Download pptx - Wastong Gamit ng Salita

Transcript
Page 1: Wastong Gamit ng Salita

WASTONG GAMIT NG SALITA

BLESSIE JOE MYGEL BAJE

JAIME BANGHAL

TERHEVIC LIWANAG

Page 2: Wastong Gamit ng Salita

PAHIRINAT

PAHIRAN

Page 3: Wastong Gamit ng Salita

PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay

Hal.

o Pahirin mo ang iyong pawis.

o Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.

o Pinahid ni Ameil ang dugong umagos mula sa kanyang labi.

Page 4: Wastong Gamit ng Salita

PAHIRAN nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay

hal.

oPahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.

o Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran .

Page 5: Wastong Gamit ng Salita

PUNASINAT

PUNASAN

Page 6: Wastong Gamit ng Salita

PUNASIN ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal

Hal.

o Punasin mo ang alikabok sa mesa.

o Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.

Page 7: Wastong Gamit ng Salita

PUNASAN ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinatatangggalan ng kung ano man

Hal.

o Punasan mo ang mesa.

o Punasan mo ang iyong noo.

Page 8: Wastong Gamit ng Salita

OPERAHINAT

OPERAHAN

Page 9: Wastong Gamit ng Salita

OPERAHIN tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis

Hal.

o Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.

o Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?

oDok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.

Page 10: Wastong Gamit ng Salita

OPERAHAN tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan

Hal.

o Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag.

o Inoperahan na si Erika kahapon.

oKasalukuyang inooperahan si Merielle sa Ospital ng Makati.

Page 11: Wastong Gamit ng Salita

SUBUKINAT

SUBUKAN

Page 12: Wastong Gamit ng Salita

SUBUKIN ay nangangahulugang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay

Hal.

o Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa inyo.

o Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.

o Susubukin ng mga tagalalwigan ang galing ng mga tagalungsod.

Page 13: Wastong Gamit ng Salita

SUBUKAN Nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao

Hal.

o Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.

o Ani ni Erap, “Wag n’yo akong subukan!”.

o Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.

Page 14: Wastong Gamit ng Salita

PINTOAT

PINTUAN

Page 15: Wastong Gamit ng Salita

PINTO ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas

Ginagawa ito upang ilagay ang sa pintuan

Hal.

o Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.

Page 16: Wastong Gamit ng Salita

PINTUAN ay ang kinalalagyan ng pinto

ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto

Hal.

o Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.

Page 17: Wastong Gamit ng Salita

HAGDANAT

HAGDANAN

Page 18: Wastong Gamit ng Salita

HAGDAN ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali

Hal.

Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.

Page 19: Wastong Gamit ng Salita

HAGDANAN ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan

Hal.

o Matibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.

Page 20: Wastong Gamit ng Salita

NANGATNG

Page 21: Wastong Gamit ng Salita

NANGAng nang ay karaniwang ginagamit na

pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay

Hal.o Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.o Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga

panauhin.

Page 22: Wastong Gamit ng Salita

Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring.

Hal.o Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.o Nangaral nang mahinahon si G. Morales.o Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.

NANG

Page 23: Wastong Gamit ng Salita

Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.

Hal.o Suklay nang suklayo Mag-ipon nang mag-ipono Nagdasal nang nagdasal

NANG

Page 24: Wastong Gamit ng Salita

Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Hal.o Nag-aaral siya ng liksyon.o Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.o Nagtanim ng palay ang magsasaka.

NG

Page 25: Wastong Gamit ng Salita

Ang ng ay ginagamit na pananda ng aktor o tagatanggap ng pandiwa sa tinig balintiyak.

Hal.o Pinangaral ng guro ang mga nahuling mag-aaral.o Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.o Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon.

NG

Page 26: Wastong Gamit ng Salita

Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

Hal.o Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang

buwayang pulitiko.o Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang

makikinis.o Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait

na alaala sa mga ita.

NG

Page 27: Wastong Gamit ng Salita

KUNGAT

KONG

Page 28: Wastong Gamit ng Salita

KUNG ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap

Hal.

o Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang pamumulitika.

o Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.

o Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.

Page 29: Wastong Gamit ng Salita

KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng ng.

Hal.

o Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.

o Maaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.

o Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-ibig.

Page 30: Wastong Gamit ng Salita

MAYAT

MAYROON

Page 31: Wastong Gamit ng Salita

MAY ginagamit kapag sinusndan ng pangngalan

Hal.

o Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.

o May virus ang nahiram niyang USB.

o Habang may buhay ay may pag-asa.

Page 32: Wastong Gamit ng Salita

MAY ginagamit kapag sinusundan ng pandiwaHal.

o May pupuntahan ka ba mamaya?

o May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.

o May nakita siyang nakakapanghilakbot na pagitain kagabi.

Page 33: Wastong Gamit ng Salita

MAY ginagamit kapag sinusundan ng pang-uriHal.

o May mahabang buhok si Christal.

o May bagong cellphone si Aldrin.

o Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.

Page 34: Wastong Gamit ng Salita

MAY ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari

Hal.

o Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.

o Ang mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila nang kabuhayan.

o Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.

Page 35: Wastong Gamit ng Salita

MAYROON ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito

Hal.

o Mayroon pa bang natirang ulam?

o Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.

o Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.

Page 36: Wastong Gamit ng Salita

MAYROON ginagamit na panagot sa tanongHal.

o May pasok ba tayo? – Mayroon.

o May maaasahan ba akong tulong sa kanya? – Mayroon naman.

o May takdang-aralin ka ba? – MAyroon po.

Page 37: Wastong Gamit ng Salita

DIN AT RINDAW AT RAW

Page 38: Wastong Gamit ng Salita

RIN AT RAW ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y

Hal.

o Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.

o Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.

o May bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod.

Page 39: Wastong Gamit ng Salita

DIN AT DAW ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y

Hal.

o Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.

o Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.

o Nakapagsulat din ng aklat si Kim.

Page 40: Wastong Gamit ng Salita

SILA AT SINAKINA AT SILA

Page 41: Wastong Gamit ng Salita

SILA AT SINA ang SILA ay panghalip paano

samantalang ang SINA ay panandang pangkayarian sa pangngalan.

karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian

Page 42: Wastong Gamit ng Salita

Nanalo sila sa timpalak

Hal.o Mali : Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak.o TAMA: Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.oMALI: Sila Jun at Emma ay nanalo sa timpalak.oTAMA: Sina Jun at Emma ay nanalo sa timpalakoTAMA: Sila ay mabubuting anak.

Page 43: Wastong Gamit ng Salita

IWANAT

IWANAN

Page 44: Wastong Gamit ng Salita

IWAN to leave something

nangangahulugang wag isama o dalhinHal.

o Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.

o Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.

Page 45: Wastong Gamit ng Salita

IWANAN to leave something to somebody

ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao

Hal.

o Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghaliann.

o Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.

Page 46: Wastong Gamit ng Salita

SUNDINAT

SUNDAN

Page 47: Wastong Gamit ng Salita

SUNDIN follow an advice

nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral

Hal.

o Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.

Page 48: Wastong Gamit ng Salita

SUNDAN folllow where one is going; follow what one does

nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba

Hal.

o Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng paella.

o Sundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan iyong magtampo.

Page 49: Wastong Gamit ng Salita

TUNGTONGTUNTONG AT

TUNTON

Page 50: Wastong Gamit ng Salita

TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawaliHal.

o Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina

Page 51: Wastong Gamit ng Salita

TUNTONG ay pagyapak sa ano mang bagayHal.

o Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.

Page 52: Wastong Gamit ng Salita

TUNTON ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay

Hal.

o Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.

Page 53: Wastong Gamit ng Salita

DAHIL SAAT

DAHILAN SA

Page 54: Wastong Gamit ng Salita

DAHIL SA ang wasto at sinusundan ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari

Hal.

oHindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.

o Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan.

Page 55: Wastong Gamit ng Salita

DAHILAN SA mali ang dahilan sa

ang dahilan ay pangalan mismoHal.

o Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ni Romano.

Page 56: Wastong Gamit ng Salita

KUNG ‘DIKUNGDI AT

KUNDI

Page 57: Wastong Gamit ng Salita

KUNG ‘DI if not

ay pinaikling kung hindiHal.

o Kung ‘di sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie.

o Hindi ka sana nakapagtrabaho kung ‘di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo ngayon.

Page 58: Wastong Gamit ng Salita

KUNG DI walang salitang ganito

Hindi dapat gamitin

Page 59: Wastong Gamit ng Salita

KUNDI ay kolokyalismo ng kung ‘diHal.

o Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.