23
Aralin 9 Price Elasticity ng Demand Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Aralin 9 price elasticity ng demand

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 9  price elasticity ng demand

Aralin 9Price Elasticity ng DemandInihanda ni: ARNEL O. RIVERAAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Page 2: Aralin 9  price elasticity ng demand

Balik-aral:• Ang demand ay ang kagustuhan ng mga

mamimili na bumili ng isang kalakal o paglilingkod. Ito rin ang dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa isang takdang presyo.

• Ayon sa BATAS NG DEMAND, mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito.Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo.

Page 3: Aralin 9  price elasticity ng demand

Subukang Isipin:• Kung tumaas nang .20 bawat

litro ng diesel, magkano ang itataas ng pamasahe?

• Kung madoble ang presyo ng sigarilyo dahil sa buwis, mababawasan kaya ang dami ng naninigarilyo?

• Kung tumaas ng 20% ang presyo ng bigas, mababawasan kaya ang bumibili nito?

Page 4: Aralin 9  price elasticity ng demand

Break Muna!• Nagkaroon ng 10% na pagtaas sa presyo ng mga

produkto na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang pagbabago sa suweldo mo. Magbigay ng anim (6) na produkto na bibilhin mo kahit na tumaas ang presyo nito.Bigas Gamot Sabong PanlabaCellphone Asukal SigarilyoLoad ng CP AsinLoad ng Internet TubigSoftdrinks MantikaChocolate Tinapay

Page 5: Aralin 9  price elasticity ng demand

Pamproseson Tanong:• Ano ang iyong batayan sa pagpili ng mga

produkto?• Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga

produkto? Ipaliwanag.• Anong mga konsepto ng ekonomiks ang

iyong naging batayan sa pagpili ng mga produkto. Paano mo ito ginamit sa pagpili ng produkto?

Page 6: Aralin 9  price elasticity ng demand

Panimula:• Maraming salik ang nakapagpapabago sa

demand at isa na rito ang presyo. Kung marunong tayong magsuri, magiging matalino ang ating pagtugon dito. Subalit pare-pareho kaya ang pagtugon ng tao sa pagbabago ng presyo ng iba’t ibang uri ng produkto? Masusukat kaya natin ang mga naging pagtugon ng mamimili?

Page 7: Aralin 9  price elasticity ng demand

Ano ang elasticity ?• Ito ay tumutukoy sa

bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa pagbabago sa presyo.

• Ipinakilala ni Alfred Marshall ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks.

Page 8: Aralin 9  price elasticity ng demand

Price Elasticity ng Demand• Tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga

produkto at serbisyo batay sa konsepto ng batas ng demand.

• Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.

• Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba.

ɛd = %ΔQd %ΔP

Page 9: Aralin 9  price elasticity ng demand

• Bahagdan ng pagbabago sa Qd o %ΔQd ang tumatayong dependent variable at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable. Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon, gagamitin natin ang absolute value ng formula nito.

Kung saan: ɛd = price elasticity of demand %ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd %ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo

Page 10: Aralin 9  price elasticity ng demand
Page 11: Aralin 9  price elasticity ng demand
Page 12: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandElastic • Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas

malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili o naghahanap ng kapalit na kalakal.

%ΔQd > %ΔP or |ε| > 1

Page 13: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandElastic • Ang pagiging sensitibo sa quantity demanded sa

pagbabago ng presyo ay bunga ng mga sumusunod na dahilan:• Maaring marami ang substitute sa produkto.• Ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa

badyet sapagkat hindi naman ito masyadong kailangan.

Page 14: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandInelastic • Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas

maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal.

|ε| < 1

Page 15: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandInelastic • Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded

sa pagbabago ng presyo ay maaaring ipaliwanag ng sumusunod: • Halos walang malapit na substitute sa isang

produkto. • Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.

Page 16: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandUnitary o Unit Elastic • Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa

bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. Ang pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo batay sa batas ng demand.

%ΔQd = %ΔP or |ε| = 1

Page 17: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandPerfectly elastic o Ganap na elastic• Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo

ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang.

|ε| = ∞

Page 18: Aralin 9  price elasticity ng demand

Uri ng Price Elasticity ng DemandPerfectly inelastic o Ganap na inelastic• Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi

tutugon sa pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin parin sa kaparehong dami.

|ε| = 0

Page 19: Aralin 9  price elasticity ng demand

Buod: Uri ng Price Elasticity ng DemandElastic |ε| > 1

Inelastic |ε| < 1

Unitary |ε| = 1

Ganap na Elastic |ε| = ∞

Ganap na Inelastic |ε| = 0

Page 20: Aralin 9  price elasticity ng demand

MAG-COMPUTE TAYO!• Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang

price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.• Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na

nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso.

Page 21: Aralin 9  price elasticity ng demand

MAG-COMPUTE TAYO!• Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang

price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.• Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng

nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon.

Page 22: Aralin 9  price elasticity ng demand

• Kung ikaw ay prodyuser ng produkto na

may inelastic na demand, marapat bang

isipin lang ang kumita ng malaking tubo?

Bakit?

PAGPAPAHALAGA

Page 23: Aralin 9  price elasticity ng demand

References:• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa

Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan

(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks

Pagsulong at Pag-unlad, VPHI• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto

at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,

Applikasyon at Isyu, VPHI