Transcript
Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

KABANATA 40ANG KATWIRAN AT LAKAS

Sa ika-sampu ng gabi, ang mga panghuling kuwitis ay marahan ng pumapaitaas sa madilim na langit at nagkikislapan doon, parang mga bagong bituin ang ilang lobong papel na pinataas sa tulong ng mainit na usok.1  Ang ilang may mga palamuting luces ay nag-aalab at nagbabanta na maaring makasunog sa lahat ng bahay; kaya may pangkat ng mga tao na may hawak na mahahabang kawayang may basahan sa dulo at may mga timba ng tubig.2  Ang liwanag ng paputok at luces ay namumukod sa manipis na ulap at sila ay tila mga multo na galing sa kaitaasan upang panoorin ang kasayahan ng mga tao.  Maraming mga paputok sa iba’t ibang hugis ang sinisindihan tulad ng rueda , mga kastilyo, mga toro o kalabaw na may apoy at isang malaking luces sa anyong bulkan na ang liwanag na dumaig sa ganda at kalakihan sa lahat nang nakita ng mga mamamayan ng San Diego.3

1MGA PALIWANAG Ang tinutukoy ay ang mga maliliit na hot-air balloon na gawa sa papel na ang panggatong ay nasa ilalim ng isang latang batya na idinisenyo ayon sa laki ng lobo. Pinakakawalan ng sabay-sabay ang mga mainit na lobong ito sa gabi ng kapistahan at mula sa malayo ay natatanaw ng mga tao na parang mga bituin. Ang huli kong nakitang may ganitong uri ng pailaw ay nasaksihan ko ng mapadaan ako noong 1980’s sa bayan ng Tanza, Cavite – ngunit ang pailaw na ito ay pinipigilan na ngayon dahilan sa ang himpapawid ng nasabing bayan ay nasa daanan ng eroplano.

Pansinin sa dulong taas na kaliwa larawan ang mainit na lobong papel

2 Sa panahon ni Rizal ay organisado na ang mga brigada ng pamatay sunog sa mga bayan-bayan. Pansinin sa larawan ang lalaking may hawak na malaking kawayan na naka-upo sa palupo ng bubungan ng bahay para alisin ang mga makakasunog na elemento sa bubungan.

3 Isang paglalarawan ni Rizal sa labis na pagkahumaling sa paputok ng

468

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

            Ngayon ay patungo ang lahat ng tao sa liwasan ng bayan upang panoorin ang huling pagtatanghal ng dula.  Sa lahat ng pook ay may mga sinisindahang luces de Bengala na tumatanglaw sa masasayang pulu-pulutong; ang mga bata ay may dalang sulo upang hanapin sa mga damuhan ang bombang hindi pumutok at iba pang labi na maari pa nilang magamit,4 ngunit ang musiko ay tumugtog ng bilang pasimula ng pagtatanghal at iniwan ng lahat ang kabukiran.            Ang malaking entablado ay maliwanag na maliwanag; libu-libong ilaw ang nangakalagay sa paligid, nakabitin sa bubong at nakakalat na pulu-pulutong sa lapag.  Isang alguwasil ang nagbabantay sa kanila at kung lumalabas upang sila ay ayusin ay piniputuhan at sinisigawan ng mga tao ng:  ‘Hayan na, nariyan na!’

            Sa harap ng entablado ay naroon ang orkestra at iniaayos

ang tunog ng kanilang mga instrumento, nagpapadinig ng ilang tugtugin; sa likod ng orkestra nalalagay ang pook na sinabi ng kabalitaan sa kanyang sulat.  Ang mga maykapangyarihan sa bayan, ang mga Kastila at mga mayayamang nakipamista ay nakaupo sa nakaayos na silya.  Ang bayan, ang mga taong walang mga katangian at walang katawagang kagalang-galang ay nakalagay sa ibang panig ng liwasan; ang ilan ay may dalang

mga Pilipino bilang bahagi ng kasayahan.

4 Ang pamumulot ng mga batang Pilipino sa mga hindi pumutok na rebentador at mga natirang pulbura ay matanda ng kaugalian sa ating bayan. Sa ganitong mga pamumulot maraming mga bata ang nadidisgrasya.

469

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

bangko hindi upang gawing upuan, kundi upang maging remedyo sa kanilang kapandakan:5 ang bagay na ito ay nagiging sanhi ng maiingay na tutol ng mga walang bangko, ang mga unang tinuran ay bumababa naman agad, ngunit di magtatagal nangag-aakyatang muli sa bangko na parang walang anumang nangyari.

Paroon, parito, sigawan, mga bulalas na paghanga, halakhakan, isang buscapies na nasindihan, isang reventador, ay napapadagdag sa kaingayan.  Sa dako rito’y nasisiraan ng isang paa ang bangko at ang mga nakatuntong at nagbagsakan sa lupa, sa gitna ng tawanan ng karamihan, ang mga nangahulog na iyon ay ang ilan kataong nanggaling sa malayo upang manood, at sila ngayon ang pinanonood; sa dako roon nangagkakagalit at nagtatalo dahil sa kinatatayuang pook; sa daku-dako roon ay may nadinig na tunog ng mga kopa at botelyang nabasag :   ang dahilan noon ay si Andeng na may dalang alak at mga pamatid-uhaw, hawak ng dalawa niyang kamay ang bandeha, subalit nakasalubong ang kanyang nobyo at sinamantala ang pagkakataon sa kalagayang iyon ng dalaga.6           

Ang nangangasiwa sa palabas ay ang tiniente-mayor na si Ginoong Filipo, sa dahilang ang kapitan sa bayan ay mahiligin sa monte;7 si Ginoong Filipo ay nakikipag-usap kay Matandang Tasyo: “Ano ang gagawin ko?” anya “hindi tinanggap ng alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; ‘inaakala ba ninyong wala kayong lakas upang magampanan ang inyong mga katungkulan?’ ang tanong sa akin.”            “At ano ang isinagot ninyo?”            “Ginoong Alkalde,” ang sagot ko, “ang lakas ng isang tiniente-mayor, kahit na walang kakabu-kabuluhan, ay katulad din ng sa kahit sinong maykapangyarihan:  ito ay nanggagaling sa nasa itaas.  Ang haring hari na ay tumatanggap ng lakas sa

5 Pansinin ang salaysay at ang larawan ng isang pagtatanghal ng moro-moro sa Pilipinas noong ika-19 na siglo.

6 Sa pagkakataong ito ay hindi na pinatawad ni Rizal si Andeng. Inilarawan ni Rizal ang ang kapilyuhan ng nobyo ni Andeng. Isipin na lamang ninyo na ang dalawang kamay ni Andeng ay may hawak na tray at nakasalubong nobyo at imbis na kumuha ng mga kopita ay iba ang dinampot. Kung ano ang dinampot ay hindi na binanggit ni Rizal.

7 Paglalarawan ni Rizal sa kapabayaan sa tungkulin ng pinuno ng bayan - Iniwan ng kapitan ng bayan ang tungkulin sa isa sa pinaka-abalang panahon para maiparaos ang kaniyang bisyo.

470

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

bayan, at ang bayan naman ay sa Diyos.8  Ang bagay pa namang ito ang wala sa akin, Ginoong Alkalde!  Subalit ayaw makinig sa akin ng alkalde at sinabi sa aking saka na namin pag-usapan ang bagay na ito, matapos ang pista.”

“Kung gayo’y tulungan nawa kayo ng Diyos!” ang sabi ng matanda at tumangkang umalis.           “Ayaw ba ninyong panoorin ang palabas?”          “Salamat! Upang mangarap at magsagawa ng kaululan ay sapat na ako sa aking sarili,” ang sagot ng pilosopo na ang tawa ay pakutya,9 “nguni’t maalaala ko pala, hindi ba ninyo napupuna ang ugali ng ating bayan?  Mapayapa ngunit mahilig sa mga panoorin tungkol sa digmaan, sa mga madugong labanan; nangagarap ng pagkakapantay-pantay at humahanga sa mga emperador, mga hari at mga prinsipe; walang pananampalataya at naghihirap para sa pagdaraos ng maringal na pistang-pansimbahan; ang ating mga kababaihan ay may matamis na ugali at tuwang-tuwa kapag may isang prinsesa na nagpapaikot ng sibat… batid baga ninyo kung saan nagbubuhat ito?  Sa…”10

            Ang pagdating ni Maria Clara na kasama ang kanyang mga kaibigan ay nakaputol sa salitaan.  Sinalubong sila ni Ginoong Filipo at inihatid sa kani-kanilang upuan.  Kasunod na dumating ang kura, na kasama ang isa pang Pransiskano at ilang Kastila.  Kasabay rin ng kura na dumating ang ilang mamamayan na ang katungkulan ay umalalay sa mga prayle. “Gantihin nawa

8 Itinuturo rito ni Rizal na ang kapangyarihan ng hari ay galing sa taong bayan – at ang kapangyarihan ng bayan ay sa mula sa Diyos. Isang pagtutol ni Rizal sa despotismo na naniniwala sa absolute na kapangyarihan ng hari dahilan sa ito ay galing sa Diyos. Kung sa ating panahon, ang lakas ng pinakamataas na pinuno ng bansa ay galing sa mga mamamayan at hindi sa mga dayuhan, sa mga tagalabas na mamumuhunan, at hindi rin sa mga usurerong bangko na bumabangkarote ng ating kabang yaman.

9 Bakit tumatawa ng pakutya si Pilosopo Tasyo? Sabihin ba naman niyang “Upang mangarap at magsagawa ng kaululan ay sapat na ako sa aking sarili” – hindi siya katulad ni Padre Salvi, na nagtago pa sa mga puno para panoorin si Maria Clara upang makagawa ng kaululan. SAMANTALANG SI PILOSOPO TASYO AY MAYROONG MALAKAS NA IMAHINASYON.

10 Ipinapakita ang kontradiksiyon ng mga ugaling Pilipino. Ang tanong na iniwan ni Pilosopo Tasyo ay walang kasagutan. Nais ni Rizal na ang kaniyang mga mambabasa ang gumawa ng kasagutan.

471

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

sila ng Diyos hanggang sa kabilang-buhay!” ang sabi ni Matandang Tasyo, samantalang lumalayo.            Sinimulan ang palabas sa pag-awit ni Chananay at ni Marianito ng Crispino e la Comare.  Ang mata at pandinig ng lahat ay nasa dulaan, iisa lamang ang hindi:   si Padre Salvi.   Waring walang dahilan sa pagparoon liban sa silayan si Maria Clara, na ang taglay na kalungkutan ay nagbibigay ng kaakit-akit na anyo sa kanyang kagandahan, kayat hindi dapat na siya ay hindi malasin ng tinging halos pasamba.  Ngunit hindi tinging pasamba ang ipinahahayag ng mga matang nakalubog ng Pransiskano:11  sa mapanglaw na tinging iyon ay may nababanaag na mahigpit na kalungkutan; marahil ay gayon ang mga mata ng itiningin ni Cain, buhat sa malayo, ang Paraiso, nang inilalarawan sa kanya ng kanyang ina ang mga kagandahan!12

            Nagtatapos ang bahagi nang pumasok si Ibarra:  ang kanyang pagdating ay naging sanhi ng bulung-bulungan:   ang lahat ay napatingin sa kanya at sa kura.13 Subalit ang gayon ay tila hindi niya napupuna sapagkat binating gaya rin nang dati si Maria Clara at ang mga kaibigan nito, at umupo sa tabi ng binibini.            Si Sinang lamang ang nagsasalita: “Pinanood mo ba ang bulkan?” ang tanong.

“Hindi, kaibigan, sinamahan ko ang Kapitan Heneral.“Sayang!  Kasama namin ang kura at kinuwentuhan kami

ng kinasasapitan ng mga kaluluwang natutupok sa impiyerno:  akalain mo!  Takutin kami upang huwag masayahan!  Akalain mo!”

11 Nakalubog na mata ay tanda ng malabis na pagseselos – Tandaan ang usapan sa kabanata 24 na ang selos ay nagpapalalim ng mata.

12 Ang tingin ni Padre Salvi kay Maria Clara ay katulad ng tingin ni Cain na may labis na paghahangad at panghihinayang sa paraisong halamanan (tandaan ang sermon ni Padre Damaso na “halamanan ng Panginoon”) na alam niya na nakapagbibigay ng kaligayahan, subalit hindi siya pinahihintulutan at wala siyang karapatan na pasukan. Kung sakaling pasukan man ni Padre Salvi ang paraisong halamanan, ito ay sa anyo na lamang ng isang pangangahas at kasalanan. 13 Bakit tinitingnan ng mga tao si Ibarra at ang Kura?- Ito kaya ay dahilan sa hinihintay nila ang reaksiyon ng kura sa ekskulmulgadong si Ibarra; o nakakaramdam na ang mga taong bayan na may karibalan sa pag-ibig ang dalawa.

472

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

           Ang kura ay tumindig at lumapit kay Ginoong Filipo at waring sila ay nagtalong mahigpit.  Ang pagsasalita ng kura ay madalas; si Ginoong Filipo ay banayad at marahan.14

           “Dinaramdam kong hindi kayo mapagbigyan” ang sabi nito, “si Ginoong Ibarra ay isa sa mga umambag nang malaki at may karapatang lumagi rito, hanggang hindi nanggugulo.”

“Datapwa’t hindi ba panggugulo ang maging sanhi ng pagkaka-iskandalong mabubuting Kristiyano?  Katulad din lang iyan ng mag-iwan ng isang lobo sa gitna ng mga tupa!15  Pananagutan mo iyan sa harap ng Diyos at ng mga maykapangyarihan!”16

            “Kailanman ay pinananagutan ko ang anumang bagay na galing sa sarili kong kapasyahan,17 Padre,” ang sagot ni Ginoong Filipo na yumuko nang bahagya, “ngunit ang munti kong kapangyarihan ay hindi nagpapahintulot sa aking manghimasok sa mga bagay ng pananampalataya.18  Ang mga ayaw na siya ay makasalamuha ay huwag siyang kausapin:  hindi naman pinipilit ni Ginoong Ibarra ang kahit sino.”            “Subalit iyan ang paglalagay sa sa panganib, at kung sino ang lumapit sa panganib ay sa kapanganiban namamatay!”           

14

Salita ng kura ay madalas (nagagalit) at si Don Filipo ay marahan (nangangatwiran).

15 Paglalarawan ng ekskulmulgado sa pananaw ni Padre Salvi – isang lobo sa kawan ng mga tupa. Ngunit sa mga sinundang mga paglalarawan ni Rizal sa nobela ay hindi naman tunay na nagmamalasakit si Padre Salvi para sa kaluluwa ng mga tao – higit na selos ang dahilan kaya nais niyang paalisin si Ibarra sa panonood ng dula na katabi ni Maria Clara.16

Ang bantang ito ni Padre Salvi ay kaya niyang ipagkaloob kay Don Filipo – siya ang ama ng kaluluwa at kinatawan ng Diyos sa bayan ng San Diego at ang pamahalaan ay hawak ng kanilang korporasyong pangrelihiyon.

17 Pagpapamulat sa pangangailangan na ang pinuno ay may kakayahan na panagutan ang kaniyang mga kapasiyahan. Hindi naghahanap ng pangangatwiran, o naghahanap ng sangkalan sa sandaling ang pasiya ay magiging mali.

18 Pagpapakilala ni Don Felipo na ang kapangyarihang ng pamahalaan ay hindi nakiki-alam sa pananampalataya (kahit na mayroon pang patronato real ) . Sa ganito naman ay kailangang ang pampamahalaan ay hindi naman dapat na panghimasukan ng simbahan.

473

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

“Wala po akong nakikitang panganib, Padre:   ang Ginoong Alkalde at ang Kapitan Heneral, na mga nakatataas sa akin ay kinausap siya sa buong hapon, at inaakala kong hindi dapat silang na turuan pa.”            “Kung hindi mo paaalisin dito ay kami ang aalis.”19

           “Daramdamin ko po nang labis, ngunit hindi ko magagawang magpaalis dito kahit sino.”           Ang kura ay nagsisi sa nagawa, ngunit wala nang paraang maiwasan.  Hinudyatan ang kanyang kasama, na tumindig na masama ang loob, at silang dalawa ay umalis.  Gumaya sa kanila ang mga taong kakampi, matapos na tapunan ng isang pagalit na tingin si Ibarra.           Ang bulungan at alingawngaw ay naglalo:  lumapit at binati ng ilan katao ang binata, at sinabing:

“Kami ay kasang-ayon ninyo; huwag ninyong pansinin ang mga taong iyan!”            “Sinong mga tao iyan?” ang nagtatakang tanong ng binata.            “Iyang mga nagsialis upang huwag kayong makalapit!”          “Upang huwag akong makalapit?  Huwag akong makalapit?”            “Opo!  Sinasabing excomulgado raw kayo!”           Si Ibarra ay nabigla, tumingin sa kanyang paligid.  Nakitang itinago ni Maria Clara ang mukha sa likod ng pamaypay. “Subalit tunay kaya?” ang bulalas sa huli, “nasa kapanahunan pa ba tayo ng tinatawag na Edad Media ?20  Kung gayon pala eh…”  At lumapit sa mga dalaga at nagbago ng pangungusap.            “Paumanhin, mayroon akong kakausapin na nakalimutan; babalik agad ako upang samahan kayo.

19 Makikita na naman ang kabarumbaduhan ng mga alagad simbahan noong panahong iyon – walk out o boycott ang kanilang paraan ng pagpapakita ng galit. Sa kasalukuyan ang iba ay sa pamamagitan ng pagtakbo – siguro ay naapektuhan lang siya ng oblation run sa Unibersidad ng Pilipinas.

20 Ang ekskumulgasyon ay isang nakakatakot na parusa sa Gitnang Panahon – hindi mapaniwalaan ni Ibarra na ang matandang kaparusahan na binabale-wala na sa malayang Europa ay ginagamit pang panakot sa mga tao sa Pilipinas. Ang bahagi ring ito ang susi sa ganap na paglalarawan niya na ang umiiral na kaisipan sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan ay nasa Edad Media na sa daan-daan taon ng iniwan ng mga malalayang bansa sa Europa, sa panahon na ang kaliwanagan at rasyonal na kaisipan ay nagbigay daan sa kanila upang mabuhay na mayroong kaunlaran at kasaganaan.

474

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

            “Huwag kang umalis!” sabi ni Sinang, “sasayaw si Yeyeng, magaling iyong sumayaw.”            “Hindi maaari, kaibigan, ngunit babalik ako.”                 Lumakas ang mga bulung-bulungan.           “Samantala namang si Yeyeng na suot chula ay lumalabas na kasabay ang wikang “ipinahihintulot ba ninyo?” at sinasagot ni Carvajal ng “tumuloy kayo atbp., at lumapit kay Ginoong Filipo ang dalawang sundalong guwardiya sibil at hinihiling na ihinto ang palabas.           “At bakit?” ang tanong nitong pabigla.           “Sapagkat nag-away ang alperes at ang señora at hindi makatulog.”            “Sabihin ninyo sa alperes na mayroon kaming pahintulot ng alkalde at walang sino man sa bayan na may karapatang sumalansang sa pahintulot na iyan, pati na ng kapitan sa bayan na siyang ta-nging ma-ka-pag-u-u-tos sa a-kin .”21

            “Kailangang ihinto ang palabas!” ang ulit ng mga sundalo. Tinalikuran sila ni Ginoong Filipo.  Ang mga guwardiya ay nagsialis. Upang di-mabulahaw ang katahimikan ay hind sinabi ni Ginoong Filipo sa kaninuman ang nangyari.          Matapos ang bahagi ng sarsuwela, na nagtamo ng masigabong palakpakan, ay lumabas ang artistang gumanap na Prinsipe Villardo na hinahamon sa pakikipaglaban ang mga morong nagkukululong sa kanyang ama; ang matapang na prinsipe ay nagbabala sa mga moro na sa isang taga ay patatalsikin sa buwan ang lahat ng kanilang ulo.  Sa ganito paghahamon ang mga artistang gumanap na mga moro na nagsisihanda sa labanan samantalang tinutugtog ang himno ni Riego22 na karaniwang tugtog sa mga palabas na moro-moro,

21 Sa pamamagitan ng pagtutol ni Don Filipo sa pakiusap ng alperes at ang pagsasabi niya na ang kapitan ng bayan lamang ang makapag-uutos sa kaniya ay isang paraan ni Rizal upang ipakita sa mga mambabasa ang isang pangunahing prinsipyo ng demokratikong lipunan na wala noon sa Pilipinas.

Ang teorya ng pangingibabaw ng kapangyarihan ng sibilyan at ang pagsunod sa direktang namumuno sa pamamagitan ng chain of command. Ang mga prinsipyong ito ay nasa diwa at titik ng batas ng Espanya – kung hindi man natupad sa Pilipinas ay sa dahil minaliit ng mga Espanyol ang kakayahan ng mga mga Pilipino.

22 El Himno de Riego is a song dating from the Spanish Civil War of 1820-1823 and named in honour of Colonel Rafael del Riego. It was the national anthem of Spain during the Trienio Liberal and the First and Second Spanish Republics (1931-1939). (Batis: http://en.wikipedia.org/wiki/Himno_de_Riego).

475

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

na sinundan ng isang malaking pagkakagulo sa ibaba ng entablado. 

Ang mga orkestra ay biglang nagsihinto ng tugtugan at nagsiakyat sa dulaan, sabay sa pagbitaw sa mga panugtog.  Sa dahilang   hindi sila inaasahan ng matapang na si Prinsipe Villardo at nag-akalang ang mga nanggugulo sa ibaba ay kakampi ng mga artistang gumaganap na moro ay inihagis ni Prinsipe Villardo ang kanyang tabak at panangga at kumaripas ng takbo; nang makita ng mga artistang gumanaganap na moro na ang matapang na artistang gumaganap na kristiyano ay tumakas ay hindi nila ninais siya ay habulin; nadinig ang sigawan, mga pag-aray, tungayaw, lait, pagmura, nagtakbuhan ang mga tao, nagkatulakan, nangamatay ang mga ilaw, ipinaghahagisan ang mga basong ilawan, atbp.   “Mga tulisan!   Mga tulisan!” ang sigaw ng ilan, “Sunog!   Sunog!   Mga magnanakaw!” ang sigaw ng iba; ang mga babae at mga bata ay nangag-iiyakan, gumulong sa lupa ang mga bangko at mga nanonood sa gitna ng malaking kaguluhan.

“Ano ang nangyari?”Hinabol ng palo ng dalawang guwardiya sibil ang mga

musikero upang mapahinto ang palabas; ngunit nahuli sila ng tinyente mayor, na kasama ang mga kuwadrilyero, na ang sandata ay ang mga lumang sable.23 “Dalhin ninyo sa tribunal!” ang sigaw ni Ginoong Filipo, “huwag ninyong pakawalan!”

Si Ibarra ay nagbalik at hinanap si Maria Clara.  Nagkapitan sa kanya ang mga natatakot ma binibini na nangamumutla at nanginginig; si Tia Isabel ay nagdarasal ng kyrie eleison sa wikang Latin.

Nang pumayapa sa ang pagkabigla ang mga tao ay mabatid ang nangyari ay pumulas sa lahat ng dibdib ang pagkamuhi.   Umulan ng bato sa kinaroroonan ng mga kuwadrilyero na may dala sa dalawang guwardiya sibil; may nagpapalagay na sunugin ang kuwartel at tupuking magkasama si Doña Consolacion at ang alperes.24

23 Makikita ang pagiging epektibo ng mga kuwadrilyero na makasugpo sa kaguluhan sa kabila ng pagiging luma ng kanilang mga sandata laban sa mga guardia sibil na may mga makabagong armas. – Wala kayang nais na iparamdam dito si Rizal, ukol sa maaring maging kahigitan ng mga kuwadrilyero ng bayan.

24 Masasalamin dito ang kababawan ng kolektibong galit ng bayan. May mga pagkakataon sa ating kalilipas pa lamang na kaganapan na nagpapakita ang bayan ng sama-samang galit sa mga mababaw na kadahilan – ngunit pinapayagan ang mga sistematikong pamamaraan na nagpapahirap at pagsasamantala sa kabuuang buhay

476

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

“Sa ganyan lang sila magaling!” ang sigaw ng isang babaeng naglilis at iniunat ang mga bisig, “sa manggugulo sa bayan!  Walang ginugulo kundi ang mabubuting tao!  Nariyan ang mga tulisan at manunugal!   Sunugin natin ang kuwartel!”25

           Ang isang lalake ay humihingi ng confesion samantalang hinihipu-hipo ang bisig; sigaw na padaing ang naririnig sa ilalim ng isang bangko:  isang kaawa-awang musiko pala ang naroroon.  Ang tanghalan ay puno ng artista at mga taong-bayan na panabay ang usapan.  Naroroon si Chananay, na gayak Leonor de Trovador, na nakikipag-usap nang wikang Kastilang-tindahan kay Ratia  na suot-guro sa paaralan; si Yeyeng na nakabalot sa isang balabal na sutla ay kasama ni Prinsipe Villardo; si Balbino at ang mga moro ay nagpipilit na mapayapa ang mga musikong nasaktan.  Ilang Kastila ang palakad-lakad na nangangaral sa lahat nang makatagpo.           Subalit may isang pulutong na namalayan ni Ginoong Filipo namay binabalak at siyang pupuntahan upang pigilin. “Huwag kayong manggulo!” ang sigaw, “bukas tayo maghabol, tayo ay didinggin; tinitiyak ko sa inyong parurusahan sila nang nararapat!”           “Hindi!” ang sagot ng ilan, “ganyan din ang inasal sa Kalamba noong taong 1879,26 ganyan din ang ipinangako ngunit walang ginawang anuman ang alkalde!  Ibig namin ang kami na ang magparusa.  Halina sa kuwartel!”           

Walang nangyari sa pangungusap ng tinyente-mayor; patuloy rin ang pulutong sa kanilang balakin, si Ginoong Filipo ay luminga sa kanyang paligid at humahanap ng tulong; nakita si Ibarra.            “Ginoong Ibarra, utang na loob, pigilin ninyo sila, hahanap lamang ako ng kuwadrilyero!”

ng ating sambayanan.

25 “Nariyan ang mga tulisan at manunugal!   Sunugin natin ang kuwartel!” – Makikita rito ang kahusayan ni Rizal sa paggamit ng hanay ng salita dahilan sa maari niyang palitawin na ang mga dapat usigin ng mga guwardia sibil ay ang mga tulisan na hindi naman nila nagagawa ng epektibo. Subalit maari rin na kaya niyang palitawin dito na nasa kuwartel ng mga guwardiya sibil ang mga tulisan at manunugal. Isang palihim na pagdagil ni Rizal sa mga alagad ng batas sa kaniyang kapanahunan na pinamumugaran ng katiwalian at kriminalidad na dapat sanang sila ang sumusugpo.

26 Maaring si Rizal ay naging saksi sa katulad na kaganapan sa kaniyang bayan noong 1879. Ito ay kaniya mismong itinala sa kaniyang akdang Kasaysayan ng Calamba.

477

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

            “Anong magagawa ko?” tanong ng binata na hindi alam ang gagawin, ngunit malayo na ang tinyente-mayor.            Si Ibarra naman ang tumingin sa kanyang paligid, na parang may hinahanap nang hindi maalaman kung sino.  Parang namataan niya si Elias na walang imik na pinanonood ang galawan.27  Tinakbo siya ni Ibarra, pinigilan sa bisig at pinagsabihan sa wikang Kastila: “Alang-alang sa Diyos, gawin ninyo ang magagawa, kung mangyayari; ako ay walang magagawang anuman!”28

Marahil ay nalinawan ng piloto ang ibig niyang sabihin sapagkat nakihalo sa pulutong.29  Nakadinig ng masigabong mga pagtatalo, mga tungayaw; pagkatapos ay unti-unting nagkahiwa-hiwalay ang pulutong at ang bawat isa ay pumayapa. Panahon nang dapat mangyari ang gayon sapagka’t ang mga sundalo ay lumalabas na sa kuwartel at ang mga bayoneta ay nakasabit na sa mga baril.

Samantala nama’y ano ang ginagawa ng kura?           Si Padre Salvi ay hindi pa nagpapahinga.  Nakatayo, ang noo ay nakatukod sa kurtinang persiana, na nakaharap sa liwasan, walang kakilus-kilos, at minsan-minsang nilalabasan ng isang pigil na buntung-hininga.  Kung ang ilaw ng kanyang lampara ay hindi lubhang napakadilim, marahil ay nakitang ang kanyang mga mata ay napupuno ng luha.   Sa ganitong anyo dumaan sa kanya ang halos isang oras.30

           Ang kaguluhan sa liwasan ay nakagising sa kaniyang isipin.  Sinundan nang tinging nagtataka ang galawan ng mga tao at ang sigawan ay umaabot sa kanyang kinaroroonan.  Isang alilang hangos na dumating ang nagbalita sa kanya ng nangyayari. Isang akala ang dumaan sa kanyang isipan. Ang kaguluhan ay siyang pinagdausan ng mga may-masasamang budhi ng kanilang kagagawan at sinasamantala ang pagkasindak at kahinaan ng mga babae; lahat ay tumatakas at lumiligtas,

27 Walang imik si Elias na nanonood sa galawan ng tao? – kalmado niyang pinapanood ang pagkakagulo ng mga tao, ito ay dahilan sa batid niyang mababaw lamang ang kolektibong galit ng bayan.

28 Ipinapakita rito Rizal na ang creole na katulad ni Ibarra ay walang tunay na magagawa upang hadlangan ang galit ng bayan. Kailangan nilang makiusap sa mga katutubong lider ng sambayanan upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

29 Kinausap ni Ibarra si Elias sa wikang Espanyol at ang huli ay naintindihan ang sinabi sa kaniya – ipinahahalata ni Rizal sa mga mambabasa na ang pinaghihinalalang tulisan ay isang edukado.

30 Bakit kaya umiiyak si Padre Salvi?

478

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

walang nakakaalaala sa iba, ang sigaw ay hindi madinig, ang mga babae ay nawawalan ng diwa, nagkakasagasaan, nangararapa, ang sindak at takot ay hindi dumidinig sa kahihiyan, at sa gitna ng gabi… at kapag nagkakaibigan!   Namalas niyang kalong ni Crisostomo si Maria Clara na walang diwa, at nawala sa kadiliman.31

           Patalon na pumanaog sa hagdanan na walang suot na sumbrero, walang tungkod at parang isang baliw na tumakbo patungo sa liwasan. Doon ay natagpuan ang mga Kastilang kinagagalitan ang mga sundalo, tiningnan ang silyang kinaupuan ni Maria Clara at ng mga kaibigan nito, at nakitang walang tao.           “Padre Kura!   Padre Kura!” ang sigaw sa kanya ng mga Kastila, nguni’t hindi niya pinuna at tumakbong patungo sa bahay ni Kapitan Tiyago.   Doon ay nakahinga siya ng maluwag:   natanaw sa isang manipis na tabing ang anino, ang kagiliw-giliw na anino, na puno ng kariktan at kagandahan ni Maria Clara, at ang sa tiya nito na may dalang mga kopa at tasa.

“Ah!” ang bulong niya, “parang nagkasakit lamang!”Pagkatapos ay isinara ni Tia Isabel ang bintana at ang

magandang anino ay di na muling nakita.            Ang kura ay lumayo sa pook na iyon nang hindi nakikita ang karamihan ng tao.  Ang nasa paningin niya ay ang magandang katawan ng isang binibining natutulog at humihingang panatag; ang mga talukap ng mata ay naguguhitan ng mahahabang pilikmata na may magandang pagkakabalantok na kagaya ng mga Birheng iginuhit ni Rafael (isang pintor Italyano); ang munting bibig ay nakangiti; ang buong pagmumukhang iyon ay nagpapahayag ng pagkabinibini, kalinisan, kawalang-malay sa kamunduhan; ang mukhang iyon ay isang magandang badha ng mga puting kayo ng hihigan, na parang ulo ng isang kerubin sa gitna ng mga ulap. 

Ang pag-iisip kaya ay nagpatuloy sa pagkakamalas ng iba pang bagay… at sino ang makapagsasalaysay ng buong kaisipan ng ng isang nag-aapoy na isipan?32

           Marahil ay ang tagapagbalita ng pahayagan na tinapos ang pagbabalita ng pista at lahat ng nangyari sa ganitong

31 Isang paglalarawan ni Rizal sa kaugalian ng mga Pilipino na ang kaguluhan ay nagagamit sa pagsasamantala sa mga kababaihan. Nagawa ni Rizal na maipakita sa pamamagitan ni Padre Salvi ang damdamin ng isang lalaking seloso na lumilikha sa kaniyang sarili ng mga eksenang magpapa-alab sa kaniyang pagseselos.

32 Sa bahaging ito ng nobela ay muli na namang ipinakita ni Rizal ang labis na pagnanasa ni Padre Salvi sa kagandahan ni Maria Clara.

479

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered-kab040

paraan: “Salamat na lamang, walang-hanggang pasasalamat sa napanahon at masugid na pagdating ni M.R.P.Fr. Bernardo Salvi na hindi natakot sa lahat ng panganib, sa gitna ng nagngangalit na bayan, sa gitna ng mga taong walang dinidinig. Umalis ng kumbento na walang sumbrero, walang baston at nagtungo sa liwasan at pinayapa ang galit ng madla, na walang ginamit kundi ang mahimok na pangungusap, ang kalakhang-loob at kapangyarihan na di-nawawala kailanman sa isang pari sa loob ng isang pagbabatang walang kaparis, ang sarap ng pagtulog, na di-nadanas ng lahat ng mabubuting budhi na gaya ng tinataglay niya, upang maiwasan na magkaroon ng munting kasakunaan ang kanyang mga alaga.  Hindi marahil malilimot ng mga taga-San Diego ang magandang inugaling ito ng kanilang magiting na pastor at sa buong buhay ay kikilalanin nila!”

480