27
PAGBASA NG BIBLIYA: (SIRAC 9: 26) Nilay-Karunungan: Huwag nating ipagmayabang ang ating mga nagawa sa ibang tao lalo na sa mga panahon ng pangangailangan

Filipino 9 Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

Embed Size (px)

Citation preview

PAGBASA NG BIBLIYA:(SIRAC 9: 26)

Nilay-Karunungan:Huwag nating ipagmayabang ang ating mga nagawa sa ibang tao lalo na sa mga panahon ng pangangailangan

Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

1. Don Crisostomo Ibarra y Magsalin• Anak ni Don Rafael Ibarra• May pangarap na magpatayo ng paaralan upang

matiyak ang magandang kinabukasan ng mga bata sa San Diego• Kababata at kasintahan ni Maria Clara• Nanirahan sa Europa sa loob ng 7 taon

2. Maria Clara delos Santos• Anak ni Padre Damaso at Donya Pia Alba• Kababata at kasintahan ni Crisostomo Ibarra• Mutya ng bayan ng San Diego• Tinakdang ipakasal kay Alfonso Linares• Nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina

ng relihiyon

3. Elias• Piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay

Crisostomo Ibarra• Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng

nakakarami, at may pambihirang tibay ng loob• Tagapaglitas ni Ibarra sa kapahamakan

4. Don Santiago delos Santos• Tinatawag din na Kapitan Tiyago• Mangangalakal galing Binondo, Manila• Tanyag sa pagiging bukas-palad sa mga

mahihirap• Asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara

5. Don Rafael Ibarra• Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa

kulungan o bilangguan• Labis siyang kinainggitan ni Padre Damaso dahil

sa kanyang taglay na kayamanan• Labis ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa

batas

6. Padre Damaso Verdolagas• Isang kurang Pransisikano na ang tunay na ama

ni Maria Clara• Naging kura paroko ng San Diego sa loob ng

dalawang dekada• Nagparatang kay Rafael Ibarra na erehe at

pilibustero

7. Padre Bernardo Salvi• Siya ang pumalit na kura paroko kay Padre

Damaso• May lihim na pagtingin kay Maria Clara

8. Padre Hernando Sibyla• Paring Dominikano• Lihim na nagbabantay at sumusubaybay sa

bawat kilos ni Crisostomo Ibarra

9. Sisa• Isang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin• May asawang malupit at pabaya• Naging palaboy at baliw ng hindi na niya

mahanap ang kanyang dalawang anak

10. Basilio• Panganay na anak ni Sisa• Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana sa

kumbento

11. Crispin• Bunsong anak ni Sisa• Isang sakristan at taga-tugtog ng kampana sa

kumbento• Inakusahan na nagnakaw ng dalawang onsa o

piraso ng ginto

12. Don Anastacio• Tinatawag din na Pilosopong Tasyo• Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng

marurunong na mamamayan ng San Diego• Tinatawag din na baliw ng mga hindi edukado at

pilosopo ng mga edukado

13. Donya Consolacion• Isang dating labanderang• Malaswa kunb magsalita• Sinasabi niya na siya ay mas maganda pa kay

Maria Clara

14. Alperes• Pinuno ng guwardiya sibil• Mahigpit na kaagaw na kura paroko sa

kapangyarihan sa San Diego• Asawa ni Donya Consolacion

15. Donya Victorina de Espadana• Babaeng punumpuno ng kolorete sa mukha• Nagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol• Mahilig din siyang magsalita ng Kastila

15. Don Tiburcio de Espadana• Isang pilay at bungal na Kastilang nakarating sa

Pilipinas• Asawa ni Donya Victorina• Nagpanggap bilang isang doktor ng medisina• Sunud-sunuran sa kanyang asawa

16. Tiya Isabel• Pinsan ni Kapitan Tiago• Nag-alaga kay Maria Clara

17. Dona Pia Alba delos Santos• Ina ni Maria Clara • Namatay matapos maisilang si Maria Clara

18. Tenyente Guevarra• Matapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra• Nagkuwento kay Crisostomo Ibarra sa totoong

sinapit ng kanyang ama

19. Kapitan/Gobernador-Heneral• Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa

Pilipinas• Tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis

siya sa pagka-ekskomulgado

20. Alfonso Linares• Binatang napili ni Padre Damaso na maging

asawa ni Maria Clara• Malayong pamangkin ni Don Tiburcio

21. Salome• Simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong

matatagpuan sa kagubatan• Babaeng natatangi sa puso ni Elias

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela

Tauhan: Katangian: Kahalagahan ng Papel na ginampanan:

Crisostomo Ibarra

Sisa

Maria Clara

Pilosopo Tasyo

Elias