12
KABANATA 11: LOS BAÑOS

El Filibusterismo Kabanata 11: Los Banos

Embed Size (px)

Citation preview

  1. 1. KABANATA 11: LOS BAOS
  2. 2. I. Talasalitaan Tresilyo- sugal na baraha Pag-aalipusta- paghamak Armas de salon- sandatang pambulgaw o pandekorasyon Apyan- opyo Pag-aalsa- paghihimagsik Masusugpo- mapipigil
  3. 3. II. Mga Tauhan Kapitan heneral- pinipilit na gawin ang kanyang mga trabaho habang siya ay naglalaro ng baraha. Dahil dito, hindi niya napagtutuunan ng pansin ang kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan ang kanyang mga desisyon na ginagawa. Madali rin siyang mabuyo sa suhestiyon ng iba. Padre Camorra- maiinitin ang ulo at ayaw magpalamang sa kanyang mga kalaro.
  4. 4. II. Mga Tauhan Padre Irene- katulad ni Padre Sibyla nagpapatalo rin siya sa Kapitan Heneral para mapapayag ang heneral sa kanyang kahilingan. Sang-ayon sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil sinuhulan siya ng kabayo ng mga estudyante para panigan sila. Ngunit nang lumaon ay tumutol rin. Gahaman sa pera at kayamanan. Padre Sibyla- kasama ni Padre Irene sa pagpapatalo sa Kapitan Heneral sa tresilyo.
  5. 5. II. Mga Tauhan Simoun- sumali sa laro ng baraha ngunit iba ang hininging kapalit sa halip na pera. Mga pabor ang hiningi niya upang maiba naman daw ang gagawin ng kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay nais niya lang na mas maipakita ng mga kalaro ang kabuktutan nila. Don Custodio- Ipinayo niya na ilipat ang paaralan sa sabungan dahil wala naman daw sabong tuwing Lunes hanggang Biyernes.
  6. 6. II. Mga Tauhan Padre Fernandez- matalino at iniisip ang makabubuti sa nakararami. Sumang-ayon siya sa pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila dahil hindi lingid sa kanya na may kakayahang mag-aklas ang mga estudyante kung sakaling hindi nila papayagan na magbubunsod sa pagbagsak ng mga Kastila. Paborito niyang mag-aaral si Isagani.
  7. 7. II. Mga Tauhan Kalihim- sa kanya binibilin ang mga dapat pagdesisyunan ng Kapitan Heneral. Ben-Zayb- nagbibilyar kasama si Simoun
  8. 8. III. Tagpuan (Disyembre 31) Los Baos, Laguna Boso-boso Bahay ng Kapitan Heneral
  9. 9. IV. Buod Nangangaso ang Kapitan Heneral sa Boso-boso Walang silang nahuli sapagkat natatakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng musiko. Kaya sa huli ay napilitan itong bumalik sa bahay. Ikinatuwa ito ng Heneral sapagkat hindi nahalata ang kaniyang kawalan ng kaalaman sa pangangaso. Kaya naglaro nalang ng baraha sina Padre Irene, Padre Sybila at ang Kapitan Heneral. Nagpatalo sina Padre Sibyla at Padre Irene samantalang inis na inis naman si Padre Camorra dahil siya ay natatalo. Hindi nagtagal ay pumalit si Simoun kay Padre Camorra. Pumayag si Simoun na itaya ang kanyang mga alahas sa kondisyong ipupusta ng mga prayle ang pangakong magpapakasama nsa loob ng limang araw. Sa Kapitan Heneral naman ay ang pagbibigay ng kapangyarihan kay simoun na magpakulong at magpatapon ng kahit na sinong kanyang nanaisin. Maraming mungkahi ang napagpasiyahan at mayroon din namang hindi. Laging sinasalungat ang Heneral ng mataas na kawani.
  10. 10. IV. Buod Mga napagpasiyahan: -Ipinasiya ng Heneral na ipagbawal ang armas de salon -Palayain si Tandang Selo -sa pakiusap ni Padre Camorra Hindi napagpasiyahan: -Kahilingan ng mga kabataan na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila -kapag ang mga kabataan ay natuto, mangangatuwiran sila -Kakalabanin nila ang pamahalaan at simbahan
  11. 11. V. Paghahambing ng mga pangyayari sa tunay na buhay Pag sugal at paglalaro Pag sipsip sa may mga kapangyarihan o nakatataas Di makatarungan pag-aalis o paglilipat sa trabaho Pagmamalaki, pagyayabang o pagpapanggap upang maikubli ang kapintasan Kawalang-pokus at di maayos na pagtupad sa tungkulin, papapakitang-tao, katamaran Pagkukulang o pagpapabaya sa edukasyon Pang-aabuso sa kapangyarihan, kasakiman o ayaw palamang
  12. 12. WAKAS