Click here to load reader
Upload
scps
View
1.138
Download
22
Embed Size (px)
Citation preview
KABANATA 10 – ANG BAYAN NG SAN DIEGO• Ang pinagmulan ng bayan ng San
Diego dahil sa mga Ibarra. DON PEDRO EIBARRAMENDIA DON SATURNINO IBARRA DON RAFAEL IBARRA DON CRISOSTOMO IBARRA• Nang umunlad ang san Diego ang
Pilipinong kura ay pinalitan ng Paring Kastila (Padre Damaso)
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa
Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa
nakatira rito ay mga magsasaka.
May isa umanong matandang kastila na
dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng
tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang
buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi.
Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok
na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng
baliti.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang
dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino.
Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang
gubat.
Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang
babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na
tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni
Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay
mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang namatay
si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura
pareho ng bayan.
KABANATA 11 – ANG MGA MAKAPANGYARIHAN• Ang tunay na makapangyarihan
sa San Diego ay sina: kura – Padre Salvi (katumbas ng kapangyarihan ng Sto.Papa ng Roma) Alperes – pinuno ng mga guwardiya sibil – katumbas ng kapangyarihan ng Hari ng Espanya)
KANSER NG LIPUNAN: Pagpapatalbugan ng
Kapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-
aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang
mga ito ay sina Pare Bernardo Salvi at ang
alperes.
Si Padre Bernardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang
pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig
siyang mag-ayuno.
Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait
at maingat sa tungkulin.
Ang asawa ng Alperes ay si Donya Consolacion, isang
Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alperes ang puno ng
mga guwardiya sibil.
Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa
pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa
mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay
sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho
silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng
maraming tao at para walang anumang namamagitan di
pagkakaunawaan.
Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-
isa. Ang alperes at si Pari Salvi ang tunay na
makapangyarihan sa San Diego.
KABANATA 13 – MGA BABALA NG SIGWA
• Ang pagbisita ni Ibarra sa libingan ng ama ngunit di niya ito makita.
• Nakausap ni Ibarra ang sepulturero na siyang nagsabi kung nasaan ang bangkay ng ama. (ito ay ipinahukay ni Padre Garote (alyas ni Padre Damaso dahil sa mahilig sa pamamalo gamit ang garote) at ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Mas minabuti ng naghukay na ito ay itapon sa lawa.
• Ikinagalit ni Ibarra ang kanyang natuklasan at napagbuntunan ng galit ang nakasalubong na kura (Padre Salvi)
• Sinabi ni Padre Salvi na si Padre Damaso ang tinutukoy na kura na nagpahukay sa bangkay ng kanyang ama at hindi siya.
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya.
Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang
palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang
tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa
lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa
kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig.
Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Pari Salvi.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na
poot at galit sa dibdib.
Nararamdaman iyon ni Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari
Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari
Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si
Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
KABANATA 15 – ANG MGA SAKRISTAN
• Sina Basilio (10) at Crispin (7) ay magkapatid na anak nina Sisa at Pedro.
• Nagtrabaho sila bilang sakristan sa simbahan ng san Diego.
• Napagbintangan si Crispin na nagnakaw ng 2 onsa (32 pesos)
• Pinagmumulta si Basilio dahil sa mali ang pagtugtog niya ng kampana.
• Bilang kaparusahan nila di sila maaaring umuwi muna bagamat gusto na nilang umuwi dahil alam nilang hinihintay sila ng kanilang ina.
• Tumakas si Basilio mula sa kumbento upang makauwi.
KANSER NG LIPUNAN: Pang-aabuso sa mga Bata Kawalang-katarungan
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng
magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sinabi ni
Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana,
siya ay hindi mapagbibintangang isang
magnanakaw.
Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay
nababakas. Ang suweldo lang kasi niya ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero,
hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang
kanilang ina.
Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00.
lubhang mabigat ito para kay Basilio. Ipinakiusap ni Crispin
na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa
kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit
magbayad sila.
Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito.
Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan
mayor ay dumating at puyos ito sa galit.
Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa
hindi tamang pagtugtog ng kampana. Si Crispin naman
ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi
niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya.
Biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa
hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni
Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid.
Mabilis na pumanhik Si Basilio sa ikalawang palapag ng
kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa
kampana at bumaba sa bintana ng kampanaryo. Noon ang
langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
KABANATA 16 – SI SISA• Paglalarawan sa buhay ni Sisa na nakapag-
asawa ng iresponsableng asawa na si Pedro ngunit bathala ang turing niya rito.
• Itinuturing naman niyang anghel ng kanyang buhay ang dalawang anak na sina Basilio at Crispin.
• Ipinaghanda niya ng masarap na hapunan si Sisa para sa kanyang mga anak.
• Dumating ang lasenggerong asawa at inubos ang inihandang pagkain.
• Nagkaroon siya ng isang masamang pangitain na ikinatakot niya.
• may kumatok sa kanilang pintuan (Basilio)KANSER NG LIPUNAN: Kahinaan ng Kababaihan Katamaran Pagkahilig sa Bisyo
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng
bayan. Kapuspalad siya sapagkat nakapag-asawa siya
ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan.
Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng
kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong
hiyas o alahas. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng
loob.
Nang gabing iyon, abala siya sa paghahanda ng pagkain sa
pagdating nina Basilio at Crispin. Sa kasamaang palad, hindi
natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat
dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga
pagkaing nakasadya sa kanila.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak.
Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos
uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.
Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang
dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng
malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
KABANATA 17 – SI BASILIO• Nakauwi si Basilio na duguan ang noo
(Nadaplisan siya ng bala na ipinutok ng guardia sibil)
• Ikinabahala ni Sisa ang nangyari sa anak lalo na sa di niya pagkakasama kay Crispin.
• Nanaginip si Basilio na namatay si Crispin.
• Kinausap ni Basilio ang ina ukol sa kanyang mga plano na baguhin ang kanilang buhay ngunit di kasama ang ama sa mga plano.
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan
ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat
ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat.
Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa
paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag
nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel.
Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din
niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin.
Nakahinga ng maluwag si Sisa.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni
Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng
kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil
sa awa sa anak.
Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya,
nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng
kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao.
Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni
Sisa.
May balak si Basilio (1) ihihinto na silang magkakapatid sa
pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2)
hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na
bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.