Transcript
Page 1: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUKAT

Inihanda ni: Cherrie Mae G. LazatinTeacher 1Sta. Lucia Elementary School Pampanga

Page 2: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

LAYUNIN:1. NAIBIBIGAY ANG MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT2.NAIUURI ANG KAGAMITANG PANUKAT AYON SA WASTONG GAMIT NITO3. NAPAPAHALAGAHAN ANG GAMIT NG MGA NATURANG KAGAMITAN

Page 3: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

ALAMIN NATIN!

Ang pagsusukat ay isang paraan upang malaman ang angkop na sukat ng isang bagay. May dalawang uri ng Sistema ng pagsusukat; ito ay ang Ingles at Sistemang Metrik.

Page 4: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

Ang sistemang Ingles ay ang lumang paraan ng pagsusukat samantalang ang Sistemang Metrik ang ginagamit sa kasalukuyan.Upang maging matagumpay sa pagsusukat, kailangang gumamit ng mga kasangkapan sa pagsusukat.

Page 5: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

Ang bawat kasangkapang panukat ay may kani-kanyang bagay na dapat paggamitan sa pagsusukat. Narito ang mga kasangkapanng panukat na maaaring gamitin sa mga proyektong gagawain sa susunod na araw.

Page 6: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

MGA KASANGKAPANG PANUKAT

Page 7: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

ISKWALANG ASEROIto ay ginagamit sa pagsusukat sa malalaki at malalapad na gilid ng isang bagay. Halimbawa, gilid ng kahoy, lapad ng tela, lapad ng lamesa, at iba pa.

Page 8: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

ZIGZAG RULEIto ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot ng anim na piye at panukat ng mahahabang bagay. Halimbawa, pagsusukat ng haba at lapad ng bintana,pintuan at iba pa.

Page 9: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

METER STICKIto ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi, sa pagsususkat para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela

Page 10: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

PUSH – PULL RULEAng kasangkapang ito ay yari sa metal at awtomatiko na may haba na dalawampu’t limang (25) pulgada hanggang isang daang daang may gradasyon sa magkabilang tabi, ang isa ay nasa pulgada at ang isa ay nasa metro

Page 11: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

PROTRAKTORAng kasangkapang ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na linya.

Page 12: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

RULER AT TRIANGLEIto ay ginagamit sa pagsususkat sa paggawa ng mga linya sa drowing at iba pang maliliit na Gawain na nangangailangan ng sukat.

Page 13: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

T-SQUAREIto ay ginagamit sa pagsusukat ng mahahabang linya kapag nagd drowing. Ginagamit din ito na gabay sa pagguhit ng mga linya sa mga drowing na gagawin.

Page 14: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

TAPE MEASUREAng kasangkapang ito ay ginagamit sa pagsusukat ng mga mananahi. Ito ay ginagamit nila sa pagsususkat ng mga bahagi ng katawan kapag tayo ay nagpapatahi ng damit, pantalon, paldo, barong, gown at iba pa.

Page 15: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

TANDAAN NATINSa pagsusukat ay gumagamit tayo ng iba’t ibang kagamitan. Ang bawat kagamitan sa pagsusukat ay mga angkop na bagay kung saan ito gagamitin.

Page 16: MGA KAGAMITAN SA PAGSUSUSKAT

GAWIN NATINAno ang ginagamit sa pagsusukat ng mga sumusunod na bagay?1. Tuwid na guhit o linya sa papel2. Pabilog na hugis ng isang

bagay3. Taas ng pinto4. Kapantayan ng ibabaw na

bahagi ng mesa5. Kapal ng tabla


Recommended