59
ARALING PANLIPUNAN Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo

Araling panlipunan-private-schools

Embed Size (px)

Citation preview

ARALING PANLIPUNAN

ARALING PANLIPUNAN

Inihanda ni Dr. Loreta B. Torrecampo

ANO ANG ARALING PANLIPUNAN?

Ito ay pag-aaral ng mga tao at grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay, ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isat isa, ang kanilang paniniwala at kultura upang makabuo ng pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigdig, gamit ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasiya, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman at mabisang komunikasyon

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO SA SIBIKA AT KULTURA (I-III)

Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa; may pagmamalaki sa mga pambansang pagkakakilanlan; nagtatamasa ng mga karapatan at gumaganap ng mga tungkulin bilang Pilipino; may positibong saloobin tungo sa paggawa; may kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran; at may kasanayang makatugon sa mga hamon ng pagbabago ng daigdig

PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (K-3)

Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan at komunidad at mga batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon tungo sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa sarili at kapaligiran bilang kasapi ng isang lipunan na may karapatan at pananagutan sa sarili sa kapwa at kapaligiran

INAASAHANG BUNGA SA UNANG BAITANG (SIBIKA AT KULTURA I )

Nagkakaroon ng kamalayan bilang Pilipino na may paniniwala sa Diyos at pagpapahalaga sa kagandahan at kalikasan ng bansa at sa mga karapatang tinatamasa at mga tungkuling dapat gampanan bilang kasapi ng mag-anak, pamayanan at bansa.

GRADE LEVEL STANDARD (GRADE I)

Naipamamalas ang kamalayan bilang batang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at pag-unawa sa batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago, distansya at direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng tahanan at paaralan.

PAKSA SA SIBIKA AT KULTURA I

Pambansang Pagkakakilanlan

Pambansang Pagkakaisa

Pambansang Katapatan

PAKSA SA ARALING PANLIPUNAN GRADE I

Ako ay Natatangi

Ang Aking Pamilya

Ang Aking Paaralan

Ako at Aking Kapaligiran

BILANG NG ORAS SA PAGTUTURO

40 Minuto sa Loob ng Limang (5) Araw

MGA TEMA

Tao, Kapaligiran at Lipunan

Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago

Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa

Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan

MGA NILALAMAN NG MODYUL

YUNIT I: AKO AY NATATANGI

PANIMULA

Sa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang ibat-ibang bagay na nagpapakilala sa kanilang sarili at nagpapatunay na sila ay natatangi. Mauunawaan din nila ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang sariling buhay at paghahambing nito sa buhay ng kanilang mga kamag-aral. Mapapahalagahan din nila ang kanilang sarili bilang bata na may taglay na natatanging katangian at pangarap.

MGA PANIMULA

Unang Markahan- 13 layunin-Pagkilala sa Sarili

*Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan,kaarawan, edad, tirahan, paaralan

*Naipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait)

*Nakagagawa ng simpleng graphic organizer ng batayang impormasyon

*Nasasabi ang sariling pangangailangan

* Nailalarawan at naiguguhit ang pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid, kamag-anak, kulay, pagkain, damit, laruan, lugar

Unang Markahan-Ang Aking Kwento

*Nakabubuo ng inilarawang timeline tungkol sa sariling buhay

*Nababasa ang timeline at nakapagsasalaysay ng buhay base rito

*Nakapagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod

*Naipakikita ang mga pagbabago sa buhay at sa personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad

*Naihahambing ang sariling kwento o karanasan ng mga kamag-aral

Unang Markahan-Pagpapahalaga sa Sarili

*Nakagagawa ng collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa sarili

*Nakapagsasaad ng mga pangarap o ninanais para sa sarili sa pamamagitan ng graphic organizer

Naipaliliwanag kung bakit mahalaga ang mga personal na pagnanais para sa sarili

MGA KASANAYANG MALILINANG

Komunikasyon

- Pagbabahagi ng impormasyon

-Pagsasalaysay

-Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

-Pakikipanayam

- Pagguhit

Mapanuring Pag-iisip

-pagsusuri

-paghahambing

-pagbubuo ng timeline

Malikhaing Pag-iisip

-paggawa ng collage

-pagguhit

Pagpapahalaga

-paggalang sa paniniwala at damdamin ng

kapwa

-pakikiisa ng mga pangkatang Gawain

-pagtapos sa gawain sa takdang-oras

Paglahok

-pagsasadula

-paglalaro

--pagsali sa talakayan

YUNIT 2: ANG AKING PAMILYA

Sa yunit na ito matutuklasan ng mga mag-aaral ang kanilang ugnayan sa mga grupong kanilang kinabibilangan. Pangunahin sa mga grupong ito ang kanilang pamilya. Matutukoy at mailalarawan rin nila ang mga kasaping bumubuo sa kanilang pamilya at ang ibat ibang gawain ng mga kasapi. Mapapahalagahan din nila ang pagsunod sa ibat ibang ibang alituntunin ng pamilya.

IKALAWANG MARKAHANLAYUNIN-25- Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya

Natutukoy ang mga kasapi ng pamilya

Nailalarawan ang bawat kasapi sa pamamagitan ng isang likhang sining

Naipakikita ang ibat ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng isang concept map o graphic organizer

Nakabubuo ng sariling kwento tungkol sa pang-araw-araw na gawain ng mga kasapi ng pamilya

IKALAWANG MARKAHAN- Ang Kwento ng Aking Pamilya

*Nakagagawa ng family tree at/o album ng pamilya

*Nakabubuo ng inilarawang timeline ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya

*Nakapagsasalaysay ng kwento ng pamilya batay sa timeline

*Natutukoy ang mga nagbago at patuloy na tradisyon o nakagawiang gawain ng pamilya

*Napaghahambing ang mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon

*Nakapaghahambing ng kwento ng sariling pamilya sa kwento ng pamilys ng mga kamag-aral

*Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya

IKALAWANG MARKAHAN-Mga Alituntunin sa Pamilya

*Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya

*Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba-ibang sitwasyon ng pang-araw-araw na buhay ng pamilya

*Naikakategorya ang ibat ibang alituntunin ng pamilya

*Nauunawaan ang batayan ng mga alituntunin ng pamilya

*Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga kamag-aral

*Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya

IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya

*Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya

*Nakaguguhit ng larawan ng sariling pamilya upang makabuo ang klase ng malaking mosaic

*Nailalarawan ang batayang pagpapahalaga ng pamilya at nabibigyang katwiran ang pagtupad sa mga ito

*Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya

IKALAWANG MARKAHAN-Pagpapahalaga sa Pamilya

*Naihahambing ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya

*Nakalalahok sa pagbuo ng consensus sa klase tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya

*Nakapagbibigay ng halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya

*Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kabutihan ng mabuting pag-uugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya

MGA KASANAYANG MALILINANG

KOMUNIKASYON

Pagbabahagi ng impormasyon

Pagsasalaysay

Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

Pakikipanayam

Pagsusulat/pagbuo ng liham

Pagsusulat ng impormasyon sa chart

MAPANURING ISIP

Pagsusuri

Paghahambing

Pagbubuo ng timeline

Pagbubuo ng bar graph

Pagpapangkat ng mga impormasyon

Pagsusuri ng mga larawan

MALIKHAING PAG-IISIP

Paggawa ng puppet

Pagguhit

Paggawa ng family tree

Paggawa ng mosaic

PAGPAPAHALAGA

Pagkilala sa mahahalagang bahaging ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya

Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa

Pakikiisa sa mga pangkatang gawain

Pagtapos sa gawain sa takdang oras

PAGLAHOK

Paglalaro

Pakikilahok sa talakayan

Pagbabasa/pagbibigkas ng tula

Pag-awit

Pagsasadula

YUNIT 3ANG AKING PAARALAN

PANIMULA

Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila.

Mapahahalagahan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mga mag-aaral na matukoy at makasunod sa ibat ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi- isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.

Mauunawan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan.

Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.

LAYUNIN-19

IKATLONG MARKAHAN

Pagkilala sa Aking Paaralan

Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan:pangalan nito, lokasyon, mga bahagi nito at taon ng pagkatatag nito/edad

Ang Kwento ng Aking Paaralan

Nailalarawan ang ang timeline ng paaralan o album ng mga larawan ng paaralan sa ibat ibang panahon

Ako Bilang Mag-aaraL;

Nasasabi kung bakit nag-aaral

IKATLONG MARKAHAN

Mga Alituntunin sa Silid-Aralan

Nasasabi ang mga alituntunin sa silid-aralan at nabibigyang katwiran ang pagtupad nito

Pagpapahalaga sa Paaralan

Nakagagawa ng kwento o larawan tungkol sa batang nag-aaral at hindi nag-aaral

MGA KASANAYANG MALILINANG

KOMUNIKASYON

Pagbabahagi ng mga impormasyon

Pagsasalaysay

Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

Pakikipanayam

Pagsusulat/Pagbubuo ng liham

Pagsusulat ng impormasyon sa tsart

MAPANURING PAG-IISIP

Pagsusuri

Paghahambing

Pagbubuo ng timeline

Pagbubuo ng graphic organizer

Pagpapangkat ng mga impormasyon

Pagsusuri ng mga larawan

Pagbubuo ng hinuha

MALIKHAING PAG-IISIP

Pagguhit

PAGPAPAHALAGA

Pagkilala sa mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay

Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa

Pakikiisa sa mga pangkatang gawain

Pagtapos sa gawain sa takdang oras

PAGLAHOK

Paglalaro

Pagbabasa/pagbibigkas ng tula

Pag-awit

Pakikilahok sa talakayan

YUNIT 4.AKO AT ANG UGNAYAN NG AKING PAMILYA AT PAARALAN/ AKO AT ANG AKING KAPALIGIRAN

PANIMULA

Sa yunit na ito, mapapalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupo o samahang kinabibilangan niya.

Malaking bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga batayang konsepto sa heograpiya. Masisiyasat nila ang kapaligiran ng kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila ang ilan sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at paggamit ng mapa upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa paligid ng kanilang tirahan at paaralan.

Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing grupong kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-uugnayan, pag-aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

LAYUNIN-11

IKA-APAT NA MARKAHAN- Ako at ang aking Tahanan at Paaralan

Nakagagawa ng mapa ng bahay

Natutukoy ang nilalaman at gamit sa bahay at klasrum at kung saan ang mga ito matatagpuan ang mga ito (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran)

Nakagagawa ng mapa ng klasrum at natutukoy ang distansya ng mag-aaral sa ibang bagay dito

IKA-APAT NA MARKAHAN Pangangalaga sa Kapaligiran

*Naiguguhit ang ibat ibang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran

*Naikakategorya ang mga gawain at ugali na nakatutulong at nakasasama sa kapaligiran

*Naisasagawa ang mga paraan ng pangangalaga sa kapaligiran

MGA KASANAYANG MALILINANG

KOMUNIKASYON

Pagbabahagi ng impormasyon

Pagsasalaysay

Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay

Pagsulat ng impormasyon sa tsart

Mapanuring Pag-iisip

Pagsusuri

Paghahambing

Pagpapangkat ng mga impormasyon

Pagsusuri ng mga larawan

Pagbubuo ng hinuha

Malikhaing Pag-iisip

Paggawa ng mapa

Pagguhit

Pagpapahalaga

Pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan

Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa

Pakikisaya ng mga pangkatang gawain

Pagtapos sa gawain sa takdang oras

Paglahok

Paglalaro

Pakikilahok sa talakayan, Pag-awit

HULAAN ANG MGA GAWAING ITO

LGOCELA - PINAGSAMA-SAMANG LARAWAN NA NAGPAPAKITA NG ISANG MALAKING IDEYA

Isa pa.

____ H___R____D___S

Ito ay pagpapahula ng isang bagay sa pamamagitan lamang ng paggawa ng aksyon nang hindi nagsasalita

Halika ire pa

Ipinakikita sa atin ng isang

T_____________E kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung anu-ano ang mga bagay na nagbago

Kaya mo pa ito!!!!

Isa itong paraan nang pagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan. GO

Ang Aking Mga Paboritong Bagay

Dagdagan pa natin???

Ito ay pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay, tao at iba pa

Halimbawa:

Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya SantosMagkatulad na Alituntunin ng aming PamilyaMga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya Dimagiba

Huli na ito kapatid

Ano ang tawag sa pinagdikit-dikit na larawan o bagay upang makabuo ng isang hugis o pattern???

Banghay-Aralin

I. Layunin

II. Paksang Aralin

A. Tema

B. Sanggunian

C. Konsepto

D.Kagamitan

E. Integrasyon

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Pamukaw Siglang Gawain

B. Panlinang na Gawain

1. Paunang Pagtataya /Pagganyak

2. Paglalahad

3. Pagtalakay

4. Paglalahat

5. Paglalapat

6. Pagpapahalaga

IV. Panghuling Pagtataya

V. Kasunduan

AKO AY GURO NA K-12 SUPPORTER

UMULAN BUMAGYO

AYOS LANG

BASTA BATANG PILIPINO

AKING PAGLILINGKURAN

DAHIL MAHAL KO ANG AKING BAYAN