11
Kabanata 12: Si Placido Penitente

El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Kabanata 12:“Si Placido Penitente

Page 2: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

..Tauhan..:Placido Penitente – pinakamatalino sa kanilang bayan, tinanghal na pilibustero ng kura ngunit gustong tumigil sa pag-aaral Juanito Pelaez – mapapel na estudyante at kinagigiliwan ng mga propesorIsagani – napatigil sa pagsasalita nang makita si PaulitaPaulita Gomez – bumaba sa karwahe na kasama si Donya VictorinaTadeo – pumasok lamang sa paaralan upang magtanong kung may-aral at saka magdadahilan na siya’y maysakit, ngunit nakakapasa parin sa mga

pagsusulit at kinatutuwaan ng mga propesor

Page 3: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

BuodMasama ang loob ni Placido Penitente habang patungo sa

Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral kahit wala pang isang linggo nang siya’y lumuwas mula sa kanilang bayan. Dalawang beses na siyang sumulat sa ina na kung pwede ay magtatrabaho nalang siya sa halip na mag-aral . Pinakiusapan na lamang siya ng kanyang ina na magtiis-tiis nang kaunti dahil sayang ang apat na taon nilang paghihirap upang makapagtapos lamang siya ng Batsilyer sa Artes.

Siya ang bantog na pinakamatalino sa paaralan ni Padre Valerio sa Tanawan, pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mahusay umiwas sa magusot na suliranin. Tinanghal rin siya nang kanilang kura bilang pilibustero dahil sa kanyang katanyagan kaya naging palaisipan sa kanyang mga kaibigan kung bakit gusto niyang tumigil sa pag-aaral. Maliban sa siya’y masalapi, wala naman siyang bisyo at di mapagpaniwala sa mga kura.

Page 4: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Taga-Ateneo – nakadamit Europeo, matuling lumakad, kilik ang mga aklat at iniisip ang kanilang mga leksyonTaga-San Juan de Letran – nakadamit Pilipino at kaunti ang dalang aklat ngunit marami ang kanilang bilangTaga-Pamantasan – maayos manamit at baston ang dala-dala sa halip na libroMga Kababaihang Estudyante – bitbit ang mga aklat kasunod ang kanilang mga alila patungo sa “Escuela Municipal”

Sa tulay ng Espanya ay makikita ang mga binatang patungo sa loob ng Maynila upang pumasok sa kani-kanilang paaralan:

Page 5: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Nang papasok na si Placido sa pintuan ng Sto. Domingo tinapik siya ni Juanito Pelaez. Si Pelaez ay mapapel at kinagigiliwan ng mga guro. Siya’y may kayabangan, kakulitan, mapagbirong tingin at mapanuksong ngiti. Siya’y anak ng mayamang mangangalakal na mistisong Kastila sa Maynila.

Page 6: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Kinamusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani. Nakilala niya doon si Padre Camorra at sinabing siya’y masaya at matapat tulad ni Padre Paco. Nangharana sila ng mga babae at halos lahat raw ng bahay ay kanilang napanhik dahil sa maraming magagandang dalaga. May ibinulong si Juanito na ikinagulat ni Placido at idinagdag pa niya:

“…maisusumpa ko sa iyo… na wala siyang magagawa, dahil sa isang utos lamang ng pamahalaan ay maaaring mawala ang ama, asawa o kapatid… at yari ang usapan. At may nakilala kaming isang mangmang, na tila katipan ni Basilio. Napakaulol ng taong iyan. Pumili ba naman ng katipang hindi marunong ng wikang Kastila, walang yaman at alila pa. Napakasuplada nga ngunit maganda. Isang gabi’y binaston ni Padre Camorra ang nangharana sa kanya, sayang at hindi sila napatay. Ang babae ay may kasupladahan pa rin, ngunit may araw din siya.”

Page 7: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Nagtanong ng leksyon si Juanito kay Placido sapagkat noon lamang siya nakapasok. Noong nakaraang araw wala silang pasok. Noong Miyerkules ay umambon, noong Martes naman ay kaarawan ng kanilang propesor. Dinalhan nina Placido ang kanilang gurong may kaarawan ng orkestra at binigyan ng regalo. Noong Lunes, ang leksyon nila ay tungkol sa mga salamin.

Niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa. Tumutol si Placido sapagkat alam niya na magpapatuloy parin ang kanilang leksyon kapag dalawa lang ang kulang sa kanilang klase (ang kanilang silid ay mayroong 150 mag-aaral) at naalala din niya ang paghihirap ng kanyang ina upang siya’y mapag-aral sa Maynila.

Papasok na sana sila sa liwasan ng Sto. Domingo nang may naalala si Juanito. Nanghingi siya kay Placido ng abuloy para sa bantayog ng isang Paring Dominiko na si Pari Baltazar. Nagbigay si Placido ng apat na piso bilang ambag.

Page 8: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Nakarating na sila sa Unibersidad at nakita nila si Isagani kasama ang ibang mag-aaral. Bigla na lamang napansin ang kakaibang kilusan sa mga pulutong. Natigilan sa pagsasalita si Isagani at namutla nang makita ang bagong dating na karuwahe.

Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay binati ng buong giliw si Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit sa anong himala ay nakakapasa parin siya sa mga pagsusulit at kinatutuwaan pa ng mga propesor.

Page 9: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig at sinasabing nilagdaan na ito ng 2 carabineros celestiales , isang samahan ng mga banal na tumutulong sa Diyos upang sugpuin ang kasamaan. Hindi lumagda si Placido. Nalaala niya ang isang cabezang nabilanggo nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido.

Nang makarating na siya sa kanilang klase nagdadalawang isip siya kung siya ba ay papasok dahil may lagda na ang kanyang pangalan. Paalis na sana siya nang naalala niya na malapit na ang kanilang pagsusulit at inakala niya na ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro at magiging daan para siya’y makapasa.

Pumasok si Placido ngunit pakaladkad niyang hinila ang kanyang sapatos tulad nang sa bakya . At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta,

“walang galang, lagot ka sa akin.”

Page 10: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

Pagtalakay sa Nilalaman...1. Anu-ano ang mga katangian ni Placido? Bakit ibig na niyang itigil ang

pag-aaral?2. Maganda ba ang payo ng ina kay Placido? Bakit?3. Anu-ano ang ibig palitawin ng may-akda sa pagkakalarawan ng mga

estudyanteng naglalakad?4. Anong uri ng estudiyante si Juanito? Bakit? Anu-ano ang simulain niya

sa pag-aaral?5. Anong uri ng propesor ang ibig ipakilala ni Rizal sa kabanatang ito?

Patunayan ang kasagutan.6. Sino si Tadeo? Mayroon ba tayong mga Tadeo sa paaralan ngayon

bakit?7. Bakit ayaw lumagda ni Placido sa kasulatan? Anu-ano ang dahilan?8. Bakit pumasok pa rin si Placido gayong alam niyang nalagyan na ng

tanda ang pangalan niya?9. Papaano pinuna ng may-akda ang pag-aaral ng mga kabataan noon?

Ano ang ikinaiiba nito sa mga pag-aaral ngayon?10.Dumating na ba sa inyo ang mawalan ng gana sa pag-aaral? Ibigay

ang mga dahilan.

Page 11: El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente