9
OKTUBRE 2015 UNANG EDISYON Mga kasinungalingan hinggil sa pagpatay ng mga lumad Pagbebenta ni Aquino ng Subic para maging base militar ng US, buking Pemberton inaming sinakal si Jennifer Laude Protesta laban sa APEC at base-militar ng US, dinahas ng pulis; mga lider-kabataa n inaresto Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikain ni Heneral Antonio Luna Batas Militar sa Iloilo City: rali laban UP budget cut dinahas, 11 inaresto Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cut Neri Colmenares: Figh ter ng bayan sa Senado! 3 4 4 5 6 7 7 8 >>>Ituloy sa p2 Manilakbayan ng Mindanao: Isulong ang pakikibaka laban sa panunupil at pandarambong! Tinatawagan natin ang kabataan at mamamayan na tumindig at makiisa sa paglaban sa tumitinding militarisasyon at pandarambong ng rehimeng US-Aquino sa Mindanao. Nitong mga nakaraang buwan, lalong bumabangis ang karahasan at brutalidad ng rehimen na inihahasik sa pamamagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang mga pagpaslang, pandarahas at panunupil ay bahagi ng Oplan Bayanihan: digma ng rehimen laban sa mga mamamayang lumalaban para patuloy nitong isulong ang mga patakarang kontra- mamamayan at makadayuhan. Tumambad sa bayan noong Setyembre 1 ang karumaldumal na pagpaslang ng militar at paramilitar kina Emerico Samarca, guro ng mga lumad, Dionel Campos at Datu Aurelio Sinzo, mga lider ng lumad sa Surigao. Noong Agosto 18 naman, minasaker ng mga militar ang pamilya ni Herminio Samia, isang 70-taong gulang na elder ng tribo sa Bukidnon. Pinagbabaril ang bulag na si Herminio at apat pa niyang kapamilya. Nakatakas at nabuhay ang 15 taong gulang na kaanak para ibahagi ang naganap. Huli ang mga ito sa serye ng mga pagpaslang sa mga lider-katutubo sa Mindanao na aabot na sa 71 sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, 56 dito ay mga lumad. Aabot na sa 144 ang pinaslang na mga katutubo, aktibista at human rights defenders sa Mindanao.

Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Tinig ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan

Citation preview

Page 1: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 1/8

OKTUBRE 2015UNANG EDISYON

Mga kasinungalingan hinggil sa pagpatay ng mga lumad

Pagbebenta ni Aquino ng Subic para maging base militar ng US, buking

Pemberton inaming sinakal si Jennifer Laude

Protesta laban sa APEC at base-militar ng US, dinahas ng pulis; mgalider-kabataan inaresto

Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikain ni Heneral Antonio Luna

Batas Militar sa Iloilo City: rali laban UP budget cut dinahas, 11 inaresto

Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cutNeri Colmenares: Fighter ng bayan sa Senado!

3

4

4

5

6

7

78

>>>Ituloy sa p2

Manilakbayan ng Mindanao: Isulongang pakikibaka laban sa panunupil atpandarambong!Tinatawagan natin ang kabataan at mamamayan na tumindig at makiisasa paglaban sa tumitinding militarisasyon at pandarambong ng rehimengUS-Aquino sa Mindanao.

Nitong mga nakaraang buwan, lalongbumabangis ang karahasan at brutalidad ngrehimen na inihahasik sa pamamagitan ngArmed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’tibang panig ng bansa. Ang mga pagpaslang,pandarahas at panunupil ay bahagi ng OplanBayanihan: digma ng rehimen laban samga mamamayang lumalaban para patuloynitong isulong ang mga patakarang kontra-mamamayan at makadayuhan.

Tumambad sa bayan noong Setyembre 1 angkarumaldumal na pagpaslang ng militar atparamilitar kina Emerico Samarca, guro ngmga lumad, Dionel Campos at Datu AurelioSinzo, mga lider ng lumad sa Surigao.

Noong Agosto 18 naman, minasaker ngmga militar ang pamilya ni Herminio Samia,isang 70-taong gulang na elder ng tribosa Bukidnon. Pinagbabaril ang bulag na

si Herminio at apat pa niyang kapamilyaNakatakas at nabuhay ang 15 taong gulangna kaanak para ibahagi ang naganap.

Huli ang mga ito sa serye ng mga pagpaslangsa mga lider-katutubo sa Mindanao na aabotna sa 71 sa ilalim ng rehimeng US-Aquino56 dito ay mga lumad. Aabot na sa 144 angpinaslang na mga katutubo, aktibista ahuman rights defenders sa Mindanao.

Page 2: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 2/8

2 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Sinasampahan din ng mga gawa-gawangkaso ang mga lider ng mga komunidad atorganisasyon para takutin at patigilin sapaglaban. Lagpas 500 mga indibidwal anghumaharap sa iba’t ibang mga kaso dahilsa paglaban sa pagmimina at pananakop sakanilang lupain.

Kasabay nito ang pananakot, pagpapalayas atpandarahas sa mga komunidad ng mga lumad

sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Mahigit40,000 ang biktima ng sapilitang paglikasdahil sa militarisasyon. Sa kasalukuyan,libu-libong mga lumad ang nananatilingnakabakwit at pinalayas sa kanilang mgalupain. Umamin mismo ang AFP na mgamilitar ang nanggahasa sa isang 14-taonglumad na babae sa gitna ng pagbabakwit.

Patuloy ring inaatake ang mga paaralan naitinayo ng mga lumad para punan ang kawalanng paaralan sa kanilang mga lugar. Sa ngayon,may 87 mga paaralan ang dumaranas ng iba’tibang tipo ng paniniil kung saan apektadoang mahigit 3,000 mga mag-aaral. Kabilangsa mga dinaranas ng mga paaralan ay angpambobomba, pagsasara, pagkakampo ngmga militar at pananakot.

Mismong sa bibig ni Aquino makukumpirmana sistematiko ang kampanyang panunupil.Nang tanungin siya hinggil sa pamamaslangsa mga lumad, labas-ilong niyang kinailana “walang kampanya ng pamamaslang”pero pinalabas na mga kriminal at kasaping New People’s Army (NPA) ang mgapinaslang na lumad. Mismong ang AFPdin ang nagsabi na mayorya ng mgaNPA ay mga lumad at lumalabas sa mga

dokumento mismo ng AFP na target sila ngkampanya kontra-insurhensya.

Lumalaganap ang protesta ng iba’t ibang mgasektor laban sa pamamaslang. Kahit ang UNspecial rapporteur Chaloka Beyani ay nagsabi,sa pagbisita niya sa bansa, na mga militar atgrupong paramilitar ang lumilikha ng takot atligalig sa komunidad ng mga lumad.

Ang totoo, santambak na mga militar angipinadala ni Aquino sa Mindanao para

maghasik ng lagim at terorismo labansa mamamayan. Nasa 56% ng kabuuangpwersa ng AFP ang nasa Mindanao naaabot sa 55 batalyon o nasa 50,000 sundalo.Pinangungunahan din nila ang pagbubuo ngmga grupong paramilitar gaya ng Alamara,

Magahat, Tribal Warriors at iba pa paramaghasik ng malagim na pamamaslang atterorismo sa mga komunidad.

Dambuhalang private army ng malalakingmga dayuhang negosyo ng pagmimina,pagtotroso at mga plantasyon ang mgamilitar na sumusupil sa pakikibaka ng mgalumad laban sa pandarambong, paninira ngkalikasan at pag-agaw sa kanilang lupangninuno. Hindi kataka-taka na ang mgamalalaking kumpanyang dayuhan gaya ngGlencore-SMI-Xstrata, Gladstone PacicNickel, Dole at iba pa ay naglalaway sa likas-

yaman ng Mindanao katulad ng ginto, nikel,tanso, mayabong na lupa para sa agribusiness,at kagubatan. Itinuturing na balakid sa interesng mga kapitalistang ito ang mga lumad nanakikibaka para ipagtanggol ang kanilanglupang ninuno at kultura.

Malinaw na pinakikita ng militarisasyon atpandarambong sa Mindanao ang pasistangmukha ng rehimeng US-Aquino. Hindilamang sa Mindanao, kundi sa buong bansanakararanas ngayon ang mamamayan ng

papatinding mga atake sa karapatan at todolargang panunupil. Habang tumitindi angdesperasyong takasan ang pananagutan sabayan, lalong pinatitindi ng rehimeng USAquino ang pagkatuta sa dayuhan at panunupisa mamamayan. Malinaw na bigo ang

kampanya ng rehimen na gupuin ang kilusanng mamamayan kung kaya’t sumasalig saduwag na karahasan at panunupil.

Ang US ang mastermind ng programang“kontra-insurhensya” na ipinapatupad ngtutang rehimeng Aquino. Target nito angmamamayang lumalaban sa mga neoliberana mga patakarang makadayuhan at pahirapNais nitong supilin ang mga nakaambangmalalaking protesta laban sa Asia-PacicEconomic Cooperation (APEC) meeting sabansa at pagtatayo ng karagdagang mgabase militar ng US sa bansa.

Dapat tumindig ang kabataan at mamamayanlaban sa militarisasyon at pandarambongsa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimengUS-Aquino. Dapat palayasin at panagutinang mga militar sa kanayunan at itigil angkarahasan, pagpaslang at panunupil. Dapabiguin ang panunupil at higit na palakasinang mga pakikibakang masa para patuloy naipaglaban ang mga kahilingan, mga interesat karapatan ng mamamayan sa sahod, lupaedukasyon, serbisyo at iba pa.

PUNONG PATNUGOT

Orion Yoshida

MGA KAWANI

Alexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Elizabeth Gonzales,

Issa Baguisi, Gem Aramil, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,

Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Karlo Mongaya,

Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,

makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter |@anakbayan_ph

Page 3: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 3/8

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Ipinaliwanag dito ang pangangailangan ngpagtutulungan ng militar at burukrasyangsibil sa pagpapatupad ng panlilinlang sabalangkas ng Whole of Nation Initiative ngOplan Bayanihan.

Pinakikita din sa powerpoint na karamihanng mga rebeldeng NPA sa SilangangMindanao ay mga lumad habang mgabaseng gerilya naman ang mga lupangninuno ng mga lumad. Sa mga lugarna ito pinakamarami ang mga kaso ngekstrahudisyal na pamamaslang at iba pangpaglabag sa karapatang pantao.

Lumalabas din na may direktang papelsi Aquino sa planong pagpasara ngmga eskwelahan ng mga lumad upangpalitan ang mga ito ng mga paaralan napapatakbuhin ng mga sundalo.

Nabuo ang planong ito sa isang pulongnoong Abril 23 na ipinatawag ng NationalIntelligence Coordinating Agency (NICA),ang ahensya sa paniktik na direktang nasailalim ng Opisina ng Pangulo.

Samantala, sa kabila ng tumitindingpanunupil at kasinungalingan ng rehimengAquino, patuloy pa ring lumalakas ang

panawagan upang itigil ang pamamaslangsa mga lumad.

Mahigit 10,000 katao ang nagmartsa saButuan City noong Setyembre 12 parailibing si Emerito Samarca, ang direktor ngAlternative Learning Center for Agricultureand Livelihood Development na pinatay ngmga berdugong paramilitar.

Inilibing naman sa Lianga ang mga lider-lumad na sina Dionel Campos at Datu JuvelloSinzo noong Setyembre 13. Gayunpaman,apat na ahenteng militar ang nahulingnagpapanggap na nakikipaglibing kina

Campos at Sinzo. May dalang kalibreng .45na pistola ang isa sa mga nadakip na ahente.

Kinundena rin ng Catholic Bishops Conferenceof the Philippines at mga Kristiyanongdenominasyon sa ilalim ng National Councilof Churches of the Philippines ang serye ngmga pagpatay.

Mga kasinungalingan hinggil sapagpatay ng mga lumad

Sa isang media forum, ipinahayag niPangulong Noynoy Aquino na “walangkampanya ng pagpatay [ng mga lumad].Mayroong kampanya upang tugisin angsinumang nagkasala, sinuman sila.”

Ayon sa Anakbayan, pinakikita lamang ng pahayagna ito ang kamay ng pangulo sa militarisasyon ngmga komunidad ng mga lumad.

“Parang sinasabi lang ng pangulo na angtinatarget ng mga operasyong militar aymga ‘kriminal.’ Wala itong pinagkaibasa sinasabi ng militar na mga rebeldengNPA ang mga pinapatay na mga lumad,”

ayon kay Vencer Crisostomo, pambansangtagapangulo ng Anakbayan.

Nauna nang iprinisinta ng militar angdiumano’y mga lider ng mga lumad saMaynila sa mga mamamahayag sa isangkomperensya sa Camp Aguinaldo. Iginiitnila na mga rebelde diumano ang maykagagawan ng mga pagpaslang.

Ngunit lumalabas ngayon na ang mgapinakilalang mga lumad ng militar ay angmismong mga opisyal ng Mahagat-Bagani,ang grupong paramiltar na nasa likod ngpagpatay sa mga lider lumad sa Lianga,

Surigao del Sur.

Maaalalang ipinaratang ni Brig. Gen.Angelito de Leon na pinatatakbo diumanong mga rebelde ang mga paaralan ng mgalumad dahil kinakanta dito ang “LupangSinira,” isang alternatibong bersyon ngpambansang awit na sinulat ng makabayangkompositor na si Pol Galang.

Nakakatawa sana ang mga kasinungalingangnilulubid ng mga opisyal ng militar kunghindi lang buhay ng mga tao ang nakataya.Ngunit buking na ang rehimeng Aquinosa pananagutan nito sa sistematikong

pagpatay ng mga lumad.Bukod sa mga testimoniya ng mga biktima,ipinakita mismo ng isang powerpointpresentation ng Department of Science andTechnology na sadyang target ng kampanyangkontra-insurhensya na Oplan Bayanihan angmga komunidad ng mga lumad.

Sa desperasyon na makaligtas sa lumalawak na galit ng mamamayan,naglulubid ng mga kasinungalingan ang rehimeng Aquino upang pagtakpan angpananagutan nito sa pagpatay ng mga lumad sa Mindanao.

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Page 4: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 4/8

4 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ayon sa isang artikulo ng New YorkTimes (NYT), humihingi daw ng aabot sa$300M o P13.9B na ayuda ang gobyernoni Aquino kapalit ng pagbalik ng basemilitar ng US sa Subic. Pinalalabas ngadministrasyong Aquino na kailanganng mas malaking ayuda ng Pilipinaspara makatulong sa paglaban nito sapaglawak ng teritoryo ng Tsina.

Sabi rin sa ulat ng NYT, balak gamitin ngadministrasyong Aquino at Obama ang EnhancedDefense Cooperation Agreement (EDCA) paramas madaling maisakatuparan ang planongpagbukas ulit ng Subic Bay pati na rin ng ClarkAirbase sa mga pasistang tropa ng US.

Ang pagbubukas muli ng mga base ng USsa Pilipinas ay mas matinding paglabag

sa soberanya ng bansa at maghuhudyang mas marami pang mga krimen ng mgasundalong Amerikano sa ating bayan.

Ang pagbabalik ng mga pormal na basemilitar ng US sa Pilipinas ay lalongmagpapalala sa kasalukuyang krisissa ating bansa. Patitindihin nito angpagsasamantalang ginagawa ng US sa atingekonomiya, likas-yaman at mamamayan.

Kasama sa planong “US pivot to Asia” angplanong pagpapabalik ng base militar ngUS sa Pilipinas. Nais ng US na siguraduhinang interes nito sa rehiyon sa kabila nglumalakas na impluwensiya ng Tsina. Naisng US na gipitin ang Tsina para tanggapinang ibinabandera nitong “demokrasya” amalayang kalakalan.

Malinaw na pagtatraydor sa bayan angginagawa ng rehimeng US-Aquino. Kapaling dolyares, hinahayaan ng rehimenna pagsamantalahan, pahirapan, apakialaman ng US ang mamamayangPilipino sa kabila ng napakaraming krimen

ng US sa mamamayang Pilipino mula panoong una nila tayong sinakop hanggang sakasalukuyan.

Kinakailangan nating pumalag at sama-samang lumaban sa traydor na rehimengUS-Aquino. Dapat nating tutulan at labananang EDCA, Visiting Forces Agreemenat lahat ng mga makaisang-panig nakasunduan sa pagitan ng Pilipinas at USDapat palakasin ang pakikibaka parawakasan ang paghahari ng imperyalismongUS sa ating bayan.

Pemberton inaming sinakal si Jennifer LaudeInamin ni US Marine Lance CorporalJoseph Scott Pemberton ang pagsakalkay Jennifer Laude ngunit iginiit nanagawa lamang ito para depensahanang sarili at dangal.

Ito ay isinalaysay ng US Serviceman noongAgosto 24, 2015 sa pagdinig sa OlangapoRegional Trial Court sa kasong sinampa

laban sa kanya kaugnay sa pagpatay saPinay transgender.

Ayon sa League of Filipino Students (LFS),ang pag-amin ni Pemberton ay matibay nabatayan upang mahatulan siya sa kasongpagpatay kay Laude.

“Sa kabila ng mga palusot, sapat ito upangmatiyak ang kanyang pagkakasala. Angsusunod na hakbang ay ang pagsiguro nama-convict ang sundalong Amerikano parasa sala na pagpatay,” ani LFS SpokespersonCharisse Bañez.

Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ngPamilya Laude, kinwento ni Pemberton nanagalit at tinulak daw niya si Laude nangnatuklasan na hindi pala ito tunay na babae.Ngunit sinampal daw siya ni Laude kayasinakal niya ito.

Nang hindi na gumagalaw, kinaladkad niyadiumano ito papuntang CR para buhusanng tubig. At dahil walang tubig, iniwanan

na lamang niya ito. Si Laude ay natagpuanng tauhan ng lodge na nakasubsob sa toiletbowl at wala nang buhay noong Oktubre 11,2014.

Noong Mayo 2015, sinabi ni PhilippineNational Police medico-legal ofcer atpathologist Dr. Maritess Ombao na namataysi Laude dahil sa sakal at asphyxia dahil sapagkalunod.

Mariing kinundena ng LFS ang paghugas-kamay ni Pemberton sa karumaldumal napagpatay kay Laude.

Kinukundena ng Anakbayan ang patagong pakikipag-usap ngadministrasyong Aquino sa gobyerno ng US para sa muling pagbubukasng base militar ng US sa Subic Bay.

“Ang mga salita ni Pemberton aynagpapatunay ng malinaw na intensyon napumatay. Ang kanyang pahayag na ginawaniya iyon upang ipagtanggol ang sarili at angpag-iwan niya kay Jennifer na buhay ay isangdi mapapaniwalaang palusot,” ani Bañez.

Bukod sa pagpapanawagan sa kagyat napagpapakulong kay Pemberton sa salangpagpatay, tinuligsa rin ng LFS ang patuloy

na pagdetine kay Pemberton sa isangpasilidad ng Joint US Military AssistanceGroup o JUSMAG.

Iginiit ng grupo ang panawagan namagdemanda ang gobyernong Aquino ngkustodiya kay Pemberton.

Nagpapatuloy ang panawagan upang igiiang hustisya para kay Laude at para sapagbabasura ng Visiting Forces Agreemenat Enhanced Defense CooperationAgreement, at pagpapalayas ng lahat ngtropang Amerikano sa Pilipinas.

Hustisya para kay Jennifer! 

Pagbebenta ni Aquino ngSubic para maging basemilitar ng US, buking

Page 5: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 5/8

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Protesta laban sa APEC at base-militar ng US,

dinahas ng pulis; mga lider-kabataan inaresto

Binato ng mga kabataan ng “paint bombs” angselyo ng Embahada ng Estados Unidos bilangpagkondena sa patuloy na pagsasamantalang imperyalismong US sa araw ng ika-24 nataong anibersaryo ng pagpapatalsik sa mgabase militar ng Estados Unidos.

Dinahas at inaresto ng pulisya ang protestaat hinuli ang anim na lider kabataan.

“Kinokondena natin ang pandarahas at

pandarakip sa mga aktibista. Walang malisa paglaban para sa soberanya. Dapat angpaglingkuran ng pulis at estado ay ang bayan,hindi ang interes ng dayuhan,” ayon kay OrionYoshida, Ikalawang Pambansang Tagapangulong Anakbayan, at isa sa mga hinuli.

Kabilang din sa mga nadakip ay sina TeddyJames Angeles, Gerardo Gaddi, Aries Gupit,Gem Aramil at Karl Paul Araneta na mgamiyembro ng League of Filipino Students(LFS) at Anakbayan.

Ayon kay Yoshida, kinaladkad siya at

hinampas ng “shield” sa ulo. Idinulognaman ni Gem Aramil, isang miyembro ngAnakbayan na may kapansanan (Wilson’sdisease), ang aniya’y di makatwirangpanghuhuli sa kanya. Ayon sa kanya,dinodokumento lamang niya ang mgapangyayari nang bigla na lang dawnagsimula ang pandarahas.

“Noong nagkahabulan na gumilid, itinulakako ng pulis ng shield nang dalawang beseshanggang sumubsob sa gutter. Kinaladkadna nila ako sa bulto nila at pinaghahampasng shield. Napuruhan ang kaliwang pàako,” ayon kay Aramil.

Laking pagtataka rin ni Aramil kung bakitsiya kinasuhan ng physical injury, resistingarrest, direct assault, at malicious mischiefsa kabila ng kanyang pisikal na limitasyon.

“Pinakikita nito ang tindi ng pandarahas ngpulisya sa mga mamamayan habang todo-

todo sa pagprotekta sa mga imperyalistan

Amerikano at sa mga lokal na naghaharinguri,” dagdag ni Yoshida.

Agad na kinundena ng Anakbayan ang“overkill” na reaksyon ng gobyerno sakanilang pagkilos at inanyayahan ang lahasa darating na pagkilos kontra Asia-PaciEconomic Cooperation (APEC).

Dahil sa sama-samang pagkilos at tuloytuloy na protesta, pinalaya din ang mgakabataang inaresto kinagabihan.

“Kahit na ilang ulit pa nila tayong ikulong

hindi nila mapipigilan ang pakikibaka ngmamamayan,” ani Yoshida.

Papel ng US sa Mamasapano, higit na nalantadParang sirang plaka ang gobyernongAquino at ng Estados Unidos sa pag-

uulit-ulit na walang papel ang US samadugong labanan sa Mamasapanonoong Enero 25 kung saan 44 natropa ng Philippine National Police-Special Action Forces (PNP-SAF) atiilang rebeldeng Moro at sibilyan angnabawian ng buhay.

“Walang kasapi ng sandatahang US angnamatay,” ani Kurt Hoyer, tagapagsalitang Embahada ng US. “Ang operasyon ayplanado at ipinatupad ng mga otoridad ngPilipinas,” dagdag pa niya.

Ngunit ang mga pahayag na ito aymuling napatunayang pawang mga

kasinungalingan sa paglabas ng mga bidyona nagpapakita ng bangkay ng sundalongAmerikanong napatay sa Mamasapano.

Ayon sa mga ulat sa midya, ang bidyo aynakuha diumano ng isang mamamahayagsa telebisyon mula sa isang source sa MoroIslamic Liberation Front (MILF). Idinetalye ngbidyo ang mga pag-uusap ng mga rebeldengMoro habang kinukuha nila ang mga bangkayng mga patay matapos ang bakbakan.

Ang paglabas ng bidyo ay lalong naglantadsa direktang kamay ng US sa palpak na

operasyon sa Mamasapano. Dati nangipinahayag ng grupong Suara Bangsamoro

at ng independent fact-nding mission angposibilidad na kasali ang isang sundalo ngUS sa mga napatay sa Mamasapano, batasa mga testimonya ng mga saksi.

Dati na ring ipinahayag ng PNP Board of Inquir(BOI) na may anim na sundalong Amerikanongnaroroon sa tactical command post ng PNPSAF. Indikasyon ito sa namumunong papeng US sa buong operasyon sa MamasapanoIniulat din ng BOI na inutusan pa nga ng isangAmerikano ang isang Pilipinong heneral npaputukan ng kanyon ang mga sinususpetsangpwersa ng MILF.

Pandarahas at pang-aaresto ang itinugon ng pulisya sa protesta ngAnakbayan at mga organisasyon ng kabataan sa Maynila laban sa Asia-

Pacifc Economic Cooperation meeting at pagpapanumbalik ng basemilitar ng Estado Unidos (US) sa bansa noong September 16.

Page 6: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 6/8

6 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

makinig sa mga matatag na anti-imperyalistatulad nina Luna at Apolinario Mabini, mas pinilipa ni Aguinaldo na sumunod sa mga mungkahing mga traydor na sina Pedro Paterno at FelipeBuencamino na tahasang nagmungkahi nasumuko sa mga Amerikano.

Isinulong ni Luna ang paglunsad ngpakikidigmang gerilya laban sa mga Amerikanohabang nagtatayo ng isang hindi maigugupongkuta sa kabundukan ng Kordilyera. Ngunit

hindi na ito naisakatuparan nang pataksilsiyang pinapatay ni Aguinaldo.

Katulad sa ginawang pagpapatay ni Aguinaldokay Andres Bonifacio, ang Supremo ng

Ipagpatuloy ang anti-imperyalistang adhikainni Heneral Antonio Luna

Marapat na parangalan at pagpugayanbilang bayani si Heneral Antonio Luna. SiLuna ay isa sa mga lider ng rebolusyongPilipino ng ika-19 na siglo na matatag nananindigan laban sa kalupitan ng mgamananakop na Amerikano at sa pagtataksilng ilang pinunong Pilipino sa pakikibakapara sa pambansang kalayaan.

Ipinanganak si Luna noong taong 1866sa Binondo, Maynila sa isang angkang

ilustrado o mga Pilipinong edukado. Nag-aral siya bilang kemiko at naging isa samga prinsipal na personalidad ng KilusangPropaganda noong siya ay nagpatuloy sakanyang pag-aaral sa Espanya.

Kagaya ng maraming mga kapwa niya ilustrado,hindi naging pabor si Luna sa rebolusyon noongumpisa. Marami sa mga ilustrado ay takotna maapektuhan ng isang armadong pag-aalsa ang kanilang mga ari-arian na walangkasiguraduhang makamit ang tunguhin.

Ngunit ang matinding panunupil ng mgaKastila, lalo na ang pagpatay kay JoseRizal, ay nag-udyok kay Luna na ialay angkanyang husay sa pakikidigma sa panigng rebolusyon bilang punong heneral ngsandatahang Pilipino.

Nagwagi ang mga Pilipino laban sa mgaKastila, ngunit dumating ang imperyalistangUS upang agawin ang bagong napanalunangkalayaan. Isinuko ng mga Kastila ang Pilipinassa mga bagong mananakop sa ilalim ng Tratadong Paris noong Disyembre 1898. Sa halip namaghanda sa pagdating ng mga Amerikano,nahulog ang pamunuan ni Presidente EmilioAguinaldo sa maling paniniwala sa magandangtunguhin ng mga imperyalista.

Nagsimula ang labanan sa pagitan ng US atPilipinas nang pinaputukan ng mga tropangAmerikano ang mga tropang Pilipino saSta. Mesa, Maynila noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni Luna ang mga Pilipino labansa mga tropang Amerikano na nagsagawa ngmatinding pang-aabuso sa mga Pilipino, katuladsa pagmamasaker, panununog, pagnanakaw, atpanggagahasa ng mga kababaihan.

Tinagurian bilang isa sa mga pinakamahusay naheneral sa panig ng mga Pilipino sa DigmaangPilipino-Amerikano, plano ni Luna angpagtatatag ng isang disiplinado at nagkakaisangsandatahan ng mga Pilipino. Ngunit imbes na

Katipunan, nangamba siyang maging bantasa kanyang pamumuno si Luna. Sa dakonghuli, dumanas ng sunud-sunod na pagkatalo

ang mga pwersang Pilipino sa ilalim nAguinaldo at kalaunan siya ay sumuko samga Amerikano noong taong 1901.

Nagpapatuloy ang hamon sa mga kabataanat mamamayan na tahakin ang landasna inihawan ni Luna. Sa kasalukuyannagpapatuloy ang dominasyon ngimperyalismong US sa bansa. Nananatilingmalakolonyal at malapyudal ang lipunangPilipino sa ilalim ng mga kasalukuyang papena rehimen na nagpapatuloy sa kasaysayanng kataksilan nina Buencamino at Paterno.

Napapanahong ipalaganap ang halimbawa n

Heneral Luna at iba pang anti-imperyalistangbayani ng Digmaang Pilipino-Amerikanoupang gawing inspirasyon sa pagsulong ngnagpapatuloy na pambansa demokratikongpakikibaka sa kasalukuyan.

Ang pagpapalabas ng pelikulang Heneral Luna nitong nagdaang mga linggo aypumukaw sa interes ng kabataan at mamamayan sa kasaysayan ng DigmaangPilipino-Amerikano, isang kabanata ng kasaysayan ng bansa na matagal nangtinangkang burahin sa isip ng bayan. Dahil sa patuloy na pagtindi ng krisis at

sa patuloy na paghahari ng Estados Unidos (US), lumalawak ang pagnanaisng kabataan at mamamayan na balik-aralan ang kasaysayan at baguhin angkasalukuyang kaayusan.

Mag-aral ng kasaysayan, baguhin ang lipunan!Mga babasahin at pelikulang makabayan:• History of the Filipino People ni Teodoro Agoncillo• The Philippines: A Past Revisited at The Philippines: A Continuing Past ni Renato Constantino• Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero (http://www.padepaonline.com/pag-aaral-sa-lipunan-at-rebolusyong-pilipino/lipunan-at-rebolusyong-pilipino)• Makibaka Para sa Pambansang Demokrasya ni Jose Maria Sison (http://www.padepaonline.com/pag-aaral-sa-lipunan-at-rebolusyong-pilipino/makibaka-para-sa-pambansang-demokrasya)• Imperyalismo, Ang Pinakamataas na Yugto ng Kapitalismo ni V.I. Lenin (http://marx2mao.net/Lenin/IMP16.html)• Sosyalismo: Utopyan o Siyentipiko ni Frederick Engels (http://marx2mao.net/M&E/SUS80.html)•  Ang Imperyalismong US at Paglaban ng Sambayanang Pilipino  ni Jose Maria Sison (http://

 josemariasison.org/ang-imperyalismong-us-at-paglaban-ng-sambayanang-pilipino/)• Sa Liyab ng Libong Sulo (https://www.youtube.com/watch?v=64Z9P0VKOwY)• Ang Kaaway  (https://www.youtube.com/watch?v=x4s0O6Fm4UA)

Page 7: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 7/8

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | OKTUBRE 2015

Mula sa UPV city campus, nag-walkoutat nagmartsa ang mga estudyante sakahabaan ng General Luna Ave. bitbit angmga makukulay na plakard at banderapatungo sana sa kapitolyo para sa isangprograma. Ngunit hindi pa nakalalayo sakampus, hinarang na sila ng daan-daanganti-riot police bitbit ang mga kalasag atbatuta. Binuwag ng pulisya ang martsa,pinaghiwa-hiwalay at ikinordon.

Labing-isa ang hinuli at sinampahan nggawa-gawang kaso na “disobedience tolawful order” at hindi pagsunod sa city

ordinance 194, na nagtatalaga sa LapazPlaza bilang freedom park. Dalawa rito angpropesor ng UP na sina Gretchen Velarde

na nagtuturo ng history, at Erick Aguilar napropesor ng literatura at isa ring Palancaawardee.

Ang iba pang mga dinakip ay sina Rea Ogoy,Randy Vergara at Ana Marie Primalion,mga istap ng Bayan-Panay; Rene Paredesat Winefredo Doblizo ng KMU-Panay,mga lider ng kabataan at estudyantengsina Gabyel Rei Guillen at Bryan Bosquena tagapagsalita ng Anakbayan-Panay;Reylan Vergara na secretary general ngPanay Alliance Karapatan, at Hope Hervilla,tagapangulo ng Bayan-Panay.

Mariing kinundena ng Katipunan ngSangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa

UP) ang pag-aresto sa dalawang propesoat siyam na iba pa.

“Ang naganap na dispersal ay tahasangpaglabag sa aming karapatan para samapayapang pagkilos at kalayaangmagpahayag ng aming demanda,” ayonkay Raoul Daniel Manuel, pagkalahatangtagapangulo ng KASAMA sa UP.

Sa panukala ng gubyerno, kakaltasan

ng P2.2 bilyon ang badyet ng UP mulasa P13.143 bilyon noong nakaraang taonpatungong P10.896 bilyon sa susunod.

Dagdag pa ni Manuel, ipinapakitalamang ng insidente na hindi nalalayoang rehimeng Aquino sa diktadurangMarcos. Ipinangatwiran ng mga lokal naopisyal at pulis ang pagbuwag sa protestabilang bahagi ng pagpaseguro diumanong “seguridad” ng Asia Pacic EconomicCooperation (APEC) ministerial meetingsna isinagawa sa Iloilo mula Setyembre 21hanggang Oktubre 6.

“Marapat lang magprotesta laban sa APECmeeting na instrumento sa pagtutulak ngmga patakaran ng komersyalisasyon ngedukasyon, K-12 at pagtataas ng matrikulaWalang karapatan ang pulisya na dahasinang mamamayan,” ayon kay Manuel.

Dahil sa malawak na pagkundena, pinalayadin ang mga nahuli matapos ang ilangoras. Noong Setyembre 28, sinampahanng kasong kriminal ang mga pulisya nanandahas at dumampot sa mga nagprotestaKinundena din ng administrasyon ng UPVisayas ang panunupil.

“Hindi kami magpapatinag. Lalabas kaming

muli sa kalsada para igiit ang amingkarapatan sa abot-kayang edukasyon parasa lahat,” ani Manuel.

Iloilo City – Dahas ang itinugon ng estado sa mahigit 500 mgaestudyante mula sa UP Visayas (UPV) at kanilang mga propesor nanagsagawa ng protesta para kundenahin ang P2.2 bilyong kaltas-

badyet ng unibersidad noong Setyembre 24.

Batas Militar sa Iloilo City: ralilaban UP budget cut dinahas,11 inaresto

Serye ng walkout sa UP, inilunsad laban sa budget cutMuling nagwalkout sa kanilang mgaklase ang libu-libong mga iskolarng bayan sa iba’t ibang kampus ngUnibersidad ng Pilipinas (UP) sa buongbansa upang ipakita ang kanilangpagtutol sa P2.2 bilyong pagkaltas sabadyet ng pamantasan sa panukalang

pambansang badyet para sa 2016.

Daan-daang mag-aaral at guro angnagprotesta sa UP Diliman at UP Manilanoong Setyembre 24. Aabot sa 300 angnagwalkout sa UP Cebu samantalangdinahas naman ng pulis ang martsa ngdaan-daang mga estudyante ng UP Visayassa Iloilo City (basahin ang kaugnay na balita).

Mahigit 400 namang mag-aaral ng UPVisayas Tacloban College at UP Schoolof Health Sciences sa Palo, Leyte angnagwalkout noong Oktubre 2.

Ayon kay UP Student Regent MicoPangalangan, ang kaltas-pondo sa UPat edukasyon ay sang-ayon sa plano nggubyerno na itulak ang higit na pagtataasng matrikula, paniningil ng mga bayarin atkomersyalisasyon ng edukasyon.

Samantala, kinundena ni Kabataan

Partylist ang espesyal na probisyon naisinama sa 2016 budget na nagbibigay ngkapangyarihan sa mga State Universitiesat Colleges (SUCs) na utusan angkanilang mga mag-aaral na boluntaryongmagtrabaho sa konstruksyon.

Maaari ring gamitin ang mga estudyantebilang manggagawa para sa mgagawaing pang-akademiko, pananaliksik,ekstensyon, at administratibo bilang bahaging kanilang praktikum na binabayaranlamang ng P25 kada oras.

“Akala po natin wala nang polo y serviciodahil panahon pa ‘yun ng Espanyol. Pero anito? May probisyong hinahayaang gawingconstruction worker ang mga estudyantkapalit ang barat na P25 na sahod,” anKabataan Partylist Rep. Terry Ridon.

Page 8: Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

7/17/2019 Tinig Oktubre 2015 Unang Edisyon

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-oktubre-2015-unang-edisyon 8/8

8 OKTUBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Neri Colmenares: Fighter ng bayan sa Senado!Inihayag na noong Setyembre 30 angpagtakbo ni Bayan Muna Rep. NeriColmenares para sa Senado sa daratingna halalang 2016. Inahayag ito saIkatlong Kumbensiyon ng Makabayansa San Andres Sports Complex saMaynila noong Setyembre 30.

Libu-libong mga kasapi ng mga progresibongpartylist sa ilalim ng Makabayan at mgatagasuporta ni Colmenares mula sa iba’tibang sektor at iba’t ibang bahagi ng bansaang dumalo sa Kumbensyon.

Nagpahayag ng buong pagsuporta sapagkasenador ni Colmenares ang mga

partylist na ito, kabilang ang Bayan Muna,Gabriela, Kabataan, ACT Teachers, Anakpawis,Migrante, Sulong Katribu, at Piston.“Panahon na upang magkaroon ngmilitanteng boses ang mahihirap sa Senado.Panahon na upang magkaroon ng ghter ngbayan sa Senado,” ani Colmenares.

Inendorso rin si Colmenares nina Senador GracePoe at Chiz Escudero, mga nangungunangkandidato sa pagkapresidente at pagkabise-presidente na dumalo sa nasabing kumbensiyonng Makabayan. Kabilang din sa nag-endorsosina Manila Mayor Joseph Estrada at Rep.Giogidi Aggabao na nagsalita sa ngalan ngNationalist People’s Coalition (NPC).

Nagpahayag ng todo-suporta ang mga grupo ngkabataan sa pangunguna ng Kabataan Partylissa pagtakbo ni Colmenares at nangakonglilikha ng kasaysayan para makapagpaupo ngkinatawan ng mamamayan sa Senado.

“Dapat nating isulong sa halalan

ang boses ng mamamayan: para sapambansang industriyalisasyon, para salupa sa magbubukid, sahod at karapatanng manggagawa, edukasyon para samamamayan, at pananagot sa gubyernongAquino. Dalhin natin sa Senado ang tunayna boses ng bayan,” ani Sarah Elago, unangnominado ng Kabataan Partylist.

Adyenda ng Kabataan at Mamamayan sa 20161. EDUKASYON – Kinikilala ng kabataan angmahalagang papel ng edukasyon sa lipunan kaya’tdapat isulong ang libreng edukasyon sa lahat ngantas. Tanggalin ang lahat ng anti-estudyantengpolisiya, partikular ang CHED Memorandum OrderNo. 3 at ang Education Act of 1982. Ipaglaban angkarapatan sa malayang pamumuno, malayangpamamahayag, at karapatang mag-organisasa mga pamantasan. Kundenahin at biguin angcampus militarization. Hangad ng kabataan angisang makabayan, siyentipiko at makamasangedukasyon na nagsisilbi sa bayan. Itakwil angkolonyal, neoliberal at komersyalisadong sistemang edukasyon.

2. TUNAY NA REPORMANG AGRARYO – Kinikilalang kabataan ang malaking ambag ng uringmagsasaka sa lipunan kaya’t naniniwala angkabataang dapat isulong ang tunay na repormangagraryo. Nananawagan ang kabataan para salibreng pamamahagi ng lupa dahil karapatan ngmagsasaka na ariin ang lupang sinasaka. Dapatding pigilan at biguin ang pang-aagaw ng lupaat Public Private Partnerships na nagdudulot ngkawalan ng lupa ng mga magbubukid.

3. NAKABUBUHAY NA SAHOD AT SAPAT NATRABAHO PARA SA LAHAT – Malaking bahagi nguring manggagawa ay kabataan. Kaya’t nararapatlamang na ipaglaban ang karapatan sa trabahoat nakabubuhay na sahod. Isulong ang P16,000monthly minimum wage sa buong bansa. Dapat nabigyang halaga ang pagkakaroon ng kaseguruhan satrabaho at iwaksi ang mga polisiyang nagtataguyodng kontraktwalisasyon. Itakwil at biguin ang LaborExport Policy, Two-Tiered Wage System, at RegionalWage Board na pinananatili at lalong pinalalala angpagsasamantala sa mga manggagawa.

4. MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANGSOBERANYA – Sa gitna ng tumitinding giriansa West Philippines Sea, pagkaisahin ang

mamamayan laban sa agresyong Tsina atinterbensyong militar ng Estados Unidos . Itakwilang mga kasunduang tulad ng Enhanced DefenseCooperation Agreement (EDCA) at Visiting

Forces Agreement (VFA). Muling pag-aalabin ngkabataan ang diwa ng nasyunalismo at ipaglabanang pambansang soberanya at patrimonya.

5. YOUTH ACT NOW AGAINST CORRUPTION– Patuloy na makikibaka ang kabataan labansa sistematikong korapsyon sa pamahalaan.Patuloy din ang panawagan para sa katotohananat hustisya, at pagpapanagot sa mga pasimunong ilegal na PDAF at Disbursement AccelerationProgram (DAP).

6. BATAYANG SERBISYONG PANLIPUNAN– Naninindigan ang kabataan sa mulingpagsasabansa at pagpapababa ng singil sa mgabatayang serbisyo tulad ng kuryente, tubig atgasolina. Libreng serbisyong pangkalusuganpara sa lahat at mas malaking suporta sa mga

pampublikong ospital ang dapat prayoridadng gobyerno. Buuin at itaguyod ang isangmabisa, dekalidad at libreng pangmasangtransportasyon.

7. KAPAYAPAAN – Pangunahing layunin ang

pagkamit ng makabuluhan at pangmatagalangkapayapaan. Kaya’t naniniwala ang kabataan namakakamit lamang ang ganap na kapayapaankung masosolusyunan ang ugat ng armadongpakikibaka sa bansa. Nananawagan ang kabataansa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sapagitan ng gobyerno at lahat ng rebolusyonaryonggrupo, tulad ng Moro Islamic Liberation Front aNational Democratic Front. Dapat ding palayainang lahat ng bilanggong pulitikal.

8. KARAPATAN NG MARHINALISADONG SEKTOR– Ipaglaban ang demokratikong karapatan akagalingan ng lahat ng mamamayang Pilipinolalo na ng mga kababaihan, pambansangminorya, LGBT, at Overseas Filipino WorkersPawiin ang lahat ng porma ng pagsasamantala

at diskriminasyon, at itaguyod ang paglahok nilasa lipunan. Dapat pakinggan at ipaglaban angkanilang mga hinaing at karapatan.

Pinakilala sa Kabataan Partylist Pambansang Kumbensyon nitong Setyembre 28 ang mga bagong nominadong Kabataan Partylist sa pangunguna ni unang nominado Sarah Elago (nasa pinakakanan)), ang kasalukuyangpambansang pangulo ng NUSP. Kasama niya bilang nominado sina Romina Astudillo ng Metro Manila, VenneChenfoo ng Mindanao, Deo Montesclaros ng Cagayan Valley, at Charmaine Chin ng Panay.