12
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Pakinabang ng Kapaligiran sa Komunidad Zest for Progress Zeal of Partnership 2 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Z eal of P artnership Araling Panlipunan

  • Upload
    others

  • View
    24

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang

Pakinabang ng Kapaligiran sa Komunidad

Zest for Progress

Zeal of Partnership

2

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

2

Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na

makatutulong sa mag-aaral upang maunawaan ang mga

pakinabang na naibibigay ng kapaligiran sa komunidad.

Tatalakayin din ang pakinabang ng mga uri ng likas na yaman

bilang isang kapaligiran sa ating komunidad upang higit na

maunawaan ang kahalagahan nito.

Sa araling ito, inaasahang:

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sheila Faith R. Calunod

Jourly C. Ranque

Editor: Cyril C. Gomez

Tagasuri: Kremir A. Alicaway

Evelyn G. Mier

Tagaguhit: Vil Ryan A. Doliente

Tagalapat: Gina L. Ricaros

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

Page 3: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

3

Natatalakay ang mga pakinabang na naibibigay ng kapaligiran sa komunidad, AP2PSK-IIIa-1.

Balikan

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ito ang natural na nilikha ng Diyos na nagbibigay ng mga pangangailangan ng mga tao sa komunidad?

A. hanapbuhay C. kagandahan

B. kagamitan D. kapaligiran

2. Alin sa sumusunod ang produktong nakukuha mula sa

karagatan?

A. bakal B. palay C. perlas D. prutas

3. Ito ay mahalagang metal na ginagamit na sangkap sa paggawa

ng mga alahas?

A. bakal B. kahoy C. ginto D. uling

4. May malaking lupain si Mang Asheljay sa kapatagan. Ano ang

maaaring pakinabang ng kanyang lupain para kumita?

A. gawing tambakan ng basura C. patayuan ng iskwater

B. lagyan ng mga palaruan D. taniman ng gulay

5. Ang mga sumusunod ay mga papel na ginagampanan ng

kapaligiran sa komunidad. Maliban sa isa. Alin dito?

A. Ang kapaligiran ay pangunahing pinagkukunan ng

pangunahing pangangailangan ng bawat mag-anak

B. Ang kapaligiran ay isang likas na yaman na naging isang

paunang kinakailangan para sa pag-unlad ng komunidad

C. Ang kapaligiran ay pinagkukunan ng kabuhayan

D. Ang kapaligiran ay para tingnan lamang.

Page 4: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

4

Tuklasin Makikita ang mga pakinabang na naibibigay ng likas na

yaman bilang isang kapaligiran sa ating komunidad.

Basahin ang tula.

Aralin

1 Ang Pakinabang ng Kapaligiran sa Komunidad

Kapaligiran Ko, Pinakinabangan Ko

Likas na yaman, ginagamit sa kabuhayan,

Pinagkukunan ng ating mga pangangailangan,

Magagamit sa pag-unlad ng bawat mamamayan.

Mayaman ang Rehiyon IX o Zamboanga Peninsula,

Niyog at buko ang pangunahing produkto nila,

Mais, gulay, kape at kamote na kahali-halina,

Pagkaing dagat, tulad ng sardinas, dilis at tuna,

Ang chromite din ang yamang mineral ng industriya.

Ang asul na dagat, nakakaakit ng mga turista,

Negosyo ang dala-dala nila,

Yamang lupa, gubat, tubig at mineral ay tunay na biyaya.

Yamang lupa’y sagana,

Hilaw na materyales dito nagmula,

Gulay, prutas, puno at iba pa,

Pangangailangan sustentado kung baga.

Yamang gubat kay ganda,

Sariwang hangin dito natatamasa,

Mula sa magbukang liwayway,

hanggang sa pagbaba ng araw,

Kaaya-ayang tanawin bigay ni Ama.

Page 5: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

5

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano-ano ang mga likas na yaman sa ating komunidad?

2. Ano- anong mga likas na yaman ang nabanggit sa tula?

3. Ano-ano ang mga pangunahing produkto ng Rehiyon IX?

4. Ano-ano ang mga pakinabang na naibibigay ng

kapaligiran sa komunidad?

Suriin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon, lagyan ng ang

patlang kung itoy nagpapakita ng pakinabang na galing sa

Yamang lupa, naman kung Yamang tubig, kung Yamang

Mineral, at kung Yamang Gubat.

_____1. Ito ang pinagkukunan ng kabuhayan tulad ng pagtatanim ng palay, mais at abaka. _____2. Pagmimina ng mga ginto, tanso, at mahahalagang bato

para sa pakikipagkalakalan.

Yamang tubig kay daming gamit na dala,

Sa kabahayan, pagsasaka at pangingisda,

Lahat ay maibubulalas “tubig”

Kay sarap magtampisaw sa tubig na sariwa,

Mga isdang naglalakihan at masigla.

Yamang mineral nga’y hindi napapalitan,

Ngunit ito ay nag-iwan ng ala-ala,

Nakatulong sa kabuhayan,

Kailan may hindi malilimutan.

Panulat ni: Sheila Faith R. Calunod

Page 6: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

6

_____3. Pagdadaing, ruta ng transportasyon, irigasyon sa mga sakahan at pangisdaan.

_____4. Ginagawang papel , troso, tissue paper, table, at kahoy para gawing muwebles. _____5. Dahilan ng turismo dahil sa Natural Resources tulad ng Dakak sa Dapitan City.

Pagyamanin

Nag-uusap si Yamang Lupa, Yamang Gubat, Yamang Mineral

at si Yamang Tubig kung sino ba sa kanila ang mas maraming

naiibigay na pakinabang bilang isang kapaligiran sa isang

komunidad.

Yamang Lupa Siyempre naman. Bilang isang yamang lupa mayroon akong pitong anyo tulad ng: pulo, bundok, bulkan, burol, talampas, lambak at kapatagan.Dito sa akin nabubuhay ang karamihan sa mga tanim sa mundo tulad ng mga kahoy, palay, mais, niyog, gulay at iba pa. Dito rin sa akin makukuha ang mga minerales tulad ng ginto, pilak, carbon at iba pa.

Yamang Tubig Ako naman, bilang yamang tubig may walo akong anyo tulad ng: karagatan, dagat, look, ilog, sapa, lawa, bukal at talon. Dito sa akin makukuha ang ibat-ibang uri ng mga isda, hipon, alimango, kabibe, halamang dagat at iba pang hayop na nabubuhay sa katubigan. Ibibinibinta nila ito upang pagkakakitaan at nagiging pagkain ito sa mga tao sa isang komunidad.

Yamang Tubig May pakinabang ba kayo na naibigay sa isang komunidad?

Page 7: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

7

Yamang Lupa Ah sige, talo ako

niyan ‘di hamak na

mas marami ka

palang anyo kaysa

sa akin.

Ngayon dumako na

naman tayo sa kung

ano ang pakinabang

natin bilang isang

kapaligiran sa isang

komunidad.

Yamang Lupa Ako rin naging

pinagkukunan ng

pangkabuhayan ang mga

yaman na napapaloob sa

akin. Ako’y isinasaka ng mga

magsasaka at tinataniman

ng mga mais, palay, prutas

at iba pa. Dito rin

nabubuhay ang mga hayop

na inaalagaan ng mga tao.

Nagiging pinagkukunan ng

pagkain ang mga ito ng mga

tao sa isang kumunidad.

Dito rin sa akin galing ang

mga kahoy na ginagawang

bahay at mga gusali.

Mayroon ring mga mineral

na makukuha sa akin at ito’y

naging pagkakitaan ng mga

tao sa isang komunidad.

Yamang Mineral May pakinabang rin ako

dahil binigyan ko ng mga

minerals ang mga tao

tulad ng mga ginto, tanso,

pilak, panggatong at mga

metal. Kaya nakagawa ng

mga bahay, gusali, tulay

at kalsada ang

komunidad. Galing rin sa

akin ang mga minerales

na ginawang mga linya ng

kuryente at mga parte ng

mga sasakyan. Ang mga

telepono, kompyuter at

mga gamit sa

komunikasyon ay galing

rin sa akin.

Yamang Gubat Ako, binigyan ko ng malinis na hangin ang mga tao na galing sa iba’t ibang uri ng punong kahoy at mga tanim. Pinipigilan ko ang baha gamit ang mga ugat ng mga punongkahoy. Sinisipsip nila ang tubig ulan upang mabawasan ang tubig na dumadaloy sa ibaba na sanhi ng baha. Nakagawa rin ng mga gusali at bahay ang mga tao mula sa aking mga troso.

Page 8: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

8

Buuin Mo.

Panuto: Ano ang mga pakinabang ng kapaligiran sa ating komunidad

na nabanggit sa komik istrip? Gamit ang graphic organizer, Isulat sa mga bilog ang inyong mga sagot bilang bahagi ng cluster map para mabuo ito.

Pakinabang ng

Kapaligiran sa Komunidad

Gawain

A. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay ilan sa pakinabang ng komunidad sa kapaligiran at ekis (x) kung hindi. ______1.Pagdami ng turista dahil sa dami ng magagandang tanawin sa bansa.

______2. Iba’t ibang yamang dagat na naiaangkat na nakadaragdag sa kita ng bansa. ______3. Mga basurang nagdudulot ng sakit sa tao. ______4. Iba’t ibang mineral tulad ng tanso, ginto, at pilak na

maaaring maibenta sa malaking halaga. ______5. Mga enerhiyang galing sa likas na yaman na makatutulong upang hindi na umangkat pa ng krudo sa ibang bansa.

Page 9: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

9

Isaisip

Piliin sa loob ng ulap ang mga salitang angkop sa bawat pahayag .Isulat sa patlang ang tamang sagot.

kapaligiran pag-unlad ekonomiya

pangangailangan kabuhayan

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng saganang likas na yamang tubig, lupa, gubat at mineral at may pakinabang bilang isang ____(1)_____ sa isang komunidad. Nakakatulong ito sa ______(2)_________ ng pamumuhay at katatagan ng ating _______ (3)______. Karamihan sa mga mamamayan ay karaniwang umaasa rito upang matugunan ang kanilang ______(4)________para

mabuhay. Kaya ang kapaligiran ay may pakinabang din sa pag-angat ng antas ng ______(5)_______ at kalakalan ng bansa.

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Dahil sa malawak na gulayan ni Aling Jocelyn, natustusan niya ang pang araw-araw nilang pangangailangan ng pamilya.Anong uri ng pamumuhay mayroon siya?

A. pagmimina B. pagsasaka C. pagtotroso D. pangingisda 2. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na makukuha sa yamang tubig, maliban sa isa.

A. irigasyon sa sakahan C. ruta ng transportasyon B. pinagkukunan ng isda D. taniman ng crops

3. Ano ang pinakamahalagang ambag ng kapaligiran sa ating komunidad?

A. Ang hanapbuhay para matugunan ang pangangailangan B. Ang aesthetic na halaga ng kapaligiran ay inspirasyon para

sa isang kapaki-pakinabang na epekto sa kanilang kalagayan C. Para sa pag-unlad ng antas ng ekonomiya at kalakalan D. Lahat ng nabanggit

Page 10: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

10

4. Bakit tinatawag ang kapaligiran na gintong yaman ng ating komunidad?

A. dahil ito ay may biyayang dala at kabuhayan ay

binibigyang kulay B. dahil ito ay pinsala sa ating bayan C. dahil ito ay pundasyon sa Agham at Teknolohiya D. dahil ito ay artipisyal na nilikha ng Maykapal.

5. Anong produkto o kalakal ang makukuha sa mga lugar na

malapit a baybaying dagat? A. hipon, mani, at saging C. palay, abaka, at mais B. manok, baboy, at kalabaw D. perlas, isda, at alimasag

Karagdagang Gawain

Gumupit ng mga larawan sa dyaryo na nagpapakita ng pakinabang ng kapaligiran sa ating komunidad. Idikit ito sa isang malinis na papel.

Rubriks: Pamantayan

Pinakamahusay

5

Mahusay 4

Maayos 3

Pagbutihin 2

Konsepto

Labis na mahusay itong

naipapakita ang mensahe.

Mahusay itong

naipapakita ang mensahe.

Maayos na

naipapakita ang mensahe.

Walang konsepto ang

idinikit na larawan

Pagka-

malikhain

Lubusang

nagpamalas ng pagiging

malikhain sa pagpili sa

pagdikit ng larawan

Naging

mahusay ang

pagiging malikhain

sa pagdikit ng larawan

Hindi

gaanong naging

malikhain sa

pagdikit ng larawan

Walang

ipinamalas na

pagkamalikhain sa

paghahanda

Page 11: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

11

Gawain

1./ 3.X 5. /

2./ 4./

Organisasyon

Buo ang kaisipan,konsistent ,at

kumpleto ang detalye sa

paksang pinag- aralan

May kaisahan at may sapat

na detalye at malinaw

ang intensyon

sa paksang pinag-aralan

May kaisahan ngunit

kulang sa detalye at

hindi gaanong

malinaw ang paksa

Hindi ganap ang pagkabuo,

kulang ang detalye at di

malinaw ang intensyon

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

1. https:ww.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-ii-davao-region 2. Aguilar, Djhoane C. , Sagsagat, Agnes A., Carcallas ,Geraldine B. , Borgonia, Joan,et

al.,Araling Panlipunan 2,Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines:Vibal Publishing House,Inc.2013

3. Aguilar, Djhoane C. , Sagsagat, Agnes A., Carcallas ,Geraldine B. , Borgonia, Joan,et

al.,Araling Panlipunan 2, Patnubay ng Guro Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines:

4. Mier, Annabelle F., Araling Panlipunan 3,Unang Markahan-Modyul8 Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon. Davao City Philippines:

Balikan:

1.D 2.C 3.C 4.D 5.D

Pagyamanin:

Buuin Mo (Magkakaiba

ang mga sagot)

Isaisip:

1.kapaligiran 2.pag-unlad 3.kabuhayan 4.pangangailangan 5.ekonomiya

Suriin:

1. 2. 3. 4.

5.

Tayahin:

1. B 2. D 3. D 4. A 5. D

Page 12: Z eal of P artnership Araling Panlipunan

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.