Transcript
Page 1: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l

B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

2Basic Literacy Learning Material

Page 2: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

Yamang-tubig: Ingatan at Pagyamanin

Karapatang-Ari 2013

Bureau of Alternative Learning System

DEPARTMENT OF EDUCATION

Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang

bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa

organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Bureau of Alternative Learning System

Department of Education

3/F Mabini Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189

Page 3: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN
Page 4: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

i

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang tatlong-kapat o ¾ ng mundo ay binubuo ng tubig. Ito ay isa sa mga likas na

yaman na napakahalaga sa mga tao, hayop at halaman. Ito ay gamit ng tao sa araw-

araw na pamumuhay. Ito rin ay nagsisilbing tahanan ng mga isda at iba pang mga lamang-

dagat.

Naiisip mo ba ang maaaring mangyari kung walang tubig? Ano kaya ang mangyayari

sa atin, sa mga hayop at pananim?

Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pakinabang na nakukuha sa yamang-

tubig maging ito ay sa ilog, lawa at dagat. Subalit ang paggamit nito ay may kaugnay na

tungkulin na ito’y pangalagaan at panatilihing kapaki-pakinabang.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1 - Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang

Aralin 2 - Polusyon . . . Pigilin, Sigla’y Pabalikin!

Page 5: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

ii

Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo na ang sumusunod:

• naipahahayag nang maikli subalit malaman, kumpleto at orihinal ang mga

mensahe tungkol sa isang palathala ukol sa pangangalaga sa yamang-

tubig;

• naisasagawa ang mga gawaing nakatutulong sa pangangalaga sa yamang-

tubig; at

• natutukoy ang mga pakinabang na nakukuha sa mga yamang-tubig.

Page 6: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

iii

Ano-ano na ang alam mo?

Bilang paghahanda sa araling ito, subukin mong sagutin ang sumusunod. Piliin ang

sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel.

tubig isda dinamita kemikal

dalampasigan kanlungan populasyon

1. May malawak na baybayin at pansariling ____________ang Pilipinas.

2. Ang yamang-tubig ng Pilipinas ay binubuo ng mga __________, koral,halamang dagat at iba pang pagkaing-dagat.

3. Sa paglaki ng __________, naaabuso ang ating likas na yaman.

4. Nadadala sa _____________ ang mga basurang itinapon sa dagat.

5. Ang paggamit ng ____________ sa panghuhuli ng isda ay nakasisira ng koralat iba pang yamang-dagat.

6. Ipinagbabawal sa mga mangingisda ang paggamit ng ____________.

7. Ang mga gulong ng sasakyan ay ginagawang ____________ ng mga isda.

Page 7: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

iv

Kung lahat ng sagot mo ay tama, magaling! Maaari mong basahin ang modyul

upang magbalik-aral. Kung mayroon kang mga mali, ang modyul na ito ay para sa iyo.

Kung pag-aaralan mong mabuti ito, madaragdagan pa ang iyong kaalaman!

Tutulungan ka ng iyong tagapatnubay na maunawaan ang mahahalagang kaisipan

na magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay. Handa ka na ba?

Page 8: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

1

Aralin 1

Bigay na Yaman, Maraming Pakinabang

Ang tubig ay isang likas na yaman na marami ang pakinabang. Pinagkukunan natin

ito ng pagkain at iba pang mga produktong ginagamit.

Sa araling ito, malalaman mo na marami tayong pakinabang na nakukuha sa mga

yamang-tubig.

Pagkatapos mong basahin ang araling ito, inaasahan na magagawa mo na ang

sumusunod:

• naisusulat nang tama at maayos ang mga payak na salita na naglalarawan

ayon sa nakita; at

• natutukoy ang mga yamang-tubig na napakikinabangan ng tao.

Page 9: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

2

Pag-usapan Natin

Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig, kaya tayo ay sagana sa sariwang isda at yamang-

dagat. Subalit sa paglaki ng populasyon at patuloy na pag-unlad ng industriya at kalakalan,

hindi maiwasan na ang ating yamang-tubig ay maabuso.

Kausapin mo ang mga nakatatanda sa inyong baranggay. Itanong mo kung ano

ang pagkakaiba ng yamang-tubig sa inyong pamayanan noon at ngayon. Isulat ang

wastong salita na naglalarawan sa kanilang mga obserbasyon.

Mga Obserbasyon sa Pamayanan

Noon Ngayon

May pagkakaiba ba? Kung mayroon, ituloy mo ang pagbasa ng araling ito upang

lalo mong mapahalagahan ang ating yamang-tubig.

Page 10: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

3

Alamin Natin

Habitat ang tawag sa tirahan ng mga hayop.

Sa ilog at lawa nakatira ang mga Sa karagatan naman nakatira ang mga

buwaya, palaka, ahas at isda. pugita at iba pang isda, tulad ng pating,

balyena at tuna. Dito rin matatagpuan

ang mga lamang-dagat tulad

ng kabibe at halamang-dagat.

Page 11: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

4

Makapagbibigay ka ba ng iba pang mga halimbawa ng mga nakatira sa tubig?

Tinatawag natin itong mga yamang-tubig dahil ito ang nagbibigay sa atin ng pagkain

at iba’t ibang bagay para sa pangangalakal.

Page 12: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

5

Pag-usapan Natin

Malaki ang pakinabang natin sa mga hayop at lamang-dagat. Ito ay nakatutulong

sa tao sa maraming paraan. Napagkukunan ang mga ito ng iba’t ibang uri ng pagkain at

iba’t ibang klase ng produkto na maaaring ipagbili.

Ang mga isda, seaweeds o halamang Ang pinatuyong balat ng buwaya

dagat, tahong at hipon ay nagsisilbing at ahas ay ginagawa namang bag,

pagkain upang tayo ay maging sapatos, pitaka at jacket.

malusog at malakas.

Page 13: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

6

Ang pating at balyena ay pinagku- Ang mga perlas na nakukuha sa kabibe

kunan natin ng mahahalagang ay ginagawang hikaw at iba pang uri

sangkap sa paggawa ng gamot, ng mga alahas. Ang mga kabibe naman

bitamina, at sabon. Nakatutulong ay ginagawang kagamitan sa bahay,

ang mga ito sa pangangalaga katulad ng “lampshade”

ng kalusugan ng tao. at “picture frame.”

Page 14: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

7

Subukin Natin

Natutukoy mo na ba kung saan nanggaling ang ilan sa pinakikinabangan mong

bagay sa araw-araw?

Isulat sa sagutang papel ang salita sa Hanay B na tumutukoy sa yamang-tubig na

pinanggagalingan ng mga produkto na nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. kuwadro - tahong kabibe pusit

2. dekorasyon - pating buwaya sigay

3. kuwintas - koral isda sardinas

4. bag - buwaya kangkong kalamansi

5. liver oil - gata pating niyog

Page 15: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

8

Aralin 2

Polusyon . . . Pigilin, Sigla’y Pabalikin!

Sa paglaki ng populasyon at pagdami ng sari-saring industriya sa bansa, hindi maiwasan

na magkaroon ng polusyon. Nagiging dahilan ito ng unti-unting pagkaubos ng mga

yamang-tubig.

Ano kaya ang mangyayari sa tao kung tuluyan nang mapabayaan ang yamang-

tubig? Maaari pa bang mapigilan ang polusyon sa tubig?

Marahil sa ngayon ay napakikinabangan mo pa ang mga yamang-tubig. Ngunit sa

paglipas ng panahon, baka wala nang makitang yamang-tubig ang susunod na

henerasyon.

Basahin ang araling ito upang malaman mo ang sanhi ng polusyon sa yamang-tubig

at ano ang maaaring gawin upang mapigil ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, maisasagawa mo na ang

sumusunod:

• nailalarawan ang mga gawain ng tao na nakapipinsala sa likas na yamang-

tubig; at

• naipakikita ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa mga likas na yamang-

tubig.

Page 16: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

9

Alamin Natin

Mga Sanhi ng Polusyon sa Tubig

Pagtatapon ng mga basura sa ilog

Pagtagas ng langis (oil

spill) mula sa mga

bapor

Pagdaloy ng

maruming tubig

sa estero at ilog

buhat sa pabrika

Paglalaba sa ilog

Page 17: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

10

Pagtatapon ng mga basura sa dagat Pagdaloy ng dumi ng mga

alagang hayop gaya ng baboy.

Page 18: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

11

Subukin Natin

May mga gawaing maaaring nakatutulong o nakasisira sa ating yamang-tubig. Lagyan

ng tsek (☺☺☺☺☺ü) ang nakangiting mukha kung nakatutulong at ekis ang nakasimangot na

mukha (LLLLLû) kung nakasisira sa yamang-tubig.

☺☺☺☺☺ LLLLL 1. Itinapon ni Berto ang styropor at lalagyang plastik sa tabi ng ilog.

☺☺☺☺☺ LLLLL 2. Pinuputol ni Mang Narding ang mga bakawan upang

gawing panggatong.

☺☺☺☺☺ LLLLL 3. Ang Department of Environment and Natural Resources o DENR

ay naglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang maging

tirahan ng mga isda.

☺☺☺☺☺ LLLLL 4. Ibinalik ni Mang Rene sa dagat ang nahuling maliliit na isda.

☺☺☺☺☺ LLLLL 5. Gumagamit si Edmun ng dinamita para makahuli ng maraming isda.

☺☺☺☺☺ LLLLL 6. Naglagay ng palutang at harang ang may-ari ng cargo ship

upang hindi kumalat ang langis na tumatagas sa dagat.

☺☺☺☺☺ LLLLL 7. Ang muro-ami ay isang paraan ng pagkuha ng mga koral sa

ilalim ng dagat upang ibenta sa mangangalakal.

☺☺☺☺☺ LLLLL 8. Ang ilog ay ginagawang palikuran ng ibang mamamayan.

Page 19: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

12

Gawin Natin

Upang mapahalagahan ang tubig at mga nakatira rito, gumawa ng sariling pag-

aaral.

Mga kailangan:

1. dalawang malaking 2. dalawang 3. tinunaw na

malinaw na garapon maliliit na isda sabong panlaba

Pamamaraan:

1. Lagyan ng tubig ang bawat 2. Lagyan ng marka ng A ang isang

garapon. garapon at B ang isa pa.

Page 20: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

13

3. Lagyan ng tig-isang isda angbawat garapon.

4. Lagyan ang garapon B ng tinunaw na sabong panlaba.

5. Pagmasdan kung ano ang mangyayari sa isda sa garapon A at B pagkalipas

ng isang araw.

Sagutin:

1. Ano na ang kalagayan o kondisyon ng mga isda sa garapon A at B?

2. Ano sa palagay mo ang dahilan ng magkaibang kondisyon ng mga isda?

Page 21: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

14

Pag-usapan Natin

Bilang mamamayan, tungkulin nating pangalagaan ang yamang-tubig. Maraming

paraan upang maisagawa ito kahit sa maliit na paraan.

Basahin nang patula ang sumusunod: Alamin ang mensaheng ibinibigay nito.

Ang tubig na pinaglabahan, Siguraduhing gripo ay isara,

itabi muna at gamitin sa palikuran. kapag paggamit sa tubig ay tapos na.

Page 22: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

15

Ang dram na may tubig-ulan, Basong may tubig na iyong ininuman,

bakit di gamitin sa paglilinis ng tahanan? takpan, itabi, at saka balikan.

Sa paghuhugas ng pinagkainan, May butas o tagas na tubo

gumamit ng planggana upang tubig ng tubig sa daan,

ay di maaksaya. kaagad itawag sa kinauukulan.

Page 23: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

16

Basurang natitipon sa bahay, Pag may nakita kang di kanais-nais,

Huwag itapon kung saan-saan Na ginagawa sa ating yamang-tubig

Kunin at linisin pwede pang pakinabangan Huwag mag-atubili, magsumbong sa pulis

Ilagay ang di na pwede sa tamang tapunan. Upang mga isda’y di maghinagpis.

Kaakit-akit man perlas, kabibe, at koral, Ang kumita ng pera sa tao’y mahalaga,

Huwag mo nang pagbalakang Basta’t walang inaabuso o sinasamantala

dagitin sa karagatan Yamang iyong kinuha dapat na may kapalit

Susunod na henerasyon, Upang hindi maubos

wala nang masisilayan. isdang maliliit, sa tubig ibalik.

Page 24: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

17

Subukin Natin

Piliin ang larawan sa Hanay B na maaaring maging solusyon sa problema sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

Mga Sanhi ng Polusyon Mga Solusyon sa Polusyon

Pagtatapon ng Pagsasaayos ng tubo

basura sa ilog ng tubig

Paggamit ng mga Pagbubukod-bukod

pestisidyo at kemikal, ng mga pakikinabangan

na nakapipinsala at di pakikinabangang

sa tubig basura at paglalagay sa

tamang lalagyan

Natapon na krudo Paggamit ng kemikal

(oil spill) sa karagatan na aprubado ng DENR

Tumatagas na Paglalagay ng harang

tubo ng tubig na palutang sa paligid

ng natapong petrolyo

Page 25: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

18

Tandaan Natin

1. Ang Pilipinas ay napaliligiran ng tubig.

2. Ang tirahan ng mga isda ay ang ilog, lawa, dagat, at karagatan.

3. Ang mga yamang-tubig ay binubuo ng iba’t ibang uri ng mga isda, kabibe at

mga halamang-dagat.

4. Ang mga sanhi ng polusyon sa tubig ay ang paglaki ng populasyon, pagdami

ng industriya at kalakal at kapabayaan ng mga tao na dapat nangangalaga

nito.

5. Maraming produktong nakukuha mula sa tubig.

6. Ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng unti-unting pagkaubos ng isda, at

lamang-dagat.

7. Ang mga tao na rin ang may kakayahan upang mapanatili ang kalinisan ng

tubig at buhay na nakatira rito.

Page 26: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

19

Alamin natin ang iyong natutuhan

A. Tukuyin kung anong produkto ang pinanggalingan ng sumusunod. Piliin sa loob ng

kahon ang sagot at isulat sa sagutang papel.

pating isda perlas kabibe buwaya pugita

1. Masarap isuot ang na gawa sa balat ng .

2. Ang mga sa sakit na ating iniinom ay galing sa taba ng .

3. Magandang kalakal ang na gawa mula sa .

Page 27: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

20

4. Ang mga palamuti sa katawan tulad ng ay gawa sa tunay

na .

5. Ang tinta sa ay may sangkap na galing sa __________.

6. Ang mga ___________ gaya ng bangus at salmon ay karaniwang

ginagawang .

B. Isulat sa sagutang papel ang maaari mong gawin sa pangangalaga at

pagpapahalaga sa mga yamang-tubig.

Page 28: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

21

Ano-ano ang natutuhan mo?

A. Ipagpalagay mo na ikaw ang kausap ng taong nasa ibaba. Punan ng wastong

pahayag ang mga lobo ayon sa hinihinging impormasyon o reaksyon ng kausap mo.

Naku, narinig

mo ba ‘yong

balitang

nakakita raw

ng naglutang

na mga

patay na isda

sa ilog?

Doon naman sa kabilang

barangay, may

nagbugbugan sa pilahan

ng tubig. Halos sinlaki na

lang ng buntot ng daga

ang tulo ng gripo. Halos

maghapon sa pilahan!

Page 29: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

22

Ibuod Natin

Sa modyul na ito, natutuhan mo ang sumusunod:

Ang mga ilog, dagat at karagatan ay tirahan habitat ng mga isda, pugita,

pating, kabibe, itik, buwaya, koral at iba pang yamang-dagat.

- Ang ilog at lawa ay tirahan ng mga isda, buwaya at palaka.

- Ang karagatan ay tirahan din ng mga isda. May malalaki at maliliit.

Matatagpuan dito ang iba pang yamang-dagat katulad ng perlas,

korales, kabibe at halamang-dagat.

Maraming produkto ang magagawa mula sa mga yamang-dagat:

- Ang mga isda, maliliit man o malalaki ay hinuhuli upang gawing pagkain.

- Ang mga perlas ay ginagawang alahas at palamuti sa katawan.

- Ang mga kabibe ay ginagawang palamuti o kasangkapan.

- Ang mga taba na galing sa malalaking isda ay ginagamit na sangkap sa

paggawa ng gamot.

- Ang mga balat ng buwaya at isda ay ginagawang sapatos, bag, pitaka,

jacket at iba pang kasuotan.

Ang polusyon sa tubig ay dulot ng kapabayaan at di pagpapahalaga ng tao

sa kalikasan. Ito ay sanhi ng:

- pagtatapon ng mga basura sa ilog at karagatan

Page 30: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

23

- paggamit ng mga kemikal at lason sa pangingisda

- paggamit ng mga sabong panlaba at panlinis na nakasisira sa tubig

- paggamit ng dinamita sa pangingisda

- pagputol ng bakawan o “mangroves” at pagkuha ng mga koral

- pag-agos sa mga ilog ng mga likido na galing sa mga pabrika

- langis na natatapon mula sa mga barko

Maraming paraan upang maiwasan at masugpo ang polusyon sa tubig:

- Maglagay ng mga goma sa ilalim ng dagat upang magsilbing

kanlungan ng mga isda.

- Magtanim ng maraming bakawan sa baybayin.

- Ipaalam sa kinauukulan ang hindi kanais-nais na gawain na nakasisira sa

yamang-tubig.

- Huwag magtapon ng basura sa mga dinadaluyan ng tubig.

- Gamiting muli o i -recycle ang mga basurang maaari pang

pakinabangan.

Bawat isa sa atin ay dapat matutong magtipid ng tubig.

Page 31: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

24

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Ano-ano na ang alam mo?

1. dalampasigan

2. isda

3. populasyon

4. tubig

5. kemikal

6. dinamita

7. kanlungan

Subukin Natin pahina 7

1. tahong

2. sigay3. koral

4. buwaya

5. pating

Subukin Natin pahina 11

1. LLLLLû 6. ☺☺☺☺☺ü

2. LLLLLû 7. LLLLLû

3. ☺☺☺☺☺ü 8. LLLLLû

4. ☺☺☺☺☺ü

5. LLLLLû

Alamin natin ang iyong natutuhan pahina 19-20

A. 1. buwaya

2. pating

3. kabibe

4. perlas

5. pugita

6. isda

B. Maaaring ganito ang sagot.

Iiwasan ko na ang pagtatapon ng

basura sa ilog at dagat. Sasabihan ko rin

ang ibang tao na huwag gumamit ng

dinamita sa panghuhuli ng isda o anumang

bagay na makaaapekto sa mga yamang-

tubig.

Page 32: 2 Basic Literacy Learning Material - DEPED-LDN

25

Di na ako nagtataka.

Ang dumi na ng mga

ilog natin. Daming

naglutang na basura.

May mga kemikal at

tagas ng sabong

panlaba. Tapunan pa

ng mga basura!

Ano-ano na ang natutuhan mo? pahina 21

Paalaala sa Facilitator o Tagapatnubay:

Ang sagot dito ay depende sa pananaw ng

mga mag-aaral, gayundin sa uri at sitwasyon

ng tinitirhan nila.

Doon naman sa kabilang

barangay, may

nagbugbugan sa pilahan

ng tubig. Halos sinlaki na

lang ng buntot ng daga

ang tulo ng gripo. Halos

maghapon sa pilahan!

Eh kasi naman parang

walang pakialam! Kahit

may sirang tubo ng

tubig, hinahayaan

lang. Sobra pang mag-

aksaya ng tubig.

Naku, narinig mo ba

‘yong balitang

nakakita raw ng

naglutang na mga

patay na isda sa ilog?

Maaaring ganito o

kahawig nito ang sagot.