13
Kabanata 36 Mga Kapighatian ni Ben-Zayb El Filiusterismo

El filibusterismo (kabanata 36)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: El filibusterismo (kabanata 36)

Kabanata 36Mga Kapighatian

ni Ben-Zayb

El Filiusterismo

Page 2: El filibusterismo (kabanata 36)

Mga Tauhan• Ben-Zayb

– Isang mamahayag na hindi totoo sa kanyang salita– Mahilig magsulat ng sariling bersyon ng mga

pangyayari o balita– Laging isinasaisip ang mga pansariling kagustuhan– Ipangsasawalang bahala ang katotohanan alang-alang

sa Espana• Padre Camorra

– Paring nagkaroon ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob sa bahay liwaliwan.

– Pinarusahnan ng kanyang Provincial na magsdusa sa bahay liwaliwan

Page 3: El filibusterismo (kabanata 36)

Mga Tauhan• Kabesang Tales

– Isa sa mga tulisan ni Matanlawin.

• Don Custodio– Nagkaroon ng panukalang laban sa mga mag-aalahas.

Page 4: El filibusterismo (kabanata 36)

Tagpuan• Bahay ni Ben-Zayb

- Isang entreswelo na tinitirhan niya at ng ibang kasama

• Bahay Liwaliwan— Nakaparoon sa may baybay ng ilog Pasig— bahay na tinitirhan kung tag-init ng ilang

Prayle

Page 5: El filibusterismo (kabanata 36)

Mga Pangyay

ari

Page 6: El filibusterismo (kabanata 36)

Matapos malaman ang pangyayari, patakbong nagtungo si Ben-Zayb sa kanyang bahay. Labis na malulungkot ang Heneral kung hindi mababasa ang kanyang papuri na hindi naman niya mapapahintulutan. Nagtiis siyang iwan ang hapunana’t sayawan at hindi natulog ng gabing iyon.Sa kanyang pagsusulat ay tila gumagawa si Ben-Zayb ng panibagong istorya. Sa kanyang pagkakasalaysay ang Heneral ay naging bayani, ang pagsuot ni Padre Irene sa ilalalim ng mesa ay naging udyok ng katapangan dahil ginawa niya ito sa patangkangkang paghuli sa nagkasala. Si Don Custodio naman ay inalala ang katalinuha’t paglalakbay at ang pagkahimatay ni Padre Salvi ay gawa ng malaking dalamhati ng mabait na Pransiskano.

Page 7: El filibusterismo (kabanata 36)

Matapos ilarawan ang kabaligtaran, ay ang anyo naman ng magnanakaw: takot, kabaliwan at anyong gulilat nang makita niya ang gayong matataas at kagalang-galang na tao. Isinunod niya ang panghihikayat ng pagtatag ng palagiang hukumang militar, ang pagtatag ng estado de sitio. Ito’y isang kaautusan na makapipigil nang mahigpit para sa ikabubuti ng Espana at karangalang pang-Kastila.

Bago mag-umaga ay ipinadala niya na ang lathala upang ito’y mailimbag.

Page 8: El filibusterismo (kabanata 36)

Kinaumagahan, ipinabalik kay Ben-Zayb ang kanyang mga isinulat dahil ipinagbabawal ng Kapitan Heneral ng pagbanggit ng anuman sa mga nangyari. Ibinilin sa kanya na pabulaanan ang mga nangyari.

Labis itong dinamdam ni Ben-Zayb,inahalintunad niya ito sa pagkakapatay sa isang anak. Nang maramdaman niya na ang pagtulo ng kanyang mga luha, nagbihis siya upang makipagkita sa patnugot.

Nagkibit balikat lang ang patnugot at sinabi na kung malaman ng taong bayan na ang pitong malalaking Diyos ang nagpabayang mapagnakawan ay di makabubuti sa Inang Bayan. Maging ang paghahanap sa lampara at mga magnanakaw ay ipinagbawal.

Page 9: El filibusterismo (kabanata 36)

Sa kagipitang ito ni Ben-Zayb ay saktong pagdating ng panibagong balita. May panloloob na naganap sa bahay liwaliwan sa baybay ng Ilog Pasig. Ang mga tulisan ay nakakuwa ng higat sa dalawanlibong piso, sinugatan ng malubha ang isang pari at dalawang alila.

Nagtungo siya sa pook na pinangyarihan, nakita niya dito si Padre Camorra na sugatan. Ayon dito ay tatlo ang mga tulisan na may itak at limampung piso ang halaga ng ninakaw ngunit sinalungat ito ni Ben-Zayb hindi raw tama ang salaysay ng Paadre, nais niyang palakihin ang mga pangyayari.

Page 10: El filibusterismo (kabanata 36)

May nadakip sa mga tulisan ni Matanlawin (Si Kabesang Tales). Sila raw ay inanyayahang sumama sa pangkat nina upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang hudyat daw ay isang malakas na putok. Ngunit walang putok na naganap. Inakala ng mga tulisan na sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong tulisan ay nagpasiyang manloob.

Page 11: El filibusterismo (kabanata 36)

Sa pagkakalarawan ay naiwangki ang anyo ni Simoun ngunit ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun ang puno nila.Kaya’t binigyan ng katakut-takot na pagpapahirap ang mga magnanakaw, sampung makinang elektrikaa ang ginamit sa kanila. Nguni’t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya at maraming bala at pulbura ang natagpuan dito, wari’y nagkaroonng katotohanan ang pahayag ng mga tulisan. Mabilis na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.Kinahapunan ay nagtungo si Ben-Zayb kay Don Custodio na punong-puno ng bala at rebolber ang bulsa. Naabutan niya itong naghanda ng habla laban kay Simoun.

Page 12: El filibusterismo (kabanata 36)

Matalinhagang Pahayag“ Yumao nawang matahimik ang matapang na bayani, na humahawak sa kapalaran ng bayang ito sa kapanahunang lubhang maigalig!.....”

– Ben-Zayb (pantapos sa kanyang lathala)“ Kung bukas-makalawa man lamang sana ay may magagawang iba pang krimen! ”

–Ben-Zayb“ Si Ben-Zayb ay mabangis na gaya ng leon at malambot ang loob ng gaya ng isang tupa! ”

– Dalaga sa siyudad (iniisip ni Ben-Zayb na sasabihin ng mga Dalaga)

Page 13: El filibusterismo (kabanata 36)

Mensahe Sa panahong ito, ang karapatan lang ng mga mamamahayag ay magsulat, magbura, magdagdag at magkinis ng mga pangyayari na walang bahid ng Katotohanan.

Ang mga mamahayag na sana’y naghahatid ng katotohanan upang tayo’y mamulat sa mga tuna’y na pangyayari ay sila ring pikit-matang nagbabaon nito dahil maging sila’y nakatali sa pang-aalipin ng mga Kastila