493
H8677_15_15104_0002_MMPCALAPDTl Approved PROVIDER AT DIREKTORYO NG PARMASYA California Los Angeles County Mga Serbisyo para sa Miyembro (855) 665-4627, TTY/TDD 711 Lunes - Biyernes, 8 a.m. - 8 p.m. lokal na oras Molina Dual Options Cal MediConnect Plan Medicare-Medicaid Plan 2015

PROVIDER AT DIREKTORYO NG PARMASYA - Molina · PDF fileinyong mga pangangailangan at kagustuhan, at gagawa ng Plano ng Pangangalaga na tutulong sa inyong pangasiwaan ang inyong mga

Embed Size (px)

Citation preview

  • H8677_15_15104_0002_MMPCALAPDTl Approved

    PROVIDER AT DIREKTORYO NG PARMASYA

    CaliforniaLos Angeles County

    Mga Serbisyo para sa Miyembro (855) 665-4627, TTY/TDD 711Lunes - Biyernes, 8 a.m. - 8 p.m. lokal na oras

    Molina Dual Options Cal MediConnect Plan Medicare-Medicaid Plan

    2015

  • Kung mayroon kayong mga tanong, pakitawagan ang Molina Dual Options sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m. lokal na oras. Ito ay libreng tawag. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com. i

    Ang Molina Dual Options ay isang planong pangkalusugan na may kontrata sa kapwa Medicare at Medi-Cal upang ipagkaloob ang mga benepisyo ng dalawang programang ito sa mga naka-enrol.

    Ang mga Benepisyo, Listahan ng Mga Saklaw na Gamot, mga network ng botika at tagapagbigay ng serbisyo at/o mga copayment ay maaaring magbago paminsan-minsan sa kabuuan ng taon at sa Enero 1 ng bawat taon.

    Maaari ninyong hingin ang impormasyong ito sa mga iba pang format, tulad ng Braille o malalaking letra. Tumawag sa (855) 665-4627. Ito ay libreng tawag.

    You can get this information for free in other languages. Call (855) 665-4627. The call is free.

    Usted puede recibir esta informacin en otros idiomas gratuitamente. Llame al (855) 665-4627. Esta es una llamada gratuita.

    Makukuha ninyo ang impormasyong ito nang libre sa iba pang mga wika. Tumawag sa (855) 665-4627. Libre lang ang tawag.

    Bn c th nhn thng tin ny min ph bng cc ngn ng khc. Hy gi n s (855) 665-4627. Cuc gi min ph.

    Nakalista sa Direktoryong ito ang mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan (tulad ng mga doktor,

    H8677_15_15104_0002_MMPCALAPDTl Approved 44345MMP0914

    Molina Dual Options Cal MediConnect Plan (Medicare-Medicaid Plan) 2015 Direktoryo ng Tagapagbigay ng Serbisyo at Botika

    . 4627-665 (855). .

    855665-4627

    .

    (855) 665-4627. .

    .

    (855) 665-4627 .

    (855) 665-4627 .

    . .

    (855) 665-4627

  • Kung mayroon kayong mga tanong, pakitawagan ang Molina Dual Options sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m. lokal na oras. Ito ay libreng tawag. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com.ii

    nanunungkulang nurse, at sikologo), pasilidad (tulad ng mga ospital o klinika), at tagapagbigay ng suporta (tulad ng mga tagapagbigay ng mga serbisyo sa Pang-araw na Kalusugan ng Nasa Hustong Gulang at Kalusugan sa Tahanan) na maaari ninyong makita bilang miyembro ng Molina Dual Options. Inililista din namin ang mga botika na maaari ninyong gamitin upang kunin ang inyong mga de-resetang gamot.

    Tatawagin namin ang grupong ito bilang "mga tagapagbigay ng serbisyo sa network" sa Direktoryong ito. Ang mga tagapagbigay ng serbisyong ito ay pumirma ng kontrata sa amin upang bigyan kayo ng mga serbisyo.

    Ito ay listahan ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa network ng Molina Dual Options para sa County ng Los Angeles maliban sa sumusunod na zip code: 90704.

    Ito ang pinakabagong listahan para sa Oktubre 1, 2014, ngunit kailangan ninyong malaman na:

    Maaaring may mga naidagdag o natanggal na ilang tagapagbigay ng serbisyo sa network ng Molina Dual Options sa aming network pagkatapos na mai-print ang Direktoryong ito.

    Maaaring may ilang tagapagbigay ng serbisyo ng Molina Dual Options sa aming network ang hindi tumatanggap ng mga bagong miyembro. Kung nagkakaproblema kayo sa paghahanap ng tagapagbigay ng serbisyo na tatanggap ng mga bagong miyembro, tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711 at tutulungan namin kayo.

    Upang kunin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa network ng Molina Dual Options sa inyong lugar, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com/Duals o tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes - Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m., lokal na oras. Ito ay libreng tawag.

    Ang mga doktor at propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan na nasa network ng Molina Dual Options ay nakalista sa mga pahina 1 - 379.

    Ang mga botikang nasa aming network ay nakalista sa mga pahina 385 - 427.

  • Kung mayroon kayong mga tanong, pakitawagan ang Molina Dual Options sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m. lokal na oras. Ito ay libreng tawag. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com. iii

    Mga Tagapagbigay ng Serbisyo

    Pagsisimula sa Molina Dual Options Ipinapaliwanag ng seksiyon na ito ang mga pangunahing salitang makikita ninyo sa aming Direktoryo ng Tagapagbigay ng Serbisyo at Botika.

    Ang mga Tagapagbigay ng Serbisyo ay mga doktor, nurse, pharmacist, therapist, at iba pang tao na nagkakaloob ng pangangalaga at mga serbisyo. Kabilang din sa salitang mga tagapagbigay ng serbisyo ang mga ospital, klinika, at iba pang lugar na nagkakaloob ng mga serbisyong medikal, kagamitang medikal, at pangmatagalang serbisyo at suporta.

    o Maaari kayong tumanggap ng mga serbisyo mula sa alinman sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa listahang ito.

    Ang mga serbisyo ay kinabibilangan ng pangangalagang medikal, mga pangmatagalang serbisyo at suporta, serbisyo, supply, de-resetang gamot, kagamitan at iba pang serbisyo.

    Ang mga tagapagbigay ng serbisyo sa network ay mga tagapagbigay ng serbisyo na nakikontrata sa amin upang magkaloob ng mga serbisyo sa mga miyembro sa aming plano. Sa kalahatan sinisingil kami mismo ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa network para sa pangangalagang ibinibigay nila sa inyo. Kapag magpapatingin kayo sa isang tagapagbigay ng serbisyo sa network, karaniwang wala kayong binabayaran para sa mga saklaw na serbisyo.

    Ang isang Tagapagbigay ng Pangunahing Pangangalaga (PCP o Primary Care Provider) ay isang doktor, nanunungkulang nurse, o iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan na nagbibigay ng regular na pangangalaga ng kalusugan. Itatago ng inyong PCP ang inyong mga medikal na rekord at aalamin ang inyong mga pangangailangan sa kalusugan sa paglipas ng panahon. Bibigyan din kayo ng inyong PCP ng referral kung kailangan ninyong magpatingin sa isang espesyalista o iba pang tagapagbigay ng serbisyo.

    Ang mga espesyalista ay mga doktor na nagbibigay ng pangangalaga ng kalusugan para sa isang partikular na karamdaman o bahagi ng katawan. Maraming klase ng espesyalista. Narito ang ilang halimbawa:

    o Ang mga oncologist ay nangangalaga ng mga pasyenteng may kanser.

    o Ang mga cardiologist ay nangangalaga ng mga pasyenteng may mga problema sa puso.

    o Ang mga orthopedist ay nangangalaga ng mga pasyenteng may mga kondisyon sa buto, kasukasuan, o kalamnan.

    Maaaring mangailangan kayo ng isang referral upang magpatingin sa isang espesyalista o isang tao na hindi ninyo PCP. Ang referral ay nangangahulugan na dapat kayong bigyan ng inyong PCP ng pahintulot bago kayo makapagpatingin sa ibang tagapagbigay ng serbisyo. Kung hindi kayo kukuha ng referral, maaaring hindi isama ng Molina Dual Options ang serbisyo sa saklaw.

  • Kung mayroon kayong mga tanong, pakitawagan ang Molina Dual Options sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m. lokal na oras. Ito ay libreng tawag. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com.iv

    o Hindi kailangan ng referral mula sa inyong PCP sa network para sa:

    Emerhensiyang Pangangalaga;

    Agarang kinakailangang pangangalaga;

    Mga serbisyo sa dialysis ng bato na kinukuha ninyo sa isang pasilidad ng dialysis na sinertipikahan ng Medicare kapag kayo ay nasa labas ng lugar na sineserbisyuhan ng plano; o

    Upang magpatingin sa isang espesyalista sa kalusugan ng kababaihan.

    Mga serbisyong hindi nakalista sa Listahan ng Nauunang Awtorisasyon ng Molina Healthcare o nakalista bilang hindi nangangailangan ng Nauunang Awtorisasyon.

    o Bukod pa rito, kung karapat-dapat kayong tumanggap ng mga serbisyo mula sa mga tagapagbigay ng serbisyo sa kalusugan ng mga Indian, maaari kayong magpatingin sa mga tagapagbigay ng serbisyong ito nang walang referral. Dapat naming bayaran ang tagapagbigay ng serbisyo sa Kalusugan ng Indian para sa mga serbisyong iyon, kahit pa sila ay nasa labas ng network ng aming plano.

    o Makikita ang mas marami pang impormasyon tungkol sa mga referral sa Kabanata 3 ng Handbook ng Miyembro.

    Mayroon din kayong access sa isang tagapangalagang pangkat na pipiliin sa pamamagitan ng inyong tulong.

    o Ang inyong Tagapangalagang Pangkat ay pamumunuan ng isang Tagapangasiwa ng Kaso, batay sa inyong mga pangangailangan at kagustuhan, at gagawa ng Plano ng Pangangalaga na tutulong sa inyong pangasiwaan ang inyong mga pangangailangang medikal, kalusugan ng pag-uugali, mga pangmatagalang serbisyo at suporta, at mga pangangailangang panlipunan at pangangailangan sa pagganap.

    Ang inyong Tagapangalagang Pangkat ay maaaring kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod na tao:

    o Tagapagbigay ng Pangunahing Pangangalaga

    o Mga Tagapagbigay ng Espesyal na Pangangalaga

    o Mga Nakarehistrong Nurse (RN)

    o Tagapangasiwa ng Kaso sa Molina

    o Kawani sa Pangangasiwa ng Paggamit

    o Medikal na Direktor ng Molina

    o Mga Pharmacist

    o Tagapag-ugnay sa Serbisyo sa Waiver o Pagsuko

  • Kung mayroon kayong mga tanong, pakitawagan ang Molina Dual Options sa (855) 665-4627, TTY/TDD: 711, Lunes Biyernes, 8 a.m. hanggang 8 p.m. lokal na oras. Ito ay libreng tawag. Para sa iba pang impormasyon, puntahan ang www.MolinaHealthcare.com. v

    Ang inyong Tagapangalagang Pangkat ay bubuuin ayon sa inyong mga kagustuhan at ang mga desisyon ay ginagawa nang kasama kayo at isasaalang-ala