Transcript

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis para sa Pampublikong Mababang Paaralan

Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila Research, Planning and Development Office

Revised 2010

Anyaya ni Jesus: “Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at sa patnubay ng Espiritu Santo”

“Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay, walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” (Juan 14:6) (Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.) PANGKALAHATANG LAYUNIN Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni Jesukristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, “hindi lamang ang ipakilala kundi iugnay sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya” (NCDP 2007,#121), “na Siya lamang ang mag-aakay sa atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo” (KIK 426). DAGLAT [ ABBREVIATIONS ] NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko PCP II - Second Plenary Council of the Philippines Vatican Council II [ The Conciliar and Post Conciliar Documents ] GS - Gaudium et spes ( Pastoral Constitution on the Church in the Modern World ) SC - Sacrosanctum concilium ( The Constitution on the Sacred Liturgy ) LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church ) DV - Dei verbum ( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

IKA-LIMANG BAYTANG

PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOSNA LUMIKHA NG LAHAT !

PAKSA 2: JESUS DAKILANG TANDA NG PAG-IBIGNG DIYOS AMA

PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN

PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN TANDANG PAG-IBIG NG DIYOS

PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN

PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NGMAPANLIGTAS NA

PAG-IBIG NG DIYOS

PAKSA 7: MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA . 154

PAKSA 8: BINYAG PAGDIRIWANG NGBAGONG BUHAY KAY JESUS

PAKSA 9: SA KUMPIL NAGIGING GANAP ANGATING PAGIGING

KRISTIYANO

PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA:SAKRAMENTO NG

PAGMAMAHALAN

PAKSA 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG

NG PAGPAPATAWAD NG DIYOS

PAKSA 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT:

PAGPAPAGALING NI JESUS

PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL:TAWAG SA KABANALAN

PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN: TAWAG

SA PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS.

PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS, PARANGALAN

DIN NATIN SIYA

PAKSA 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO:

BUHAY NA WALANG-HANGGAN

1

PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT!

LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Makikilala na ang Diyos ang lumikha ng lahat. · Makakapagpakita ng mga gagawing pag-aalaga sakalikasan. · Makakapag-alay ng papuri sa Diyos na may likhang lahat . SITWASYON NG BUHAY: Pagbibilang ng mgabiyayang natatanggap sa araw-araw.Ano kahalagahan nito sa ating buhay? Saan nanggagaling ito? ( Halimbawa: 3 pinakamahalagang tao sa buhay mo,3 importanteng bagay na mayroon ka, 3 pinakagusto at pinakamasarap na nakain mo) KAHALAGAHAN : Pagpapahalaga o paghanga sa mga kaloob ng Diyos (appreciation) SALITA NG DIYOS : Salmo 145: 1-13 “Dakila si Yahweh, at karapat-dapat na Siya’y purihin; ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa Banal na Eukaristiya, pinupuri atpinasasalamatan natin ang Diyos Amang may likha ng lahat, sapamamagitan ni Kristo, kaisa ngEspiritu Santo. (KPK 349,1682;1683,1687; Eucharistic Prayer no. 2) 143 Katotohanan : Ang Diyos Ama ay Manlilikha, Siya ang pinagmumulan ng lahat ng biyaya. (KIK 279; KPK 271,300) Pagsasabuhay : Sa ating patuloy na pagpapahalaga,paghanga at mabubuting pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos niluluwalhati natinSiya. (KPK 348; KIK 307) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Pagtatalaga : Itala ang mga gagawin kung paano ipakikita ang pagpupuri at patuloy na paghanga at pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Pagdiriwang : Awit: Kahanga-hanga Panalangin: Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo O gumawa ng sariling panalangin ng pasasalamat at pagpupuri sa Diyos. 144 PAKSA 2: JESUS DAKILANG TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS AMA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Makikilala si Jesus ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Ama. · Mahahamon na mag-ipon ng 25 sentimos para sa Pondo ng Pinoy bilang tanda ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. · Makakapagbigay ng papuri sa Diyos. SITWASYON NG BUHAY : Mga bagay, salita at kilos na ginagawa o sinasabi bilang pagpapadama ng pagibig sa iba. Mga tanda ng pagmamahal ng Diyos: Materyal na tanda: bagay: pagkain, atbp. tao: magulang, atbp. Espiritwal na tanda: pagpapatawad ng kasalanan, atbp. Masasabi mo bang mahal ka ng Diyos? Bakit? KAHALAGAHAN: Tanda ng pagmamahal SALITA NG DIYOS: Juan 3:16 “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak….” 1 Juan g4: 9-11 “Inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang suguin Niya ang Kanyang bugtong na Anak…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Si Jesus ang “pinaka-naunang sakramento” at dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos Ama. (Juan 3:16; KPK 1524,1526) 145 Pagsamba: Sa pagdiriwang natin ng mga Sakramento patuloy nating tinatanggap ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos. (KPK 1531, 1519, 1525) Pagsasabuhay : Tinatawag tayo na maging tanda din ng pagmamahal ng Diyos sa iba. (Juan 15:12). (I-integrate diwa ng Pondo ng Pinoy : Pag-ibig ng Panginoon, Pag-asa ng mga Pilipino)

TUGON NG PANANAMPALATAYA: Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus ang “pinaka-naunang sakramento” at dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos Ama. Pagtatalaga : Kaya ba ninyong mag ipon ng 25 sentimos araw-araw para sa Pondo ng Pinoy sa loob ng isang buwan at ialay sa inyong buwanang Misa o Misa para sa mga bata sa inyong Parokya. Pagdalo sa Banal na Eukaristiya na kung saan ay patuloy nating tinatanggap ang pag-ibig ni Jesus. Pagdiriwang : Papurihan natin ang Diyos na walang sawang nagmamahal sa atin. Iaalay natin sa Kanya ang awit na ito : Purihit Pasalamatan Koro & V 2 (Songbook Bayan Umawit # 126) 146 PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin. · Mahahamong makapaglaan ng oras upang ipakita ang pag-ibig sa kapwa. · Makakagawa ng panalangin at makakapagdasal sa Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY: Kuwento ng mga taongnagpakita ng dakilang pag-ibig sa Diyos at kapwa. [ Hal. Kwento ni San Tarcisius, Mother Teresa, Sahjid Bulig, Rhona Mahilum] Karanasan ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa sa kabila ng mga pagsubok at balakid. Sino ang nagbibigay sa atin ng kakayahang na magmahal? KAHALAGAHAN: Pagmamalasakit sa kapwa SALITA NG DIYOS: 1 Corinto 3:16-17 “Hindi ba ninyo alam na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang Kanyang Espiritu..” Roma 5: 5 “Sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.” 147 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan: Tayo ay templo ng Diyos at nananahan sa atin ang Espiritu Santo. (KIK 797, 813,809, Juan 14:17) Pagsamba: Sa Sakramento ng Binyag, nananahan sa atin ang Espiritu Santo at sa Kumpil pinagkakalooban tayo ng di karaniwang lakas ng Espiritu Santo.

(KPK 1626-1628) Pagsasabuhay: Nagagawa nating ibigin ang Diyos, at ibigin ang lahat ng tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. ( KPK 972 ; mga kawanggawang pangkatawan ; KPK 1311) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na tayo ay templo ng Espiritu Santo. Pagtatalaga : Magtala ng mga gagawing pagtulong sa kapwa. Maglalaan ako ng oras sa pananalangin sa Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang umibig sa Diyos at sa kapwa. Gumawa ng panalangin para sa Espiritu Santo. Pagdiriwang : Awit: Come Holy Spirit 14 PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na ang Banal na Kasulatan ay tanda ng pag-ibig ng Diyos. · Makakapaglaan ng oras sa pagbabasa ng Biblia at mahamong isabuhay ang mensahe nito. · Mabibigyan ng paggalang at parangal ang Banal na Kasulatan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagbabasa, paghawak sa Biblia. Ano ang paborito mong teksto mula sa Biblia? Ano ang mga alam mong aklat sa Biblia? Maaring magbigay ng maikling pagsusulit ukol ditto (short bible quiz) KAHALAGAHAN: Pagbabasa ng Biblia SALITA NG DIYOS: 2 Timoteo 3:16-17 “Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban ng Salita ng Diyos, nasusulat dito ang kasaysayan ng pag-ibig ng Diyos sa tao. ( Vatican II DV 24; KIK 135; KPK 69-70)

149 Pagsasabuhay : Sa pagbabasa at pakikinig sa Salita ng Diyos ay natutulungan tayo na ibigin ang Diyos at ang ating kapwa. (KIK 141; KPK 112) Pagsamba : Sa Liturhiya ng Salita ng Diyos, sa Banal na Eukaristiya, patuloy nating naririnig ang salita ng pagmamahal ng Diyos. (Vatican II SC 33; KPK 87) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban ng Salita ng Diyos, nasusulat ditto ang kasaysayan ng pag-ibig ng Diyos sa tao. Pagtatalaga : 1. Sikaping magkaroon ng Bibliyasa bahay. 2. Maglaan ng oras o panahon nabasahin ang Bibliya. 3. Magsimba tuwing araw ngLinggo at makinig sa Salita ng Diyos. 4.Magtala ng mga gagawin bilangpagsasabuhay sa mensaheng narinig sa Salita ng Diyos. Pagdiriwang : Pagluluklok ng Bibliya Aawitin: Gabay at Buhay/ Wika Mo’y aming Dinggin 150 PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maliliwanagan na ang Simbahan ay Sakramento (tanda) ng kaligtasan. · Makakapagplano ng mga gagawin upang maipakita na sila ay “asin at ilaw ng sanlibutan”. · Makakapagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Simbahan bilang Sakramento ng kaligtasan. SITWASYON NG BUHAY: Pagkaunawa ng batang nasa ikalimang baitang sa salitang Simbahan. Bakit may Simbahan? Sino ang nagtatag at paano naitatag ang Simbahan? Naranasan na ba ninyo sa inyong sarili ang pagtulong ng Simbahan? Ano ba talaga ang misyon ng Simbahan? KAHALAGAHAN : Misyon ng Simbahan

SALITA NG DIYOS : Mateo 28:19-20 “Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa, binyagan sila…ituro….” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Itinatag ni Kristo ang Simbahan upang ipagpatuloy ang mapanligtas na misyon sa daigdig. (KPK 1412,1448 ; KIK 780) 151 Pagsasabuhay : Ang bawat kasapi sa Simbahan ay tinatawagang maging “asin at ilaw ng sanlibutan”. ( KPK 1415-1416 ikalawang talata ; Mateo 5:13-14; KIK 782– pampitong talata, KIK 849) Pagsamba : Sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, ang Simbahan ay sama-samang nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ama sa kaligtasang dulot ni Kristo kaisa ng Espiritu Santo. (KIK 1358-1360 ; KPK 1696) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang Simbahan ay Sakramento ng kaligtasan. Pagtatalaga : Magplano ng mga gagawin sa loob ng isang linggo upang maipakita na ikaw ay “asin at ilaw” sa inyong tahanan, paaralan at pamayanan. Pagdiriwang : Panalangin ng pasasalamat sa Diyos para sa Simbahan. PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NG MAPANLIGTAS NA PAG-IBIG NG DIYOS 15 LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman ang kahulugan ng mga Sakramento. · Maipapahayag ang pananampalataya sa mga Sakramento sa pamamagitan ng pagtatala ng mga Sakramentong malimit na tatanggapin. · Makakapagpuri sa Diyos sa pag-awit ng “Isang Bansa”. SITWASYONG NG BUHAY : Karanasan sa pagdalo sa mga iba’t-ibang Sakramento ng Simbahan. Ilahad ang mga Sakramento ng Simbahan at magbigay ng maikling kahulugan ng bawat isa. Bakit kailangan ang mga Sakramento? KAHALAGAHAN : Pagtanggap sa mga Sakramento

SALITA NG DIYOS: 1 Juan 4:9 “Inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang suguin Niya ang Kanyang bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Ang mga Sakramento ay pagdiriwang ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos. ( KPK 1518; 1524-1525; KIK 1131 ) 153 Katotohanan : Si Jesus sa Kanyang pagiging tao ay ang Sakramento ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos para sa lahat, ang Simbahan ay ang Sakramento ni Jesus, at ang pitong Sakramento ay mga Sakramento ng Simbahan. (KPK 1524-1526 ) Pagsasabuhay : Sa pagtanggap ng mga Sakramentong may pananampalataya ay unti-unti tayong hinuhubog sa pagiging kawangis ni Kristo. ( KPK 1529-1531) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus sa kanyang pagiging tao ay ang Sakramento ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos para sa lahat. Pagtatalaga : Gumawa ng talaan kung gaano kadalas tatanggapin ang mga Sakramento. Hal. Binyag- minsanan, Kumpil- minsanan ..... Eukarisitya – lingo-lingo Pagdiriwang : Awit: Isang Bansa PAKSA 7: MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na ang mga Sakramental ay mga banal na tanda. · Mapapahalagahan at igagalang ang mga Sakramental. · Makikiisa sa Panalangin ng Pasasalamat sa biyaya ng Sakramental SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagsusuot ng eskapularyo, pagdarasal ng rosaryo...at paggamit ng iba pang mga Sakramental.

SALITA NG DIYOS: Markos 8 : 22 – 26 ( pinagaling ni Jesus ang bulag ) “ Dinala kay Jesus ang isang bulag ... ipinamanhik na hipuin ito...niluran sa mata, ipinatong ang kanyang kamay... muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag nanumbalik ang kanyang paningin” Markos 5:25-34 (Pinagaling ni Jesus ang Isang Babae) “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” KAHALAGAHAN : Pagpapahalaga at pagbibigay galang sa mga Sakramental 155 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Ang mga Sakramental ay mga banal na tanda. Ito ay mga bagay , kilos, kinagawian, lugar at iba pa, na tumutulong sa ating makita ang presensiya ni Kristo na pinagmumulan ng biyaya. ( KIK 1667 - 1671 ; KPK 1532 & 1578 ) Pagsamba : Sa paghahanda natin sa pagdiriwang ng mga Sakramento, ipinagpapatuloy ng mga Sakramental ang mga gawain ng Sakramento . ( KPK 1533 ) Pagsasabuhay : Sa ating paggalang at tamang paggamit ng mga Sakramental tinutulungan tayo upang higit na maging mabunga ang pagtanggap natin ng mga Sakramento at pinababanal tayo sa ating pang-araw-araw na buhay. ( KPK 1532 ; KIK 1677 ) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang mga Sakramental ay tumutulong sa atin na makita ang presensiya ni Kristo na pinagmumulan ng biyaya. Pagtatalaga : Itala ang mga sakramental na mayroon ka sa bahay. Pahahalagahan at igagalang ko ang mga Sakramental ng Simbahan. Pagdiriwang : Panginoon , salamat sa mga Sakramental na ipinagkaloob sa amin ng Simbahan. Sa pamamagitan nito ay nakikita namin ang iyong pananatili, at sa tulong nito kami ay nagiging banal. PAKSA 8: BINYAG PAGDIRIWANG NG BAGONG BUHAY KAY LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na ang bagong buhay na tinatanggap natin sa Sakramento ng Binyag, ay pakikibahagi natin sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.

· Makakapagtala ng mga gagawin bilang pagsasabuhay sa mga binhing tinanggap sa Binyag. · Makakapagsariwa ng mga pangako noong bininyagan. SITWASYONG NG BUHAY : Talakayan: “Madaling maging kristiyano subalit mahirap magpaka-kristiyano” KAHALAGAHAN: Ang pagiging kristiyano SALITA NG DIYOS: Ikuwento : Si Jesus at si Nicodemo Juan 3:1-7 “...Maliban na ang tao’y ipanganak sa tubig at espiritu hindi siya paghaharian ng Diyos.” 2 Corinto 5:17 “Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa Sakramento ng Binyag ay sinisilang tayo sa bagong buhay kay Kristo..(KIK 1216,1277,1426; KPK1604, 1598, 1599 No. 6) ( Ipaliwanag dito ang ritu at simbulo na ginagamit sa binyag.) Katotohanan : Ang bagong buhay na tinatanggap natin sa Sakramento ng Binyag ay pakikibahagi natin sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. (KPK 1604, 1599 #6) Pagsasabuhay : Bilang binyagan, tinatawagan tayong makibahagi sa banal na buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuting kristiyano . (KIK 1266 ; KPK 1615) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang bagong buhay na tinanggap ko sa Binyag ay pakikibahagi ko sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Pagtatalaga : Paano mo maisasabuhay ang mga binhi ng pananampalataya, pagasa at pag-ibig na tinanggap mo sa Sakramento ng Binyag ? Magtala ng mga konkretong gagawin mo para sa isang linggong darating. Pagdiriwang : Awit: Isang Pananampalataya Pagsasariwa ng Pangako sa Binyag

Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) BINYAG Sa Binyag natamo ang kaligtasan Pagmamahal ng Diyos ay nakamtam Si Hesus kapatid, kaibigan ; Espiritung tanglaw kailanman. Salamat, salamat, O Ama, Sa iyong bigay na biyaya Kami nawa’y magkaisa Sa ngalan mo, Poon, aming Ama. PAKSA 9: SA KUMPIL NAGIGING GANAP ANG ATING PAGIGING KRISTIYANO LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa Binyag. · Makakapagbigay ng mga gagawin sa araw-araw bilang pakikibahagi sa 3 Misyon ni Kristo. · Makakapanalangin ng buong puso sa Espiritu Santo. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pagiging makasarili at maka-kapwa tao o “maka-iba” ( may puso sa iba) KAHALAGAHAN: Pagbibigay ng sarili sa iba SALITA NG DIYOS: Gawa 8: 14- 17 “At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo…” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa pagtanggap ng Sakramento ng Kumpil ay pinalalakas at binibigyan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang aktibong maipalaganap ang pananampalataya. (KIK 1285; KPK 1626) ( Ipaliwanag ang ritu at simbolo na ginagamit sa kumpil)

159 Katotohanan : Tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa Binyag. (KIK 1285,1303;KPK 1628-1629) Pagsasabuhay : Ang mga nakumpilan ay tinatawag sa higit na matinding pakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang Hari, Pari at Propeta. (KIK 1303; KPK 1629, 1631,) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa Binyag. Pagtatalaga : Kailan mo gustong tumanggap ng Sakramento ng Kumpil? Ngayong hindi ka pa kumpilan paano mo maipapakita sa pang araw-araw mong buhay ang iyong pakikibahagi sa pagkahari, propeta at pari ni Kristo. Pagdiriwang : Panalangin sa Banal na Espiritu Halina Espiritu Santo, punuin mo ang mga puso ng iyong binyagan, at papagningasin sa kanila ang apoy ng iyong mabathalang pag-ibig. Ipadala mo ang iyong Espiritu at sila’ y malilikha. At mababago mo ang lupang ibabaw. Manalangin tayo. O Diyos na humubog sa puso ng mga binyagan sa pamamagitan ng karunungan ng Espirtu Santo, ipagkaloob mo sa tulong din ng Espiritung ito, na aming malasap ang tamis ng kabutihan at magtamasa magpakailanman sa Kanyang mabathalang pag-aruga, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginooon. Amen. 160 Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) KUMPIL Banal na Espiritung nagbibigay lakas Pinatatag ang buhay sa araw araw, Kahinaa’t kaduwagan ay pinapawi Bunga nito’y pagsulong sa hamon ng buhay Kumpil – sakramentong nagbibigay – lakas Pinatatag ang buhay sa araw araw. Katalinuha’t kakayahan ay pinagyaman Bunga nito’y pagbabahagi ng kabanalan La,la,la …… Kahinaa’t kaduwagan

PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA: SAKRAMENTO NG PAGMAMAHALAN LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Malalaman na si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-aalay ng Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin. · Makakapangako na dadalo sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo at makakapagbigay ng mga gagawin tanda ng pagmamahal sa kapwa. · Makakapagpuri sa Diyos sa pag-awit ng " Si Kristo’y gunitain ". SITWASYON NG BUHAY: Karanasan kung paano ipinakikita ang pagmamahal sa iba Ang magsabi ng "mahal ko" ang taong ito ay madali, subalit ang ipakita ito at patunayan sa ating mga gawa at kilos ay napakahirap. Ang tunay na pag-ibig ay may kaakibat na sakripisyo.Ang sakripisyo ay ang paglimot sa ating sarili, oras, talino, kayamanan at maging ng buhay para sa kapakanan ng minamahal. Ang magmahal ay hindi naghihintay ng kapalit. SALITA NG DIYOS: Juan 15:13 “ Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.” 162 Juan 13:1 ” Mahal Niya ang Kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan at ngayo’y ipakikita Niya kung hanggang saan ang Kanyang pag-ibig sa kanila. KAHALAGAHAN : Pagmamahal PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba: Sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya ay ipinagdiriwang natin ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. (KPK 1702; Sacramentum Caritatis 2) Katotohanan: Si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nagaalay ng Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin. (Juan 15:13; KIK 1323; Sacramentum Car i tat is 1; KPK 1726 –1727) Pagsasabuhay: Ang hamon ni Jesus sa atin na tumatanggap sa Kanya sa Banal na Eukaristiya ay magmahalan tayo tulad ng pag-ibig Niya sa atin. (Juan 13:34; KPK 1736)

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-aalay ng Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin. Pagtatalaga : 1. Dadalo ako sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo. 2. Magbigay ng mga gagawin na nagpapakita ng pagmamahal sa iba. Pagdiriwang: Awit: ANAMNESIS ( “Si Kristo ay Gunitain” ) 163 Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) EUKARISTIYA Sa tunog ng kuliling si Hesus ay purihin Siya’y Pag-ibig ng Ama sa ati’y ipinadala. Ang alak at tinapay, dugo’t katawan na alay Ni Hesus sa Diyos Amang ating sinasamba. Bilang isang pamilya, halina’t sama – sama, At ang anyaya Niya : “Ako’y pagsaluhan.” PAKSA 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG NG PAGPAPATAWAD NG DIYOS LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handang makipagkasundo sa atin. · Makakapangako na malimit na tatanggapin ang Sakramento ng Pakikipagkasundo at makikipagkasundo sa kapwa. · Makakagawa ng pagsusuri ng budhi at makakapagsisi sa mga kasalanan. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng huling pangungumpisal. Hamon sa kanila: Kaya na ba ninyong mangumpisal ng mag-isa , walang magpapaalala, wala ng katekistang mag-gagabay. Kayo mismo ang magkukusa na tanggapin ang Sakramento ng Kumpisal. Bakit kailangan nating mangumpisal?

KAHALAGAHAN: Pakikipagkasundo SALITA NG DIYOS: Lukas 15: 11-32 “…Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo….” PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba: Sa Sakramento ng Pakikipagkasundo ay ipinagdiriwang natin ang pagpapagaling ni Jesus, ditto tinatanggap natin ang kapatawaran ng Diyos at ibinabalik ang nasirang ugnayan natin sa Kanya. (KIK 1422-1423, 1440; KPK 1771- 1773,) [ NB: IPALIWANAG DITO KUNG ANO ANG KASALANAN ] Katotohanan: Ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handing makipagkasundo sa atin. (KIK 1441,270, 431,589; KPK 1773-1774) NB: Ituturo din dito na sa bisa ng Sakramento ng Pagpapari ang mga obispo at pari ay may kapangyarihang magpatawad ng lahat ng kasalanan “sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo” (KIK 1461, 1495) Pagsasabuhay: Ang bunga ng pagtanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo ay biyaya ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapwa. (Mateo 5:24, Mateo 6:12 ; KPK 1770, 1776) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handing makipagkasundo sa akin. Pagtatalaga : 1. Mangangako ako na malimitkong tatanggapin ang Sakramento ng Pakikipagkasundo. 2. Ilista sa notebook ang mga taong nasaktan mo o nagawan mo ng di mabuti, noong nakaraang Linggo. Ilista din ang mga taong hindi mo mapatawad. 3. Gumawa ng sulat ng pakikipagkasundo, pakikipagbati sa kaaway o nakasamaan mo ng loob o nasaktan mo. Kaya mo bang patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo? Pagdiriwang : Panalangin ng Pagsisisi ( Prayer Booklet pahina 14 ) 166

Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) KUMPISAL Koro : Panginoong Hesus, narito ako Handa ng magbago Panginoong Hesus, patawarin mo ako’t Magsisimula muli ako Ang malayo sa ‘yo daig pa ang talo Kaya ako ngayo’y nagbabalik-loob ( koro ) Bendisyunan akong nagtitika sa ‘yo Nagbabalik –loob ako ngayon sa ‘yo ( koro ) 167 PAKSA 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT: PAGPAPAGALING NI JESUS LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit, si Jesus ay patuloy na nagpapagaling at nagpapatawad. · Makakapagtala ng mga pangalan ng mga may karamdaman na dadalawin at ipagdarasal. · Makakapag-alay ng panalangin sa mga may malubhang karamdaman. SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pangangalaga sa mga taong maysakit SALITA NG DIYOS: Santiago 5:16 “Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng Iglesya upang ipanalangin siya at pahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon….” Mateo 8:1-17 - Hinipo siya ni Jesus at sinabi ”ibig ko gumaling ka.” At pagdaka’y nawala ang kanyang ketong. KAHALAGAHAN: Pangangalaga sa maysakit PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba: Sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa maysakit ay tinatanggap

ng mga may malubhang karamdaman ang maawain at mapagmahal na pagpapagaling ni Jesus. (KIK 1499; KPK 1822, 1836-1838) 168 Ipaliwanag ang ritu at mga simbolo na ginagamit Katotohanan: Si Jesus ay nagpapagaling at nagpapatawad. (KIK 1503 ; KPK 1828) Pagsasabuhay: Inaanyayahan tayo ni Jesus na dalawin at alagaan ang mga maysakit. (Mateo 25:36 ; KIK 1506 ; KPK 1870) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis tinatanggap ng mga may malubhang karamdaman ang pagpapagaling at pagpapatawad ni Jesus. Pagtatalaga : 1. Tatawag ako ng Pari kung may kilala ako na may malubhang karamdaman. 2. Aalagaan, dadalawin at ipagdadasal ko ang mga kakilala ko na may malubhang karamdaman. Gumawa ng talaan ng mga dadalawin mong may karamdaman sa isang linggong darating. Anong panalangin ang maiaalay mo para sa kanila? Pagdiriwang : Panalangin para sa mga may malubhang karamdaman. Takdang Aralin: Pasagutan sa mga bata Paano nananatili ang pagsasama ng inyong mga magulang? (mag-interview sa inyong mga magulang) Pabor ba sila sa maagang pag-aasawa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot. Masama ba ang mag-asawa ng maaga? Paano ito maiiwasan? 169 Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) PAGPAPAHID SA MGA MAYSAKIT O Panginoon, Ikaw ang aming lakas

Sa’yo nagmumula ang aming buhay Lakas ng katawan, kapayapaan, Handog mo sa ami’y kagalingan. Sa Banal na Langis napapawi ang sakit. Patawad mo, Ama, aming nakakamit. Ikaw lamang ang tanging sasambahin, Panginoon, magpakailan pa man. PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL: TAWAG SA KABANALAN 170 LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Mauunawaan na sa simula pa lamang niloob na ng Diyos ang pagmamahalan at pagtutulungan ng lalaki at babae. · Mahahamon na maging instrumento ng pagmamahal at pagkakaisa sa pamilya. · Makakapag-alay ng panalangin ng pasasalamat para sa biyaya ng pagkakaroon ng kristiyanong pamilya. SITWASYON NG BUHAY: Paano nananatili ang pagsasama ng inyong mga magulang? ( pag-usapan ang mga sagot sa takdang aralin na ibinigay sa mga mag-aaral) Pabor ba sila sa maagang pag-aasawa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot. Masama ba ang magasawa ng maaga? Paano ito maiiwasan? SALITA NG DIYOS: Markos 10:6-9 “…sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: nilalang Niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at sila’y magiging isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.” Mateo 19:3-12 KAHALAGAHAN: Katapatan at pagmamahalan 171 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba: Sa Sakramento ng Kasal , ipinagkakaloob sa mag-asawa ang biyaya ng pagmamahalan sa isa’tisa, pinagtitibay ang kanilang pagkakaisa na di mapaghihiwalay at pinagiging banal. ( KIK 1661 ; KPK 1898, 1926) Ipaliwanag ang ritu at mga simbolo na ginagamit . Katotohanan: Sa pasimula pa lamang , niloob na ng Diyos na magsama ang isang babae at isang lalaki dahil sa pagibig. (KIK 1605 ; KPK 1884)

Pagsasabuhay: Nais ni Jesus na magmahalan, maging tapat, at magtulungan ang bawat miyembro ng pamilya,upang maging matatag ang kanilang pagsasamahan. (KPK 1907- 1908) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na sa pasimula pa, niloob na ng Diyos na magmahalan at magkatulungan ang isang babae at isang lalaki . Pagtatalaga : Bilang anak , paano ako magiging instrumento ng pagkakaisa at walang hanggang pagmamahalan sa aking pamilya. Magtala ng limang bagay na gagawin sa loob ng isang linggo at sa mga darating pang araw. Tanungin ang inyong mga magulang kung anong sekreto nila bakit nananatili ang kanilang pagmamahalan at katapatan sa isa’t-isa. 172 Pagdiriwang : Panalangin ng pasasalamat sa biyaya ng pagkakaroon ng Kristiyanong pamilya. (Gagawin ng katekista at ipapabasa sa isa sa kanyang mag-aaral) Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) MATRIMONIO Si tatay, si nanay, pinag-isa, Sa hirap at ginhawa sila’y magsasama Hanggang kamatayan ay magmamahalan Sa harap ng Diyos sila’y nagsumpaan. Magmahalan, magbigayan at magtulungan, Magsilbing daan ng kapayapaan. Magmahalan, magbigayan at magtulungan. Magsilbing daan ng kapayapaan. 173 PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN : TAWAG SA PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na ang pari ay alagad na tinawag upang sumunod kay Jesus at isa ring apostol na isinugo upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng Simbahan

· Makakapagtala ng mga gagawin araw – araw bilang paggalang, pagtulong at pagmamahal sa mga pari at makakagawa ng pangako na palaging ipagdarasal ang kabanalan ng mga pari. · Makakapag-alay ng panalangin para sa mga kaparian. SITWASYON NG BUHAY: Pag-usapan ang mga ginagawa ng isang pari sa kanyang parokya o parish (ex. Nagmimisa, nagbibinyag, at iba pa .) Nakikilala ba ninyo ang inyong kura paroko ? Sino dito sa inyo ang balang araw nais mag-alay ng sarili sa Diyos bilang pari? Kung may nais sa inyo, ano ang ginagawa mo para makamit iyon? Ang lahat ng ginagawa ng isang pari ay pag-aalay ng sarili KAHALAGAHAN: Pag-aalay ng sarili SALITA NG DIYOS: Hebreo 5:1-4 “Ang bawat dakilang saserdote’y pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at maghain dahil sa mga kasalanan.” 174 Lukas 22:14-20 “Gawin ninyo ito bilang pag-alala-ala sa akin” Sa huling hapunan itinatag ni Jesus ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya at Banal na Orden. “Gawin ninyo ito... ” sinabi Niya ito bilang pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa pamamagitan ng Sakramento ng Banal na Orden, ang pari ay tumatanggap ng biyaya ng katapatan na ilaan ang sarili sa paglilingkod sa Simbahan . (KIK 1598 ; KPK 1947) Ipaliwang ang ritu at mga simbolo na ginagamit Katotohanan : Ang Pari ay isang alagad na tinawag upang sumunod kay Jesus at isa ring apostol na isinugo upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng Simbahan. ( KPK 1951-1952) Pagsasabuhay : Sa bisa ng ating Binyag at Kumpil , tayo ay nakikibahagi sa pagkapari ni Jesus, kaya tinatawagan tayo na mag-alay ng sarili sa pamamagitan ng pagpapahayag , pagsasabuhay at pagdiriwang ng Salita ng Diyos. (KIK 1547 ; KPK 1960)

175 TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan: Naniniwala ako na ang Pari ay alagad at apostol ni Kristo. Pagtatalaga: 1. Itala ang mga gagawin mo sa araw-araw na nagpapakita ng paggalang, pagtulong at pagmamahal sa mga pari. 2. Gumawa ng pangako na palaging ipagdadasal ang katapatan ng mga pari. Pagdiriwang: Panalangin para sa mga Pari Panginoong Jesukristo ikaw ang kataastaasan at walang hanggang pari. Idinadalangin namin sa iyo ang aming kaparian. Tinawag mo sila upang maipalaganap sa tao ang pagkilala at pagibig sa Diyos na buhay. Pabanalin mo sila at pagkalooban ng sigasig sa pagpapahayag ng iyong Mabuting Balita. Ipadala mo sa kanila ang Espiritung Banal upang makapagturo sa mga tao at mapalalim ang kanilang pananampalataya Matupad nawa nila ang dakilang misyon : na gabayan at ilapit ang mga tao sa Diyos, at ihanda ang mga pamilya sa pagtanggap ng mga sakramento. Amen. 176 Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO ….BOW ! ( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila ) BANAL NA ORDEN Sa tawag ng Diyos siya’y sumunod Iniwan ang lahat upang maglingkod Buong buhay niya ay alay Sa kawan ng Diyos , upang kanyang Paghahari ay maging lubos PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS, PARANGALAN DIN NATIN SIYA LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Santa Maria higit sa lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos. · Makakapagtala ng mga katangian ni Santa Maria na sisikaping matularan. · Mapaparangalan ang Diyos kasama si Santa Maria sa awiting niyang ”Magnificat”. SALITA NG DIYOS: Lukas 1:26-38 [ Ipinahayag ang panganganak kay Jesus ]

“Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos” SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pagbibigay ng parangal kay Santa Maria (pagrorosaryo, pagdiriwang ng mga kapistahan ni Santa Maria, pagpuprusisyon , pag-aalay ng bulaklak kay Santa Maria tuwing buwan ng Mayo, at iba pa ...) KAHALAGAHAN: Pagmamahal kay Santa Maria PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Katotohanan : Dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Santa Maria higit sa lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na kaugnay sa mga misteryo ni Jesus. (KPK 1537) 178 Pagsamba : Ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria ang maituturing na mahalagang bahagi ng pagsambang katoliko dahil ditto iniuugnay ang pag-aalala sa Ina ni Kristo sa taunang inog ng mga misteryo ng Kanyang Anak. (KPK 1539) Pagsasabuhay : Ang tunay na debosyon natin kay Inang Maria ay nagdadala sa atin sa pagtulad sa kanyang pananampalataya, pag-asa at pagibig sa Diyos at kapwa. (KPK 1552 huling talata) TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Inang Maria higit sa lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na kaugnay sa mga misteryo ni Jesus Pagtatalaga : Itala sa iyong notebook ang mga katangian ni Inang Maria na simula ngayon sisikapin mong matularan Pagdiriwang : Bilang pagpupuri sa Diyos at pagpaparangal natin kay Inang Maria, aawitin natin ang inawit ni Inang Maria “Magnificat” – Ang Puso Ko’y Nagpupuri 17 9\

PAKSA 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO: BUHAY NA WALANG-HANGGAN LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang · Maipapahayag na si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang magdadala sa atin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama. · Mahahamong maisabuhay ang mga biyayang tinanggap sa mga Sakramento. · Makikiisa ng buong pusong dasalin ang Panalangin ng Pag-asa at makapag-aalay ng panalangin para sa mga yumao. SITWASYON NG BUHAY : Balikan ang pitong Sakramento. Ano ang kahalagahan ng pitong Sakramento sa buhay mo ? Sa pagtanggap natin ng mga Sakramento saan tayo nito dadalhin ? Naroon kay Jesus ang katiyakan ng ating hahantungan sa pamamagitan ng pagtanggap natin ng mga sakramento SALITA NG DIYOS : Juan 6: 25 - 40 “ Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.” KAHALAGAHAN: Pag-asa 180 PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA Pagsamba : Sa pagtanggap natin sa mga Sakramento ng may pananampalataya tinatanggap natin ang mga biyaya ng Diyos at nararanasan na natin ang buhay na walang hanggan samantalang hinihintay natin ng may pag-asa ang maluwalhating pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas. ( KIK 1130 & 1419) Katotohanan : Si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang magdadala sa atin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama. ( Juan 14:6, Juan 6:58 ; KIK 1419 ; KPK 1526 ) Pagsasabuhay: Nais ni Jesus na lagi nating tanggapin ang mga Sakramentong ibinigay Niya sa Simbahan upang tayo’y maging “larawan at kawangis ” Niya at umasa na makakamit natin ang buhay na walang hanggan. ( Juan 6: 54-55 ; KPK 1526 )

TUGON NG PANANAMPALATAYA Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang magdadala sa akin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama. Pagtatalaga : Itala ang mga Sakramentong natanggap mo na at isulat ang biyayang natanggap mo sa bawat Sakramentong ito. 181 Paano mong naisasabuhay at patuloy na isasabuhay ang mga biyayang tinanggap mo ( Halimbawa : Binyag – nagging ampong anak ng Diyos Bilang anak ng Diyos ako ay magiging masunuring anak sa aking mga magulang Kumpil – pinalakas ng Espiritu Santo. Bilang kinumpilan, ako ay testigo at saksi ng pananampalataya ) Pagdiriwang : Awit: Bubuhayin Kita ( I am the bread of life ) Dasalin ang panalangin ng pag-asa at mag - alay ng munting panalangin para sa lahat ng mga yumao


Recommended