8
A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay unang nagbalak ng isang pagtitipon upang mabigyang pagninilay at pagsasagawa ang mensahe at sulat ng Santo Papa patungkol sa Makabagong Ebanghelisasyon sa pagsisimula ng taong ito. Ngunit ang balaking ito ay ninais rin ng ibang mga karatig na diyosesis na maranasan kung kaya sila rin ay nakiisa. Sa huli, kahit ang ibang mga diyosesis na malalayo na nakarinig nito ay nais rin na makiisa. Kung kaya nabuo ang plano para sa isang pambansang pagtitipon, ang unang Philippine Conference on New Evangelization, na idinaos noong October 16-18, 2013, sa University of Sto. Tomas, Manila. Naging isang malaking biyaya ang pagpayag at pagpapa-ubaya ng UST na magamit ang kanilang lugar na napaka-ganda. Ang Conference ay dinaluhan ng mga representatives mula sa iba’t-ibang sektor ng simbahan, lalo na ang mga layko. Nagkaroon ng maraming mga topics at venues na maaaring mapili ng mga participants. Naging napaka-buhay at mayaman rin ng mga pagbabahagi ng mga panauhing mga sikat na tao. Isang kapansin-pansin ay ang preparasyon ng unibersidad na hindi matatawaran sa husay. Naging una rin sa kasaysayan ang pagbibigay ng Santo Papa ng kanyang mensahe at pagbabasbas sa pamamagitan ng recorded video, na kanyang ginawa buong-buo sa pagsasalita ng English. Nasabi na ang mga Pilipino lamang ang nakapag-pagawa nito sa isang Santo Papa. Laman ng kanyang mensahe ang pagbati, at pakiusap sa mga Pilipino na patuloy ipahayag si Hesus lalo na sa mga mahihirap, at huwag manghina patungkol dito. Sa hulihan ng mensahe ay nagsalita pa ng Tagalog ang Santo Papa. Ikinagalak ng lahat ng naroroon ang muling pakiki-isa ng Santo Papa. Ang pagsasara ng Conference ay naging emosyonal rin, at tunay ngang nakaka-kilabot, dahil sa pagsisindi ng kandila ng bawat participant at pagbibigay pangako na ipapahayag palagi at sa lahat si Kristo. Umalingaw-ngaw sa salita, at sa text na ipinaki-usap ng Cardinal Tagle na gawin ng lahat, ang mga katagang GOD MAKES ALL THINGS NEW, bilang battle cry at insprisasyon para misyon ng lahat ng naroroon. Ang delegasyon ng ating parokya ay pinangunahan ng mga officers at members ng Parish Pastoral Council . Ipinagpasalamat nila ang pagkakataon na sila ay nakasama sa Conference, at kanila ring ibinahagi ang kanilang mga karanasan at pagninilay sa Conference na ito sa nakaraang pulong ng Pastoral Council. Inaasahan na ang ating mga programa, mga organisasyon, at mga volunteers sa parokya ay sisikaping makita, maisama at maisa-gawa ang mga bunga at hamon ng Conference on New Evangelization. Binibigyang pansin rin nito ang mga bagong sektor na umuusbong sa ating lipunan ngayon. Hindi na lamang babae o lalaki, matanda o bata, Kristiyano o hindi, ang batayan ng pagkilala sa mga tao. Kailangang mabigyang pansin ang lahat: manggagawa, politiko, estudyante, propesyonal, gays at lesbians, OFW at kanilang pamilya, mga pinuno at mga maka- pangyarihan, at marami pang iba na natatangi sa ating panahon. Ang hamon ng bagong ebanghelisasyon ay para sa lahat ng mananampalataya. Hanapin nawa ng bawat isa sa kanilang buhay, kanilang kakayahan at kanilang pagkakataon na patuloy na maipahayag si Hesus sa ating panahon. Tayong lahat ay bahagi ng gawaing ito ni Hesus, na matukoy natin ang lahat ng sulok ng mundo at maipakilala ang ating Diyos. Source: www.facebook.com/#!/PhilippineConferenceOnNewEvangelization Isang Krus ang inilukluk sa pagsisimula ng Conference Fr. Herminio Dagohoy Ang Rector ng UST Maraming mga sikat na personalida ang nagbahagi kasama ang Cardinal Tagle Si Coco Martin ay nag- bahagi ng kwento niya Naluha muli ang Cardinal Tagle PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG NG EBANGHELYO

PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

  • Upload
    ngophuc

  • View
    296

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay unang nagbalak ng isang pagtitipon upang mabigyang pagninilay at pagsasagawa ang mensahe at sulat ng Santo Papa patungkol sa Makabagong Ebanghelisasyon sa pagsisimula ng taong ito.

Ngunit ang balaking ito ay ninais rin ng ibang mga karatig na diyosesis na maranasan kung kaya sila rin ay nakiisa. Sa huli, kahit ang ibang mga diyosesis na malalayo na nakarinig nito ay nais rin na makiisa. Kung kaya nabuo ang plano para sa isang pambansang pagtitipon, ang unang Philippine Conference on New Evangelization, na idinaos noong October 16-18, 2013, sa University of Sto. Tomas, Manila. Naging isang malaking biyaya ang pagpayag at pagpapa-ubaya ng UST na magamit ang kanilang lugar na napaka-ganda. Ang Conference ay dinaluhan ng mga representatives mula sa iba’t-ibang sektor ng simbahan, lalo na ang mga layko. Nagkaroon ng maraming mga topics at venues na maaaring mapili ng mga participants. Naging napaka-buhay at mayaman rin ng mga pagbabahagi ng mga panauhing mga sikat na tao. Isang kapansin-pansin ay ang preparasyon ng unibersidad na hindi matatawaran sa husay. Naging una rin sa kasaysayan ang pagbibigay ng Santo Papa ng kanyang mensahe at pagbabasbas sa pamamagitan ng recorded video, na kanyang ginawa buong-buo sa pagsasalita ng English. Nasabi na ang mga Pilipino lamang ang nakapag-pagawa nito sa isang Santo Papa. Laman ng kanyang mensahe ang pagbati, at pakiusap sa mga Pilipino na patuloy ipahayag si Hesus lalo na sa mga mahihirap, at huwag manghina patungkol dito. Sa hulihan ng mensahe ay nagsalita pa ng Tagalog ang Santo Papa. Ikinagalak ng lahat ng naroroon ang muling pakiki-isa ng Santo Papa. Ang pagsasara ng Conference ay naging emosyonal rin, at tunay ngang nakaka-kilabot, dahil sa pagsisindi ng kandila ng bawat participant at pagbibigay pangako na ipapahayag palagi at sa lahat si Kristo. Umalingaw-ngaw sa salita, at sa text na ipinaki-usap ng Cardinal Tagle na gawin ng lahat, ang mga katagang GOD MAKES ALL THINGS NEW, bilang battle cry at insprisasyon para misyon ng lahat ng naroroon. Ang delegasyon ng ating parokya ay pinangunahan ng mga officers at members ng Parish Pastoral Council. Ipinagpasalamat nila ang pagkakataon na sila ay nakasama sa Conference, at kanila ring ibinahagi ang kanilang mga karanasan at pagninilay sa Conference na ito sa nakaraang pulong ng Pastoral Council. Inaasahan na ang ating mga programa, mga organisasyon, at mga volunteers sa parokya ay sisikaping makita, maisama at maisa-gawa ang mga bunga at hamon ng Conference on New Evangelization. Binibigyang pansin rin nito ang mga bagong sektor na umuusbong sa ating lipunan ngayon. Hindi na lamang babae o lalaki, matanda o bata, Kristiyano o hindi, ang batayan ng pagkilala sa mga tao. Kailangang mabigyang pansin ang lahat: manggagawa, politiko, estudyante, propesyonal, gays at lesbians, OFW at kanilang pamilya, mga pinuno at mga maka-pangyarihan, at marami pang iba na natatangi sa ating panahon. Ang hamon ng bagong ebanghelisasyon ay para sa lahat ng mananampalataya. Hanapin nawa ng bawat isa sa kanilang buhay, kanilang kakayahan at kanilang pagkakataon na patuloy na maipahayag si Hesus sa ating panahon. Tayong lahat ay bahagi ng gawaing ito ni Hesus, na matukoy natin ang lahat ng sulok ng mundo at maipakilala ang ating Diyos.

Source: www.facebook.com/#!/PhilippineConferenceOnNewEvangelization

Isang Krus ang inilukluk sa pagsisimula ng Conference

Fr. Herminio Dagohoy Ang Rector ng UST

Maraming mga sikat na personalida ang nagbahagi kasama ang Cardinal Tagle

Si Coco Martin ay nag- bahagi ng kwento niya

Naluha muli ang Cardinal Tagle

PARA S A IS ANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG NG EBANGHELYO

Page 2: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

2

MINISTRY OF ALTAR SERVERS Kasaysayan ng Ministeryo ng Taga-Paglingkod sa Altar

N ang matapos ang ikalawang konsilyo vaticano (Vatican Council II) ay binigyan ng pribilehiyong maglingkod ang mga mananampalataya sa sanctuary bilang mga lingkod sa altar (altar servers). Ang pangunahing katungkulan ng isang altar server or sakristan ay ang umalalay sa pari sa mga pagdiriwang ng liturhiya sa Misa. Sila rin ang nagdadala ng krus sa

prusisyon, nagbabatingaw ng kampana, nagdadala ng insenso at kandila. Kadalasan ang kanilang kasuotan tuwing may misa ay puting sotana na katulad nang sa pari.

Ang ating mga sakristan sa parokya ay binubuo ng mga kabataang lalaki na may edad 9 hanggang 22 na taong gulang. Ang paghuhubog sa mga sakristan ay sa pamamagitan ng Weekly For-mation at meeting. Ang sentro nito ay maipakilala ang pananampalata-yang Katoliko, mga turo ng simbahan, mga debosyon sa mga santo at sa mahal na Inang Maria at maging isang mabuting Katolikong may matibay na saligang pananampalataya. Kasama rin dito ang tuwinang Marian Devotion kung Sabado, ang buwanang Brother’s Day na nga-yong buwan ay may temang Survivor-M.A.S: Out Laugh & Out Smart. Mayroon ding mga pilgrimage kung saan ay dumadalaw ang mga sa-kristan sa iba’t-ibang simbahan upang mapalalim pa ang kanilang debosyon at pananampalataya, at kapatiran sa ibang parokya. Sa kabuuan, ang Ministry of Altar Servers (MAS) ng ating parokya ay patuloy na isinasabuhay ang mga aral at turo ng Panginoong Hesus at ng simbahan na may kasabay na kagalakan sa pagsisilbi at disiplina sa tulong at gabay ng ating Coordinator/Formator na si Bro. JC Recto. Marami pa maaaring malaman tungkol sa

gawaing ito sa aming website na may address na: www.ministryofaltarservers.com

Features...

F r o m A s h e s t o A s h e s By: Heddy Christine Woo

A family always has its way of softening the experience of the death of a loved one, and even its imminent happening. Many avoid the word “death” itself and hide in the more comfortable words like “passing over”, “being not with us anymore”, “resting”, “has gone ahead of us”, “is waiting for us”, and many more. It is never easy to talk about death, much more face it.

It was 16 years ago, when our mother got seriously ill, that we as a family has to deal with this ultimate concern, death. She has always made us know of what she wanted for her funeral and how things are to be carried out when her time here on earth comes to an end. As children, the discussion and plan for her resting place was something we have to face and prepare for. Although she al-ready had a place beside my father in a cemetery, my mother, being a devout Roman Catholic, wanted her final resting place to be near a church. Since we do not have any idea on where to look, it was fortunate that a church we go to in San Juan was offering spaces for interment at that time. We inquired about it and found out that the spaces offered were for the cremated remains only. We told our mother about it and she readily consented. When our mother passed away last year, she was given the funeral mass before cremation and the 9-day novena mass. On the day of her interment, blessings and prayers were also accorded her as the final rites, with hope that she is happy and at peace where we have laid her. Indeed, one full cycle of coming from ashes to going in ashes. What is cremation? Cremation is commonly known as the process of reducing a body to bone fragments through the application of intense heat. The bone fragments are then pulverized, placed in a container such as an urn and then returned to the family. Is cremation accepted by the Catholic Church? Since 1963, the ban on cremation had been lifted by the Congregation for the Doctrine of the Faith, allowing it in certain circum-stances as long as the reasons for choosing cremation were not contrary to the Christian belief. The same was stated in the Catechism of the Catholic Church: “The Church permits cremation, provided that it does not demonstrate a denial of faith in the resurrection of the body” (CCC no. 2301). Funeral Rites It is stated in the Order of Christian Funerals (#413): The Church clearly prefers and urges that the body of the deceased be present for the funeral rites, since the presence of the human body better expresses the values which the Church affirms in those rites. By this, it means that the Church discourages immediate cremation. If possible, the body should be present during the funeral mass and that cremation will only take place after this. Final Respect And also from the Order of Christian Funerals (#417): The cremated remains of a body should be treated with the same respect given to the human body from which they come. This includes the use of a worthy vessel, the manner in which they are carried, the ap-propriate placement and transport, and the final disposition. It should be buried in a grave or entombed in columbarium. The practice of scattering cremated remains, or keeping cremated remains in the home are not the reverent disposition that the Church requires.

Page 3: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

Ang Kalikasan ay Ating Pananagutan

A ng Pagdiriwang ng Season of Creation (para sa lahat ng Linggo ng Buwan ng Setyembre) ay unang pagkakataon dito sa ating Arkidiyosesis. Tayong mga tao ay patuloy na nagpapayaman ng ating buhay at mga sarili sa pamamagitan ng mga biyayang mula sa

Inang Kalikasan. At ito nga ang nais ng Diyos sa simula’t-simula, na tayo ang maging mga taga-pamahala ng sanlibutan. Ipinangako niya sa atin na tayo ang mga makikinabang sa mga bungang-kahoy ng lahat ng puno, mga yamang-dagat, mga ibon at mga hayop. Ngunit kasama sa biyayang ito ay naka-lakip ang obligasyong mangalaga ng kalikasan. Marami sa atin ang nakalilimot sa obligasyong ito. Marami sa atin ang umaabuso sa pangako na ito. Ito ay hindi lamang usaping environmental o political, ito rin ay tunay na usaping spiritual. Ang isang mananampalataya ay dapat na isa ring environmentalist o maka-kalikasan. Hamon ko po sa ating lahat na suriin ang ating pamumuhay at mga pagpapahalaga kung ito ay mga naaayon sa pananampalataya na tayo ang mga taga-pangalaga ng kalikasan. Hindi maaari at hindi tama na tayo ay pala-simba ngunit ang atin namang pamamaraan sa loob at labas ng bahay ay nakakasira ng kalikasan. Tamang paggamit ng tubig, tamang pagtatapon ng mga basura, tamang pagkain ng mga masusustansyang pagkain, pag-iwas sa mga bisyo, pag-iwas sa pag-aaksaya; ang lahat ng ito ay dapat makita sa buhay ng isang sumusunod sa mga utos ng Diyos. Ito rin ang ating magiging panalangin sa Diyos na may lalang ng buong Kalikasan. Sa buhay ng bawat mananampalataya ay dapat makita at madama ang malasakit sa kalikasan. Sa huli, isipin nating lahat na ang pangangalaga sa kalikasan ay pangangalaga sa kinabukasan at pagpapatuloy ng buhay nating lahat at ng mga susunod pang henerasyon sa atin. Tayong lahat rin at ating mga anak ang makikinabang. Ang Season of Creation na pagdiriwang ay pagpapa-alaala sa atin na ang nasa ating kapaligiran ay mula sa kapangyarihan ng Diyos at ang paglinang at pangangalaga naman ng mga ito ay ang ating pagkilala sa Kanya at ating pasasalamat. Purihin natin ang Diyos nating Manlilikha!

Rev. Fr. Wilmer R. Rosario

Message... From our Parish Priest

3

MISS NA KITA Kapansin-pansin sa panahon ngayon ang karamihan sa mga tao na tutok na tutok sa cellphone dahil sa texting, nakasuksok sa tenga ang mga earphones, at yukong-yuko ang ulo sa paglalaro sa gadgets na hawak. Napapansin mo rin ba ito, o baka ikaw mismo ay ganoon rin? Ang galing talaga ng teknolohiya na makikita sa mga gamit na ito. Ang dali-dali nang malaman ang sagot sa anumang tanong, o maipangalat ang bagong bagay o balita. Doon ko rin naman napagtanto at naramdaman na napaka-lapit na nga natin sa isa’t-isa dahil sa mga gadgets na ito, ngunit magkakalayu-layo pa rin. Malabo ba? Wala na akong nakikitang tunay na komunikasyon sa mga tao ngayon. Lahat ay dinaraan na lamang sa ‘SMS’. Sigurado ako na may nag-propose na ring magpa-kasal sa text! May naki-ramay sa namatayan sa text! At may nakipag-break-up sa kaibigan sa text! Sa aming pamilya, tuwing kami ay kumakain, lalo na kung sa labas ng bahay, mahigpit naming pinagbibilin sa aming mga anak na iwasan ang pagdadala ng mga gadgets, ngunit meron pa ring nakakalusot. Hindi dahil sa ayoko ng mga gadgets, ngunit ang madalas na paggamit nito ay nagdudulot ng kawalan ng KOMUNIKASYON bilang isang pamilya. Minsan nga ay naranasan ko na nagpaalam ang anak ko para sa isang bagay sa pamamagitan ng text, kahit siya ay nasa kabilang kwarto lamang. Malayo ang kaibahan noong kami ay mga bata na mas BUO at TUNAY ang komunikasyon. Sa hapag-kainan, halimbawa, doon kami nagkakaalaman ng mga sekreto, doon din kami nakakatanggap ng sermon, doon din kami nagtatawanan. Marami ring pagkakataon na naglalaro kami sa labas ng patintero, tagu-taguan, lutu-lutuan... lahat ay may pagkakataon na mag-usap at madama ang bawat salita, hanggang sa tuksuhan. Dati, ang pagkakaibigan ay ginugulgulan ng oras at laway para tumibay ang samahan. Ngunit ngayon ay kanya-kanya na sa WII, X-Box o sa computer. Alam kong napapansin ninyo rin ito. Hamon ito sa ating lahat, lalo na sa mga magulang. Maraming ibang oras para sa mga gadgets. Huwag nating pabayaang mawala ang tunay na komunikasyon. Miss you po!

Views and Opinions By Sis. Heidie Gregore

Page 4: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

Parish Activities

4

Ang parokya ay taun-taong nagbibigay ng pagkakataon para sa isang murang pagpapa-check-up. Ito ay naisasa-gawa sa tulong ng mga kaibigang doctors at mga institusyon ng Catholic Women’s League dito sa Sacred Heart of Jesus Parish.

HEALTH AWARENESS

Si Fr. Bert ay pari mula sa Lorenzo Mission Institute. Siya ay naging katuwang ng parokya sa pagmimisa tuwing Linggo sa ganap na ika-pito at ika-walo ng umaga. Siya naman ngayon ay ipapadala ng kanilang Institute sa Cagayan upang mamahala sa isang eskwelahan. Ang Parish Pastoral Council ay nag-alay sa kanya ng isang ‘despedida’ at pasasalamat noong August 25, 2013.

Sila ang mga kabataan na namumuno sa misa tuwing ika-siyam ng umaga sa mga action songs. ANIMATORS OF THE SUNDAY CHILDREN’S MASS

Isang unang pagkakataon ang ginawa sa University of Santo Tomas, Espana, Manila, ang Philippine Conference on New Evangelization na pinamunuan ng Kanyang Kabunyian, Cardinal Chito Tagle. Ang Parish Pastoral Council Officers ang naging kina-tawan ng ating parokya.

PHILIPPINE CONFERENCE ON NEW EVANGELIZATION

Idinaos noong huling Linggo ng Setyembre ang prusisyon para sa Unang Pilipinong Santo, San Lorenzo Ruiz. Naging mabigat ang pagbuhos ng ulan kung kaya isinulong na lamang ito kung saan nagdasal ng Santo Ro-saryo ang mga dumalo. Si Fr. Wilmer

ay nagbigay rin ng isang maikling pananalita tungkol sa buhay ng san-to.

SAN LORENZO RUIZ

PROCESSION

SEND OFF FOR FR. PABILLO

Page 5: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

5

Parish Activities

Pinangunahan ng mga kabataan at ng Sunday School Program ang programa at pagbati sa Mahal na Birheng Maria sa kanyang kaarawan. Bumuhos ang mga awit at sayaw para sa Mahal na Ina.

PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

Sa unang anibersaryo ng mga bagong officers ng Parish Youth Minis-try, ninais nilang magdaos ng isang mini concert, na kanilang tinawag

na “Evolution”. Naging masigla, masaya at matagumpay ang buong gabi sa mga sayaw at awit na nagmula sa mga kabataan ng bikaryato.

PARISH YOUTH MINISTRY—EVOLUTION

OCTOBER 26, 2013

OUR LADY OF THE ROSARY

PROCESSION OCTOBER 27, 2013

Page 6: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

6

Anecdotes and Reflections By Bro. Lino dela Cruz

PAGPAPASALAMAT:

May isang lumang kwento na minsan sa langit daw ay may naligaw na kaluluwa. Naglibot siya at nakita niya ang tatlong malalaki ng

bodega na kung saan ay maraming anghel na abalang-abala. Pinasok niya ang unang bodega na punong-puno ng anghel na super busy na nakaharap sa kanilang mga computers. "Ano ang tawag sa lugar na ito?" Tanong ng kaluluwa sa isang anghel. "Ah, ito ang receiving section... dito kasi pumapasok ang lahat ng kahilingan ng mga tao sa lupa." Lumipat naman siya sa kabilang bodega at nakita niya ang mas marami pang bilang ng mga anghel na abalang-abalang nagbabalot ng mga regalo. "Ano naman ang tawag sa lugar na ito?" Tanong muli ng kaluluwa. "Ah... ito ang tinatawag naming packaging section, dito kasi inihahanda yung mga kahilingang ibibigay sa mga tao." Sagot ng anghel. Lumipat siya sa pangatlong bodega. Laking gulat niya sapagkat napakatahimik ng lugar. Isang anghel lang ang nakita niya at ito ay nanood pa ng TV. Anong palabas? Tama: "Be Careful with My Heart" "E anong tawag naman dito sa lugar mo?" tanong ng kaluluwa. Sagot ng anghel: "Ito ang acknowledging section, dito dapat bumabalik ang mga kahilingang nabigyang tugon mula sa lupa... pero nakakalungkot. Kakaunti ang nagbibigay ng kanilang "Thank You!"

ANG PABORITO NG DIYOS:

May paborito ba ang Diyos? Marahil, sa ating mga tao ay natural na ang may itinatangi, may pinapanigan, may espesyal sa paningin. Ngunit ang Diyos... na lubos na makatarungan at pantay kung magmahal... may paborito

rin kaya? Hanapin ang sagot sa kuwentong ito... May isang paring kung magpakumpisal ay may kakaibang 'gimik". May dala-dala siyang maliit na "bell" na kanyang pinapatunog upang sabihin sa mga taong tapos na ang nagkukumpisal at pinatawad na ang kanyang kasalanan. Eto ang mas nakakaintriga, napansin nila na ang haba ng tunog ng "bell" ay depende sa dami ng kasalanan ng nagkumpisal! Minsan, ay nagkumpisal ang tinuturing nilang "pinakamakasalanan sa parokya!" Isa siyang kilalang babaero, sugarol, lasenggero, at halos taglay na niya ata ang lahat ng "bisyo". Nag-abang ang mga tao kung gaano kahaba ang kanilang maririnig na tunog. Nagtaka sila sapagkat nakakatrenta minutos na ay wala pa silang naririnig. "Baka, hindi na nakayanan ni Father... baka hinimatay na siya!" ang sabi nila. Laking pagkagulat nila ng biglang lumabas si Father sa kumpisalan at karipas na tumakbong palabas ng simbahan. Nagtungo siya sa kampanaryo ng simbahan at narinig ang... "Booong! boong! bong! booong!"

BALIMBING :

Isang muslim, isang buddhist , at isang katoliko ang nagpaligsahan kung sino sa kanila ang may mas malakas na Diyos. Umakyat sila sa

isang mataas na tore at nagkasundong magpapatihulog at tumawag sa kanyang Diyos. Ang Diyos na dirinig sa kanilang pagtawag an g tatanghaling "malakas" na Diyos. Naunang tumalon ang buddhist. Habang nahuhulog ay sumigaw siya ng "Buddha... tulungan mo ako!" Lumagpak siya na parang sako ng bigas sa lupa! Sumunod namang tumalon ang Muslim at sumigaw "Allah... tulungan mo ako!" Laking pagkagulat niya nang bigla siyang lumutang at bumaba na parang bulak sa lupa. Ngayon naman ay ang katoliko. Tumalon siya at p uno ng kumpiyansang sinabing: "Panginoong Hesus tulungan mo ako!" Walang nangyayari! Bumilis ng bumilis ang kanyang pagbulusok paibaba. Nang malapit na siya sa lupa ay bigla niyang naibulalas: "Allah... Allah iligtas mo ako!"

Pagninilay: Ganito kagalak ang Diyos sa mga kasalanang nagsisisi. Kung mayroon mang paborito ang Diyos sila ay walang iba kundi

ang mga makasalanan na handang magbalik-loob sa Kanya. Sa Ebanghelyo ay ikinumpara Siya sa isang pastol na naghanap at nakasumpong sa kanyang nawawalang tupa o kaya naman ay sa isang babaeng nakasumpong sa kanyang nawawalang salaping pilak. Lubos ang kanilang kagalakan sapagkat nagbunga ang kanilang ginawang paghahanap. Ito ang isang katotohanan na dapat nating maunawaan: tayong lahat, sa kabila ng ating pagiging makasalanan ay paborito ng Diyos! Sa tuwing lumalapit tayo sa Sakramento ng Kumpisal, may Diyos na naghihintay sa atin at Siya ang nagtutulak sa ating magbago at magbalik-loob. Kailan na ba ang huling kumpisal mo? Kung ikaw man ay nakakaramdam ng pagkahiya o pagkamaliit dahil sa marami mong kasalanan ay lagi mong isipin na ang Diyos ay mapagtimpi. Sapat lamang na tayo ay magpakumbaba at aminin ang ating kakulangan..." Ikaw...? Tinuturing mo ba ang sarili m ong PABORITO NG DIYOS?

Pagninilay: May tawag sa ganitong uri ng tao: balimbing! Marami sa atin

ang "balimbing sa pananampalataya". Panay "Praise the Lord" kapag lubos-lubos ang pagpapala, ngunit kapag nakakaranas na ng kahirapan ay "Goodbye Lord" na! Kaya nga ang panalangin ng mga alagad ay atin ding panalangin: "Lord, increase our faith!" Kailangan natin ng mas malakas na pananampalataya upang sabihing "kung wala ang Grasya ng Diyos... wala rin tayo!"Madalas sinasabi nating "bahala na!" kapag hindi tayo sigurado sa ating desisyon o pagkilos. Sana ang pakahulugan natin ay "Bathala na!" - Siya na ang bahala sa atin! Ipagpasa-Diyos natin ang hinaharap ngunit kumilos tayo sa kasalukuyan. Sabi nga ng ating kasabihang gasgas na sa pandinig: "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!"

Pagninilay: Katulad ng kuwento sa Ebanghelyo, nakakalungkot na mula sa sampung ketonging pinagaling ni Hesus, ay iisa lamang ang

naglakas-loob na magpasalamat! Bakit nga ganoon tayong mga tao? Kay bilis nating makalimot! Ang Diyos, kung magpadala sa atin ng biyaya ay "siksik, liglig at nag-uumapaw," ngunit bakit kung minsan ay nakakalimot tayong magpasalamat? Mamaya, bago ka matulog, bilangin mo ang mga biyaya mo... magpasalamat ka sa Kanya. Walang mawawala sa iyo, bagkos magkakamit ka pa ng kaluguran sa Kanya!

Page 7: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

7

Special Feature: YEAR OF FAITH... Mula sa pahina 8

KATOLISISMO 6 SI JESUS, ANG MANGGAGAWA NG MGA HIMALA

Ang HIMALA ay isang tanda ng malalim na pananampalataya sa Diyos at debosyon sa mga Banal.

Ang isang mahalagang bahagi ng misyon ni Jesus ay ipahayag ang KAHARIAN NG DIYOS at ipakita ito sa

pamamagitan ng Kanyang pagkatao at pagkilos. Isinalarawan Niya ang Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng mga talinghaga.

At ipinakita Niya ang kalikasan at nagliligtas na gawain ng Kaharian sa pamamagitan ng marami Niyang himala.

Ang himala, samakatuwid, ay higit na

naging katangian na ng apostolikong pamumuhay ni Hesus

naging mahalagang bahagi ng Mabuting Balita

Sa pamamagitan ng "himalang pang-kalikasan" ipinakita ni Jesus ang Kanyang banal na kapangyarihang higit pa sa kalikasan. Pinatunayan Niya na Siya ang “Bagong Moises” at ang

“Bagong Elias”.

Ang mga himala namang nagpapagaling ni Jesus ay:

nagpakita ng Kanyang habag, awa at pagmamahal sa nakararanas ng iba’t ibang uri ng sakit o kapansanan;

katibayan ito sa pahayag ng mga propeta na dumating na ang panahon ng pagliligtas

Karamihan naman sa mga pagtataboy niya ng masasamang espiritu ay mga pahiwatig ng Kanyang

kapangyarihan laban kay Satanas at pagkakatatag sa Kaharian ng Diyos. Ang mga exorcismo ni Jesus ay nagdulot ng

espirituwal na pagpapagaling at pagpapalaya sa pagkaalipin na ipinataw ni Satanas sa sangkatauhan ilang libong taon na ang

nakakaraan bunga ng kasalanan.

Ipinagkaloob ni Jesus sa Kanyang mga natatanging alagad at sa pitumpu’t dalawa hindi lamang ang misyon na

ipahayag ang Ebanghelyo, kundi maging ang kapangyarihang mag-himala.

Ang mga himala ni Jesus ay nagpatuloy sa Simbahang Apostolika sa maraming panahon at sa mga darating pa. Ang kapangyarihang magpagaling “sa pangalan at kapangyarihan ni

Jesus” ay nagpatuloy sa Simbahan sa loob ng maraming panahon at nagpapatuloy hanggang ngayon.

Ipinagkaloob din ito ng Panginoon sa mga banal. Ang pagpapagaling na espiritwal, at ang magpalayas ng demonyo (Satanas) ay nagpapatuloy sa Simbahan sa pamamagitan ng

mga SAKRAMENTO, lalo na sa Sakramento ng Binyag, Kumpisal, Banal na Eukaristiya, at Pagpapahid ng Langis. Sa pamamagitan ng mga sakramentong ito at ilang natatanging

paraan, patuloy na ipinadarama ng Panginoong Jesus ang Kanyang awa at mapanligtas na pagmamahal sa lahat ng

nangangailangan ng pang espiritwal at pisikal na pagpapagaling.

BINGO Proceeds. Naging matagumpay ang nakaraang proyekto ng parokya na pa-bingo. Mula rito ay nalikom ang isang pondo na ginamit upang maisakatuparan ang inasam-asam nating pagpapalit ng mga ilaw ng simbahan upang maging LED (light-emitting –diode) na malayong matipid sa konsumo ng kuryente. Dahil sa nalikom na pondo, atin ring naipaayos ang mga lumang wiring ng Immaculate Heart of Mary Building, napalitan ang mga ilaw sa kumbento at IHM Building. Naipa-ayos rin ng kaunti ang ating Adoration Chapel dahil sa bunga ng pa-bingo. Muli, maraming salamat sa inyong pakiki-isa at tulong.

Additional Airconditioner. MAS MALAMIG NA SIMBAHAN, MAS TAIMTIM NA DASAL Ang ating parokya ay naging napaka-palad sa pagtanggap ng mga kaloob mula sa ating mga ilang sponsors ng mga bagong airconditioning units. Nagsimula tayo sa aapat na units, na tunay na kapus para palamigin ang lugar. Mula naman sa pamilya nila Ms. Susan Roces ay tinanggap natin ang apat pang airconditioning units, at mula naman sa mga pamilya ng Ong at Lim ay sampu pang airconditioning units. Tunay na naging malamig na nga ang buong simbahan kapag ang mga ito ay ginagamit, ngunit malakas naman ang konsumo sa kuryente. Ganun pa man, isa itong biyaya at katangiang maganda ng ating simbahan. Nawa’y patuloy pa tayong suportahan ng mga taong ginagamit ng Diyos. Maraming salamat po sa lahat.

Parish News

Anecdotes and Reflections... MAKULIT NA PANANALAGIN:

Bilang pari marami ang lumalapit upang ipagdasal ang kanilang mga kahilingan. Ang iba ay personal na nakikipag-usap. Ang iba ay sa text na lamang ipinararating at ang mga ilan-ilan ay sa "Facebook" ipinadadala. Hindi ko alam kung natugunan ang kanilang mga kahilingan. Marahil ay nabigyan naman ng kasagutan ang kanilang mga

panalangin sapagkat wala pa naman ni isang nagreklamo na dinedma siya ng Panginoon. Papaano kaya kung hindi naibigay ang matagal mo ng hinihiling sa pagdarasal? Ano ang gagawin mo? Isang bata ang malapit ng magbirthday at

hiniling niya kay Hesus na sana ay regaluhan siya ng isang mountain bike. Dahil noon ay buwan ng Oktubre ay araw-araw siyang nagrosaryo sa Simbahan upang hingin sa Diyos ang hiling niyang "birthday gift". Laking pagkadismaya niya sapagkat tila nagbibingi-bingihan ang Diyos sa kanyang panalangin. Malapit na ang katapusan ng buwan at walang ni gulong ng mountain bike na dumarating. Pagsapit ng katapusan ng buwan, na kung saan ay idinaraos ang "Rosary Rally" ng parokya, ay nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa Simbahan. Nawawala ang estatwa ng Mahal na Birhen na isasama sana sa prusisyon! Sa halip ay isang sulat ang nakita ng kura paroko sa lugar na pinagpapatungan ng estatwa. Binasa niya ang sulat at ganito ang nakasaad. "Panginoong Hesus... kapag hindi mo ibinigay ang hiling kong mountain bike ay hindi ko rin ibabalik ang nanay mo!"

Pagninilay: Kahanga-hanga ang "simpleng pananampalataya" ng bata sa kuwento. Ang araw-araw niyang pagsusumamo na sana ay

maipagkaloob sa kanya ang kanyang hinihiling, ay nagpapakita lamang ng katotohanang sinasabi sa Ebanghelyo: Huwag tayong manghinawa sa ating panalangin at paghingi sa Diyos ng ating mga kinakailangan. Kung minsan ay nagtatagal ang Diyos sa pagsagot sa ating mga kahilingan. Kung minsan ay iba ang sagot Niya sa ating mga kahilingan. Hindi ito dahilan upang panghinaan tayo sa ating paghingi. Mas madaling tanggapin ang kasagutan ng Diyos kung ito ay hinihingi ng isang puso na marunong magpasalamat. Humiling tayo ng may pagpupursigi at pagpapakumbaba.

Page 8: PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA PAGPAPAHAYAG …sacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · PARA SA ISANG BAGO AT BUHAY NA A ng Arkidiyosesis ng Maynila ay

8

Special Feature: YEAR OF FAITH By Bro. Joel Lumigpit

PLACE YOUR ADS HERE. Kung kayo ay interesado maglagay ng inyong ads sa ating newsletter, maari po kayong makipagugnayan sa parish office at hanapin

si Sister Tina o tumawag sa parish office o ipadala sa pamamagitan ng email ang inyong ads.

Sacred Heart of Jesus Parish Welfareville Compound, Mandaluyong City

http://sacredheartmandaluyong.weebly.com/ Tel. Nos. 534-4331 531-8539 Email address: [email protected]

KATOLISISMO 5: SI JESUS AY NAGTURO NA MAY KAPANGYARIHAN

Ang tiyak na pinanggagalingan ng ating kaalaman tungkol sa mga turo ni Jesus ay matatagpuan natin sa Banal na Ebanghelyo na binibigyang paliwanag ng Simbahang Katolika.

Ang SENTRO ng mga turo ni Jesus ay ang mga sumusunod:

Ang napakadakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

Ang katotohanan, pinakatampok at mga hamon ng Kaharian ng Diyos.

Ang tungkulin na ibigin ang lahat ng tao, maging ang mga taong hindi nagmamahal sa atin.

Si Jesus ay nagturo, sa pamamagitan ng Kanyang mga HALIMBAWA.

Kahit na ang mga HIMALA na isinagawa ni Jesus ay “nagtuturo” dahil ito’y nagpapakita ng kanyang pagmamalasakit sa mga nagugutom, mga maysakit, may kapansanan at mga pinabayaan.

Ang ilang sa mga PINAKAMAHAHALAGANG mga turo ni Jesus ay ang mga sumusunod:

Ang Sermon sa Bundok - nagturo Si JESUS ng pagpapatawad at pagmamahal kahit na sa kaaway; ipinahayag Niya na ang Diyos ay Ama ng lahat

Sa Ebanghelyo ay matatagpuan rin ang maraming talinghaga ni Jesus. Ang pinakamahalaga dito ay: Ang Mabuting Pastol (Juan 10:1-4, 11-16), Ang Nawawalang Tupa (Mateo 18:12-14), Ang Mapagmahal na Ama (Lukas 15:11-32), Ang Mabuting Samaritano (Lukas 10:25-37), Ang Mayamang Hangal(Lukas 12:16-21), Ang Manghahasik (Markos 4:1-8; 13-20), . . . at marami pang iba.

Ang mga pangunahing turo ni Hesus ay patungkol sa:

Ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao: • “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang anak . . .” (Jn 3:16);

Ang pag-ibig natin sa Diyos: • “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.”(Mt 22:37)

Ang pag-ibig natin sa ating kapwa: • “Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo.” (Mateo 7:12)

Itutuloy sa pahina 7

Magnetron Construction

Norman Puzon President & General Manager

Eternal rest grant

unto the soul of

Bro. Francis Ferriols

Greetings from the

Apostleship of Prayer

Interested in healthcare insurance?

Call or text:

Alexandra Bolima Maxicare Agent

0916-4393728

Anonymous

Greetings from

Lando Santos

& family

Greetings from

Rudy Marz

& family

Thanksgiving from

Bro. Toto and

Sis Heidie Gregore

Congratulations to

Parish Youth Ministry

on their

First Year Anniversary!