Click here to load reader

Kabanata 37

  • View
    3.102

  • Download
    20

Embed Size (px)

Text of Kabanata 37

Slide 1

Ni: Dr. Jose P. Rizal

AngKapitan- HeneralKabanata 37

Mga Tauhan

Crisostomo IbarraIsang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Claraang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia Alba kay Padre Damaso.

Kapitan Heneralpinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Padre Salvikurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.Padre Sibyla

AlkaldeNangako sa Kapitan Heneral na pangangalagaan niya si Ibarra

SinangKaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Halagang Pangkatauhan

Ang isang mahusay na pinuno ay walang kinikilingan maliban sa katarungan

AngPanimula

Ang isang mabuting pinuno ay minamahal ng kanyang nasasakupan. Siya ay may pantay na pagtingin dapat sa lahat ,makatarungan at marunong magpalakad ng gobyerno. Ang kanyang iniisip ay kapakanan ng nakararami. Ang pangunahing layunin niya ay maglingkod ng tapat.

Ngunit nakalulungkot isipin na sa panahon ngayon maraming mamamayan ang nakakalimutan na ng ilan sa ating mga umuugit na batas o mga taong inihahalal noong panahon ng eleksiyon. Naklilimot ang ilan sa sinumpaan nilang tungkulin at napababayaan ang mga taong dapat paglingkuran lalo na ang nasa liblib na lugar o hindi matanaw o maabot.

Sa kabanata, ipinakilala ni Rizal ang isang mahusay na pinuno sa katauhan ng Kapitan Heneral. Siya ay walang kinikilingan at tapat sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng isang Kastila, ang pagbibigay ng katarungan ay hindi ipinagkait maging sa mga Pilipino. Pinakikinggan niya ang bawat panig at nagbibigay papuri kung kinakailangan. Tulad ni ibarra na isa ring Pilipino, siya ay pinapurihan ng kapitan heneral dahil sa kanyang mga panukala at dahil alam niyang walang kasalanan ang binata, nangako siyang tutulong upang maalis ang kanyang pagka- excomulgado. Bukod pa rito, si Ibarra ay ipinagbilin ng Kapitan Heneral sa alkalde upang hindi na maulit ang nangyari sa tanghalian sapagkat ayon sa Kapitan Heneral, iyon ay nakasisirang puri sa pamahalaan at sa lahat ng Kastila. Upang lalo mo pang masaksihan ang mabuting pamamalakad ng Kapitan Heneral kailangan mong basahin ang kabanata.

Buod

Pagkadating ng Kapitang-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit nang lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga prayle na sina Pari Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral. Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng Heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit si Pari Damaso. Matapos paupuin ng Kapitan Heneral ang mga prayle ay siya na mang pagdating nina Kapitan Tiago at Maria Clara.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nasaktan na ni Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kaagad namang tumutol.

Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomunicado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na gumaling ito kaagad. Hindi nila natanggap na dahil lamang kay Padre Damaso ay naging malamig ang pagtanggap sa kanila ng Heneral. Umalis ang mga prayle na may sama ng loob sa heneral at nakasalubong si Ibarra ngunit walang batiang nangyari maliban sa mga tinginang makahulugan.

Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkaka-excumunicado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na pinalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siyay nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani ni Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin na sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, napagmunian ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat ng ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, kaagad itong nagsalita at sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan Tiago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Pagkaalis ni Ibarra ay tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak. Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal kahit hindi pa man naaayos ang kasal.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra si Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumagot at pinalagos ang kanyang boses sa susian ng pinto. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Mahahalagang Pangyayari

Nagpasalamat ang Kapitan Heneral kay Maria dahil siya ang namagitan sa away nina Padre Damaso at Ibarra

Hinanap ng Kapitan Heneral si Padre Damaso sa mga prayleng bumisita sa kanya.

Ipinaalam ni Padre Salvi sa Kapitan Heneral na si Ibarra ay isang excomulgado

Nakausap ni Ibarra ang Kapitan Heneral at sinabi ng huli sa una na siya ay labis na nasiyahan sa kanyang panukala na pagpapatayo ng paaralan

Niyaya ng Kapitan Heneral si Ibarra na sumama sa kanya sa Espanya ngunit tumanggi ang binata at sinabing kailangan niyang mamuhay kung saan namuhay ang kanyang mga magulang

Nagkaroon ng pagkakataon si Ibarra na puntahan si Maria Clara sa kanyang silid ngunit hindi siya hinarap ng dalaga

Talasalitaan

Excomunicado(taong tumiwalag sa simbahan)(Siya ay isang excomunicado!!!!)

Kinalulugdan(Ikinalulugdan ko ang kanyang pagdating(ikinatutuwa)

Pinalagos(Pinadaan)(Pinalagos ko sa kanya ang aking sulat.)

Pagsusuri

Makatuwiran si Rizal. Naniniwala siya na sa bawat panlalahat ay may edukasyon. Inilarawan ni Rizal ang pagpuri niya sa mga Kastilang may malawak na pag-iisip tulad ng Kapitan Heneral. Dito napag-unawa na walang kinikilingan si Rizal. Sinasabi niya kung ano ang totoo lamang. Ang tunay na dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng parnumuno ng mga Kastila ay ang pakikisangkot ng mga pari sa usaping panlipunan at pampulitika.

Wakas

Ipinasa nila:Jan Paul B. Olaso

At

Arjay M. Torno III One