4
Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo. Taon 34 Blg. 29 Misa de Gallo — Puti Disyembre 19, 2020 M ay kasabihan tayong mga Pilipino: “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ipinapaalala nito na hindi sapat ang magdasal lang bagkus, kailangan din nating magsikap upang makamit ang ating ninanais. Ngunit paano kung nabigkas na natin lahat ng dasal at nagawa na natin lahat ng magagawa ngunit wala pa rin? Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu- tunghayan ang isang lalaking nagngangalang Manoa na may asawang hindi magkaanak. Sa Ebanghelyo, ganito rin ang kalagayan ng saserdoteng si Zacarias at asawa niyang si Elisabet. Bukod sa sakit sa kaloobang dala nito, naroon din ang matinding kahihiyang kaakibat ng kanilang kala-gayan. Sa paningin kasi ng mga tao noong panahong iyon, hindi minarapat ng Diyos na maging magulang ang mga tulad nilang baog. Hindi rin sila biniyayaan ng pagkakataong maging ninuno ng parating na Manunubos at magkaroon ng papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Itinuturing na isang sumpa mula sa Diyos ang hindi nila pagkakaroon ng anak, dahilan upang pag-isipan sila ng masama at husgahan ng ibang tao. Gayunpaman, ramdam sa mismong salaysay ng Bibliya na mabubuting tao sila at malalim ang pananampalataya sa Diyos. Marahil, kung sa iba pa ito nangyari, matagal nang bumitiw ang mga ito sa kanilang pananalig. Ngunit patuloy pa rin silang naniwala kahit hindi sila napagbigyan. Binanggit pa ni San Lucas na “kapwa sila kalugod-lugod sa paningin ng Diyos at namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntunin mula sa Panginoon” (Lc 1:6). Samakatwid, patuloy silang kumapit sa Diyos sa kabila ng lahat. Nabigkas na marahil nila ang lahat ng dasal at nagawa na rin nila ang lahat ng kanilang magagawa, ipagkaloob lamang sa kanila ang kanilang minimithi. Ngunit ano pa ba ang kulang? Kapag umabot na tayo sa puntong nabigkas na natin ang lahat ng dasal at nagawa na at lahat ng ating magagawa, isa na lang ang natitirang maaari nating gawin—Umasa. Umasa’t maghintay; ang ipaubaya sa Diyos. Tulad ng madalas ipayo ni Padre Pio, “Magdasal ka, umasa ka, at huwag ka nang mag-alala.” Isuko mo na sa Diyos ang lahat at manalig na batid niya at ipagkakaloob ang pinakamakabubuti para sa iyo. Ngayong panahon ng Adbiyento, tinuturuan tayong maghintay lalo na sa panahong ito na tila abalang-abala at nagmamadali lahat ng tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon agad tinutugon ng Diyos ang ating dalangin. Minsan, hindi ibinibigay agad ng Diyos ang ating hiling ngunit may dahilan. Marahil, hindi pa napapanahon o hindi pa tayo lubos na handa upang tanggapin ito. Minsan naman, sadyang hindi niya ibinibigay ang nais natin dahil hindi ito makabubuti o may mas mabuting nakalaan para sa atin. Hindi ibig sabihin na hindi tayo mahal ng Diyos o wala siyang pakialam sa atin. Sa katunayan, tulad ng nangyari kay Manoa at sa kaniyang asawa, at kay Zacarias at Elisabet, higit pa sa kanilang inaasam at hinihiling ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanila. Ngunit ipinagkaloob ito sa tamang panahon. Hindi lang ordinaryong sanggol ang mga naging bunga nila. Si Samson ang magliligtas sa kaniyang bayan mula sa kanilang mga kaaway, at si Juan Bautista naman ang maghahanda sa mga tao sa pagdating ng Manunubos. Talaga namang #worththewait ang dumarating sa lahat ng marunong umasa sa Panginoon. —Mr. Leo-Martin R. Ocampo, OP #WORTH WAIT THE

THE WAIT...Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang

  • Upload
    others

  • View
    25

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: THE WAIT...Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang

Mula sa pangkat ng mga pagdiriwang sa karangalan ng Mahal na Birhen ang mga pangunahing dasal ng Misa de Gallo.

Taon 34 Blg. 29 Misa de Gallo — Puti Disyembre 19, 2020

May kasabihan tayong mga Pi l ipino: “Nasa

Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Ipinapaalala nito na hindi sapat ang magdasal lang bagkus, kailangan din nating magsikap upang makamit ang ating ninanais. Ngunit paano kung nabigkas na natin lahat ng dasal at nagawa na natin lahat ng magagawa ngunit wala pa rin? Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi.

Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang Manoa na may asawang hindi magkaanak. Sa Ebanghelyo, ganito rin ang kalagayan ng saserdoteng si Zacarias at asawa niyang si Elisabet. Bukod sa sakit sa kaloobang dala nito, naroon din ang matinding kahihiyang kaakibat ng kanilang kala-gayan. Sa paningin kasi ng mga tao noong panahong iyon, hindi minarapat ng Diyos na maging magulang ang mga tulad nilang baog. Hindi rin sila biniyayaan ng pagkakataong maging ninuno ng parating na Manunubos at magkaroon ng papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Itinuturing na isang sumpa mula sa Diyos ang hindi nila pagkakaroon ng anak, dahilan upang pag-isipan sila ng masama at husgahan ng ibang tao.

Gayunpaman, ramdam sa mismong salaysay ng Bibliya na mabubuting tao sila at malalim ang pananampalataya sa Diyos. Marahil, kung sa iba pa ito nangyari, matagal nang bumitiw ang mga ito sa

kanilang pananalig. Ngunit patuloy pa rin silang naniwala kahit hindi sila napagbigyan.

Binanggit pa ni San Lucas na “kapwa sila kalugod-lugod sa paningin ng Diyos at namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntunin mula sa Panginoon” (Lc 1:6). Samakatwid, patuloy silang kumapit sa Diyos sa kabila ng lahat. Nabigkas na marahil nila ang lahat ng dasal at nagawa na rin nila ang lahat ng kanilang magagawa, ipagkaloob lamang sa kanila ang kanilang minimithi. Ngunit ano pa ba ang kulang?

Kapag umabot na tayo sa puntong nabigkas na natin ang lahat ng dasal at nagawa na at lahat ng ating magagawa, isa na lang ang natitirang maaari nating gawin—Umasa. Umasa’t

maghintay; ang ipaubaya sa Diyos. Tulad ng madalas ipayo ni Padre Pio, “Magdasal ka, umasa ka, at huwag ka nang mag-alala.” Isuko mo na sa Diyos ang lahat at manalig na batid niya at ipagkakaloob ang pinakamakabubuti para sa iyo.

N g ayo n g p a n a h o n n g Adbiyento, tinuturuan tayong maghintay lalo na sa panahong ito na tila abalang-abala at nagmamadali lahat ng tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon agad tinutugon ng Diyos ang ating dalangin. Minsan, hindi ibinibigay agad ng Diyos ang ating hiling ngunit may dahilan. Marahil, hindi pa napapanahon o hindi pa tayo lubos na handa upang tanggapin ito. Minsan naman, sadyang hindi niya ibinibigay ang nais natin dahil hindi ito makabubuti o may mas mabuting nakalaan para sa atin. Hindi ibig sabihin na hindi tayo mahal ng Diyos o wala siyang pakialam sa atin.

Sa katunayan, tulad ng nangyari kay Manoa at sa kan iyang a sawa , a t kay Zacarias at Elisabet, higit pa sa kanilang inaasam at hinihiling ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanila. Ngunit ipinagkaloob ito sa tamang panahon. Hindi lang ordinaryong sanggol ang mga naging bunga nila. Si Samson ang magliligtas sa kaniyang bayan mula sa kanilang mga kaaway, at si Juan Bautista naman ang maghahanda sa mga tao sa pagdating ng Manunubos. Talaga namang #worththewait ang dumarating sa lahat ng marunong umasa sa Panginoon.

—Mr. Leo-Martin R. Ocampo, OP

#WORTH

WAITTHE

Page 2: THE WAIT...Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang

Antipona sa Pagpasok(Basahin kung walang pambungad na awit)

Mapalad ka, O Maria, hinirang ng Diyos Ama na sa Anak n’ya’y magdala noong maging tao siya at nanatiling Birhen ka.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - Tapat na nananalangin sa Diyos ang mag-asawang Zacarias at Elisabet. Hiling nila’y magkaroon ng isang anak. Tumanda na lamang si Elisabet at batid ni Zacarias na siya’y baog. Kaya naman, noong magpakita ang anghel ng Panginoon kay Zacarias at sinabing siya’y magkakaanak hindi ito naniwala. Sila’y biniyayaan ng anak at tinawag itong “Juan” o “Yohanan” na ang ibig sabihi’y “Mapagpala ang Diyos.”

Mga kapatid, totoong mapag-pala ang Diyos! Sinugo niya si Juan upang ipamalita ang tuwa at galak na ang ating kaligtasan ay tunay at nalalapit na!

Pagsisisi

P - Mga kapatid, aminin natin ang at ing mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagdiriwang ng banal na paghahaing nagdudulot ng kapatawaran ng Maykapal. (Tumahimik)

P - Panginoon, kami’y nagka-sala sa iyo.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas.B - Kami ay lingapin at sa kahi-rapan ay iyong iligtas.

P - Kaawaan tayo ng maka-pang yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.

P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin, dahil sa dakila mong ang king kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Pangi noong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapang-

yarihan, loobin mong kami’y t u w a n g a n n g b a n a l n a panalangin ng Mahal na Birhen upang kami’y lumaya sa lahat ng panganib at makapanatili sa iyong kapayapaan sa pama-magitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpa-sawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Hkm 13:2-7, 24-25a] (Umupo)

Binigyan ng Diyos si Manoa at ang kanyang baog na asawa ng isang anak na ang pangala’y Samson, na kalauna’y nagpalaya sa Israel mula sa mga Filisteo. Hawig ng kuwentong ito ang kuwento ng pagsilang kay Juan Bautista.Pagbasa mula sa aklat ng Mga Hukom

NOONG mga araw na iyon, sa bayan ng Zora ay may isang lalaking Manoa ang pangalan, kabilang sa lipi ni Dan. Ang asawa niya ay hindi magkaanak. Minsan, napakita sa babae ang anghel ng Panginoon, at sinabi, “Hanggang ngayo’y wala kang anak. Ngunit hindi magtatagal, maglilihi ka at manganganak. Mula ngayon ay huwag kang iinom ng anumang uri ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain. Kung maipanganak mo na siya, huwag mong papuputulan ng buhok pagkat mula pa sa kanyang pagsilang ay itatalaga na siya sa Diyos. S iya ang mags i s imulang magligtas sa Israel mula sa mga Filisteo.”

Ang babae’y lumapit sa kanyang asawa at kanyang sinabi, “Napakita sa akin ang isang propeta ng Diyos, parang anghel. Kinikilabutan ako! Hindi ko tinanong kung tagasaan siya at hindi naman niya sinabi kung sino siya. Huwag daw akong iinom ng alak ni titikim ng anumang bawal na pagkain pagkat ang sanggol na isisilang ko’y itatalaga sa Diyos.”

Dumating ang araw at nanga-nak ang asawa ni Manoa. Lalaki ang sanggol at pinangalanan nilang Samson. Lumaki ang bata na patuloy na pinagpapala ng Panginoon. Ang Espiritu ng Panginoon ay lumukob kay Samson.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 70)

T - Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

1. Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kanlungan,/ matatag na kublihan ko at matibay na sang -galang./ Sa lahat ng masa sama, O Diyos, ako’y ipaglaban. (T)

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: THE WAIT...Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang

2. Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,/ maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;/ sa simula at mula pa wala akong inasahang/ mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang. (T)

3. Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,/ ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla./ Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,/ hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan. (T)

Aleluya (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Sanga kang ugat ni Jesse, taga-akay ng marami, halina’t tubusin kami. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lc 1:5-25)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasB - Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG si Herodes ang hari ng Judea, may isang saserdote na ang ngala’y Zacarias, sa pangkat ni Abias. At mula rin sa lipi ni Aaron ang kanyang asawang si Elisabet. Kapwa sila kalugud-lugod sa paningin ng Diyos, namumuhay nang ayon sa mga utos at tuntuning mula sa Panginoon. Wala silang anak sapagkat baog si Elisabet, at sila’y matanda na.

Ang pangkat ni Zacarias ang nanunungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote. Nang sila’y magsapalaran, ayon sa kaugalian ng mga saserdote, siya ang nahirang na maghandog ng kamanyang. Kaya’t pumasok siya sa templo ng Panginoon sa oras ng pagsusunog ng kamanyang, samantalang nagkakatipon sa labas ang mga tao at nananalangin. Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambanang sunugan ng kamanyang . Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, “Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang panalangin mo. Kayo ni Elisabet ay magkakaanak ng isang lalaki, at Juan ang ipangangalan mo sa kanya. Ikaw ay matutuwa at magiging maligaya, at marami ang magagalak sa kanyang

pagsilang sapagkat siya’y magiging dakila sa paningin ng Panginoon. Hindi siya iinom ng alak o anumang inuming nakalalasing. Sa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, mapupuspos na siya ng Espiritu Santo. Marami sa mga anak ng Israel ang panunumbalikin niya sa kanilang Panginoong Diyos. Mauuna siya sa Panginoon, taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang pagkasunduin ang mga ama at ang mga anak, at panumbalikin sa daan ng matuwid ang mga suwail. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.”

Sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko po matitiyak na mangyayari ito? Sapagkat ako’y napakatanda na at gayon din ang aking asawa.” Sumagot ang anghel, “Ako si Gabriel na naglilingkod sa harapan ng Diyos. Sinugo ako upang ihatid sa iyo ang mabuting balitang sinabi ko na sa iyo. At ngayon, mapipipi ka’t hindi makapagsasalita hanggang sa araw na maganap ang mga bagay na ito, sapagkat hindi ka naniwala sa mga sinabi ko na matutupad pagdating ng takdang panahon.”

Samantala, naghihintay naman kay Zacarias ang mga tao. Nagtaka sila kung bakit nagtagal siya nang gayon sa loob ng templo. Paglabas niya ay hindi na siya makapagsalita, mga senyas na lamang ang ginagamit niya; kaya natanto nila na nakakita siya ng pangitain. At siya’y nanatiling pipi.

Nang matapos ang panahon ng kanyang paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet, at hindi ito umalis ng bahay sa loob ng limang buwan. “Ngayo’y nilingap ako ng Panginoon,” wika ni Elisabet. “Ginawa niya ito upang alisin ang aking kadustaan sa harapan ng mga tao!”

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,

na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - Hindi matatawaran ang kagandahang loob ng Diyos. Ibibigay niya sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan sa kanyang itinakdang panahon:

T - Panginoon, biyayaan mo kami.

L - Maging tunay na instrumento nawa ng biyaya ang mga pinuno ng ating Simbahan sa pamamagitan ng pagbaling at pagtulong sa mga mahihirap at kapos-palad. Manalangin tayo: (T)

L - Pukawin nawa ng Diyos ang puso ng mga namamahala sa ating bayan upang maging totoo at bukas-palad sila sa kanilang mga pinaglilingkuran. Manalangin tayo: (T)L - Gabayan nawang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak tungo sa buhay na kalugod-lugod sa Diyos. Manalangin tayo: (T)L - Tu lad n i Zacar ias a t Elisabet, pagpalain nawa ng Panginoon ang mga mag-asawang naghihintay ng anak na aarugain at mamahalin. Manalangin tayo: (T)L - Salubungin nawa ng Diyos kasama ng kanyang mga anghel ang mga kapatid nating yumao. Manalangin tayo: (T)L - Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang

Page 4: THE WAIT...Ganito ang naging karanasan ng mga tauhan sa ating mga pagbasa ngayong ikaapat na araw ng Simbang Gabi. Sa Unang Pagbasa, matu-tunghayan ang isang lalaking nagngangalang

Kaya kaisa ng mga anghel na nag sisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kada ki laan.B - Santo, Santo, Santo... (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ama NaminB - Ama namin...P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Lc 7:49)D’yos na makapangyarihan may gawa ng tanang bagay na puspos ng kadakilaan sa lingkod niyang hinirang, banal ang kanyang pangalan.

mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (T)P - Panginoon, puspusin mo kami ng iyong Banal na Espiritu upang buong galak naming tanggapin si Hesus at maging tapat kami lagi sa iyo, ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P - Ama naming Lumikha, sa paggunita namin sa Mahal na Birhen hinihiling naming ang aming paghahain ay lakipan mo ng kapupunan upang kami ay maging handog na ikinalulugod mo kailanman sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiri tu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

Prepasyo (Adbiyento II)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala matan.P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pama ma gitan ni Hesukristo na aming Pangi noon.

Ang pagsusugo mo sa kanya ay ipinahayag ng lahat ng mga propeta. Ang pagsilang niya’y pinanabikan ng Mahal na Birheng kanyang Inang tunay sa kapangyarihan ng Espiritung Banal. Ang pagdating niya’y inilahad ni San Juan Bautista sa kanyang pagbibinyag. Nga-yong pinaghahandaan namin ang maligayang araw ng kan-yang pagsilang, kami’y nana-nabik at nananalanging lubos na makaharap sa kanyang kadakilaan.

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

ang aming pagsasalo sa haing nagbibigay-buhay sa paggunita namin sa Mahal na Ina ng iyong Anak ay magdulot nawa sa amin ng iyong kagandahang-loob upang lagi naming madama ang iyong paglingap sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.PagbabasbasP - Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Ama naming mapagpala, ipagkaloob mong makilala ng iyong bayan ang ipinahayag na sinasampalatayanan at mahalin ang tinanggap sa pagdiriwang na banal na pakikinabang sa pama magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpa-sawalang hanggan.B - Amen.P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.PangwakasP - Humayo kayong Mapayapa.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang

Pagdiriwangng huling hapunan