24
Noli Me Tangere Pag-uulat ng Pangkat 3

Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito ay ang aming ulat ng NOLI ME TANGERE na syang muntikan ko nang ikamatay para lang matapos XD

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Noli Me Tangere

Pag-uulat ng Pangkat 3

Page 2: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 27:

TakipsilimIuulat nina:

Dianna Dave

Page 3: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Malaking handaan ang nakatakdang maganap sa bahay ni Kapitan Tiyago. Isang relikaryong ginto(locket) ang pasalubong ng ama kay Maria Clara. Nakatanggap ng iba’t ibang papuri si Ibarra sa pinakasikat na dyaryo. Nagkita na rin sina Crisostomo at Kapitan Tyago at napag-usapan ang itatayong paaralan.Inanyayahan ni Kapitan Tyago si Ibarra pa ti na rin ang kanyang nasabing bisita ngunit tumanggi rito si Ibarra. Namasyal sina Maria Clara at Ibarra sa kalsada at kasunod si Tiya Isabel, palubog na ang araw. Huminto sila sa tapat ng bahay ni Kapitan Basilio at natanawan sila ni Sinang. Pinapasok niya sila at pinaghandaan ng tsokolate. Nag-usap sina Kapitan Basilio at Ibarra. Matapos nito ay nagpaalam na sila. Habang naglalakad, nakita nila na nakasindi ang mga lampara sa kumbento at si Padre Salvi’y malayo ang tingin. Nagpatuloy sila sa paglalakad nang tumawag sa pansin ni Maria Clara ang isang ketongin. Dahil sa awa, inilimos ni Maria Clara ang locket na kabibigay pa lamang sa kanya. Bigla na laamng lumapit si Sisa at kinausap ang ketongin tungkol sa kanyang mga anak at matapos niyo’y mabilis itong tumakbo ngunit nahuli rin ng mga guwardia sibil. Nang makita ito ng pulubi ay dali-dali na itong umalis sa kinalalagyan.

Page 4: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 28:

Mga Liham

Iuulat nina:

Irish Shyrah

Page 5: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Magarbo ang pagdiriwang ng kapistahan sa San

Diego. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila. Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Bisperas ng kapistahan ay nagtipo ang mga prayle at Kastila sa kumbenta para sa hapunan. Ang iba naman ay pumunta kina Tyago upang makita si Padre Bernardo Salvi at Padre Damaso Verdoglagas. Hindi naman dumalo si Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.

Page 6: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 29::

Ang UmagaIuulat nina:

Ybonne Kristin

Page 7: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng

musiko upang salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

Page 8: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 30:

Sa SimbahanIuulat nina:

Hannah Mark

Page 9: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.

Page 10: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 31:

Ang Sermon

Iuulat nina:

Dianna Dave

Page 11: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula

sa isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila. Pinatutsadahan din ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan. Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan ang kanilang mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

Page 12: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 32

Ang Paghungos

Iuulat nina:

Irish Shyrah

Page 13: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa

paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.

Page 14: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 33:

Malayang Kaisipan

Iuulat nina:

Ybonne Kristin

Page 15: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-

usap tungkol sa mga kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napag-alaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.

Page 16: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 34:

PananghalianIuulat nina:

Hannah Mark

Page 17: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni

Kapitan Tyago. Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa. Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang ito.

Page 18: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 35:

Haka-HakaIuulat nina:

Dianna Dave

Page 19: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit

na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa ginawang kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindi katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari.

Page 20: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 36:

SuliraninIuulat nina:

Irish Shyrah

Page 21: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Isang malaking katangahan ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi

inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan. Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa. Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro. Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay. Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

Page 22: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

KABANATA 37:

Kapitan HeneralIuulat nina:

Ybonne Kristin

Page 23: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niyakaagad si

Ibarra. Samantala, kinausap muna niya angbinatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabashabang nagsesermon sa misa si Padre Damaso.Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad angmga reverencia na sina Padre Sibyla,Padre Martin,Padre Salvi at iba pang mga prayle. Dahil hindikasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral.Sinabi nila na may sakit ang hinahanap. Pinapurihanng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sapananghalian. Sinabi ng Heneral na kailangangtumanggap ng gantimpala si Maria na kaagadnamang tumutol.Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na siIbarra ay excomunicado. Pagkakita ng Heneral kayIbarra mabilis sinabing niyang tama lang ang kanyangginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-alang ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispotungkol sa pagkakaexcumunicado ni Ibarra.Iminungkahi niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkathindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas.Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis angmamuhay sa bayang sinilangan.

Page 24: Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37

MARAMING SALAMAT PO!