Transcript
Page 1: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

PAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOS

PAMAMARAAN AT

PINAGKUNAN NG MGA DATOS

PAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOS

Page 2: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

A.DISENYO AT METODO-Ipinapaliwanag ang disenyo o

metodo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring

palarawan, historikal o kaya’y eksperimental.

Page 3: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

- Ang pamaraan ng pananaliksik ay nararapat

na ibagay sa layunin ng pananaliksik. Tinatalakay ang ginamit na paraan ng

mananaliksik sa pagsasagawa ng sulatin.

Page 4: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

- Kasamang inilalahad ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng

pananaliksik at maging ang mga natagpuang kalakasan at

kahinaan ng nasabing pamamaraan para sa pag-

aaral.

Page 5: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

B. POPULASYON AT LUGAR NG PANANALIKSIK

--Naglalaman ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan

ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati

na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

Page 6: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Katanungang Dapat Sagutin:

1. Sino ang kasangkot sa pag-aaral? 2. Ilan ang kasangkkot? 3. Paano sila pipiliin?

Page 7: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Dito nakasaad kung ilang respondente ang

kailangan mula sa buong populasyon kaya

kailangan ang tinatawag na sample.

Page 8: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

1. Malubhang magastos ang pagkuha ng buong

populasyon.

Page 9: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

2. Maraming oras ang nagagamit para maabot ang sinasabing target na

populasyon.

Page 10: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

3. Ang mga mananaliksik ay nakapaghihinuha at

nakakapaglahat tungkol sa target na populasyon

Page 11: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

Isang napakagandang karanasan malanman ang tungkol sa isang malaking populasyon mula sa isang

sampling.

Page 12: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Sample ang tawag sa kumakatawan sa

kabuuang populasyon o ang pagkuha ng bahagi mula sa isang malaking

populasyon.

Page 13: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Maari ring ang sample ay maliit na grupo na iyong

inoobserbahan at ang populasyon ay mas malaking grupong

inaaplayan ng paglalahat o generalization.

Page 14: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Random Sampling- Pinakatanyag na pagkuha ng sample dahil tinatawag din

itong lottery o raffle na sampling.

Page 15: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Random Sampling- Napakadaling unawain at

gawin kung saan pantay-pantay ang pagkakataon ng bawat indibidwal na mapabilang sa sample.

Page 16: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Halimbawa- Napakadaling unawain at

gawin kung saan pantay-pantay ang pagkakataon ng bawat indibidwal na mapabilang sa sample.

Page 17: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Ang populasyon ay may 200 at 20% ang pipiliin. Lahat ng mga

pangalan ay isa-isang isusulat sa magkakahiwalay na pirasong papel at itutupi. Ipapasok ang mga ito sa isang lalagyan tulad ng garapon at aalugin hanggang masiguradong

nahalo nang husto.

Page 18: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Bubunot ng 40 kapirasong papel at ang mga ito ang

magsisilbing mga respondente. Siguraduhing hindi sisilipin ang

mga kapiraso ng papel para maiwasan ang pagiging bias.

Page 19: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

C. KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS

-- inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng

pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning

ipinapahayag sa pag-aaral.

Page 20: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

- Ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam, talatanungan (quetionaire-checklist), ilang napasali, paano ang naging

pangongolekta ng datos, gaano katagal ang inubos na panahon sa pagpapamudmod o sa pangongolekta ng datos, ano ang naging kondisyon ng pangongolekta , ano-ano ang

mga suliraning kinaharap.

Page 21: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Tatlong Pangunahing Pinagkukunan ng Datos

A. Talatanungan- ginagamit ng mananaliksik kung saan ay sinusulat ang mga tanong at pinapasagutan sa mga respondente nito. Itp ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.

Page 22: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Dalawang UriNg Talatanungan

- Open Ended- ang mga respondente ay malaya sa pagsagot.

- Close Ended - uri ng talatanungan na may pagpipilian.

Page 23: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos
Page 24: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Panuto: Lagyan ng tsek ang antas ng iyong kakayahan sa paggamit ng iba’t obang application program. Gamitin ang gabay na eskala sa ibaba:

4- mataas na kakayahan (very competent) – napakahusay na nakapagsasagawa ng kasanayan.3- may kakayahan (competent) – mahusay na nakapagsasagawa ng kasanayan.2- may bahagyang kakayahan (moderately competent) – nakapagsasagawa sa pamamagitan ng paguulit-ulit.1- walang kakayahan (not competent) walang kakayahang magsagawa.

Mga Aytem 4 3 2 1

1. Pagsimula ng word processor (paglikha ng dokumento, pag-encode, pag-edit, pamimili ng font, atbp.)2. Pangangasiwa ng file (Pag-save ng dokumento, pag-retrieve ng dokumento, pag-print at pagdelete ng file)3. Pagpormat ng dokumento (pagtatala,pag-bullet at pagbilang, pagsasaayos, pagpakita at pagtago ng teks)4. Pag-proofread ng dokumento (pagwasto ng baybay, gramatika, paghanap ng kaugnay na mga salita)5. Paglagay at pag-edit ng graphics (larawan, clip art, word art, pagguhit, grap, equation)

Page 25: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Bentahe ng Talatanungan

- Madaling buuin.- Ang mga tugon ay madaling ilista sa talahanayan.

- Malaya ang mga respondente sa pagsagot.

- Madaling ipamahagi.- Maaaring di sagutin ng mga respondente ang mga ibang tanong lalo na kapag ito ay masyadong pribado.

Page 26: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Disbentahe ng Talatanungan

- Hindi maaari sa mga di amrunong bumasa at sumulat.

- May mga talatanungan na di na naibabalik.

- Kung may maling impormasyon ay hindi maitatama agad.

- May mga respondente na hinahayaang blangko ang ilang mga tanong dahil maaaring hindi niya ito maintindihan o walang interes na sagutan.

Page 27: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Disbentahe ng Talatanungan

- Napipilitan ang mga respondenteng piliin ang mga kasagutan kahit hindi ito ang nais niyang kasagutan tulad ng oo o hindi na tugon.

Page 28: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Katangian ng Epektibong mga Tanong

- Nararapat na maging malinaw ang lengguwahe, ang bokabularyo at estruktura. Ang konseptwal na antas ng tanong ay dapat na angkop sa mga kakayahan at karanasan ng mga respondente.

- Ang nilalaman o paksa ng tanong ay dapat na tiyak.

Page 29: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Katangian ng Epektibong mga Tanong

- Ang tanong ay nararapat na nagpapakita ng isang layunin.

- Dapat na malaya ang tanong sa anumang mga palagay.

- Ang tanong ay bukas sa anumang mungkahi.

Page 30: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Talatanungan

- Magsaliksik sa silid aklatan dahil may mga tanong sa tesis o disertasyon na makakatulong sa pagbuo ng sarbey.

- Magtanong sa mga bihasa tulad ng mga dalubguro sa pananaliksik.

- Isulat ang mga tanong.- Ipa-edit ang mga nabuong tanong sa mga mas nakakaalam.

Page 31: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

B. Pakikipanayam- Ito ay isinasagawa kung

posible ang interaksyong personal.

Dalawang Uri ng Pakikipanayam1.Binalangkas na Pakikipanayam o Structured Interview - Ang mga tanong ay nakalahad nang tiyak sa permanenteng listahan o tinatawag din itong gabay sa pakikipanayam o interview guide.

Page 32: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Dalawang Uri ng Pakikipanayam1.Binalangkas na Pakikipanayam o Structured Interview - Ang nakikipanayam ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon sa pagkasunod-sunod sa listahan. Kung susundin ang pamantayan, minsan lamang niya ibibigay ang tanong, hindi siya dapat lumayo sa pagkakaayos at hindi magtatanong ng karagdagang katanungan.

Page 33: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Halimbawa:Tanong: Gaano kaepektibo ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo?

_____ napakaepektibo_____ epektibo_____ hindi epektibo

Tanong: Sa iyong opinyon , kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo sa larangan ng edukasyon?

______ oo______ hindi______ maaari

Page 34: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Dalawang Uri ng Pakikipanayam2. Di-Binalangkas na Pakikipanayam o Unstructured Interview - Bagamat ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang sundin ang pagkasunod-sunod ng mga nito. Bukod doon, malaya niyang ulitin ang tanong at tumatalakay pa sa ibang punto na inaakala niyang makakatulong at kapaki-pakinabang sa pakikipanayam.

Page 35: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Halimbawa:Tanong: Ilarawan ang estado ng kagamitang pampagtuturo sa pananaliksik sa larangan ng edukasyon.

Tanong: Sa iyong opinyon , kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo sa larangan ng edukasyon?

Page 36: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Dapat Tandaan sa PanayamBago ang panayam:1. Tiyakin ang taong kakapanayamin.2. Makipag-ugnayan sa kakapanayamin at itakda ang petsa at lugar ng panayam.3. Magsaliksik tungkol sa paksa at taong kakapanayamin.4. Maghanda ng gabay na tanong.5. Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa panayam.

Page 37: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Dapat Tandaan sa PanayamAktuwal na Panayam1. Dumating sa takdang oras at lugar ng panayam.2. Magpakilala sa kakapanayamin at bigyan siya ng malinaw na background tungkol sa paksa at layon ng panayam.3. Isagawa ang panayam sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.4. Magpasalamat sa kinakapanayam sa kaniyang pagpapaunlak.

Page 38: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Mga Dapat Tandaan sa PanayamPagkatapos ng Panayam1. Gawan ng wastong identipikasyon ang file na ginamit sa pakikipanayam; gayundin ang mga tala.2. Gawan ng transkripsyon ang file ng panayam.

Page 39: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

C. Obserbasyon- kinakapalooban ito ng

obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong

pinag-aaralan. Ang mananaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan

ng sitwasyong pinag-aaralan at ang

pinakamabuting paraan para makamit ang layuning

ito ay ang pagmamasid.

Page 40: Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

Dalawang Uri ng Obserbasyon

1. Di-pormal na obserbasyon

- itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.

2. Pormal na obserbasyon o structured observation

- Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas. Limitado lamang ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas sistematiko kaysa sa di pormal na obserbasyon.