Author
scps
View
1.208
Download
35
Embed Size (px)
Aralin 17-22
Aralin 17: Nalulumbay
na Puso
Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya
maging si Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay
na pagkatao ni Adolfo.
Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni
Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli.
Salamat at nailigtas siya ng kaibigang si Menandro.
Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama.
Sinasabi sa sulat na namatay ang kanyang ina.
Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.
Aralin 18: Paalam,
Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding
kalungkutan para kay Florante dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang
sasakyang sumundo sa kanya.
Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si
Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak
itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na pakikiharap.
Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi
nagpapahalata. Pinayagan ni Antenor si Menandro na
sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.
Aralin 19: Sa Bayan ng Krotona
Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling
manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina.
Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat
ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat
nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalik ng Persiya.
Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa
buong mundo.
Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag
na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama.
Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni
Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
Aralin 20: Kagandahang
Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw ni
Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap
isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali
ng sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa
dalaga.
Aralin 21: Pangarap na
Pagibig
Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si
Laura.
Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante
patungong digmaan.
Aralin 22: Tagumpay at
Pighati
Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang
kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal.
Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina
Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng
Krotona.
Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa
hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si
Osmalik.
Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang
malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit
nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang
magkita ang maglolo.
Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni
Florante na walang lubos na ligaya sa mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si
Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit
na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang
kinutuban si Florante.