Upload
editha-honradez
View
1.980
Download
72
Embed Size (px)
Citation preview
Lesson 5Matalino at di Matalinong
Paraan ng ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
Editha T.HonradezPasolo Elementary School
Pasolo Valenzuela City
Sa araling ito, inaasahang:• Maipapaliwanag mo ang
matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa• Maipakikita mo ang
tamang saloobin sa wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa
Balitaan
Sagutin kung anong isyung pang-kapaligiran ang mga sumusunod.1. Pagtatapon ng basura sa mga ilog.2. Labis na pagbuga ng usok dulot ng
chlorofluorocarbons.3. Pagpuputol ng mga puno.4. Pagpapasabog ng dinamita sa
dagat.5. Paggamit ng hair spray at
airconditioner.
Balik Aral:
Sagutin: -Ano ang naidudulot ng
matalinoat di matalinong
pangangasiwa ngmga likas na yaman? - Paano natin
mapapangasiwaanang ating mga likas na
yaman?
Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa
mga likas na yaman ay makatutulong upang
mapanatili ang mga ito ay mapakinabangan pa ng mga susunod na salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga
sumusunod:
1. Gawin ang hagdang-hagdang pagtatanim upang mabawasan ang pagguho ng lupa.
2.Magtanim ng mga puno sa mga bundok
at maging sa mga bakanteng lote.
3.Magtatag ng mga sentrong kanlungan para
sa mababangis na hayop at mga ligaw na
halaman.
4. Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng organikong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.
5. Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang tubig
6.Pagpapanatiling malinis ng lahat ng
katubigan .
Ang tatlong Rs o ang reduce, reuse, at recycle ay makatutulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman.
Ang reduce ay ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid. Ang paghihiwalay ng mga nabubulok at di-nabubulok na basura ay makatutulong upang mabawasan ang mga basura at mapaki-nabangan ang mga ito.
Recycle naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay.
Reuse naman ang maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.
1.Gaya ng pagsusunog ng mga plastik;
Di Matalinong Paraan ng PangangasiwaMay mga gawain ding lubhang
nakasisira ng kapaligiran
2.Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat;
3.Paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa
4.Pagtatayo ng mga pabrika, gusali, o pook-alagaan malapit sa
mga ilog o dagat
5.Pagputol ng mga puno;
6.Paggamit ng dinamita sa pangingisda
7.Pagtagas ng langis sa dagat
• Sagutin ang sumusunod:• 1. Ano-ano ang wastong pamamaraan
ng pangangalaga at pangangasiwa ng mga likas na yaman?
• 2. Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman? Ipaliwanag.
• 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman?
Gawain A Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipanukol sa matalinong paggamit ng mga likasna yaman, at ekis (x) kung hindi. 1. Hagdan-hagdang pagtatanim 2. Pagsusunog ng mga basura 3. Pagmumuling-gubat 4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan
para sa mababangisna hayop at mga ligaw na halaman
5.Bio Intensive gardening.
Lupang Sakahan
Yamang Tubig
YamangMineral
Yamang Gubat
Gawain B1. Magpangkat-pangkat.2. Pumili ng paksa na nakasulat sa speech balloons.3. Kopyahin ito sa malinis na papel. Isulat sa tapat ng bawat speech balloon ang mga paraan ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang mapanatili ang mga ito.
Gawain C1. Bumalik sa dating pangkat.
Gumawa ng diyorama ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman at pangangalaga sa kalikasan.
2. Takdang gawain ng bawat pangkat.Pangkat I – lupang sakahan o yamang lupaPangkat II – yamang gubatPangkat III – yamang tubigPangkat IV – yamang mineral
• TANDAAN MO Ang pangangasiwa sa mga likas na
yaman ng ating bansa ay nangangailangan ng matalinong pamamaraan.>Ang matalinong pangangasiwa salikas na yaman ay makatutulong upanghigit na mapanatili at mapakinabangan ang mga ito ng mga susunod pang
henerasyon.
NATUTUHAN KO1. Hatiin ang klase sa bawat pangkat.2. Gumawa ng isang patalastas tungkol
sa matalinong paraan ng paggamit ng likas na yaman.
3. Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na katanungan:
a. Ano ang epekto sa mga tao ng matalinong paggamit ngmga likas na yaman?
b. Ano ang ilan sa mga wastong paraan upang mapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman ngbansa?
1.Ano ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likasna yaman sa pag-unlad ng bansa?
2.Nangangahulugan ba ito nakung sagana sa likas na yaman ang isang bansa ay maituturing na rin itong mayaman?
Takda: Ipaliwanag: