62
KABANATA 1: Panimulang Pag-aaral ng Panitikan

Panitikan (Kabanata 1)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito ay kabanata 1 sa Panitikan. Binibuo ng mga sumusunod: Kahulugan ng Panitikan, Ang Panitikan at Ang Kasaysayan, Mga Paraan ng Pagpapahayag , Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan? , Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan , Ang Impluwensya ng Panitikan (sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao), Pangkalahatang Uri ng Panitikan (akdang Tuluyan at Patula),   Mga Uri ng Tula ng Damdamin o Tulang Liriko , Tulang Dula o Pantanghalan, Tulang Patnigan , at Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino .

Citation preview

Page 1: Panitikan (Kabanata 1)

KABANATA 1:Panimulang Pag-aaral ng

Panitikan

Page 2: Panitikan (Kabanata 1)

Ano ang Panitikan?

“Ang tunay na kahulugan daw ng panitikan ay yaong

pagpapahayag ng damdamin, panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan, at

masining na pahayag.”

Page 3: Panitikan (Kabanata 1)

Ano ang Panitikan?

“Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong

nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang araw-araw na pagsusumikap upang

mabuhay at lumigaya sa kaniyang kapaligiran at gayun din sa kaniyang

pagsusumikap na Makita ang Maykapal. ”

-Panitikang Filipino, Atienza, Ramos, Salazar.

Page 4: Panitikan (Kabanata 1)

Ano ang Panitikan?

“Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao sa lipunan, sa pamahalaan,

sa kapaligiran, sa kapwa, at Dakilang Lumikha. ”

-Bro. Azarias

Page 5: Panitikan (Kabanata 1)

Ano ang Panitikan?

“Anumang bagay raw na naisasatitik, basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng tao,

maging ito’y totoo, kathang-isip, o bungang tulog lamang ay maaring

tawaging panitikan. ”

-Webster

Page 6: Panitikan (Kabanata 1)

Ano ang Panitikan?

“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Sa panitikan

nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing,

at gunigui g mg mamamayan na nasusulat at binabanggit sa maganda,

makulay, makahulugan, matalinhaga, at masining na mga pahayag.”

-Maria Ramos

Page 7: Panitikan (Kabanata 1)

Ang Panitikan at

Ang Kasaysayan

Page 8: Panitikan (Kabanata 1)

Ang Panitikan at Kasaysayan

Ang kasaysayan ay naisatitik at tunay na nangyari kaya’t

ito’y makatotohanang panitikan.

Samakatuwid, bahagi ng panitikan ang kasaysayan.

Page 9: Panitikan (Kabanata 1)

Ngunit, mayroon ding pagkakaiba ang panitikan at kasaysayan:

PANITIKAN

Maaaring likhang isip o bungang isip

lamang o mga pangyayaring

hubad sa katotohanan na

naisatala.

KASAYSAYAN

Pawang mga pangyayaring

tunay na naganap-may pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari, at may panahon.

Page 10: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Paraan ng

Pagpapahayag

Page 11: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Paraan ng Pagpapahayag

Pagsasalaysay – uri ng pagpapahayag na nagsasaad ng karanasan.

Halimbawa: “Isang Karanasang Hindi Ko Makakalimutan”

Paglalahad – isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.

- nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay.

Page 12: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Paraan ng Pagpapahayag

- tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at nagpapayo ng mga kalutasan.

Halimbawa: “Ano Ang Panitikan?”

Paglalarawan – isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.

Page 13: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Paraan ng Pagpapahayag

Ang mga detalye ng katangian, o kapintasan ng tao o bagay na

namamalas ay nababanggit dito.

Halimbawa: “Maynila…Kulay Anyo ng Lahi”

Pangangatwiran – naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinion ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.

Page 14: Panitikan (Kabanata 1)

Bakit Dapat Mag-aral ng

Panitikan?

Page 15: Panitikan (Kabanata 1)

Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos ang ating minanang yaman ng isip at angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

Tulad ng ibang lahi sa daigdig, dapat nating mabatid na tayo’y may dakila at marangal na tradisyong siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa.

Page 16: Panitikan (Kabanata 1)

Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

Upang matanto natin na ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay na ito’y matuwid at mabago.

Upang makilala at magamit ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito’y malinang at mapaunlad.

Page 17: Panitikan (Kabanata 1)

Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?

Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

 

Page 18: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa

Panitikan

Page 19: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

Ang klima – ang init o lamig ng panahon, ang bagyo, unos, baha, at ulan ay malaki ang nagagawa sa kaisipan at damdamin ng

manunulat.

Ang hanap-buhay o gawaing pang-araw-araw ng tao

Page 20: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

Ang pook o tinitirhan – malaki ang nagagawa nito sa isipan at damdamin ng tao.

Kung ang pook na tinitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat, mabundok, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng

ating lahi.

Page 21: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

Lipunan at Pulitika – nasasalamin sa panitikan ng isang lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan, at gayundin ang kultura ng mga tao.

Edukasyon at Pananampalataya – Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng ating lahi.

Page 22: Panitikan (Kabanata 1)

Ang Impluwensya ng Panitikan

(sa buhay, kaisipan, at ugali ng tao)

Page 23: Panitikan (Kabanata 1)

Ang Impluwensya ng Panitikan

Ang panitikan ay nagpapaliwanag ng kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda.

Dahil sa panitikan, nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan. Nagkakahiraman sila ng ugali at palakad at nagkakatulungan.

Page 24: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Banal na Kasulatan o Bibliya (Palestino at

Gresya)

– ang naging batayan ng Kakristiyanuhan.

Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim na

nagmula sa Arabia.

Page 25: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Ang Iliad at Odyssey

– ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at

paalamatan ng Gresya. Ang akda nito ay

si Homer. Uncle Tom’s Cabin (akda ni Harriet

Beecher Stowe, Estado Unidos) – kababasahan ito ng naging karumal-

dumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng demokrasya.

Page 26: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Ang Divina Comedia – akda ni Dante ng Italya.

Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano ng panahon na iyon.

Ang Mahabharata – ang ipinalalagay na

pinakamahabang epiko sa daigdig. (Naglalaman ito ng kasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.)

Page 27: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Canterbury Tales – naglalarawan ito ng

pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulatni Chaucer.

Ang El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang

panlahi ng Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.

Page 28: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Ang Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares

at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong ng Kakristiyanuhan sa Pransya.

Ang Aklat ng mga Patay – naglalaman ito ng mga kulto ni

Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

Page 29: Panitikan (Kabanata 1)

Ilan sa mga akdang pampanitikan na nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:

Ang Aklat ng mga Araw - akda ito ni Confucio ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang

pananampalataya.

Isang Libo’t Isang Gabi – mula ito sa Arabia at Persya.

Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

Page 30: Panitikan (Kabanata 1)

Pangkalahatang Uri ng Panitikan

(akdang Tuluyan at Patula)

Page 31: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Page 32: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan – yaong mga nasusulat sa karaniwang

takbo ng pangungusap.

Nobela – isang mahabang salaysaying nahahati

sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.

Halimbawa: “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos

Page 33: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Maikling Kwento – ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa kakintalan.

Halimbawa: “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute

Dula – itinatanghal sa ibabaw ng entablado tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto,

na ang bawat yugto ay maraming tagpo.Halimbawa: “Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino

Page 34: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Sanaysay – ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan.

Talambuhay – ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.

Page 35: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Alamat – ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan

ng bagay ang karaniwang paksa nito. Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya” Ang Pabula – mga salaysayin din itong

hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.

Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”

Page 36: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Anekdota – mga likhang-isip lamang ng mga

manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

Halimbawa: “Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”

Page 37: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Balita – ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.

 

Page 38: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Talumpati – ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o paniniwala.

Page 39: Panitikan (Kabanata 1)

Akdang Tuluyan

Parabula - ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig.

Halimbawa: “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”

Page 40: Panitikan (Kabanata 1)

 Mga Akdang Patula

yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma,

taludtod, at saknong.

Page 41: Panitikan (Kabanata 1)

 Ang Tula

- Ito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama and isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat.

- ang isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan: yaong sa manunulat, sa guro at mag aaral.

Page 42: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Pasalaysay:

– naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay; halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma, o kagitingan ng mga bayani.

Page 43: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga

kababalaghan.

Ito’y nagbubunyi ng isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga panganib at

kagipitan.

Halimbawa: “Ang Indarapatra at Sulayman”

Page 44: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

Awit at Korido – ang mga ito’y may paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa’t prinsipe. Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.

Page 45: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay: Ang awit ay may sukat na labindalawang

(12) pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o bandurya,

Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.

Halimbawa ng Awit: “Doce at Pares sa Kaharian ng Francia” at “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas

Page 46: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:

Balad – ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit, habang may nagsasayaw.

Ito ay nilikha noong unang panahon.

Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig. 

Page 47: Panitikan (Kabanata 1)

 Mga Uri ng Tula ng Damdamin o Tulang

Liriko

Page 48: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Liriko

– ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan. Karaniwang maikli, likas, at madaling maunawaan ang mga ito.

Page 49: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Liriko Awiting Bayan - ang karaniwang paksa

ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.

Halimbawa: “Chit Chirit Chit”  Soneto – ito’y tulang may labing apat na

taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

Halimbawa: “Soneto ng Buhay” ni Fernando B . Monleon

Page 50: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Liriko

Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayn o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

Halimbawa: “Awit Sa Isang Bangkay”

Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

Page 51: Panitikan (Kabanata 1)

Mga Uri ng Tulang Liriko

Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

Halimbawa: “Bayani ng Bukid”

Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”

 

Page 52: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Dula o

Pantanghalan

Page 53: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Dula o PantanghalanSaklaw ng uring ito ang mga sumusunod:

Komedya – isang gawa na ang sangkap ay piling- pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas ito ng masaya.

Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.

Page 54: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Dula o Pantanghalan

Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera.

Ngunit ngayon ito ay may ugnayan sa trahedya katulad ng parsa sa komedya.

Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit nagiging kasiya-siya ang

katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula. 

Page 55: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Dula o Pantanghalan Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga

tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.

Parsa – isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.

Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

Page 56: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Patnigan

Page 57: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Patnigan Karagatan – ito ay batay sa alamat ng

singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga. 

Page 58: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Patnigan

Duplo – ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas

at pangangatwiran ng patula.

Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at mga kasabihan.

Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.

Page 59: Panitikan (Kabanata 1)

Tulang Patnigan

Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar.

Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang

paksang pinagtatalunan.

Page 60: Panitikan (Kabanata 1)

Kahulugang Saklaw ng Panitikang

Filipino

Page 61: Panitikan (Kabanata 1)

Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino

Ang kasaysayang pinagdaanan ng Panitikang Filipino mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga akdang sinulat sa wikang banyaga ng mga Pilipino at dayuhang manunulat subalit ang nilalaman ay tungkol sa mga saloobin, damdamin, at kalinangang Pilipino.

Page 62: Panitikan (Kabanata 1)

Kahulugang Saklaw ng Panitikang Filipino

Mga akdang sinulat ng ating mga dakilang manunulat na Pilipino bagamat ang mga paksain ay sa dayuhan.

Higit sa lahat, saklaw ng Panitikang Filipino ang mga akdang sinulat ng mga manunulat na Pilipino at ang mga paksa’y nahihinggil sa lahi’t kalinangang Pilipino.