Author
shekainalea
View
641
Download
12
Embed Size (px)
M A L A K A S A N G L O O B , M A H I N A A N G
T U H O D
Aralin 9
Halina, Aking Laura
Halina, Laurat aking kailangan
Ngayon ang lingap mo nang naunang araw;
Ngayong hinihingi ang iyong pagdamay,
Ang abang sinta moy nasa kamatayan.
At ngayong malaki ang aking dalita
Ay di humahanao ng maraming luha,
Sukat ang kapatak na makaapula,
Kung sa may pagsintang puso moy nagmula.
Katawan ko ngayoy siyasatin,ibig,
Tingni ang sugat kong di gawa ng kalis,
Lugasan ang dugong nanalong sa gitgit
Ng kamay ko, paat natataling liig.
Halina, irog kot ang damit koy tingnan,
Ang hindi mong ibig dapyuhang kalawang,
Kalagin ang lubid at iyong bihisan,
Matinding dusa koy nang gumaan-gaan.
Ang mga mata moy kung iyong ititig
Dini sa anyo kong sukdulan ng sakit,
Upang di mapigil ang takbong mabilis
Niring abang buhay sa ikapapatid.
Wala na, Laura ikaw na nga lamang
Ang makalulunas niring kahirapan;
Damhin ng kamay mo ang aking katawan
At bangkay man akoy muling mabubuhay!
Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap!
Wala si Lauray aking tinatawag!
Napalayu-layot di na lumiliyag,
Ipinagkanulo ang sinta kong tapat.
Sa ibang kadungay ipinaubaya
Ang puso akin na, at akoy dinaya,
Buong pag-ibig koy ipinanganyaya,
Nilimot ang sintat sinayang ang luha.
Alin pa ang hirap na di nasa akin?
May kamatayan pang di ko daramdamin?
Ulila sa amat sa inang nag-angkin,
Walang kaibigat nilimot ng giliw.
Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
Palasong may lasong natirik sa puso;
Habag sa ama koy tunod na tumimo,
Akoy sinusunog niring panibugho.
Itoy siyang una sa lahat ng hirap,
Pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
Dini sa buhay koy siyang nagsasadlak
Sa libangang laan ng masamang palad.
O Konde Adolfoy inilapat mo man
Sa akin ang hirap ng Sansinukuban,
Ang kabangisan moy pinasasalamatan,
Ang puso ni Laura kung hindi inaagaw!
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
Na umaalingawngaw sa loob ng gubat,
Tinatangay ang diwat karamdamang hawa
Ng buntong-hiningat luhang lumagaslas.
Sa puno ng kahoy ay napayukayok
Ang liig ay supil ng lubid na gapos
Bangkay na mistulat ang kulay na burok
Ang kanyang mukhay naging puting lubos.
Aralin 10
Aladin, Morong
Tagapagligtas
Talasalitaan
pika sibat na ginagamit sa pakikipaglaban
Adarga pananggang hugis biluhaba o oblong naginagamit na kalasag
Puryas /furia mga diyosang malulupit buhat saimpyerno, binubuo nila Megeras, Tisi Phore at Alekto
Marte- diyos ng pakikidigma ng mga Romano, napinangalanang Ares ng mga Griyego
Pagkilala sa Tauhna
Aladin- mandirigmang Moro na anak niSultan Ali Adab ng Persya.
- Nagligtas kay Florante sa bingit ngkamatayan.
- Kasintahan ni Flerida at naparusahan ng kanyang amangSultan na lisanin ang kanilang bayan.
Pagkilala sa Tauhan
Flerida - Ang kasintahan ni Aladin nanapusuan ni Sultan Ali Adab. Angtumudla kay Adolfo.
-Pumayag sa kagustuhan ni Sultan Ali Adab na pakasalan ang sultan kapalit sa paglaya ni Aladin.
Nagkataong siyang pagdating sa gubat
Ng isang generong bayani ang tikas,
Putong na turbante ay kalingas-lingas,
Pananamit Moro sa Persyang siyudad.
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw,
Anakiy ninitang pagpapahingahan,
Di-kaginsa-ginsay ipinagtapunan
Ang pikat adargat nagdaop ng kamay.
Saka tumingalat matay itinitik
Sa bubong ng kahoy na takip sa langit,
Estatuwa manding nakatayoy umid,
Ang buntong-hininga niyay walang patid.
Nang madamdam-ngawit sa pagayong anyo,
Sa puno ng isang kahoy ay umupo,
Nagwikang O palad sabay ang pagtulo
Sa mata ng luhang anakiy palaso.
Uloy ipinatanong sa kaliwang kamay
At saka tinutop ang noo ng kanan,
Isang mahalagang nalimutang bagay,
anakiy mayroon ginugunamgunam.
Malaoy humilig,nagwalang-bahala,
Di rin kumakati ang batis ng luha,
Sa madlang himutok ay kasalamuha
Ang wikang Fleriday tapos na ang tuwa!
Sa balang sandali ay sinasabugan
Yaong buong gubat ng maraming ay! Ay!
Na nakikitono sa himig mapanglaw
Ng panggabing ibon dooy nagtatahan
Mapamaya-mayay nagbangong nagulat
Tiningnan ang pikat sampu ng kalasag
Nalimbag sa mukha ang bangis ng Puryas
Di ko itutulot, ang ipinahayag.
At kung kay Fleriday iba ang umagaw
At di ang ama kong dapat na igalang,
Hindi ko masabi kung ang pikang tangay
Bubuga ang libot laksang kamatayan.
Bababa si Marte mula sa itaas
At sa kalalimay aahon ang Parkas,
Buong galit nila ay ibubulalas
Yayakagin niring kamay kong marahas.
Sa kuko ng liloy aking aagawin
Ang kabiyak niring kaluluwang angkin
Liban na kay ama, ang sinumat alin
Ay di igagalang ng tangang patalim.
O pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aamay iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamaking lahat masunod ka lamang.
At yuyurakan na ang lalong dakilam
Bait, katwiray ipanganganyaya,
Buong katungkulay wawaling-bahala,
Sampu ng hiningay ipauubaya.
Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
Salaming malinaw na sukat mahalin
Ng makatatatap, nang hindi sapitin
Ang kahirapan kong di makayang bathin.
Aralin 11
Duke Briseo,
Mapagtangkilik na
Ama
Pagpapakilala ng Tauhan
Duke Briseo
- Siya ang ama ni Florante at tagapayo ng haring Albanya.Para kay Florante, walang kaparis angkanyang amang Duke Briseo. Nagpapahiwatig ito ngmalalim na pagmamahal ng anak sa kanyang ama.
- Natapos ang buhay niya dahil sa kasamaan at pagpapasakit na inihatid ni Konde Adolfo. Labis angnaging paghihirap sa kanya. Pinugutan siya ng uloat walang makapaglakas ng loob na maglibing sakanyang bangkay.
Sa nawikang ito luhay pinaagos,
Pikay isinaksak saka naghimutok;
Nagkataon namang parang isinagot
Ang buntung-hinga niyong nagagapos.
Gereroy namangha nang itoy marinig,
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig;
Nang walang makitay hinintay umulit,
Di naman nalaoy nagbangong humibik.
Ang bayaning Moroy lalo nang napamaang.
Sinong nananaghoy sa ganitong ilang?
Lumapit sa dakong pinanggalingan
Ng buntung-hiningat pinakimatyagan.
Inabutan niyay ang ganitong hibik;
Ay, mapagkandiling amang iniibig!
Bakit ang buhay moy naunang napatid,
Akoy inulila sa gitna ng sakit?
Kung sa gunitay koy pagkuru-kuruin
Ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
Parang nakikita ang iyong narating
Parusang marahas na kalagim-lagim.
At alin ang hirap na di ikakapit
Sa iyo nh Konde Adolfong malupit?
Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait,
Pagbubuntunan ka ng malaking galit.
Katawan mo amay parang namamalas
Ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
Pinipisan-pisan at iwinawalat
Ng pawa ring lilot berdugo ng sukob.
Ang nagkahiwalay na laman mot buto,
Kamay at katawang nalayo sa ulo,
Ipinaghagisan niyong mga lilo
At walang maawang maglibing na tao.
Sampu ng lingkod mot mga kaibigan,
Kung kampi sa liloy iyo nang kaaway;
Ang di nagsaiyoy natatakot naman
Bangkay moy ibaot mapaparusahan.
Hanggang dito amay aking naririnig,
Nang ang iyong uloy itapat sa kalis;
Ang panambitan mot dalangin sa langit,
Na akoy maligtas sa kukong malupit.
Ninanasa mo pang akoy matabunan
Ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan,
Nang huwag mahulog sa panirang kamay,
Ng Kondeng Adolfong higit sa halimaw.
Pananalangin moy di pa nagaganap,
Sa lilig moy biglang nahulog ang tabak;
Nanaw sa bibig mong huling pangungusap
Ang adiyos, bunsot buhay moy lumipas.
Ay, Amang-ama ko! Kung magunamgunam
Madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
Ipinapalaso ng kapighatian
Luha niring pusong sa matay nunukal.
Walang ikalawang ama ka sa lupa
Sa anak na kandong ng pag-aaruga;
Ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
Sa habag moy agad nanalong ang luha.
Ang lahat ng tuway natapos sa akin,
Sampu niring buhay ay naging hilahil;
Ama koy hindi na malaong hihintin
Akot sa payapang bayay yayakapin.
Sandaling tumigil itong nananangis,
Binigyang panahong luhay tumagistis
Niyong naaawang Morong nakikinig
Sa habag ay halos magputok ang dibdib.
Tinutop ang puso at saka nagsaysay;
Kailang, aniya luha koy bubukal
Ng habag kay Ama at panghihinayang,
Para ng panaghoy ng nananambitan.
Sa sintang inagaw ang itinatangis
Dahilan ng aking luhang nagbabatis;
Yaoy nananaghoy dahil sa pag-ibig,
Sa amang namatay na mapagtangkilik.
Kung ang walang patid na ibinabaha
Ng mga mata koy sa hinayang mula,
Sa mga palayaw ni Amar aruga,
Malaking palad kot matamis na luha.
Ngunit ang nananahang maralitang tubig
Sa mukhat dibdib koy laging dumidilig,
Kay Ama nga galing datapwat sa bangis,
Hindi sa andukha at pagtatangkilik.
Ang matatawag kong palayaw sa akin
Ng ama koy itong akoy pagliluhin,
Agawan ng sintat panasa-nasaing
Lumubog sa dusat buhay koy makitil.
May para kong anak na napanganyaya,
Ang layaw sa amay dusat pawang luha,
Hindi nakalasap kahit munting tuwa
Sa masintang inang pagdakay nawala!
Aralin 12
Sina Florante at
Aladin sa Harap
ng Panganib
Napahinto ritoy narinig na muli
Ang panambitan niyong natatali,
Na ang wikay- Laurang aliw niring budhi,
Paalam ang abang kandong ng pighati!
Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
Sa harap ng di mo esposong katipan,
At huwag mong datnin yaring kinaratnan,
Ng kasing nilimot at pinagliluhan.
Kung nagbangis ka mat nagsukab sa akin,
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim,
At kung mangyayari, hanggang sa malibing
Ang mga buto ko, kitay sisintahin.
Di pa natatapos itong pangungusap,
May dalawang leong hangos nang paglakad
Siyay tinutungot pagsil-in ang hangad,
Ngunit nangatigil pagdating sa harap.
Nangaawa mandit nawalan ng bangis
Sa abang sisil-ing larawan ng sakit,
Nangakatingalat parang nakikinig
Sa di lumilikat na tinatangis-ngis.
Anong loob kaya nitong nakagapos,
Ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
Na ang balang ngipit kukoy naghahandog,
Isang kamatayang kakila-kilabot!
Di ko masabit luha koy nanatak,
Nauumid yaring dilang nagungusap,
Pusoy nanlalambot sa malaking habag,
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.
Sinong di mahapis na may karamdaman
Sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay,
Liposo ng pighati saka tinutunghan,
Sa laman at buto niya ang hihimay.
Katiwala na nga itong tigib sakit
Na ang buhay niyay tuntong na sa guhit
Nilagnat ang pusot nasira ang boses,
Di na mawatasan halos itong hibik.
Paalam Albanyang pinamamayanan
Ng kasam-at lupit, bangis,kaliluhan;
Akong tanggulan moy kusa mang pinatay,
Sa iyoy malaki ang panghihinayang.
Sa loob mo naway huwag mamilantik
Ang panirang talim ng katalong kalis;
Magka-espada kang para nang binitbit
Niring kinuta mong kanang matangkilik.
Kinasuklaman mo ang ipinangakong
Sa iyoy gugulin niniyak kong dugo;
At inibig mo pang hayop ang magbubo
Sa kung ipagtanggol kay maubos tumulo.
Pagkabata ko nay walang inadhika
Kundi paglilingkod sa iyot kalinga;
Di makailan kang babal-ing masira,
Ang mga kamay koy siyang tumimawa.
Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
Datapuwat sa iyoy magpapasalamat
Kung pakamahalit huwag ipahamak
Ang tinatangisang giliw na nagsukab.
Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
Ng kamatayan man sa tapat kong dibdib;
Paalam, bayan ko, paalam na, ibig,
Magdarayang sintang di mananaw sa isip!
Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
Magdiwang na ngayot manulos sa tuwa
At masusunod na sa akin ang nasa.
Nasa harap ko ang lalong marawal,
Mabangis na lubhang lahing kamatayan;
Malulubos na nga ang inyong kasam-an;
Gayundin ang aking kaalipustahan.
Sa abang-aba ko, diyata, O Laura
Mamamatay akoy hindi mo na sinta!
Ito ang mapait sa lahat ng dusa
Sa akin ay sinong mag-aalaala?
Diyatat ang aking pagkapanganyaya,
Di mo tatapunan ng katulong luha!
Kung yaring buhay koy mahimbing sa wala,
Di babahaginan ng munting gunita?
Guniguning itoy lubhang makamandag,
Agos na, luha kot pusoy maaagnas,
Tulo,kaluluwat sa matay pumulas,
Kayo, aking dugoy mag-unahang matak.
Nang matumbasan ko ng luha ang sakit
Nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
Huwag yaring buhay ang siyang itangis,
Kundi ang pagsintang lubos na naamis.
Gawain
Panuto
Gamit ang akrostik, ilarawanang iyong ama.Pumili ng isangkatawagang iyong ginagamit,halimbawa, itay, papa, odaddy. Sundin ang gabay saibaba.
Halimbawa
A- ktibo sa simbahan
M-asipag
A- lagang-alaga ang pamilya