26
Kayarian ng Panaguri Kayarian ng Paksa Mga Pangungusap na Walang Paksa Tagapag-ulat: Vaneza E. Tuvida 1. 3. 2.

Kayarian ng panaguri at paksa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri

Kayarian ng Paksa Mga Pangungusap na

Walang Paksa

Tagapag-ulat: Vaneza E. Tuvida

1.

3.

2.

Page 2: Kayarian ng panaguri at paksa

F. KAYARIAN NG PANAGURI

Page 3: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri• Ang panaguri ay maaring buuin ng isang

salita, isang parirala, o isang sugnay.Panuguring Salita• ito ay isang salita lamang ay maaaring

pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o pawatas. Sa sinasabing isang salita ay hindi isinasama ang mga pananda.

Page 4: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri

Panaguring Parirala• ay maaaring pariralang pang-ukol o

pariralang pawatas na gumaganap ng tungkulin ng pangngalan, pang-uri o pang-abay.

Page 5: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri

• Halimbawa ng pariralang paang-ukol:

1. Hinggil sa pagpapabahay sa mahihirap ang kumprehensya kahapon.

Page 6: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri• Halimbawa ng pariralang pawatas:1. Mag-aaral magmaneho ng awto ang

aasikasuhin niya ngayong bakasyon.• Maari ring gamiting panaguri ang

sugnay. Gumaganap ang sugnay ng tungkulin ng pangngalan.

Page 7: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng PanaguriPanaguring Sugnay:1. Ang sinasabi niya ay ipapadala raw

kami sa Malaysia.Ang mga uri ng panaguri ay mga payak na panaguri.

Page 8: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri

• Payak sapagkat may iisa lamang salita, parirala o sugnay. Kapag may dalawa o higit pang salita, parirala, o sugnay na pinag-uugnay ng pangatnig, ang panaguri ay sanasabing tambalan.

Page 9: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng PanaguriHalimbawa ng panaguring tambalang pangngalan:1. Ang inutusan ko ay si Bong at si Mike.Halimbawa ng panaguring tambalang parirala:1. Hinggil sa kalusugan at tungkol sa wastong pagkain ang nilalaman ng mga artikulo.

Page 10: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Panaguri

Halimbawa ng panaguring tambalang sugnay:1. Ang iniutos niya ay samahan mo kami sa sine at ipasyal mo kami sa Rizal Park.

Page 11: Kayarian ng panaguri at paksa

G.Kayarian ng Paksa

Page 12: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa• Ang paksa ay maaari ring buuin ng

isang salita, isang parirala, o isang sugnay. Tulad sa panaguri, ang paksang iisahing salita ay ginagamitan ng isang pangngalan, panghalip, pang-uri, pang-abay, pandiwa, o pawatas.

Page 13: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa

Halimbawa ng paksang iisahing salita: 1. Sila ay bibigyan ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya.

Page 14: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa• Maaari ring buuin ng pariralang

pang-ukol o pawatas ang paksa.Halimabawa ng paksang pariralang pang-ukol:• Ang para sa amin ay sa inyo na.

Page 15: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng PaksaHalimbawa ng paksang pariralang pawatas:• Nakawiwili ang paghuni ng ibon sa

parang.Halimabawa ng paksang sugnay:• Na mayaman sa likas na kayamanan

ang Pilipinas ay hindi mapasusubalian.

Page 16: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa• Payak na mga simuno ang mga

uri ng simuno ng mga nasa halimbawa. Kapag ang simuno ay may dalawa o higit pang salita, parirala, o sugnay, ang simuno ay tinatawag ng TAMBALAN.

Page 17: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa

• Halimbawa ng tambalang salita:1. Si Balagatas at si Husing Sisiw ay mga makatang Pilipino.2. Kahanga-hanga ang mabait, matalino, at masipag.

Page 18: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa• Halimbawa ng simunong tambalang

parirala:1. Ang hinggil sa linggwistika at sa kasaysayan

ay hindi pa tinatalakay sa pulong.2. Libangan ng kanyang may bahay ang

magbasa ng mga magasing Tagalog at manood ng pelikulang Tagalog.

Page 19: Kayarian ng panaguri at paksa

Kayarian ng Paksa• Halimbawa ng simunong

tambalang sugnay:1. Kung ikaw ay mag-aaral o ikaw ay

magbabakasyon ngayong tag-init ay pasyalan mo na.

2. Natitiyak ni danilo na may tao sa bahay ngunit walang tao sa bakuran.

Page 20: Kayarian ng panaguri at paksa

H. Mga Pangungusap na Walang Paksa

Page 21: Kayarian ng panaguri at paksa

Mga Pangungusap na Walang Paksa

1. Pangungusap na Eksistensyal :-ito ay nagpaphayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, bagay, atbp. -pinangungunahan ng mga salita ng may o mayroon.• Halimbawa:a. May mga turista ngayon sa liliw.b. Mayroong ganito rito.

Page 22: Kayarian ng panaguri at paksa

Mga Pangungusap na Walang Paksa

2. Pangungusap na Pahanga:-nagpapahayag ng damdamin ng paghanga ang ganitong pangungusap.Halimbawa:a. Kay ganda ng tanawin sa Pilipinas!b. Ang tapang mo pala!

Page 23: Kayarian ng panaguri at paksa

Mga Pangungusap na Walang Paksa

3. Maiikling sambitla:-ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawang pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.a. Ay!b. Aray!

Page 24: Kayarian ng panaguri at paksa

Mga Pangungusap na Walang Paksa

4. Mga pangungusap na Pamanahon:- Nagsasaad ng oras o uri ng panaho

ang mga ganitong pangungusap.a. Alas-dos na.b. Mainit ngayon. c. Umuulan.d. Maaga pa.

Page 25: Kayarian ng panaguri at paksa

Mga Pangungusap na Walang Paksa

5. Mag Pormulasyong Panlipunan:-mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp., na nakagawian na sa lipunan. a. Magandang umaga po.b. Tao po.c. Mano po.d. Salamat po.

Page 26: Kayarian ng panaguri at paksa

MaramaingSalamat sa Pakikinig!!!