Upload
chariza-lumain
View
10.976
Download
61
Embed Size (px)
PROYEKTO SA FILIPINO
Ipinasa ni:Jacob, Dianne
Tii8- Milkfish
FLORANTE AT LAURAFrancisco Balagtas
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG FLORANTE AT LAURANalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong
1838, ayon kay Epifanio de los Santos.Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng
‘Florante’” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.
Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945.
Nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay.
Nalilimbag ang pamagat ng bersiyong pang-1870.
MGA TAUHANFloranteLauraAlladin/ AladinFleridaHaring LinseoSultan Ali-AdabPrinsesa FlorescaDuke BriseoAdolfo
Konde SilenoMenalipoMenandro AntenorEmirHeneral OsmalikHeneral MiramolinHeneral Abu Bakr
FLORANTE●Pangunahing bida ng Florante at Laura.
●Tagapagtanggol ng Albanya.
● Isang mabuting anak ni Duke Briseo
LAURA●Ang minamahal nang lubos ni Florante.
● Anak ng Haring Linceo ng Albanya.
●Princesa ng kahariang Albanya.
ADOLFO● Pangunahing kontrabida sa Florante at Laura.
●Anak siya ng Konde Sileno.
● Nangangagwat ang kanilang gulang ni Florante nang dalawang taon.
PRINSESA FLORESCA
●Ina ni Florante
●Princesa ng Krotona
●Asawa ni Duke Briseo
DUKE BRISEO●Ama ni Florante
●Kapatid ni Haring Linceo
●Pangalawang puno ng Albanya
TAGPUAN●Mapanglaw na gubat
●Madilim ang paligid
●Maraming nakatirang mababangis na hayop
BANGHAY NG FLORANTE AT
LAURA
PANIMULANakatali si Florante sa punong Higera. Siya ay nagmula
sa kahariang Albanya. Namimighati siya sa pagkawala ng kanyang ama na si Duke Briseo. Halos ikabaliw ni Florante na mapasakamay si Laura ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo, Konde Adolfo anak ni Konde Sileno.
May isang Moro na nakarinig sa pagtangis ni Florante. Naantig siya sa mga pananalita ni Florante. Ang Pangalan ng Moro ay Aladin. Habang nakatali si Florante may umatakeng dalawang gutom na leyon sa kanya subalit naligtas siya ni Aladin. Nawalan ng malay si Florante, napagpasiyahan ni Aladin na siya muna ang mag-alaga kay Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante hindi niya akalaing mga kaaway ng kristiyano ang nagligtas sa kanya. Matapos niyang ikwento ang lahat na nangyari naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin.
SULIRANINKailangang maipagtanggol ni Florante ang
Albanya mula sa mga kamay ng kaaway at makuha si Laura sa kamay ng kanyang kaaway na si Konde Adolfo.
TUNGGALIANIlang panahon bago ang takdang pagsabak sa
digmaan ay nakilala ni Florante ang Prinsesa ng Albanya sa si Prinsesa Laura, anak ni Haring Linceo. Kaagad siyang nabighani sa kagandahan ng dalaga. Inilarawan din ni Florante ang mabuting pag-aasikaso sa kanya ni Laura at mga panahon na sila’y magkasama. Ngunit sa kabila ng kaligayahan ay may panganib na nagbadya sa Albanya dahil kay Konde Adolfo. Ang maitim nitong balak na makuha ang trono at si Laura ang naging dahilan ng kasawian ni Florante.
KAKALASANPagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang
kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
KASUKDULANTumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina
Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
WAKASSa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin
na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
KALAGAYANG PANLIPUNAN
Maihahambing ko ang ginawa ni Adolfo sa kasalukuyang panahon kagaya nalang nang nagpumorsige siyang pagharian ang Albanya at kunin si Laura. Katulad ng mga ginagawa ngayon ng mga namumuno sa ating bansa wala silang ginawa kung hindi puro kurakot kinuha nila ang kaban ng ating bayan at wala nang natira sa ating mga mamamayan kaya tayo ay lugmok na sa kahirapan.
ARALMarami akong natutunan sa akdang Florante at
Laura. Hindi dapat tayo mapanghusga sa ating kapwa tao dahil hindi natin alam kung ano ang dala nilang kabutihan sa ating buhay. Kailangan kapag may nakita tayong tao na nangangailangan kahit hindi natin ito kaano-ano dapat tulungan natin nang may bukal sa kalooban. Huwag tayong taksil dahil ito ay masama lalong-lalo na sa taong malalapit sa atin hindi natin alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa kanya. Palakihin ng mabuti at may aral ang anak nang saganon ay madadala niya ito hanggang sa kanyang paglaki. Matuto tayong rumespeto sa relihiyon, lahi at iba ng mga taong nasa ating paligid.