Kabanata I
Panimula
Sa kasalukuyan, ang mass media tulad ng dyaryo, pelikula, radio, telebisyon at
internet ang pangunahing paraan para makakalap ng impormasyon. Ang telebisyon ang
pinakatanyag na paraan kung saan ang mga bata ay nalalantad. Ito ay may kakayahang
manlibang at magbigay-kaalaman. Ayon sa statistics, ang mga bata (edad 6 hanggang
12) na gumugugol ng 28 na oras sa isang linggo sa panonood ng telebisyon, ay
nakakaranas ng masamang epekto ng telebisyon sa iba’t ibang aspeto tulad ng pisikal,
mental, emosyonal, at sosyal.
Una sa lahat, ang mga bata ay nararapat na may magandang kundisyong pisikal.
Kailangan nilang mag-ehersisyo tulad ng paglalakad, paglalaro ng basketbol at pagsali
sa isports, ngunit ang panonood na kinahihiligan ng mga bata ay isang sedentary
activity. Kung ang mga bata ay maglalaan ng mahabang oras sa harap ng telebisyon, at
hindi mag-eehersisyo, sila ay magkakaproblema ng obesity. Karamihan ng mga bata
ay mahilig sa junk foods tulad ng kendi, mga chichirya, at kung anu-ano pa habang
nanonood.
Ayaw nilang kumain ng mga pagkaing pampalusog tulad ng prutas, gulay,
gatas, karne at isda. Ayon sa isang pag-aaral sa Estados Unidos na pinamagatang
“Television Addiction”, ang telebisyon ay nag-aambag sa childhood obesity sa
pamamagitan ng puspusang pagpapatalastas ng junk foods sa mga batang manonood.
Karamihan sa mga patalastas ng pagkain ay para sa mga fast foods, kendi at mga
minatamis na cereals.
Kaugnay ng mga hindi magandang epekto sa mental, emosyonal at aspetong
sosyal, maraming bata ang nanonood ng mga palabas na may karahasan sa telebisyon.
Madalas, hindi nila alam ang pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at pantasya, at
gisto nilang tularan ang kung anumang nakikita nila sa kanilang mga paboritong
programa. May mga batang nananakit ng kanilang kalaro, pati na rin ng kanilang sarili
dahil sa paggaya sa mga kanilang napapanood. Sabi ni Dr. Jeremy Lohr Jordan, ang
karahasan ay makikita sa cartoons, soap opera at mga palabas sa prime time. Isang
pangunahing suliranin ay kapag ang mga bata ay nanonood ng TV, tila nakapatay ang
utak nila; ito ay nakakapekto sa kanilang intellectual development.
Ang mga may-akda ng pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay-alam sa
mga mambabasa ng mga epekto ng panonood ng cartoons. Sakop ng pag-aaral na ito
ang pagbbibigay-diin sa mga epekto ng panonood ng cartoon sa mga batang 6
hanggang 12. Pinili ng mga may-akda and age bracket na ito sapagkat ito ang stage sa
pag-unlad ng mga bata kung saan nahuhugis ang kanilang pisikal, mental, emosyonal
at sosyal na aspeto. Kabilang sa mga uri ng cartoons na tatalakayin ay tulad ng anime,
edukasyonal na cartoons, at ang mga cartoons na may tinatawag na adult humor.
Layunin rin ng pag-aaral nito ang pakapagbigay-impormasyon kung paano maiiwasan
ang mga hindi magandang epekto ng panonood ng cartoons sa mga bata edad 6
hanggang 12.
Kabanata II
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nauukol sa isang suliranin na may kinalaman sa epekto
ng mga panooring “cartoons” sa mga batang nasa edad na 6-12. Naglalayon ang pag-
aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga bagay na nagbubunsod o nagiging sanhi sa pagkahilig ng mga
bata sa panonood ng “cartoons”?
2. Paano nakaaapekto sa buong pagkatao ng isang bata ang mass media na
kaugnay sa panuoring “cartoonss”?
3. Bakit ang mga bata ay nahihilig sa ganitong uri ng panuorin?
4. Anong aspeto ng buhay ang sumasaklaw sa kahiligan ng mga bata sa panonood
ng isang panuorin na produkto ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya para
sa “Libangan”?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang panunuod ng telebisyon ay may tiyak na epekto sa pagkatao ng bawat
mamamayang tumatangkilik sa mga produkto ng media at ng makabagong teknolohiya.
Bunga ng maraming pag-aaral, mas naging epektibo sa mga manonood ang iba’t-ibang
anyo ng “grapiks”, kakaibang mga disenyo ng mga ilustrasyon, at mga “larawang
gumagalaw” na kung saa’y naging kapansin-pansin ang mga panuoring “cartoons”,
mapabata man o matanda. Dahil sa patuloy na pagyabong ng mga masining at
malikhaing tuklas na pantelebisyon, unang-unang tinagkilik ng mga bata ang mga
palabas na “cartoons” na nagbibigay-aliw sa kanila. Mahalagang malaman natin ang
mga sanhi at ang mga posibleng maging bunga ng pagkahilig o pagkahumaling nila sa
nasabing bagay sapagkat matutukoy natin ang aspeto na nagbibigay sa kanila ng
kagalakan, pagkarelaks at ibayong kasiyahan sa buhay.
Saklaw at Limitasyon
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
1. Ang mga bagay na nakaaapekto sa kabuuang aspeto ng isang bata.
2. Ang mga dahilan ng kanilang kahiligan sa panuoring “cartoons”.
3. Ang katotohanan ukol sa mass media at ang teknolohikal na impluwensya ng mga
ito sa mga bata.
Sa kabilang dako, limitado naman ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
1. Ang mga ispesipikong sanhi ng pagkahumaling sa mga produkto ng mass
media.
2. Ang opinyon ng mga nakatatanda ukol sa isyung ito.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Mass media- mga bagay tulad ng diyaryo o pahayagan, telebisyon, radyo,
internet, pelikula at iba pa na ang pangunahing layunin ay manghikayat at
magbigay-aliw sa mga tagatangkilik nito.
Anime- isang pabalbal na pananalita sa Wikang Hapon ng "animasyon", na
nangangahulugang gumagalaw na kartun o guhit larawan na kadalasang
tinatawag na Japanimation o Haponimasyon sa Kanluraning mundo.
Cartoon- ito’y tinatawag na guhit-larawan o karikatura na kung saa’y
ipinalalabas na karaniwan sa telebisyon sa anyo ng mga karakter ng tao, bagay,
hayop at iba pa.
Childhood obesity- isang kondisyon na kung saa’y ang sobrang mga taba sa
katawan ng tao ay negatibong naaapektuhan ang kalusugan ng isang bata.
Sedentary activity- isang kondisyon sa mga bata na mailalarawang isang gawain
na may kinalaman sa paglilibang at pamamahinga habang nakaupo.
Intellectual development- o ang Kaunlarang Pangkaisipan, ay may kinalaman
unang-una sa bahagi ng buhay ng isang bata na kung saa’y natututunan niyang
unawain ang kanyang kapaligiran at sa gayo’y makakalap ng mga kaalaman.
Kabanata III
Presentasyon at Pagsusuri ng Datos
Uri ng Cartoons na Pinanunood
Mula sa 40 respondents, 12 sa kanila ang pumili ng panuoring adult humor na
may 30 bahagdan. Apat naman ang nagsabing edukasyonal na panuorin ang uri ng
cartoon na nais nila na may 10 bahagdan. Samantala, 24 sa 40 respondents ang
nagsabing anime ang uri ng cartoon na kanilang pinanunuod na may 60 bahagdan.
Oras ng Panunuod ng Cartoons sa Araw araw
Mula sa 40 respondents, 20 ang nagsabi na isa 0-1 oras silang nanunuod ng
cartoons sa loob ng isang araw na kinakatawan ng 50 bahagdan. 11 naman ang nagsabi
ng 2-4 oras silang manuod ng cartoons sa loob ng isang araw na may 27 bahagdan.
Ayon naman sa 5 respondents, kalahating araw sila umanong manuod ng cartoons na
kinakatawan ng 13 bahagdan. Sa kabilang dako, 10 bahagdan naman ang bumubuo sa
mga nagsabing maghapon o magdamag sila kung manuod ng cartoons na binubuo ng 4
na respondents.
Bukod sa isinagawang sarbey, gumugol ang mga may-akda sa pagmamasid ng
ilang mga pangkat na may iba’t ibang edad (age groups). Pinanood naming ang mga
palabas na kanilang sinusubaybayan at tinalakay kung ano ang kanilang pananaw sa
karahasan, edukasyon at kultura. Aming napuna na karamihan sa mga palabas na
cartoons na tumatarget sa mas batang manonood ay pawing pangkaalaman
(educational). Isang halimbawa ay ang Dora, the Explorer na nakatuon sa pagkakaiba
ng kultura sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga satilang Espanyol sa mga bata. Hindi
lamang ito nagtuturo ng Espanyol ngunit bumibilang din sa Ingles. Ilang oras kaming
nanood ng mga ito at wala kaming nakitang karahasan.
Ngunit habang ang mga grupo ay tumatanda, ganun din ang kapansin-pansin na
pag-angat ng porsyento ng karahasan at adult humor sa palabas na kanilang
pinanonood. Para sa amin, hindi dapat hayaan ang mga batang 9 na taon pababa na
manood ng spongeBob Squarepants dahil sa nilalaman ng palabas. Gayundin ang
Powerpuff Girls at Power Rangers na puno ng karahasan. Ano ang matuturo nila sa
mga bata? Kung kayo ay naniniwalang walang epekto ang marahas na cartoons sa mga
bata, ganito ang inyong gawin. Hayaan ang batang 6 na taon na manood ng palabas na
may kung fu o anumang uri ng paglalaban. Suriin sila pagkatapos ng ilang araw.
Ginawa naming ito sa isang bata, na pamangkin ng isa sa may-akda. Ilang araw ay
libot na siya ng libot sa buong bahay at kina-karate chop ang sofa, sinusuntok ang
pusa, at tinatawag na nya ang kanyang sarili na kung fu princess.
Posible ba na ang tila inosenteng cartoons na pinanonood ng isang paslit ay
maaaring magturo sa kanya ng kawalan ng disiplina at respeto sa nakakatanda? Ang
mga cartoons sa ngayon ay ibang iba sa mga cartoons noong dekada 60’s at 70’s.
Noong panahong nabanggit, napakadalang na may karakter sa cartoons na sinusuway
ang mga magulang. Marahl ay dahil din ito sa pag-ban ni Presidente Marcos sa
mararahas na palabas na pambata. Sabi nga ni Jessica Zafra, pinatay ni Marcos ang
Voltes V. ito ang direktang kasalungat ng makikita ngayon sa telebisyon. Sa
pamamagitan ng madalas na pagkahayag, ang mga bata ay may napupulot na
masasamang kaugalian. Maraming bata ang Hindi nahihiwalay ang katotohanan sa
pantasya, at ginagaya nila ang mga ginagawa sa TV.
Ang mga may-akda ay nanood ng ilang episode ng Rugrats at nagbasa ng ilang
librong base sa palabas na iyon. Ang Rugrats ay base sa mga sanggol hanggang pre-
school na mga bata na nakikipagsalamuha sa isa’t isa. Karamihan sa bahagi ng palabas
ay nasa kanilang kuna (playpen), bahay at bakuran. Hindi katulad ng ibang palabas,
ang mga magulang at mga taong may kapangyarihan ay may mahalagang bahagi sa
palabas na ito. Ang Rugrats ay walang humpay na nagpapakita ng pagsuway ng mga
bata sa mga magulang. Ang mga karakter ay walang pakialam sa mga batas na itinakda
ng mga nakakatakda. Halimbawa, isang serye ang nagpapakita kay Tommy at Chucky
na nakaupo sa kuna. Gusto nilang lumabas at maglaro ng Raptor Doll ni tommy pero
nag-aalinlangan sila. Ngunit si angelica ay kinumbinsi ang dalawa upang kumawala sa
kuna at tumakas patungo sa bakuran nang hindi napapansin.
Isa pang serye ang nagpakita sa mga sanggol na palihim na nagpunta sa kusina
upang kumuha ng cookies mula sa cookie jar bagamat ilang ulit na silang binalaan
tungkol dito. Wala ni isang serye ng Rugrats ang nagpakita ng parusa sa mga batang
ito sa kabila ng kanilang paglabag.
Ang mga maliliit na bata na nanonood ng palabas tulad ng Rugrats na
nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga magulang, pagiging lapastangan at hindi
pagkilala sa kapangyarihan (authority) ay maaaring maimpluwensyahan ng ganitong
hindi magandang pag-uugali hanggang sa makalakihan na ito.
Kabanata IV
Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon
Ilang dekada nang paksa ng mga debate kung paano ang telebisyon ay
nakakaapekto sa mga bata. Maraming mga magulang na rin nababahala dito. Sa
pamamagitan ng masusing pag-aaral sa nakalipas na mga dekada, ang telebisyon ay
nakakapgdulot ng masamang epekto sa mga bata. Isang dahilan ito upang ang mga
bata ay mahubog na walang diplomasya, walang habag, at walang katiwasayan ng
pakiramdam. Ang panood ng telebisyon ay nagtataguyod ng karahasan, hindi tamang
sekswal na kasanayan, at mga suliranin sa pagkain ng mga bata.
Karaniwan sa isang bata ang nanonood ng telebisyon ng 28 oras sa isang
linggo. Sa edad na ang bata ay tumuntong sa edad na 18, siya ay nakapanood na ng
16,000 na patayan at 200,000 na ibang pang uri ng karahasan. Ang American media
and pinakamarahas sa buong bundo. 80% ng kanilang palabas sa TV ay may
karahasan. Hindi pa dito kabilang ang ibang anyo ng media tulad ng pelikula, video
games, musika at internet. Hindi nalalayo dito ang Pilipinas, sapagkat karamihan sa
ating mga palabas ay mula sa Amerika. Ang karahasan sa telebisyon ay madalang na
kinokondena. Ito ay dahil ang mga bata ay hindi nakikita ang seryosong epekto ng
palabas na may karahasan. Hindi nila nakikita ang tunay na impact ng mga
pangyayari, tulad ng kung ano ang kahihinatnan ng isang tao kapag binaril.
Natututunan ng mga bata na ang karahasan ang sagot sa mga suliranin. Ang mga
batang babae at lalake na mula sa mababang antas ng lipunan ang mas madalas na
nanonood ng telebisyon.
Kung gayon ang mga batang ito ang dapat matyagan, ang mga batang 6 na taon
ay hindi pa sapat ang kakayahan para pagtagpi-tagpiin ang mga eksena sa palabas
kung at kaya’t hindi nila naiintindihan ang mga motibo ng karakter at mga epekto ng
mga pangyayari. Dahil dito, nalilihis ang kaisipan ng mga bata.
Epektong mental at sikolohikal at pisikal ng Cartoons sa mga bata
Ang mga bata ay matindi ang interes sa cartoons. Karaniwan, nagsisimulang
manood ng cartoons ang isang bata ad na 6 na buwan, at o sa edad na 2 o 3, sila ay
nagiging tumatangkilik na manonood. Ito ay nagiging problema sapagkat ang mga
kasalukuyang palabas ay nagiging mas marahas at mas nakakaadik. Ang mga cartoons
ay may tinatawag na subliminal message, o mensaheng patago. Bagaman ang cartoons
ay para sa bata, tinatarget ng mga produktong komersyal ang mga magulang ng mga
batang manonood. Kung kaya’t ang nagiging dulot nito ay ang pagkalantad ng mga
murang kaisipan sa mga palabas na hindi angkop sa kanilang edad. Ang mga batang
madalas na nanonood ng telebisyon ay mas karaniwang nagkakaroon ng suliraning
mental at emosyonal, gayundin and mga sakit na may kinalaman sa utak at mata.
Sa aming pananaw, ito ay nagpapakita lang sa atin na ang mga magulang at mga
nakatatanda ay dapat na alam ang mga palabas na sinusubaybayan ng mga bata. Hindi
naman siguro nakakatuwa na ikaw at ipatatawag sa eskwelahan ng iyong anak dahil sa
pananakit niya sa ibang bata, dahil lamang napanood ito sa telebisyon.
Talasanggunian
Adams, Cecil (1992, July 24). Will sitting too close to the TV, reading with bad light, etc., ruin your eyes? The Straight Dope. Retreived November 3, 2004 fromhttp://www.straightdope.com/classics/a5_105.html Author Unknown (2001, February). Rugrats: Television for Pedophiles. Retrieved Oct. 7, 2004, from http://www.landoverbaptist.org/news0201/rugrats.html
Author Unknown. SpongeBob SquarePants: You Wish ("Shanghaied")/Gary Takes A Bath - TV Tome. Retrieved Oct. 7, 2004, from http://www.tvtome.com/tvtome/servlet/GuidePageServlet/showid-3428/epid- 53338
Author Unknown. Spongebob Squarepants. Retrieved Oct. 7, 2004 from http://www.jumptheshark.com/s/spongebobsquarepants.htm
Author Unknown (2004, May/June). TV Linked to Attention Defecit in Youth. Today’ Chiropractic, 33, 18. Retreived from Alt Healthwatch database.
Cohen, Karl F. (1997). Forbidden Animation: Censored Cartoons and Blacklisted Animators in America. Jefferson, NC: McFarland and Company.
Copeland, Jeff B. (1996, Sep 5). Lawsuit Says Disney Hid Sexy Messages in Cartoons. E! Online. Retrieved Sept 30, 2004, from http://www.eonline.com/News/Items/0,146,00.html?yhnws .Josephson, Wendy, Ph. D (1995, February). Television Violence: A Review of the Effects on Children of Different Ages. Retrieved from http://www.cfc-efc.ca/docs/mnet/00001068.htm Kalin, Carla (1997, June). Television, Violence, and Children. Retrieved from http://web.archive.org/web/20030429094130/http://interact.uoregon.edu/MediaLit /mlr/readings/articles/kalin.html
McIntyre, Selena. (2002). Is Subliminal Advertising Effective? Retrieved Oct 7, 2004 from http://bpsoutdoor.com/articles/subliminalads.htm.
SARBEY
Pangalan:Edad:
Survey:
1.) Nanonood/nanood ka ba ng mga cartoons?
o YESo NO
2.) Anong klaseng cartoons and pinanonood/pinanood mo?
o Carebears, Rainbrow Brite, Flying House, Superbook, SpongeBob, Blues Clueso Voltes V, Knock Out, Naruto, Mobile Suit Gundam o0 , Shin Mazinger Edition
Z at iba bang cartoons na may paglalabano Simpsons, SpongeBob
3.) Ilang oras ka kung manood ng cartoons sa isang araw?
o 0 – 1 oraso 2-4o Kalahating arawo Maghapon, magdamago Hindi ako lulubay hanggat may palabas sa Cartoon Network,
Nickelodeon at Hero Channel
4.) May natututunan ka ba sa cartoons?
o MERONo WALA
5.) Nakakatulong ba ang cartoons sa mga manonood lalo na sa mga batang edad 6 hanggang 12?
o OOo HINDI
6.) Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa bilang 5.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Epekto ng mga Panuoring Cartoons sa mga Batang nasa Edad 6-12
Filipino II, Saint Mary’s College of Baliuag
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa
Asignaturang Filipino II
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:
Ang Pamanahunang Papel na ito na pinamagatang
Epekto ng Panunuod ng Cartoon sa mga Batang nasa Edad 6-12
Inihanda at Iniharap ng mga Mananaliksik mula sa BSHM-1 na binubuo nina
Ronald TadeoRishvert Romano