2
WN-T(G) v1.5 ANONG SUSUNOD? Pagkuha ng pinakahigit sa Self-Exclusion sa mga slot at mga casino PlaySmart.ca Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong impormasyon? Ang tulong ay makukuha upang matugunan ang mga problema na kaugnay sa pagsusugal, gaya ng paghihirap sa pinansiya, utang at/o mga paghamon sa relasyon. Ang OLG ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pagsasangguni sa www.PlaySmart.ca. Ang mga serbisyo para sa impormasyon at pagsasangguni ay ibinibigay 24 oras isang araw, pitong araw sa isang linggo mula sa Ontario Problem Gambling Helpline (1-888-230-3505 at mag-email o makipag-chat online sa www. problemgamblinghelpline.ca). Ang helpline ay maaaring makatulong sa iyo na makahanap ng mga mapagkukunan ng panggagamot para sa iyong lugar. Ang serbisyo ay kumpidensiyal at ibinibigay sa mahigit sa 170 na mga wika. Ang detailyadong impormasyon tungkol sa problemang pagsusugal, pagpigil at mga serbisyong panggamot ay makukuha din mula sa mahalagang mga mapagkukunan na ito: The Problem Gambling Institute of Ontario at the Centre for Addiction and Mental Health TEL 1-888-647-4414 WEB www.problemgambling.ca Responsible Gambling Council TEL 1-888-391-1111 WEB www.responsiblegambling.org Credit Canada TEL 1-800-267-2272 WEB www.creditcanada.com #PlaySmartOLG 1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098 o bumisita sa: PlaySmart.ca

Saan ako maaaring makakuha ng ANONG SUSUNOD? · Pagkuha ng pinakahigit sa Self-Exclusion sa mga slot at mga casino PlaySmart.ca Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong impormasyon?

  • Upload
    others

  • View
    5

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Saan ako maaaring makakuha ng ANONG SUSUNOD? · Pagkuha ng pinakahigit sa Self-Exclusion sa mga slot at mga casino PlaySmart.ca Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong impormasyon?

WN-T(G) v1.5

ANONG SUSUNOD?

Pagkuha ng pinakahigit sa Self-Exclusion sa mga slot

at mga casino

PlaySmart.ca

Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong impormasyon? Ang tulong ay makukuha upang matugunan ang mga problema na kaugnay sa pagsusugal, gaya ng paghihirap sa pinansiya, utang at/o mga paghamon sa relasyon. Ang OLG ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga pagsasangguni sa www.PlaySmart.ca.

Ang mga serbisyo para sa impormasyon at pagsasangguni ay ibinibigay 24 oras isang araw, pitong araw sa isang linggo mula sa Ontario Problem Gambling Helpline (1-888-230-3505 at mag-email o makipag-chat online sa www.problemgamblinghelpline.ca). Ang helpline ay maaaring makatulong sa iyo na makahanap ng mga mapagkukunan ng panggagamot para sa iyong lugar. Ang serbisyo ay kumpidensiyal at ibinibigay sa mahigit sa 170 na mga wika.

Ang detailyadong impormasyon tungkol sa problemang pagsusugal, pagpigil at mga serbisyong panggamot ay makukuha din mula sa mahalagang mga mapagkukunan na ito:

The Problem Gambling Institute of Ontario at the Centre for Addiction and Mental Health

TEL 1-888-647-4414WEB www.problemgambling.ca

Responsible Gambling Council

TEL 1-888-391-1111WEB www.responsiblegambling.org

Credit Canada

TEL 1-800-267-2272WEB www.creditcanada.com

#PlaySmartOLG

1-888-230-3505www.problemgamblinghelpline.ca

Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098

o bumisita sa: PlaySmart.ca

Page 2: Saan ako maaaring makakuha ng ANONG SUSUNOD? · Pagkuha ng pinakahigit sa Self-Exclusion sa mga slot at mga casino PlaySmart.ca Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong impormasyon?

Pagsali sa Self-Exclusion na programaSa pamamagitan ng pagrerehistro para sa Self-Exclusion na programa, ikaw ay gumagawa ng isang napakahalagang pangako sa iyong sarili. Para sa maraming tao sa programa, ang Self-Exclusion ay naging isang mahalagang unang hakbang patungo sa pagkuha ng kontrol sa kanilang mga buhay.

Ang impormasyon at supporta ay makukuha upang tulungan ka na mas mabuting maintindihan ang iyong pangako. Panatilihing malapit ang dokumentong ito, kasama ang isang kopya ng iyong Self-Exclusion form.

“Nabawi ko ang aking pagpapahalaga sa sarili. Napaglabanan ko ang problema at mabuti na muli ang pakiramdam ko sa sarili. Hindi ko ikinahihiya kung sino ako noon, ikinararangal ko kung naging sino ako.” Terry Finn, naka-enrol sa Self-Exclusion na programa

Ano ang mga responsibilidad ko habang naka-self-exclude? Habang naka-enrol sa Self-Exclusion na programa, ikaw ay hindi maaaring pumasok sa alinmang mga lugar ng gaming sa Ontario kabilang na ang mga restawran at mga lugar na panlibangan sa loob ng site.

Kung ikaw ay nasa loob ng propyedad para sa anumang dahilan, ipapalagay ka na lumalabag sa iyong Self-Exclusion. Ang pagrerehistro sa programa at ang iyong pangako na lumayo sa mga propyedad ng casino ay seryoso.

Anong mangyayari kapag pumasok ako sa isang propyedad ng casino? Kung sakaling ikaw ay matiktikan na pumapasok sa lugar para maglaro sa iyong panahon ng Self-Exclusion ikaw ay sasamahan na palabas mula sa mga looban at maaaring maisakdal sa pagpasok ng walang pahintulot. Maaari ka ring mamultahan at dadagdagan ng oras ang iyong takdang panahon ng Self-Exclusion. Ang mga taong Na-Self Exclude ay hindi pinapayagang manalo ng mga premyo. Ang mga resultang ito ay sinadya upang pigilan ka sa muling pagtatangka na bumalik sa lugar ng laruan.

Bagama’t pinamamahalaan ng OLG ang Self-Exclusion na programa at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung paano makakakuha ng tulong kabilang ang mga pagrerekomenda sa mga propesyunal na tagapayo, tanging ikaw lang ang makakapagpasiya na makilahok nang lubos at igalang ang iyong pangako na lumayo sa lugar ng casino o slot.

Paano sinusuportahan ng OLG ang aking desisyon?Itatabi ng OLG ang iyong pangalan sa isang database ng mga self-excluded na tao, hihintong magpadala ng direct marketing material sa iyo, at isususpinde ang iyong kard ng manlalaro. Ang mga hakbang na ito ay sinadya para suportahan ang iyong pagpili na humintong magsugal.

Sa panahon na pumasok ka sa programa, itatala ng OLG ang litrato ng iyong mukha upang matukoy ka bilang isang self-excluded na tao. Ang larawan na ito ay itatala sa isang facial recognition database. Kung magtangka kang muli na pumasok sa isang lugar para maglaro sa Ontario, ang iyong larawan ay maaaring mahuli ng mga camera at ikaw ay awtomatikong matitiktikan ng seguridad.

Maliban kung mag-apply ka para sa reinstatement, ikaw ay mananatiling nakarehistro sa Self-Exclusion na programa. Kung hindi mo na gusto muling pumasok sa lugar para maglaro ng laruan, hindi mo na kailangang kontakin ang OLG kapag ang iyong takdang panahon ng self-exclusion ay matapos.

Dahil ang mga tao ay nagpapa-Self-Exclude para sa iba-ibang mga dahilan, pinipili ng ilan na mag-apply na bumalik sa mga lugar para maglaro pagkatapos na makumpleto ang kanilang panahon ng Self-Exclusion. Ang pagkuha ng permiso upang bumalik sa casino pagkatapos ng isang panahon Self-Exclusion ay tinatawag na “reinstatement.”

Kung magpasiya ka na ang pagbalik sa lugar para maglaro ay angkop para sa iyo, kailangan mong kontakin ang OLG at mag-apply para sa reinstatement.

Mayroon pa akong mga tanong. Paano ko mas higit na malalaman? Sa anumang punto sa panahon ng iyong Self-Exclusion, maaari mong kontakin ang OLG para sa karagdagang impormasyon; gayunpaman, hindi ka maaaring pumasok sa isang lugar ng laruan para gawin ito. Paki kontak ang OLG sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-387-0098.