang mga adbertisment ay nagpapalakas ng sales kung ang adbertiements ay tama

ang pagkakagawa at malinaw ang pagpapakilala. Kung wala nito ay mahihirapan ang

pagapapakilala ng produkto at hindi masasagad ang pagbebenta nito.

Page 25: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 24

Sanggunian

advertising. (n.d.). The American Heritage® Dictionary of the English Language, Fourth Edition.

Retrieved April 10, 2010, from Dictionary.com website:

http://dictionary.reference.com/browse/advertising

Clear. (n.d.) Retrieved 9:15, April 11, 2010, from

http://www.unilever.com.my/ourbrands/personalcare/clear.asp?linkid=dropdown

consumer. (n.d.). Dictionary.com Unabridged. Retrieved April 10, 2010, from Dictionary.com

website: http://dictionary.reference.com/browse/consumer

Simmers, C, Martinez, D, & Haytko, D. (2009). Examining the effectiveness of athlete celebrity

endorser characteristics and product brand type: the endorser sexpertise continuum. 1, Market

tests: sales effectiveness of tv + magazines. (1998). Retrieved from

http://www.ppamarketing.net/cgi-bin/wms.pl/726

Unilever. (2010, April 9). In Wikipedia, The Free Encyclopedia. Retrieved 13:03, April 11, 2010,

from http://en.wikipedia.org/w/index.php?title=Unilever&oldid=354967659

Vaseline Shampoo. (n.d.). Retrieved 9:16pm, April 11, 2010, from

http://www.unilever.com.ph/ourbrands/personalcare/vaselineshampoo.asp

Page 26: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 25

Apendises

Page 27: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 26

Page 28: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 27

Page 29: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 28

Page 30: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 29

Page 31: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 30

Page 32: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 31

Page 33: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 32

Page 34: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 33

Page 35: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 34

Page 36: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 35

Page 37: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 36

Page 38: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 37

Page 39: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 38

Page 40: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 39

Page 41: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 40

Page 42: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 41

Page 43: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 42

Page 44: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 43

Page 45: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 44

Page 46: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 45

Page 47: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 46

Page 48: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 47

Page 49: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 48

Page 50: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 49

Page 51: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 50

Page 52: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 51

Page 53: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 52

Page 54: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 53

Page 55: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 54

Page 56: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 55

Page 57: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 56

Page 58: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 57

Page 59: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 58

Page 60: Paghahambing Ng Epekto Ng Advertisement Ng Clear at Vaseline

P a g e | 59