43
1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Kumiriring ang telepono. Sinagot mo at bumati ng, “Hello!” Ano na pagkatapos? Sapat na bang magsalita, ipahayag ang gusto mong sabihin tapos ibaba ang telepono? Paano kung may bisitang dumating sa opisina? O kapag kinakausap mo ang iyong katrabaho? Alam mo ba ang tamang sasabihin? Sa modyul na ito, matututuhan mong gamititn ang telepono sa magalang at epektibong paraan. Malalaman mo ring gamitin ang mga tamang salita sa iba’t ibang sitwasyon sa iyong opisina. May dalawang aralin ang modyul na ito: Aralin Bilang 1 Kiriring! Hello! Aralin Bilang 2 Wastong Pagpapahayag sa Opisina Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo nang: magsalita nang malinaw sa telepono at masabi ang ilang mga pangunahing pangangailangan; at gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina.

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Kumiriring ang telepono. Sinagot mo at bumati ng, “Hello!” Ano napagkatapos? Sapat na bang magsalita, ipahayag ang gusto mong sabihintapos ibaba ang telepono? Paano kung may bisitang dumating sa opisina?O kapag kinakausap mo ang iyong katrabaho? Alam mo ba ang tamangsasabihin?

Sa modyul na ito, matututuhan mong gamititn ang telepono sa magalangat epektibong paraan. Malalaman mo ring gamitin ang mga tamang salita saiba’t ibang sitwasyon sa iyong opisina.

May dalawang aralin ang modyul na ito:

Aralin Bilang 1 – Kiriring! Hello!

Aralin Bilang 2 – Wastong Pagpapahayag sa Opisina

Anu-ano ang mga Matututuhan Mo saModyul na Ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo nang:

♦ magsalita nang malinaw sa telepono at masabi ang ilang mgapangunahing pangangailangan; at

♦ gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamitsa opisina.

Page 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

2

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago pag-aralan ang modyul na ito, sagutin muna ang sumusunod namga tanong upang malaman kung ano na ang alam mo tungkol sa atingpaksa.

Sa ibaba ay ang mga pangungusap na nagpapakita kung paano tayopumili ng mga salitang gagamitin para sa isang sitwasyon. Ilagay ang Tamakung tama ang sinabi at Mali kung hindi. Isulat ang sagot sa mga nakalaangpatlang.

__________ 1. Bago tawagan ang isang tao sa telepono, itala angmga kailangang pag-usapan upang maiwasan angmuling pagtawag at upang hindi sayang angpanahon.

__________ 2. Laging ngumiti kapag nasa telepono. Laging magingmagalang, matulungin hanggang makakaya.

__________ 3. Ang salitaan ng telepono ay dapat kalahatingpulgada ang layo sa bibig upang mabawasan angtinatawag na “transmission loss.”

__________ 4. Laging maghanda ng bolpen at papel upang maisulatang mga mensahe ng tama at kumpleto.

__________ 5. Huwag magsabi ng “Salamat” at “Paalam” kapagnatapos na sa pakikipag-usap.

__________ 6. Batiin ang iyong ka-opisina ng “Magandang Umaga”at “Paalam” ayon sa nararapat.

__________ 7. Magbigay ng tulong sa mga ka-opisina kapagkinakailangan.

__________ 8. Kapag mayroon kang nasabi na nakasakit onakasama sa isang ka-opisina, humingi ngpaumanhin kaagad.

__________ 9. Magsalita nang malinaw at maikli sa mga tao,nakaharap man o nasa telepono.

__________ 10. Dapat malakas ang pag-uusap upang ang mga nasatelepono ay hindi magkaintindihan.

Page 3: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

3

O kumusta naman? Sa tingin mo ba’y tama ang iyong mga sagot?Ihambing ang iyong mga sagot sa mga nasa Batayan sa Pagwawasto sapahina 38 upang malaman mo.

Magaling kung tama ang lahat ng iyong sagot! Ibig sabihin nito aymarami ka nang alam tungkol sa modyul na ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul upang balik-aralan ang mga alam mo na. Malay mo, bakamay matutunan ka pang mga bagong bagay.

Kung mababa ang iyong nakuha, huwag sanang sumama ang loob.Pinapatunayan lang na ang modyul na ito ay para sa iyo. Tutulungan kanitong intindihin ang ibang konseptong maaari mong gamitin sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mong mabuti ang modyul naito, malalaman mo ang mga sagot sa lahat ng mga aytem sa pagsusulit at ibapa! Handa ka na ba?

Maaari ka nang tumuloy sa susunod na pahina upang simulan angAralin 1.

Page 4: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

4

ARALIN 1

Kiriring! Hello!

Kiriring! Hello! Blah-blah-blah. Paalam! Ganoon ka ba sumagot ngtelepono? Sana naman hindi, sapagkat may mga tuntuning sinusunod sapaggamit at pagsasalita sa telepono. Sa araling ito, malalaman mong gamitinnang maayos ang telepono.

Pagkatapos mong pag-aralan ang leksiyong ito, dapat kaya mo nanggamitin ang telepono upang maipahiwatig ang iyong mga ideya nangmaayos at malinaw.

Makinig Tayo

Basahin ang pag-uusap sa ibaba. Kung mayroon kang “audio cassettetape,” maaari mo ring pakinggan ang pag-uusap. Kung wala naman, basahinna lang ang komiks sa ibaba.

Magandangumaga, Loida!

Ay, magandang umagarin Irene! Hindi panaman ako huli, diba?

Hindi pa naman. Yun ba ang rason kungbakit ka nagmamadaling pumasok?

Oo. Hindi tumunog ang aking relo. Nahuli na naman ako sa paggising. Inabot ako ngtrenta minutos bago nakasakay. Bukod pa don, natrapik pa ako! Kung ako’y nahuli,hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Dr.Calma!

Page 5: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

5

Huwag kang mag-alala. Kakaalis langni boss. Pumasok lang siya atnagmamadaling umalis ulit.

Talaga?

Oo. Ngunit mayroong iniwangsulat para sa iyo. Kukunin ko. Salamat sa pagsabi sa akin.

Ah, eto pala ang sulat.

Binasa ni Loida ang sulat…

Loida, kinailangan kong magmadalipapunta sa pagtitipon sa hotel. Muntik konang makalimutan.

Pakitawagan ang mgasumusunod namiyembro ng boardof directors ngQuezon City Danceand Arts Academy,upang matapos ko naang kontrata nasinusulat ko para sakanilang paaralan.

Page 6: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

6

Dr. Alejandro Tan, Mrs. Bella Martinez,Mr. Carlo Magno, Professor LuzMaglalang… Mag-iskedyul ng isangmeeting…

… kasama sila sa Biyernes, Mayo28, 2001, alas-nwebe ng umagasa board room. Sabihin mo nakinakailangang tapusin angkontratang pinag-usapan naminni Dr. Tan.

Kailangan ko na silang simulang tawagan.

Pasok.

Ito na yung ibang mga rekordna hinahanap mo kahapon.Kinuha ko.

Salamat, Irene. Ika’y….Sandali lang.

Hello. Opisina ni Dr. Calma, ano pongmaitutulong ko sa inyo?

Hello!? Hello!? Bakit ba maytaong tumatawag pero ayawnamang magsalita

Baka maling numeroang natawagan niya.

tok...

tok...

Page 7: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

7

Ang pagdayal ng maling numero ay hindiisang krimen. Ang kailangan mo langgawin ay humingi ng paumanhin para sadi-sinasadyang pagkaistorbo sa tao sakabilang linya. Ngunit, ang pagdayal ngmaling numero at hindi pagsagot aymedyo bastos.

Totoo nga ‘yon. Ngunit ang ibang taoay may ibang tingin diyan.

Kailangan ko namang gumawang sarili kong mga tawag.

Hello!Magandangumaga.

Babalik na ako sa mesako.

Magandang umaga. Maaari ko po bangmakausap si Dr.Tan? Si Loida po ito, angsekretarya ni Dr. Calma sa Quezon CityEducational Research Company.

Paumanhin. Mukhang malingnumero ang natawagan mo.Wala pong Dr. Tan dito.

Ay, baka maling numero po ang akingnatawagan. Paumanhin po.

Page 8: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

8

Ok, paalam!

Tapos ka na ba sa mga tawagmo?

Hindi pa. Palaging mali angaking natatawagan.

Alam ko namangtama ang akingnatawagan.

Minsan nangyayariito, tawagan mo nalang muli. Bakamakuha mo ngayon.Puwede kangtumawag ditohabang ginagawankita ng kape.

Oras na para sacoffee break!

Tama ka siguro Irene,Susubukan ko uli.Puwede ko banggamitin ang teleponomo?

Oo ba. Sige lang.

Bakit mo ginagamit angbolpen mo para magdayalng telepono, Loida?

Ginagamit ko yung bolpen parahindi masira ang aking nailpolish. Bakit, masama ba?

Oo. Ang paggamit ngbolpen sa pagdayal aymaaaring makasira satelepono. Maaaring yanang rason kung bakit maliang natatawagan mongnumero. Maaaringdumudulas ang bolpen attumatama sa isangnumero.

Tama ka! Hindi ko napag-isipan‘yon. Salamat sa pagtawag ngaking pansin.

Page 9: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

9

Tatawag ako uli. Ngayon, tamana ang aking gagawin.

Hello!Magandangumaga. Maaariko ho bakayongmatulungan?

Magandang umagapo. 9299375 po baito?

Opo.

Sir, si Loida Asuncion poito. Ako po yungsekretarya ni Mr.Leonardo Calma mula saQuezon City EducationalResearch Company.Maaari ko po bangmakausap si Dr. AlejandroTan?

Si Dr.Tan ito. Ano angmaipaglilingkod kosa iyo, Loida?

Sir, nagpapaiskedyul po si Dr. Calma ng miting kasama ang tatlo sa iyong mgakasama upang matapos na po ang kontrata, para masimulan na ang proyektongpinag-usapan ninyo ni Dr. Calma.

O sige. Kailan daw ang miting?Maaari ho ba kayo sa Biyernes, Mayo 28,9:00 ng umaga? Ang miting ay sa boardroom po namin.

Tignan ko lang kung libre ako sa petsang iyan.

Page 10: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

10

Oo, tama lang ang iskedyul naiyon. Pupunta ako diyan sa ika-28.

Maraming salamat po, sir. Hihintayinpo namin kayo.

Salamat din sa iyo, Loida. Paalam.

Magandang makipag-usapsa isang magalang na lalakisa telepono.

Oo. Naiintindihan ko ang sinasabi mo.Ngayon na nakatawag ka na, ba’t di kamuna magpahinga. Inumin mo munaang iyong kape bago ito lumamig.

Isa pang tawag bago akomagpahinga. Tatawagan ko lang siMrs. Bella Martinez. Gumagana pakaya ang luma niyang numero?

Kung hindi mo siya matawagan salumang numero, subukan mongtumawag sa directory assistance.Idayal mo ang 114.

Page 11: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

11

Hello. Martinez residece.Ano pong kailangan nila?

Magandang umaga! SiLoida Asuncion po itong Quezon CityEducational ResearchCompany. Ako angsekretarya ni Dr.Leandro Calma. Maaaripo bang makausap siGng. Bella Martinez?

Paumanhin po. Umalis si Gng. Martinezkahapon papuntang Catanduanes.

Alam n’yo po ba kung kailan siya babalik?

Babalik po siya sa Lunes, sa ika-24 ngMayo.

Tatawag ho uli ako sa Lunes. Maaariho ba akong mag-iwan ng mensahe?

Si Marissa po ito. Iwan n’yo nalang po ang mensahe ninyo.

Pakisabi po kay Gng. Martinez na gustongmakipag-miting ni Dr. Calma sa kanya at angkanyang tatlong kasama tungkol sakontratang ginagawa nila.

Sandali lang po. Isusulat kolang.

Page 12: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

12

Kailan po yungmiting?

Sa Biyernes, ika-28 ng Mayo. Alas-nuwebeng umaga. Ang miting ay gaganapin saopisina ng Quezon City EducationalResearch Company. Naisulat mo na balahat ng iyon?

Oo, naisulat ko lahat.Yun lang ho ba?

Oo, yun lang. Maraming salamat.Tatawag uli ako pagbalik niya upangsiguraduhin ang kanyang pagdalo.

Ibibigay ko ang mensahepagkabalik niya. Paalam.

Mahirap minsan ang pagtawag satelepono. Ngunit maaari itong magingmasaya at kapaki-pakinabang kapagmagalang ang mga kausap mo.

Totoo nga. Nakakatulong rin kapagalam ng mga taong gamitin angtelepono nang tama.

Page 13: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

13

Subukan Natin Ito

1. Ano ang ilang magagalang na salita at parirala na nakuha mo sa mgapakikipag-usap ni Loida sa telepono?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Anong ibang mga bagay-bagay ang natutuhan mo sa pagsasabi niLoida tungkol sa tamang paggamit ng telepono?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Nakagamit ka na ba ng telepono? Kung hindi pa, nakakita ka na bang taong gumagamit ng telepono. Baka nakakita ka na satelebisyon, o sa tindahan o sa sinehan. Sa karanasan mo, ano angibang payo na maibibigay mo sa tamang paggamit ng telepono.Isulat ang iyong mga ideya sa ibaba.

Kumusta naman ang iyong pagsagot? Ihambing ang iyong mga sagotsa Batayan sa Pagwawasto sa pp. 38–39.

Magagalang na salitang iyongginagamit kapag nakikipag-usap sa

telepono.

Mga salitang dapat iwasan kapagnakikipag-usap sa telepono.

Page 14: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

14

Alamin Natin

Tumawag ka na ba sa isang kompanya o bahay, pero binasbastos kalamang ng tao sa kabilang linya? Ano ang naramdaman mo tungkol sakanilang masamang pag-trato? Nainis ka siguro sa taong iyon. Parang walasiyang pakialam sa iyo.

Upang makuha ang lahat sa iyong tawag, ito ang ibang mga payo namabuting tandaan kapag mayroon kang tinatawagan;

Ilista ang mga bagay-bagay nakailangang talakayin o pag-usapanpara hindi mo na kailangang tumawagmuli at para hindi masayang ang oras.

Siguraduhing tama ang iyongtinatawagang numero bago katumawag. Tingnan ang numero ngtinatawagan sa pinakabagongdirektori kung hindi ka sigurado.

Kapag nagdadayal ka, gamitinang daliri. Huwag gumamit ng lapis,bolpen o ibang mga matutulis nabagay.

Page 15: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

15

Ipakilala ang iyong sarili.

Kung wala ang taong nais mongmakausap, tanungin mo kung maaarikang tumawag muli. Maaari mo ringhingin sa nais mong tawagan na ibalikang iyong tawag. Iwanan ang iyongpangalan, telepono, at oras na gustomong tawagan ka.

Sakaling mali ang iyongnatawagan, humingi ng paumanhin sataong sumagot. Huwag mong bastaibaba ang telepono.

Huwag magsayang ng oras satelepono sa pakikipagkuwentuhantungkol sa mga bagay na walangkinalaman sa kalakalan. Ilimita angiyong mga tawag sa mgakinakailangan para sa kompanya. Angmga personal na usapan sa oras ngtrabaho ay dapat gawing maikli.

Si Gloria Lucero ito ngSSS. Pwede ko bangmakausap si Sally?

Maling numero poang natawagan nila.

Page 16: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

16

Kapag nakikipag-usap sa tao, huwag kalimutan ang sumusunod napayo:

Magsalita ng nang diretso at malinaw sabokilya (mouthpiece). Huwag ngumuya omanigarilyo kapag nagsasalita sa telepono.

Mayroong mga pagkakataon na matagalnang nagsasalita ang iyong kausap. Ipakitamo na nasa linya ka pa rin sa pamamagitan ngpagsabi ng mga sumusunod na mga salitatulad ng:

Oo, naiintindihan ko.Siyempre.Sigurado yan.Opo.

May mga pagkakataon na kailangangpahintayin ang tao sa linya. Kung sa tinginmo’y kailangang maghintay nang matagal angiyong kausap, tanungin mo sa kanya kunggusto na lang niyang tumawag muli o kunggusto niyang tawagan mo siyang muli.

Page 17: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

17

Gamitin ang mga propesyonal na titulong mga taong tinatawagan. Ang mgahalimbawa nito ay Doktor, Attorney, Kapitan,Major, Propesor.

Kapag nasa telepono, ngumiti. Magingmagalang, matulungin at mabait.

Magsabi ng “Salamat” o “Paalam” kapagtapos na ang pag-uusap.

Subukan Natin Ito

1. Kapag sinagot na ng iyong tinatawagan ang telepono, ano anguna mong sasabihin mo?

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 18: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

18

2. Sinigurado mo na tama ang iyong tinatawagan ngunit, sa pagtawagmo, sinabi ng tao sa kabilang linya na walang ganoong pangalan sakanila. Ano ang sasabihin mo?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang itatawag mo sa tumatawag o sa taong tinatawagan?____________________________________________________________________________________________________

Ihambing mo ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 39.

Alamin Natin

Heto pa ang ilang payo sa pagtanggap ng tawag:

Huwag hintaying kumiriring angtelepono nang maraming beses.Sagutin ang mga tawag nang mabilisat maaliwalas.

Kapag inangat ang telepono,magpakilala kagad.

Magandang umaga, ito po siAngela.

Page 19: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

19

Alamin kung sino ang tumatawag.

Kapag natanggap mong tawag, maaari mo itong sagutin sa sumusunodna pamamaraan:

1. Kung alam mo kung anong orasbabalik ang taong hinahanap,payuhan mo ang tumatawag natumawag muli sa ganoong oras.

2. Kapag gusto ng tumatawag namaibalik ang kanyang mgatawag, kunin ang kanyangpangalan at numero ngtelepono.

Maaari bang malaman kungsino ang tumatawag?

Babalik si Lita ng 1:30 ng hapon.Maaari kang tumawag muli saganong oras.

Maaaring malaman kungsino ang tumatawag?. . . O, Ray, pwede kobang kunin ang iyongnumero para matawaganka kapag bumalik nasiya?

Page 20: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

20

3. Kapag may hinihingingimpormasyon, ibigay angtelepono sa ibang tao sakompanya/bahay namakakasagot o makakatulongsa hinihiling.

4. Laging maghanda ng papel atbolpen sa tabi ng telepono. Kuninang kumpleto at tamang mensahemula sa tumatawag.

5. Kapag nakakuha ng malingnumero, huwag maging bastos.Laging maging magalang.

6. Ang iyong bibig ay hindi dapatlumampas sa ½ pulgada mula sabokilya ng telepono.

Maaari ko ba kayong ibigay kay Gng.Zamora? Maaaring makatulong siya.

Mali ang nadayal mo na numero. Itoang Research Division ng Innodata.

Page 21: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

21

7. Sa pag-alis mo ng bahay oopisina, sabihin sa mga taokung saan ka matatawagan.

8. Kapag may tao sa telepono, angmga pag-uusap ng mga taongmalapit dito ay dapat magingmahina lamang.

9. Huwag maging maingay. Waladapat tumatawa, humahalakhako sumisigaw malapit satelepono.

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

1. May hinihintay kang tawag ngunit kinakailangan mong umalissandali. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kasama?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ha-ha-haHa-ha-ha

Pupunta lang ako sa TrainingDivision, Lydia. Pakilipat doonang mga tawag ko.

Okay.

Hindi tayo dapat mag-usap nangmalakas si Allan ay nasa telepono.

Hoy, mga pare.Hindi ko marinigang sinasabi niCarol. Pakihinaan naman.

Page 22: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

22

2. Ano ang dapat na layo ng iyong bibig mula sa bokilya ng telepono?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Magbigay ng limang halimbawa ng mga salitang maaaring gamitin samga pag-uusap sa telepono.____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Kapag may nasa telepono, dapat ka bang maging maingay? Bakit?______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Kapag gagamitin mo ang telepono, ano ang maaari mong gawinupang makatipid ng oras?____________________________________________________________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa mga nasa Batayan sa Pagsagot sapahina 40.

Magaling kung tama ang lahat ng iyong mga sagot! Maaari ka nangtumuloy sa susunod na aralin. Kung meron kang mga mali, balik-aralan langang mga bahaging hindi mo pa naiintindihan.

Tandaan Natin

Sa araling ito, natutunan mong gamitin ang telepono nang maayosupang ikaw at ang iyong kasusap ay magkaroon ng magandang usapan.Natutunan mo rin na hindi basta-basta ginagamit ang telepono. Kailanganmong tratuhin ang pag-uusap sa telepono na parang pakikipag-usap nangharapan. Igalang ang mga kausap sa telepono at maging matulungin sa mgatumatawag. Walang paglalagyan ang bastos na pag-uugali sa isang pag-uusap sa telepono. Ang paggamit ng telepono ay dapat maging maaliwalaspara sa lahat.

Page 23: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

23

ARALIN 2

Wastong Pagpapahayagsa Opisina

Itinuturing mo bang ikalawang tahanan ang iyong opisina? Madalas ayoo. Kung minsan nga, mas matagal pa ang inilalagi natin sa opisina kaysa saating tahanan. Kung gayon, bakit hindi gawing maaliwalas para saiyo angopisina? Maging mabuti sa ibang tao at makikita mo na sila ay magigingmabuti rin sa iyo. Maari kang mag-umpisa sa mga salitang makakatulong sapaggawa ng mas magandang na relasyon sa pagitan mo at ng iyong mgaka-opisina. Kung ikaw ay maingat at magalang, makikita mo na wala silangmasamang masasabi tungkol sa iyo.

Pagkatapos pag-aralan ang leksiyon, dapat alam mo na ang mga tamangsalita o parirala na ginagamit para sa mga sumusunod na sitwasyon:

♦ pagbati

♦ pagliban

♦ pagbibigay ng tulong

♦ paghingi ng paumanhin

Basahin Natin Ito

Tingnan mo si Billy. Mag-isa na lang siya ngayon.Walang gustong makisama sa kanya.

Dahil masama angkanyang ugali.

Page 24: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

24

Di ba parehongdepartamento kayo? Oo.

Ano ang ginawa niya?

Bastos siya, hindi lang sa amin, kundipati na rin sa mga bisista.

Binabati siya ng junior staff pagdating saopisina.

Magandangumaga po, sir!

Ngunit, hindi naman niya sila binabati.

Kapag may bisita naman siya, hindi niyanirerespeto ang mga ito.

Gusto kong dalhin ang mgaorder ng Lunes. Ayoko ngmga palusot! Maliwanag!

Opo sir!

Gaano katagalna siyangganyan?

Dati na siyangganyan.

Page 25: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

25

Alam ba ito ngboss mo? Oo.

Ano raw ang planong gawin ng boss mo?

Hindi ko alam. Pero narinig ko na maymiting na dadaluhan ng lahat ng mgaempleyado.

Anong sasabihin nila sainyo?

Hindi ko alam.Tingnan nalang natin!

Sabihin mo saakin kung ano angnangyari, ha!

May nakakaalam ba tungkolmga pangyayaring ito?

Hinde po, sir.

Noong Martes, dalawa sa ating kliyenteang dumating na walang nakapansin.Tinanong niya ang isa sa ating mgaempleyado kung maaari silangmagkipag-miting sa akin.

Pinatawag ko ang miting na ito dahilnawalan tayo ng dalawang mahalagangkliyente dahil may nambastos sa kanilasa opisina.

Page 26: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

26

Magandang umaga!Galing kami sa St.Peter’s Realty. Gustonaming kausapin siGinoong Mariano.Nandito ba siya?

Hindi ko alam.Tanungin mokaya yungsekretarya niya!

Nainsulto sila sa empleyado. Hindi na nilahinanap ang sekretarya. Umalis na langsila. Nung tinawagan ko sila, sinabi nila saakin na tinanggal na ang ating kompanyasa mga listahan ng magbibigay serbisyo sakanila dahil sa nangyari.

Dahil dito inirekomenda ko naipatanggal na yung empleyadong iyonsa kanyang puwesto. Paano lalago angating kompanya kapag hindi natininaalagaan ang ating mga kliyente?

Dahil dito, humingi ako ng tulong saisang kaibigan upang maghanda ngseminar para sa atin.

Siya ay isang eksperto sa komunikasyon.Nandito siya upang sabihin sa atin angmga tamang mga salita at parirala nadapat gamitin sa opisina.

Lahat tayo ay bumatikay Bb. Kathy Elias.

Page 27: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

27

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

1. Sa anu-anong mga pagkakataon na naging bastos si Billy?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Bakit inirekomenda ng boss na tanggalin si Billy sa trabaho?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. May mga naiisip ka ba na mga bagay na iyong masasabi para magingmaaliwalas ang inyong buhay sa opisina?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa mga nasa Batayan sa Pagwawastosa pahina 40.

Alamin Natin

Kapag ikaw ay nasa opisina, kailangan mong matutong gumawa ng mgaparaan upang maging maaliwalas ang kapaligiran. Kaya mong gawin ito sapamamagitan ng pagsasalita sa isang pamamaraan. Narito ang ilang mgapayo upang maging komportable sa iyo ang iyong mga kasama sa opisina,kliyente o bisita:

Magandang hapon! Ako po si Bb. Elias.Maaari ninyo akong tawaging Kathy.Narinig na siguro ninyo ang di-kanais-naisna nangyari sa inyong kliyente. Sana’yhindi na ito maulit.

Nais kong matutunan ninyo angmaselang sining ng pakikipag-usap sainyong mga kliyente, mga ka-opisina, atpati na kapamilya.

Page 28: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

28

Kahit ilang beses n’yo nang nakikita anginyong kasama sa opisina, hindi masamangbatiin siya ng “magandang umaga” o“magandang hapon” o “kumusta ka na?”kapag nagkikita kayo sa isang araw.

Huwag kalimutang ngumiti. Ang pagngitiay nakakatulong na magpalakas ng mgarelasyon. Maraming mga relasyon angnasisira dahil nakakalimutang ngumiti ngisang tao.

Kapag mayroong kliyente sa inyong opisina,magpakita sa kanya ng respeto. Tratuhin mosila na may kasamang dignidad. Lagingtandaan na batiin sila.

Magandang umaga po. Ako po si Ella Sisonmula sa Training Group. Maaari ho baakong makatulong sa inyo?

Kapag mayroong tinatanong na eksaktoang tao, ipakita sa kanya kung saan niyamakukuha ang impormasyon. Maaari moring paupuin ang bisita at hingin angimpormasyon.

Maaari mong sabihin sa kanya:

Maupo ho muna kayo. Gustopo ba ninyo ng kape?

Oo. Sandali lang po, sir.

Page 29: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

29

Pwede n’yo po itong basahin habangkinukuha ko ang impormasyong kailanganninyo.

Sandali lang po.Kukunin ko po angpapeles na kailanganninyo sa opisina niGng. Yamson.

Kapag paalis na ang bisita, pasalamatan mosiya sa kanyang dalaw sa inyong opisina.

Salamat po sa inyong pagtangkilik saaming serbisyo. Sana’y makatulong mulikami sa inyo.

Salamat. Tatangkilikin ko muli anginyong serbisyo. Ang mga tao dito’ynapakabait.

Yan ang paraan ng pakikipagkalakal.Dapat maramdaman ng tao na kailanganninyo siya at hindi siya sagabal sa iyo.

May mga pagkakataon na kailangan ngtulong ng inyong mga kasama. Kungnakikita mong kailangan niya ng tulong,tulungan siya kaagad.

Sarah, ako na angmagbubuhat niyanpara sa iyo.

Maramingsalamat, Paulo.

Maaari mo ring sabihing:

Manny, tapos na ako sa ginagawa ko. Maymagagawa ba ako na makakatulong sa iyo?

Oo! Salamat saiyong pagsabi.May kailanganakong kuningpapeles sa SSS.Kaya mo bangasikasuhin angmga tala habangwala ako?

Page 30: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

30

Oo ba! Kailan moba kailangan angmga ito?

Kailangan kosilang maibigaysa Biyernes.

Sige.

Salamat ulit, pare!

Kapag mayroong nag-aabot ng tulongsa iyo, maaari mo itong tanggapin otanggihan. Anuman ang iyong gawin,huwag kalimutang pasalamatan angtaong nag-alok ng tulong sa inyo.

Isa pang bagay na nakakatulong rin ayang paghingi ng paumanhin kapag maynagawa kang mali.

Paminsan-minsan, nakakasakit ka ng tao,pisikal man o emosyonal, na hindi monalalaman.

Elma, naaalala mo ba ang sinabi nisir tungkol dito?

Sandali lang, Sarah. Huwag ngayon!Hindi ko matatapos ang aking report!

Hu-hu-hu… Sarah, bakit kanaman umiiyak?

Dahil ang bastos sa akin ni Elma.

Page 31: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

31

Tinatanong ko langnaman kung ano angsinabi ni sir tungkolsa proposal.

Baka malinaman angtiyempo mo.

Baka hindi lang kayo ngakaintindihan.Kausapin ko nga si Elma.

Elma, hintay!Jane! Kumusta na?

Anong nangyarisa inyo ni Sarah?

Ba’t mo namannatanong?

Umiiyak kasi siya kanina. Nasaktan moyata siya .

Hindi ko naman alam na nasaktan kosiya sa sinabi ko. Paumanhin na langsa kanya kung nasaktan ko man siya.

Humingi ka na langng paumanhin sakanya.

Kakausapin ko siyasa lalong madalingpanahon.

Page 32: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

32

Sarah.O, bakit?

Nais kong humingi ng paumanhin kungnabastos kita kanina. Pasensya ka na kungnasaktan kita. Masyado akong nakatutoksa ginagawa ko kaninang report.Tinatapos ko dahil nabigyan ako ngdedlayn.

Maaari mo namangsabihin yon sa masmagandangparaan.Maiintindihan konaman e.

Tama ka. Hindina iyonmangyayari uli.

Kung gayon, pinapatawad nakita. Paumanhin din dahil hinditayo nagkaintindihan.

Salamat! Nangangako akong magbagopara hindi na kita masaktan muli.

Natutuwa akongnagkakaintindihanna tayo ngayon.

Ako rin.

O sige. Aalis munaako. Pareho rintayong maramingginagawa.

Sige. Kita-kitatayo mamayangmeryenda.

Page 33: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

33

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

1. Ano ang ilang halimbawa ng mga magagalang na pananalita namaaaring gamitin sa opisina? Isulat ang ibang salita na iyongnatutunan.

a. Pagbati________________________________________________________________________________________________

b. Pagpapaalam________________________________________________________________________________________________

c. Pagbibigay ng tulong________________________________________________________________________________________________

d. Paghingi ng paumanhin________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang ibang salita na madalas mong gamitin sa iyong opisina bukodsa mga nasabi na sa aralin?_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Yon ang mga salitang madalasginagamit sa opisina.

May mga tanong ba mula sa grupo?

Page 34: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

34

3. Bakit mahalagang gamitin ang tamang pananalita sa opisina?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kumusta ang pagsagot mo? Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayansa Pagwawasto sa pahina 41.

Magaling kung nasagutan mo lahat nang tama! Ibig sabihin ay maramikang natutunan sa araling ito.

Huwag mag-alala kung ikaw ay may pagkakamali. Balikan lang angibang bahagi ng aralin na hindi mo naintindihan.

Tandaan Natin

Sa araling ito, natutunan mo ang iba’t ibang salita na ginagamit saopisina upang makagawa ng maaliwalas na kapaligiran. Kapag tayo’y maymga kasama sa trabaho, mahalagang mayroon tayong magandangpakikitungo sa kanila. Dapat rin nating tandaan na tratuhing mabuti ang mgataong bumibisita sa ating opisina. Ang pamamaraan ng pamamalakad ngopisina ay nakikita sa pagtrato nila sa kanilang mga bisita. Kapag nagpakitaka ng respeto at nagbigay ng tulong sa mga kliyente at bisita, nagugustuhannila ito. Maganda ito para sa iyong opisina.

Ibuod Natin

Sa modyul na ito, natutunan mo ang iba’t ibang mga salita na maaarimong gamitin upang maging mas maaliwalas ang iyong opisina. Natutunanmo ring gamitin ang telepono nang maayos. Kapag nakikipag-usap sa ibangtao, dapat magpakita tayo ng respeto at maging sensitibo sa mganararamdaman nila. Sa pagtulong sa ibang tao, pagbibigay ng impormasyonsa tumatawag, sa pagbati sa isa’t isa, tumutulong tayo sa pagtataguyod ngmabuting relasyon at ginagawa nating mabuting lugar ang ating opisina.

Page 35: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

35

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

A. Piliin ang pinakamainam na sagot sa mga nakasaad sa ibaba. Isulat angtitik ng sagot sa nakalaang patlang.

_____ 1. Kapag tumatawag, ano ang iyong sinasabi pagkasagot ngkabilang linya?

a. Magpakilala ka kaagad.

b. Tanungin ang taong sumagot kung sino siya.

c. Sabihin kaagad kung ano ang kailangan mongsabihin.

d. Tiyakin kung nakikilala mo ang boses ng kausap.

_____ 2. Kapag maling numero ang iyong natawagan, ano angiyong gagawin?

a. Ibaba ang telepono nang hindi nagsasalita onagpapaliwanag.

b. Magpaumanhin sa naistorbong natawagan.

c. Mainis dahil mali ang natawagan mong numero.

d. Tanungin sa natawagan ang tamang numero.

_____ 3. Sa papaanong paraan mo tatawagin ang taong iyongtinatawagan?

a. Sa pamamagitan ng kanyang propesyonal na titulo.

b. Sa pamamagitan ng kanyang ibinigay na pangalan.

c. Sa pamamagitan ng kanyang apilyido.

d. Sa pamamagitan ng mga salitang “pare” o “mare.”

_____ 4. Kapag tumatanggap ng tawag, paano mo ito sasagutin?

a. Sa pagiging di emosyonal hangga’t maaari.

b. Ibigay ang lahat ng impormasyon na kanilangkailangan.

c. Sabihin kaagad sa tumatawag na tama ang kanyangnatawagan.

d. Mabilis at maaliwalas.

Page 36: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

36

_____ 5. Kapag matagal magsalita ang iyong kausap, paano moipapaalam sa kanya na ikaw ay nasa linya pa rin?

a. Ngumiti na lang at igalaw ang iyong ulo.

b. Sabihin ang mga salitaing tulad ng “Oo, naiintindihanko,” o “Siyempre.”

c. Sabihin sa taong marami kang ginagawa.

d. Sabihin ang mga salitang “Oo, nandito pa ako,” o“Naghihintay ako.”

_____ 6. Ano ang mga simpleng bagay na maaari mong gawinupang magkaroon ng magandang relasyon sa iyong mgakatrabaho?

a. Kamayan mo sila sa lahat ng pagkakataon.

b. Laging sabihin na babayaran mo ang kanilangpagkain.

c. Ngumiti sa bawat pagkakataon.

d. Lagi silang yakapin.

_____ 7. Kapag umaalis sa opisina, ano ang dapat gawin?

a. Sabihin ang “paalam.”

b. Umalis na hindi sila ginagambala.

c. Tumigil at makipag-tsismisan sa kanila.

d. Ipaalam sa kanila sa pamamagitan ng pagsigaw naaalis ka na.

_____ 8. Habang naglalakad, nakita mo ang iyong kasamangnahihirapang magbuhat ng kanyang gamit. Ano ang iyonggagawin?

a. Sabihin mo sa kanya na maari niya munang iwananang ibang gamit niya at balikan na lang ang ibamamaya.

b. Tanungin mo kung gusto niya ng tulong.

c. Huwag mo siyang pansinin.

d. Balaan siya na maaari siyang maaksidente kapagmarami siyang masyadong dala.

Page 37: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

37

B. Bakit mahalagang gamitin ang tamang pananalita kapag nasa telepono?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

C. Bakit mahalagang gumamit ng mga tamang pananalita sapakikisalimuha sa:

a. Mga ka-opisina________________________________________________________________________________________________________________________________________________

b. Mga bisita at kliyente________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kumusta ang iyong pagsagot? Ihambing ang iyong mga sagot saBatayan sa Pagwawasto sa pp. 41–42.

Magaling kung tama ang lahat ng iyong sagot! Ibig sabihin nito aymarami kang natutunang paraan upang maging maaliwalas na lugar angiyong opisina. Maaari ka nang pumunta sa susunod na modyul.

Huwag mag-alala kung marami kang mali. Balik-aralan lang ang mgabagay na hindi naintindihan.

Page 38: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

38

Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 2–3)

1. Tama

2. Tama

3. Tama

4. Tama

5. Mali. Lagi mong dapat tapusin ang iyong pakikipag-usap sapagsasabi ng “Salamat” o “Paalam.”

6. Tama

7. Tama

8. Tama

9. Tama

10. Mali. Kapag may taong nagsasalita sa telepono, dapat magsalitang tahimik upang hindi makaistorbo.

B. Aralin 1

Subukan Natin Ito (pahina 13)

1. Heto ang ibang mga magalang na salita at parirala na ginamit niLoida sa kanyang pakikipag-usap sa telepono.

Magandang umaga! Maaari ho bang makatulong?Salamat. Hindi ba makakaistorbo sa iyoWalang anuman. kung . . .?Paalam. Hihintayin ka po namin.Paki . . . Ang bait n’yo naman po.Paumanhin.

2. a. Huwag gumamit ng lapis o bolpen sa pagdial ng telepono.

b. Siguraduhing nasa iyo ang tamang numero bago tumawag.

c. Tingnan ang direktori upang makasigurado na tama ang iyongtinatawagang numero.

Page 39: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

39

d. Hwag maging bastos sa mga tumatawag na mali ang numero.

e. Kapag mali ang iyong natawagan, humingi ng paumanhin saiyong paggambala.

f. Ipakilala ang sarili at hingin kaagad ang nais mong makausapna tao.

g. Ipaliwanag nang malinaw at magalang ang dahilan ng iyongpagtawag.

3. Ito ang ibang magalang na salita na magagamit kapag nakikipag-usap sa telepono.

Hello!Magandang umaga/hapon/gabiMaaari ho ba akong makatulong?Gusto ko lang ho matanong…Maaari ho bang makausap si…Paumanhin ngunit kakaalis lang ng iyong hinahanap.Sandali lang, titignan ko kung nandirito siya.Maaari ko ho bang tanungin kung sino ang tumatawag?

Heto ang mga dapat iwasang sabihin kapag nakikipag-usap satelepono.

Sino ba ito?Wala siya – tawag ka mamaya.Ano ba ang kailangan mo?Wala akong alam sa sinasabi mo.Pakidayal naman ang tamang numero sa susunod!

Maaaring may mga naisip ka pang ibang mga salita na hindinakasulat dito. Tanungin ang iyong Instructional Managerkung tama ang iyong mga sagot.

Subukan Natin Ito (pp. 17–18)

1. Ipakilala kaagad ang sarili. Halimbawa, “Ako si Maria Martinezmula sa Marawi Handicrafts. Maaari ko ho bang makausap si G.Ignacio?”

2. Humingi ng paumanhin sa iyong pagkagambala. Tawagan muliang numero. Kung mali pa rin, tingnan ang direktori kung tamaang iyong numero.

3. Dapat gamitin ang titulo ng kausap.

Page 40: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

40

Alamin Natin ang Iyong Natutuhan (pp. 21-22)

1. Sabihin sa iyong kasama kung saan ka pupunta at kung anongoras ka babalik.

2. Ang iyong labi ay hindi dapat lalayo sa kalahating pulgada mula sabokilya ng telepono.

3. Ibang mga magalang na mga salita at parirala na maaaring gamitinsa pakikipag-usap sa telepono:

Magandang umaga! Paumanhin.Salamat. Maaari bang makatulong?Walang anuman. Hihintayin ho namin kayo.Paalam!Siyempre

Mas makabubuti ba sa iyo ….

♦ Maaaring may nakita ka pang ibang mga salita o parirala nahindi kasama sa listahan. Talakayin ang mga ito sa iyongInstructional Manager para sa karagdagang “feedback.”

4. Hindi, dahil baka hindi marinig ng tao sa telepono ang sinasabi ngkanyang kausap.

5. Isulat ang lahat ng kailangang sabihin upang maiwasan angpagtawag muli at upang hindi sayang ang oras.

C. Aralin 2

Pag-aralan at Suriin Natin (pahina 27)

1. Hindi niya pinansin ang kawani na bumati sa kanya.

Naging bastos siya sa mga taong mga kliyente pala ng opisina.

2. Inirinekomeda ng boss na tanggalin si Billy dahil hindi karapat-dapat ang mga katulad niya sa kompanya.

3. Ito ang ibang bagay na magagawa upang maging masaya angiyong pananatili sa opisina.

Laging batiin ang iyong mga kasama sa opisina.Laging tulungan ang mga bisita sa anumang paraan.Laging tulungan ang mga ka-opisina kapag kailangan nila.Laging maging magalang sa mga bisita.

Page 41: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

41

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 33–34)

1. Ito ang ibang mga magalang na salitain na magagamit sa opisina.

a. Pambati: Hello! Magandang umaga/hapon

b. Pagpapaalam: Paalam. Magkita tayo bukas.

c. Pagtulong: Kailangan mo ba ng tulong?; Paano akomakakatulong?; Ako na ang magdadala niyan.

d. Paghingi ng paumanhin: Patawarin mo ako. Paumanhin, hindiko sinasadya.

2. Ito ang ibang ehemplo ng mga salitang magalang na maaaringalam mo na:

Kumusta ka na?

Kinakailangan mong (sabihin ang kailangang gawin…)

Sa ganitong paraan kami makakatulong sa iyo….

Natutuwa akong tumawag ka.

Salamat sa iyong pagtawag.

3. Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng respeto. Kapag ikaw aymabait at may respeto sa kanila, ganoon din ang gagawin nila saiyo.

D. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pp. 35–37)

A. 1. (a) Kapag tumatawag, laging ipakilala muna ang sarili .Kinakailangan ito upang malaman kaagad ng tumatawagkung sino ang kanyang kinakausap.

2. (b) Kapag mali ang iyong natawagan, dapat humingi ngpaumanhin sa iyong paggambala sa kanila.

3, (a) Kapag may tinatawagan, dapat gamitin ang titulo ngkinakausap. Isa itong pamamaraan ng pagrespeto sataong tinatawagan mo.

4. (d) Kapag nakatanggap ng tawag, dapat sagutin agad angtelepono at maging malugod, upang maging palagayang kausap.

5. (b) Dapat ipaalam sa kausap na nasa linya ka pa sapamamagitan ng mga salitang “Oo, naiintindihan ko,” o“Siyempre.”

Page 42: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

42

6. (c) Ang pagngiti ay magandang paraan upang maitaguyodang magandang relasyon sa iyong mga kasama. Angpagngiti ay magandang paraan upang maging palagayiyong mga kasama.

7. (a) Laging magpaalam sa iyong mga kasama sa opisinanang hindi nakakagambala. Madalas itong ginagamitupang magpakita ng pagkakaibigan at pagtataguyod ngmagandang relasyon.

8. (b) Dapat tumulong sa mga kasama sa opisina nanangangailangan.

B. Mahalagang gamitin ang mga tamang salita sa telepono upangmaging ang usapan para sa iyo at sa iyong kausap. Kapag hindiito ginagawa, nahihirapan ang mga taong makipag-usap satelepono dahil walang respeto. Ang paggamit ng mga tamangsalita at parirala sa telepono ay makakatulong upang maging lugodang sitwasyon para sa parehong tumatawag.

C. Mahalagang gamitin ang mga tamang salita at parirala kapagkausap ang mga kasama sa opisina dahil dapat mong sikapingmaging maaliwalas na lugar ang opisina. Maraming oras angginugugol mo sa iyong mga kasamahan sa opisina kaya dapatitaguyod magandang relasyon sa kanila.

♦ Mahalagang gamitin ang mga tamang salita at parirala kapagkausap ang mga bisita at kliyente. Ang mga kliyente aymahalaga sa kompanya. Dahil sa kliyente, nakakaipon ng kitaang kompanya. Dahil dito, kinakailangang maging mabait atmatulungin sa kanila.

Page 43: Tungkol Saan ang Modyul na Ito?alsguinayangan.weebly.com/uploads/2/1/8/9/21899132/1...gumamit ng mga nararapat na salita/parirala na madalas ginagamit sa opisina. 2 Anu-ano na ang

43

Mga Sanggunian

Philippine Long Distance Telephone Directory. Metro Manila TelephoneDirectory: Government/Business Listings, 1999.

Freedman, Nancy J. Telephone Skills From A to Z: The Telephone“Doctor” Phone Book. California: Crisp Publications, 1995.