16
~ 1 ~ Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 3: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

  • Upload
    others

  • View
    202

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

~ 1 ~

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 3:

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Zest for Progress

Zeal of Partnership

8

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vicenta P. Pocot

Catherine C. Labajo

Editor: Earl B. Neri

Tagasuri: Earl B. Neri

Al R. Pastor

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Jose B. Talinguez Jr.

Tagalapat: Raul E. Ebon

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS- LRMDS

Alma L.Carbonilla, EdD EPS - Araling Panlipunan

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

3

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng

Kolonyalismo

Layunin:

1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

2. Naisa-isa ang epekto ng panggagalugad sa unang yugto ng kolonyalismo.

3. Naipapahayag ang kahalagahan sa panggagalugad sa unang yugto ng

kolonyalismo.

Balikan

Panuto: Kilalanin ang sumusunod at isulat sa iyong sagutang papel ang tamang

sagot.

___________1. Anong bansa ang nangunguna sa paglalayag.

___________2. Sino ang hari ng Spain nang ilunsad ang ekspedisyon ni Christopher

Columbus.

___________3. Isang kautusan na naglalaman ng paghati ng mga lupain na

tutuklasin ng Spain at Portugal.

___________4. Ito ay ginagamit na pampreserba ng mga karne.

___________5. Siya ay kilala sa katawagang “The Navigator”.

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

4

Tuklasin

Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o

paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang

eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang

makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing

na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng

kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan

at karangalan.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan

Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang

Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain.Nilakbay ng kanyang

ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang

silangang baybayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan. Nilakbay

din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon,

pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. Sa

haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga miyembro, gayon din ng

taggutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking

kayamanang ginto at mga pampalasa. Naging matagumpay din sila sa kumbersyon

sa Katolisismo ng mga katutubo. Sa pangkalahatan, nagpatunay ang ekspedisyon

na maaaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa pinanggalingan. Pinatunayan

ito nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan

ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang circumnavigation

o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang

mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan at lalong

nakilala ang mga yaman nito.

Aralin 3

Unang Yugto ng

Imperyalismong Kanluranin

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

5

Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? Ang mga Dutch

Sa pagpasok ng ika-17 siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese

bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa

Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain

ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay

sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Español sa Pilipinas.

Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan

ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakbay para sa mga

mangangalakal na Dutch.

Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New

Netherland. Noong 1624, isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang

itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang

New York City. Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas

nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch

East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang

mga daungan nito ang nagbigay ng proteksiyon sa monopolyo ng mga Dutch sa

paminta at iba pang rekado.

Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa pamamagitan ng

mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t nang

ika-17 siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch at ito’y

pinalitan ng Inglatera bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng

Europe.

Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing

Bansang kolonyal sa Asya?

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

6

Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain

Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at

paglalayag noong ika15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy

sa kalakalan na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng

kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal,

France, Flanders, Netherlands at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit

na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmula sa Asia. Sa North America,

kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses;sa Indonesia, mga

pampalasa at sa Kanlurang Indies, indigo.

Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping

ginto at pilak na galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng

pagtatatag ng mga bangko.Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal,

kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping

papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal. Ang salapi ring

ito ang nagbigaydaan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan

mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o

interes.

Sa Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi.

Nasisiyahan na sila kung sapat ang kanilang kita sa kanilang pangangailangan.

Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi

nila ito itinago. Bagkus, ginamit nilang puhunan para higit na lumago ang

kanilang salapi.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon.

1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuges ang

nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang

nagpalakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran.

2. Nakapukaw rin ng interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ang mga eksplorasyon.

3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon.

4. Nagdulot ng maraming suliranin ang kolonisasyon sa mga bansang sakop

tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansang ito.

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

7

5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa

pagpapalitan ng hayop halaman, sakit sa pagitan ng Old World at New World.

Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang

paglalayagat pagtuklas ng mga lupain?

Suriin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel.

1.Ano ang mahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan?

__________________________________________________________________________________ _______________________________________________________.

2.Ano ang kahalagahan ng pagtuklas ng mga bagong lupain?

__________________________________________________________________________________ _______________________________________________________.

3.Isa-isahin ang mahalagang epekto ng eksplorasyon sa kasalukuyang panahon?

__________________________________________________________________________________ ________________________________________________________.

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

8

Pagyamanin

Gawain 1: Tahakin ang Nakaraan!

Tukuyin ang tamang sagot ng bawat pahayag at isulat sa sagutang papel.

_______________1. Pinamunuan niya ang barkong Victoria pabalik sa Spain.

_______________2. Ang bagong pangalan ng trade outpost na itinatag ni Henry

Hudson sa North America.

_______________3. Saang bahagi ng mundo nagmula ang mga produktong asukal at

molasses?

_______________4. Isang sistema kung saan namumuhunan ng kanyang salapi ang

isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.

_______________5. Isang lugar na kilala bilang pulo ng pampalasa, ang inagaw ng

mga Dutch mula sa mga Portuges.

_______________6. Ang bansang nagbigay ng malaking pondo para sapaglalakbay ni

Ferdinand Magellan .

_______________7. Sa anong taon nag-umpisa ang paglalakbay ni Ferdinand

Magellan patungong Silangan.

_______________8. Ang tawag sa mga mananakop na Espanyol.

_______________9. Ano ang napatunayan sa ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?

_______________10. Isang manlalayag na Ingles na nagtatag ng trade outpost sa New

Amsterdam.

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

9

Anu-ano ang mga bansang

sumali sa panggagalug

ad?

2

4

3

1

Gawain 2: Tukuyin!

Panuto: Isulat sa bilog ang mga bansa na sumali sa panggagalugad sa unang

yugto ng kolonyalismo. Isulat sa iyong sagutang papel.

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

10

Gawain 3: Alamin ang epekto at kahalagahan ng Panggagalugad o

Eksplorasyon.Isulat sa iyong sagutang papel ang mga kasagutan.

Eksplorasyon/Panggagalugad

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

11

Isaisip

Gawain 1: Pagsulat ng Repleksiyon

Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon

sa paksa.

RUBRIKs sa Pagmamarka ng Flow Chart

Pamantayan Diskripsiyon Puntos

Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga

pangyayari

10

Kalinisan Malinaw at malinis ang gawain 5

Kabuuan 15

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang

tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang lugar na ito ay kilala sa pangalang “Bagong daigdig”, sa Kalaunan ito’y

pinalitan ni Amerigo Vespucci na isinusunod sa kanyang pangalan.

A. Africa C. France B. America D. Brazil

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng paggalugad ng mga bansang Spain at Portugal sa mga bansa sa Silangan?

A. Makatuklas ng bagong teknolohiya sa paglalakbay

B. Matuklasan ang lupain ng pampalasa C. Pagnanais na maikalat ang Kristiyanismo

D. Pangangailangan sa mga produktong Asyano.

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

12

3. Ano ang mga naging epekto ng unang yugto ng imperyalismo o kolonisasyon

samga bansang nasakop ng makapangyarihang bansa?

A. Paghina ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. B. Tuluyang pagbagsak ng Constantinople dahil humina ang kalakalan

nito. C. Pagkawala ng kasarinlan, paninikil ng mga manankop, at ang

pagsasamantala sa mga likas na yaman ng mga bansang sinakop. D. Naging limitado ang palitan ng produkto, teknolohiya, mga ideya at

maging mga sakit.

4. Bakit tinaguriang biyaya ng Portugal ang paglalakbay ni Bartolomeo Diaz?

A. Nagpatunay na may daan patungo sa Silangan. B. Nakabuo ang Portugal ng mahalagang kalakalan sa Africa

C. Nakilala ang kapangyarihan ng Portugal sa buong mundo.

D. Naging hudyat ng pagsisimula ng eksplorasyon.

5. Siya ay isang English na manlalayag na nagtatag ng trade outpost sa New Amsterdam.

A. Bartlomeu Dias C. Henry Hudson

B. Amerigo Vespucci D. Christopher Columbus

6. Ano ang tawag sa linya na ginuhit ng Papa na siyang nagtatakda sa mga

lupain at katubigan sa sasakupin ng Spain at Portugal?

A. Line of Ownership C. Line of Demarcation B. Line of Limitation D. Line of Demilitarizone

7.Alin sa mga barko ni Magellan ang nakapagpatunay na ang mundo ay bilog?

A. Concepcion C. San Antonio B. Victoria D. Trinidad

8. Isang Portuges na manlalayag na naglakbay patungong Silangan gamit ang rutang pakanluran.

A. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus

B. Amerigo Vespucci D. Prinsipe Henry

9. Kailan nakabalik sa Spain ang ekspedisyon ni Magellan?

A. September 5, 1520 C. Sepetember 7, 1521

B. September 6, 1521 D. September 6, 1522

10. Ang sumusunod ay itinuturing na motibo ng Kolonyalismo maliban sa isa. A. Paghahanap ng Kayamanan

B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo C. Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan

D. Pagsakop sa mga lugar na gagalugarin.

Page 13: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

13

Karagdagang Gawain

Gawain: Maglakbay tayo!

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong balikan ang nakaraan, sa panahon ng

unang yugto ng imperyalismo, Anong lugar o bansa ang iyong puntahan? Bakit?

Isulat ang iyong sagot sa sagutan papel.

Page 14: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

14

Suriin.

Pagyamanin

Susi ng Pagwawasto

Gawain 3

Epekto Kahalagahan

Tayahin

Balikan

Page 15: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

15

Sanggunian:

Kasaysayan ng Daigdig_Araling Panlipunan_Modyul para sa Mag-aaral,

Unang Edisyon, 2014, pp326 to 338

Kasysayan ng Daigdig_ Kayamanan, Binagong Edisyon 2017, pp.230 to 240

Project EASE Modyul 14, Araling Panlipunan III

Project EASE Modyul 15, Araling Panlipunan III

Page 16: Z P Araling Panlipunan · 2021. 3. 16. · Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo Layunin: 1. Nailalarawan ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.