Download pptx - Report florante at laura

Transcript
Page 1: Report florante at laura

TALAMBUHAY NI

FRANCISO BALAGTAS BALTAZAR

Page 2: Report florante at laura
Page 3: Report florante at laura

Mga Taong Naging Bahagi sa Buhay ni Franciso Balagtas:

Francisco Balagtas dela CruzJuan Balagtas- amaJuana dela Cruz- inaFelipe Balagtas- kapatidConcha Balagtas- kapatidNicolasa Balagtas- kapatidDonya Trinidad- kamag-anak

Page 4: Report florante at laura

Mga Taong Naging Bahagi sa Buhay ni Franciso Balagtas:Padre Mariano Pilapil- guroMagdalena Ana Ramos- unang babaeng nakilalaHuseng Sisiw/ Jose dela Cruz- makataMaria Asuncion Rivera- unang babaeng minahalMariano Kapule- kaagaw kay SelyaJuana Tiambeng- asawaAlferez Lucas- nagpakulong sa kaniya

Page 5: Report florante at laura

Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari sa Buhay ni Francisco Balagtas:

1799- lumuwas ng Maynila1812- natapos niya ang Canones 1829- pumanaw si Huseng Sisiw1838- natapos niya ang Florante at Laura1840- nagsimulang manirahan sa BataanHulyo 22, 1842- kinasal sila ni Juana 1860- nakalaya siyaPebrero 20, 1862- pumanaw si KikoMayo 15, 1892- nagkaroon ng sunog sa Bataan at nasunog ang mga karamihan sa gawa niya.

Page 6: Report florante at laura

TalambuhaySi Francisco Balagtas dela Cruz

ay ipinanganak sa Panginay, Bigaa Bulakan noong Abril 2, 1788. Noong Abril 30, 1788 naman siya bininyagan. Sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz naman ang mga magulang nya at ang mga kapatid nya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.

Page 7: Report florante at laura

Maikling Buod sa Buhay ni Franciso Balagtas:

Lumuwas ng MaynilaNakikita nyang wala syang

magandang kinabukasan kung mananatili sa lalawigan ng Panginay, lumuwas sya ng Maynila upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral nya. Hinanap nila ng kanyang ama ang kanilang kamag-anak na si Donya Trinidad doon sya pumasok bilang isang alilang kanin/utusan.

Page 8: Report florante at laura

Maikling Buod sa Buhay ni Franciso Balagtas:

Unang Pag-ibigNakadama ng pagpintig ng

unang pag-ibig si Kiko ng makilala nya si Magdalena sa Tondo. Dahil dito ito ang nagbungsod sa kanya na maging makata/ manunulat dahil sa panahon noon gawain ito ng mga lalaki na mag-alay ng matamis na tula para sa babaeng nililigawan nila.

Page 9: Report florante at laura

At dito sya nagpagawa ng tula kay Huseng Sisiw, pero hindi sya ginawa nito at nangako sya sa sarili nya na makakaya nya rin gawin ang kaya ni Huseng Sisiw. At hindi nga sya nabigo dahil kumalaunan sumikat din sya at natalo nya si Huseng Sisiw.

Page 10: Report florante at laura

Pag-ibig sa unang pagkikitaHabang namamasyal sa Ilog

Beata, may nakilala syang isang babaeng nagngangalang Maria Asuncion Rivera. Kapwa sila mahilig sa sining, Si Maria ay sa musika at mahusay tumugtog ng alpa samantalang si Kiko naman ay mahusay sa pagsusulat at pagbibikas ng tula. Tinawag nyang Selya si Maria dahil mahilig ito sa musika.

Page 11: Report florante at laura

Mahigpit na kaagawMaganda si Maria kaya hindi

nakakapagtaka na magkaroon sya ng maraming tagahanga at isa na rito si Mariano Kapule isang mayaman at mahipit na kaagaw nya kay Selya. Sa isang pagtitipon noon, si Selya ay tumugtog ng alpa at umawit.

Page 12: Report florante at laura

Dali-dali namang gumawa si Kiko ng tula na buong puso nyang inihadog kay Selya. Samantalang, si Kapule naman ay nagplaplano na kung paano mawawala sa landas nya si Kiko at gamit ang salapi naipakulong nya si Kiko. At dahil dito ngawa nya ang Florante at Laura.

Page 13: Report florante at laura

Kabiyak ng DibdibLumipas ang ilang taon,

nakalaya si Kiko. May isang alok na dumating sa kanya na puwesto ng isang katulong sa tanggapan ng hukom pamayapa sa Bataan. Tinanggap ni Kiko ang alok at dito nya nakilala si Juana Tiambeng. Niligawan nya ito at hindi naman sya nabigo, naging magkasintahan sila.

Page 14: Report florante at laura

Sa una, tumutol ang mga magulang ni Juana dahil sa agwat nila ni Kiko pero kumalaunan tinanggap nila rin si Kiko at naging mag-asawa sila at nagkaroon ng mga anak. Nang tumagal, sinampahan sya ni Alferez Lucas at syang nakulong uit. Sa dami ng paglilitis, naubos ang pera nila Juana at naghirap sila. Lumipas ang ilang taon, nakalaya si Kiko. Noong Pebrero 20, 1862 namatay si Kiko sa taong 74.

Page 15: Report florante at laura

FLORANTE AT LAURA(Buod)

Page 16: Report florante at laura
Page 17: Report florante at laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Page 18: Report florante at laura

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas. 

Page 19: Report florante at laura

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. 

Page 20: Report florante at laura

Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina. 

Page 21: Report florante at laura

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan.

Page 22: Report florante at laura

Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura. 

Page 23: Report florante at laura

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida. 

Page 24: Report florante at laura

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Page 25: Report florante at laura

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat. 

Page 26: Report florante at laura

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Page 27: Report florante at laura

WAKAS