9
Yunit III Aralin 6 Mga Instrumentong Rondalla, Banda, Pangkat Kawayan at Etniko I. Layunin: Nakikilala ang mga instrumentong bumubuo sa pangkat ng rondalla, banda, pangkat kawayan at instrumentong etniko sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin. II. Paksang-aralin A. Paksa Instrumentong Rondalla, Banda, Pangkat Kawayan at Istrumentong Etniko B. LunsarangAwit : “Oh Who Can Play” Josephine Chronie M. Obsenares C. Sangunian Umawit at Gumuhit 4 pp. 56-58, Umawit at Gumuhit 5 pp. 58-6, Umawit at Gumuhit 6 pp. 44-50 MU5TB-IIIf-3 D. Kagamitan: Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa mga tugtuging pang- instrumentong rondalla, banda, kawayan at etniko at sa mga manunugtog nito. F. Konsepto Ang rondalya ay kilala bilang tagasaliw sa mga katutubong sayaw at tugtugin. Ang banda ay isang mahalagang bahaging kultura ng Pilipino na tumutugtog tuwing may kasayahan at pagtitipon. Pangkat kawayan ay mga instumentong yari sa kawayan na karaniwang pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain

guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

  • Upload
    others

  • View
    66

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

Yunit III Aralin 6

Mga Instrumentong Rondalla, Banda, Pangkat Kawayan at Etniko

I. Layunin: Nakikilala ang mga instrumentong bumubuo sa pangkat ng rondalla, banda, pangkat kawayan at instrumentong etniko sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin.

II. Paksang-aralinA. Paksa Instrumentong Rondalla, Banda, Pangkat Kawayan

at Istrumentong EtnikoB. LunsarangAwit : “Oh Who Can Play” Josephine Chronie M.

ObsenaresC. Sangunian Umawit at Gumuhit 4 pp. 56-58, Umawit at Gumuhit

5 pp. 58-6, Umawit at Gumuhit 6 pp. 44-50MU5TB-IIIf-3

D. Kagamitan: Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit

E. Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa mga tugtuging pang-instrumentong rondalla, banda, kawayan at etniko at sa mga manunugtog nito.

F. Konsepto Ang rondalya ay kilala bilang tagasaliw sa mga katutubong sayaw at tugtugin. Ang banda ay isang mahalagang bahaging kultura ng Pilipino na tumutugtog tuwing may kasayahan at pagtitipon. Pangkat kawayan ay mga instumentong yari sa kawayan na karaniwang pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain 1. Pagsasanay

a. Rhythm-pakikinig

Pakinggan ang pagkakaiba ng tunog ng 4 na intrumento mula sa apat na pangkat

Rondalla - violin Pangkat kawayan - Palending

Banda - Drum Etniko - gong

Page 2: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

b. Tonal

Sanayin ang mga senyas kamay ni Kodaly

2. Balik-aralMagpakinig ng tunog o tinig. Suriin ang timbre ng tunog. Pumalakpak ng 1 beses

kung soprano, 2 beses kung alto, 3 beses kung tenor at 4 na beses kung bass.

B. Panlinangna Gawain

1. PagganyakIparinig ang awit na“Oh Who Can Play”Ituro ang awit sa pamamaraang rote.Awitin nang sabay-sabay ang “Oh Who Can Play”

Page 3: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

2. PaglalahadPangkatin ang klase sa apat at bigyan envelop ang bawat pangkat na naglalaman ng mga larawan ng mga instrumento. Ibahagi sa klase ang nabuong ideya mula sa mga larawan.

Pangkat 1 RondalyaPangkat 2 BandaPangkat 3 PangkatKawayanPangkat 4 InstrumentongEtniko

3. PagtalakayAno ang tawag sa mga instrument inulat ng unang pangkat?(Rondalya)Ano ang tawag sa mga instrument inulat ng ikalawang pangkat?(Banda)Ano ang tawag sa mga instrument inulat ng ikatlong pangkat?(Kawayan)Ano ang tawag sa mga instrument inulat ng ikaapat pangkat?(Rondalya)

Ang Rondalya ay kilala bilang tagasaliw sa mga katutubong sayaw at tugtugin. Sa rondalya ay makikita ang paggamit ng mga instrumentong de-kwerdas na karaniwa’y gawa rito sa atin.

Bandurya – ito ang pinakasopranong lipon at siyang karaniwang nagdadala ng melodiya at tugtugin.Laud – ito ang alto ng rondalya na sumusuporta sa melodiya sa mas mababang

antasOktabina – ito ang tenor ng grupo dahil sa mataginting na timbre nito.Bajo de Arko – ito ang nagtatatag ng saligang tunugan at ng ritmo ng tugtugin dahil sa makapal na timbre nito.Gitara – ito ang pansaliw sa melodiya sa pamamagitan ng pagtugtog na mga kaugnay na akorde at kadalasa’y may taglay na baho.

Ang Banda binubuong tatlong pangkat ng instrument:A. Perkusyon– pinatutunog sa pamamagitan ng paghahampas, pagpalo,

pagtapik, o pagtatamaTimpani – instumentong perkusyon na may tiyak na tonoTambol o drum – maari itong snare drum o karakatak, maliit na tambol na pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas ng dalawang patpat; tambol o bass drum, higit na malaki at malapad, pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo sa isa o dalawang pamalong may malambot na balat sa duloPompiyang o cymbals – dalawang malapad at manipis na istrumentong tanso na pinatutunog sa pamamagitan ng paghahampas ng mga ito sa isa’t-isa.

B. Brass o Tanso –yari sa tanso na animo’y tubo na palaki ang isang dulo sa tulad ng imbudo. Pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa mouth piece at pagpindot sa slides.

Page 4: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

Trumpeta - may pinakamataas na tono o soprano sa pangkat ng brass. Ito ay may tatlong piston napinipindot upang magkaroon ng iba’t-ibang tunog.French Horn– may mahabang tubo na inikot. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa mouth piece habang pinipindot ng kaliwang kamay ang piston at ang kanang kamay ay inilalagay sa butas na hugis imbudo.Trombone – instrumentong hawig ng trumpeta. Ito ay itinuturing na baho (bass) .Tuba – pinakamalaking instrumentong brass na dinadala nang nakapaikot sa katawan ng manunugtog.C. Kahoy na Hinihipan–instrumentong yari sa kahoy na may ihip ang yari sa

kawayan na tinatawag na reed. Ang mga butas ay binubuksan at sinasara sa pamamagitan ng mga pisada na itinutulak ng mga daliri.Plauta at Piccolo – may pinakamataas na tono sa pangkat ng mga instrumentong kahoy. Ang piccolo ay higit na maliit kaysa plauta.Oboe – nagtataglay ng dalawang pirasong kahoy o double reed sa dulo ng ihipan. Ito ay may payat na katawan at may kabigha-bighaning tunog.Clarinet –kahawig ng oboe subalit ang iisal amang ang reed nito.Bassoon – instrumentong woodwind na nasa tagiliran ang ihipan.

Ang Pangkat Kawayan – instumentong yari sa kawayan na karaniwang ginagamit ng mga katutubo noong unang panahon.

Kalaleng or Tongali– (nose flute) Ang kalaleng ay mahaba at may makitid na panloob. Ito ay tumutugtog ng iba’t-ibang mga harmonic sa pamamagitan ng over blowing kahit n amahinaa ng airflow mula sa nostril. Kaya maaari itong tugtugin ng dalawa at kalahating octave.Saggeypo – ito ay isang pipe na kawayan na sarado ang isang dulong isang node at may butas sa kabilang dulo. Ito’y maaaring tugtugon nang paisa-isa sa pamamagitan ng isang tao o sa ensemble ng tatlo o higit pa.Palendag – ito ay isang plawtang yari sa kawayan ng mga taga Maguindanao na ginagamit nila tuwing sila ay may pagtitipon.

Ang Intrumentong Etniko ay instrumentong ginagamit ng mga pamayanang kultura tulad ng mga kababayan natin sa Mountain Province at sa Mindanao. Ito ay nahahti sa apat na pangkat:

A. Intrumentong HinihipanPlauta –pinakaraniwang instrumentong hinihipanDiwdiw-as – popular saTingguian ng Abra, binubuo ng lima o higit pang manipis na kawayan na tinali ang magkakadikit.Pasiyak– tulad ng kuwako o pitong mahaba, ito ay pinatututog sap amamagitanng paglalagay ng tubig sa katawan. Tinatawag din itong water whistle.Tambuli– gawa sa sungay ng kalabaw, ginagamit ng mga Tagalog at mga taga-Mindanao

Page 5: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

B. Instrumentong KuwerdasanPas-ing– gitarang yari sa kawayan na mayroong dalawang kuwerdas, ginagamit ng Igorot at mga taga-ApayaoButting – gitara isang metro ang haba na ginawa sa pamamagitan ng naka-arko o busog na kawayan na may nakataling abaka bilang kuwerdas.Buktot– gitara ng mga Karaga sa Silangang Minadanao na ang mga kuwerdas ay may himaymay ng kawayanKudyapi– instrumentong kuwerdasan na hugis Bangka na inukit sa malambot na kahoy.

C. Instrumentong PinupukpokKalutang– dalawang pirasong kahoy na pinatutunog sa pamamagitan ng pagpukpok sa isa’t-isaGong – tinatawag din itong gansa, karamihang may malalim o mababaw na umbok sa bahaging gitnaGabbang– katutubong saylopon nagamit sa Sulu, yari sa kahoy na hubog parisukat na mahaba at may nakapatong na pitong sunu-sunod na pirasong kahoy na may iba’t-ibang haba at laki.

D. Instrumentong Pinapalo at Ginagamitan ng Balat ng Hayop o Lamad (membranes)Togo at Neguet– instrumentong pinapalo at ginagamitan ng mga balat ng hayop ay maihahalintulad sa tambol. Ito ay tambol ng Tiruray sa Cotabato.

4. PaglalahatIlarawan ang mga instumentong bumubuo sa rondalya, banda, kawayan at

etniko.(Ang Rondalya ay kilala bilang tagasaliw sa mga katutubong sayaw at

tugtugin. Sa rondalya ay makikita ang paggamit ng mga instrumentong de-kwerdas na karaniwa’y gawa rito sa atin. Ang banda ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino na tumutugtog tuwing may kasayahan at pagtitipon. Pangkat kawayan ay mga instumentong yari sa kawayan na karaniwang pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip. Ang Intrumentong Etniko ay instrumentong ginagamit ng mga pamayanang kultura tulad ng mga kababayan natin sa Mountain Province at sa Mindanao.)

Page 6: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

5. PaglalapatKilalanin ang mga instrumentong tinutukoy.

Pasiyak Timpani Gitara

Butting Bassoon

6. RepleksyonPaano mo mapapahalagahan ang mga insturmentong iyong natuklasan?

C. Pangwakas na GawainMagparinig ng mga tunog, ipasuri kung anong pangkat ang narinig na tunog.

Rondalya Banda Kawayan Etniko

IV. PagtatayaPakinggan ang tunog ng mga instrumentong iparinig ng guro. Kilalanin kung

anong instrument ito at ihanay sa pangkat na kinabibilangan ng mga ito.

Rondalya Banda Kawayan Etniko

Page 7: guroako.comguroako.com/wp-content/uploads/2017/05/Aralin-6-1.docx · Web view:Larawan ng iba’t-ibang instrumentong bumubuo sa bawat pangkat, CD Player, tsrat ng awit E. Pagpapahalaga

V. TakdangAralinGumupit ng mga larawan ng mga instrument. Idikit at pagsama-samahin ayon sa

pangkat.