Click here to load reader

Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

  • View
    5.435

  • Download
    53

Embed Size (px)

Text of Kabanata 3: Pamamaraan at Pinagkunan ng mga Datos

  • PAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOSPAMAMARAAN AT PINAGKUNAN NG MGA DATOS

  • DISENYO AT METODO

    -Ipinapaliwanag ang disenyo o metodo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan, historikal o kayay eksperimental.

  • - Ang pamaraan ng pananaliksik ay nararapat na ibagay sa layunin ng pananaliksik. Tinatalakay ang ginamit na paraan ng mananaliksik sa pagsasagawa ng sulatin.

  • - Kasamang inilalahad ang dahilan ng pagkakapili ng naturang uri o paraan ng pananaliksik at maging ang mga natagpuang kalakasan at kahinaan ng nasabing pamamaraan para sa pag-aaral.

  • B. POPULASYON AT LUGAR NG PANANALIKSIK--Naglalaman ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin sa pananaliksik pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.

  • Mga Katanungang Dapat Sagutin:

    1. Sino ang kasangkot sa pag-aaral? 2. Ilan ang kasangkkot? 3. Paano sila pipiliin?

  • Dito nakasaad kung ilang respondente ang kailangan mula sa buong populasyon kaya kailangan ang tinatawag na sample.

  • Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

    1. Malubhang magastos ang pagkuha ng buong populasyon.

  • Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

    2. Maraming oras ang nagagamit para maabot ang sinasabing target na populasyon.

  • Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:

    3. Ang mga mananaliksik ay nakapaghihinuha at nakakapaglahat tungkol sa target na populasyon

  • Ang pagkuha ng sample ay karaniwang ginagawa dahil sa:Isang napakagandang karanasan malanman ang tungkol sa isang malaking populasyon mula sa isang sampling.

  • Sample ang tawag sa kumakatawan sa kabuuang populasyon o ang pagkuha ng bahagi mula sa isang malaking populasyon.

  • Maari ring ang sample ay maliit na grupo na iyong inoobserbahan at ang populasyon ay mas malaking grupong inaaplayan ng paglalahat o generalization.

  • Random Sampling- Pinakatanyag na pagkuha ng sample dahil tinatawag din itong lottery o raffle na sampling.

  • Random Sampling- Napakadaling unawain at gawin kung saan pantay-pantay ang pagkakataon ng bawat indibidwal na mapabilang sa sample.

  • Halimbawa- Napakadaling unawain at gawin kung saan pantay-pantay ang pagkakataon ng bawat indibidwal na mapabilang sa sample.

  • Ang populasyon ay may 200 at 20% ang pipiliin. Lahat ng mga pangalan ay isa-isang isusulat sa magkakahiwalay na pirasong papel at itutupi. Ipapasok ang mga ito sa isang lalagyan tulad ng garapon at aalugin hanggang masiguradong nahalo nang husto.

  • Bubunot ng 40 kapirasong papel at ang mga ito ang magsisilbing mga respondente. Siguraduhing hindi sisilipin ang mga kapiraso ng papel para maiwasan ang pagiging bias.

  • C. KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS-- inilalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na kinakailangan o ginamit upang matugunan ang mga suliraning ipinapahayag sa pag-aaral.

  • - Ginamitan ba ng sarbey, pakikipanayam, talatanungan (quetionaire-checklist), ilang napasali, paano ang naging pangongolekta ng datos, gaano katagal ang inubos na panahon sa pagpapamudmod o sa pangongolekta ng datos, ano ang naging kondisyon ng pangongolekta , ano-ano ang mga suliraning kinaharap.

  • Tatlong Pangunahing Pinagkukunan ng DatosA. Talatanungan- ginagamit ng mananaliksik kung saan ay sinusulat ang mga tanong at pinapasagutan sa mga respondente nito. Itp ang pinakamadaling paraan ng pangangalap ng datos.

  • Dalawang UriNg TalatanunganOpen Ended

    - ang mga respondente ay malaya sa pagsagot.Close Ended

    - uri ng talatanungan na may pagpipilian.

  • Panuto: Lagyan ng tsek ang antas ng iyong kakayahan sa paggamit ng ibat obang application program. Gamitin ang gabay na eskala sa ibaba:

    4- mataas na kakayahan (very competent) napakahusay na nakapagsasagawa ng kasanayan.3- may kakayahan (competent) mahusay na nakapagsasagawa ng kasanayan.2- may bahagyang kakayahan (moderately competent) nakapagsasagawa sa pamamagitan ng paguulit-ulit.1- walang kakayahan (not competent) walang kakayahang magsagawa.

    Mga Aytem43211. Pagsimula ng word processor (paglikha ng dokumento, pag-encode, pag-edit, pamimili ng font, atbp.)2. Pangangasiwa ng file (Pag-save ng dokumento, pag-retrieve ng dokumento, pag-print at pagdelete ng file)3. Pagpormat ng dokumento (pagtatala,pag-bullet at pagbilang, pagsasaayos, pagpakita at pagtago ng teks)4. Pag-proofread ng dokumento (pagwasto ng baybay, gramatika, paghanap ng kaugnay na mga salita)5. Paglagay at pag-edit ng graphics (larawan, clip art, word art, pagguhit, grap, equation)

  • Mga Bentahe ng TalatanunganMadaling buuin. Ang mga tugon ay madaling ilista sa talahanayan. Malaya ang mga respondente sa pagsagot. Madaling ipamahagi.Maaaring di sagutin ng mga respondente ang mga ibang tanong lalo na kapag ito ay masyadong pribado.

  • Mga Disbentahe ng TalatanunganHindi maaari sa mga di amrunong bumasa at sumulat. May mga talatanungan na di na naibabalik.Kung may maling impormasyon ay hindi maitatama agad. May mga respondente na hinahayaang blangko ang ilang mga tanong dahil maaaring hindi niya ito maintindihan o walang interes na sagutan.

  • Mga Disbentahe ng Talatanungan

    Napipilitan ang mga respondenteng piliin ang mga kasagutan kahit hindi ito ang nais niyang kasagutan tulad ng oo o hindi na tugon.

  • Mga Katangian ng Epektibong mga Tanong Nararapat na maging malinaw ang lengguwahe, ang bokabularyo at estruktura. Ang konseptwal na antas ng tanong ay dapat na angkop sa mga kakayahan at karanasan ng mga respondente. Ang nilalaman o paksa ng tanong ay dapat na tiyak.

  • Mga Katangian ng Epektibong mga Tanong Ang tanong ay nararapat na nagpapakita ng isang layunin. Dapat na malaya ang tanong sa anumang mga palagay. Ang tanong ay bukas sa anumang mungkahi.

  • Mga Hakbang sa Pagbuo ng Talatanungan Magsaliksik sa silid aklatan dahil may mga tanong sa tesis o disertasyon na makakatulong sa pagbuo ng sarbey. Magtanong sa mga bihasa tulad ng mga dalubguro sa pananaliksik. Isulat ang mga tanong. Ipa-edit ang mga nabuong tanong sa mga mas nakakaalam.

  • B. Pakikipanayam Ito ay isinasagawa kung posible ang interaksyong personal.

    Dalawang Uri ng PakikipanayamBinalangkas na Pakikipanayam o Structured Interview

    - Ang mga tanong ay nakalahad nang tiyak sa permanenteng listahan o tinatawag din itong gabay sa pakikipanayam o interview guide.

  • Dalawang Uri ng PakikipanayamBinalangkas na Pakikipanayam o Structured Interview

    - Ang nakikipanayam ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon sa pagkasunod-sunod sa listahan. Kung susundin ang pamantayan, minsan lamang niya ibibigay ang tanong, hindi siya dapat lumayo sa pagkakaayos at hindi magtatanong ng karagdagang katanungan.

  • Halimbawa:Tanong: Gaano kaepektibo ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo?_____ napakaepektibo_____ epektibo_____ hindi epektiboTanong: Sa iyong opinyon , kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo sa larangan ng edukasyon?______ oo______ hindi______ maaari

  • Dalawang Uri ng Pakikipanayam2. Di-Binalangkas na Pakikipanayam o Unstructured Interview - Bagamat ang kumakapanayam ay may listahan ng mga tanong, hindi niya kailangang sundin ang pagkasunod-sunod ng mga nito. Bukod doon, malaya niyang ulitin ang tanong at tumatalakay pa sa ibang punto na inaakala niyang makakatulong at kapaki-pakinabang sa pakikipanayam.

  • Halimbawa:Tanong: Ilarawan ang estado ng kagamitang pampagtuturo sa pananaliksik sa larangan ng edukasyon.Tanong: Sa iyong opinyon , kailangan pa bang bumuo ng kagamitang pampagtuturo sa larangan ng edukasyon?

  • Mga Dapat Tandaan sa PanayamBago ang panayam:1. Tiyakin ang taong kakapanayamin.2. Makipag-ugnayan sa kakapanayamin at itakda ang petsa at lugar ng panayam.3. Magsaliksik tungkol sa paksa at taong kakapanayamin.4. Maghanda ng gabay na tanong.5. Ihanda ang mga teknikal na kagamitan para sa panayam.

  • Mga Dapat Tandaan sa PanayamAktuwal na Panayam1. Dumating sa takdang oras at lugar ng panayam.2. Magpakilala sa kakapanayamin at bigyan siya ng malinaw na background tungkol sa paksa at layon ng panayam.3. Isagawa ang panayam sa pamamagitan ng epektibong pagtatanong.4. Magpasalamat sa kinakapanayam sa kaniyang pagpapaunlak.

  • Mga Dapat Tandaan sa PanayamPagkatapos ng Panayam1. Gawan ng wastong identipikasyon ang file na ginamit sa pakikipanayam; gayundin ang mga tala.2. Gawan ng transkripsyon ang file ng panayam.

  • C. Obserbasyon kinakapalooban ito ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. Ang mananaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

  • Dalawang Uri ng Obserbasyon1. Di-pormal na obserbasyon itinatala lamang ang mga napag-usapan at walang limitasyon sa mga impormasyon.

    2. Pormal na obserbasyon o structured observation- Itinatala rito kung ano lamang ang nais obserbahan at ang mga posibleng kasagutan ay binalangkas. Limitado lamang ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas sistematiko kaysa sa di pormal na obserbasyon.