28
KABANATA 4 MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Retorika: Pagsulat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Retorika: Pagsulat

KABANATA 4MGA BATAYANG KAALAMAN SA

PAGSULAT

Page 2: Retorika: Pagsulat

Ano ang PAGSULAT?

Page 3: Retorika: Pagsulat

PAGSULATa. Isang paraan ng pakikipag-ugnayan ng manunulat sa mambabasa.

b. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales et al., 2002)

c. Ayon naman kina Peck at Buckingham ang pagsulat ay ang ekstensyon ng wika at karanasan na natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa. (sa Bernales, 2009)

Page 4: Retorika: Pagsulat

d. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kungsaan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita. 

e. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolongginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.

f. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapangmaaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyangisipan.

Page 5: Retorika: Pagsulat

g. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha atmakagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan.e. h. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gatingnadarama na di natin kayang sabihinf. i. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalamanat makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.g. j. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..h. k. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at kaisipan ng tao.

Page 6: Retorika: Pagsulat

 

Kahalagahan ng Pagsulat Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan atnagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan nito.

Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan ngating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; atang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.

Page 7: Retorika: Pagsulat

Mga Pilosopiya ng Pagsulat1. Isang proseso- may sinusunod na sistema. Tamang hakbang

ng pagsulat. Ang mga nasabing Sistema ang

-masinsinang pag-iisip

-mga katanungan sa isip ng mga manunulat

-mga nais isulat

-paggamit ng balangkas

-pagwawasto o pag-uulitIto ang mga hakbang sa proseso na kailangan mong maiangkla sa iyong kakayahan at sensibility bilang isang manunulat.

Page 8: Retorika: Pagsulat

2. Isang proseso at produkto- ang mga nabuong proseso ay lagging mayroong produkto. Ang naturang produkto ay madedebelop sa pamamagitan ng pagsulat.

Unang burador> gagawan ng rebisyon> pagwawasto > muling pagsulat ng teksto > maisulat ng pinal na teksto

3. Pagbuo ng isang pagpapasya- Dapat pag-isipang mabuti ang simula at hangganan ng tekstong kanyang isinusulat upang mas higit na maayos ang paglalahad ng mga pahayag.

4. Isang Pagtuklas- ang isang manunulat ay patuloy na nananaliksik upang higit na mapaunlad at maging makabuluhan ang mga impormasyong ibinabahagi sa kanyang mga mambabasa.

Page 9: Retorika: Pagsulat

5. Isang kasagutan- upang bigyang katugunan ang mga katanungan.

- upang makamtam nila ang kanilang hangarin sa pagbabasa.

6. Sariling pagkakaalam- Magkakaroon ng kabatiran ang isang tao sa agsulat kapag personal niya itong ginawa.

7. Ang pagsulat at pakikipag-ugnayan- Sa pamamagitan ng pagsulat naipapahayag ang nais sabihin ng manunulat sa kanyang mambabasa.

Page 10: Retorika: Pagsulat

8. Isang paghulma ng katauhan- kailangan taglayin ng manunulat ang mga sumusunod:

-maparaan

-maharaya

-malikhain ang pag-iisip

-may lubos na kaalaman sa paksa

- may Sistema

-marunong magpigil sa sarili

Page 11: Retorika: Pagsulat

9. Isang pagsubok- hinahamon ng pagsulat ang iyong pag-iisip sa nilalaman ng paksang iyong isusulat at ang lalim ng iyong kaalaman sa iyong teksto.

10. Nangangailangan ng mahabang panahon- Kailangan may nakalaan na mahabang panahon sa pagsulat. Tiyaga at disiplina ay kailanga upang mabuo ang iyong teksto.

Page 12: Retorika: Pagsulat

Mga Layunin sa Pagsulat • Bernales et. Al (2002)

Pagsulat na nagbibigay ng impormasyon, (Expository na pagsulat) Ito ay naglalayong makapagpaliwanag ng impormasyon, na ang mismong tuon ay ang bagay na pinaguusapan. • Impormatibong Pagsusulat

Pagsulat ng report ng obserbasyon.Mga siyantipikong datos.Estadistika na matatagpuan sa mga aklat at mga ensayklopidya`.Mga pahayagan at magazine

Page 13: Retorika: Pagsulat

• Pagsulat na Mapanghikayat (Argumentong Pagsulat)

Naghahangad na makumbinsi ang mambabasa na nais mahikayat ng sumusulat. Ang pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Naglalayong mapalipat ng paniniwala ang mambabasa, halimbawa ng mapanghikayat na pagsulat ay ang mga sumusunod:

1. Editoryal

2. Sanaysay

3. Talumpati at Serimonyas

Page 14: Retorika: Pagsulat

Malikhaing Pagsulat Ang Malikhaing Pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang

pasulat ng sarili tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal (Arrogante, 2000). Sa pamamagitan ng pagiging mayaman ng imahinasyon ng isang manunulat na mayroon siyang kakayahang napagalaw ang isip at damdamin ng mambabasa. Ang tuon ng naturang layunin ng pagsulat ay ang mismong manunulat.

Maikling Pagsulat ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan, ang pangungahing layunin ng awtor ay pagpapahayag lamng ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Page 15: Retorika: Pagsulat

Mga Hakbang sa Pagsulat Ayon kina Bernales et al., (2002), may tatlong pangunahing

hakbang sa pagsulat.

1. Pre-writing – ito ang paghahanda bago magsulat. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa paksa na iyong sinusulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.

2. Actual writing – ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Isinaalang-alang ang tamang pagkakabuo ng pagsulat. Partikuar ang pagbaybay, gramatika at kaayusan. Nakapalob ditto ang pagsulat ng drat o burador.

Page 16: Retorika: Pagsulat

3. Re-writingDito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng sulatin mula

sa gramatika, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika.

Ang isang sulatin ay hindi magiging epektibo kung hindi dadaan sa editing at rebisyon.

Mahalagang Makita ang mataas na uri ng pagkakasulat sa isang obra upang maging kapanipaniwala ito sa mga mambabasa at maging mahusay na batayan ng ibapang impormasyon.

Page 17: Retorika: Pagsulat

Pagpili at Paglilimita ng Paksa1. Kabuluhan- kailangan pumili ng paksang napapanahon at

kapakipakinabang sa mananaliksik at mambabasa.

2. May Mahigit na Pokus- Ang paksa ay nakatuon sa saklaw at limitasyon ng pag-aaral upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang nais ipabatid ng mananaliksik.

3. Kakayahan, Mapagkukunan at Panahon- Ang pagpili ng paksa dapat naangkop din sa ating kakayahang pinansyal sapagkat may mga paksa na nangangailangan ng malaking pondo. Kailangang isaalang-alang ang panahon upang makapili ng paksang isusulat na kailangang pagpasa ng paksa. Isa pang dapat isaalang-alang ay ang mga impormasyong mapagkukunan ng mga katanungan at mga babasahin.

Page 18: Retorika: Pagsulat

4. Antas ng Kahirapan- Naukol kung gaano kahirap o kadali ng paksa upang magabayan ng tagapayo ang pananaliksik.

5. Interes- Magiging madaling ang pananaliksik ng impormasyon kung napiling paksa ay malapit at gustong paksa ay malapit sa interes ng mananaliksik.

Mga Salik na Makapaglilimita ng PaksaSa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, nagabayan nang

wasto at nakatuon sa paksang pinag-aaralan ang mananaliksik. Maiiwasan ang paglihis o paglabas sa pagtatalakay ng paksa.

1. Panahon- Malawak ang paksa at limitado ang oras, maaaring hindi matapos ang tekstong isinusulat.

Page 19: Retorika: Pagsulat

2. Edad- Ang edad ng manunulat at mambabsa ay may epekto sa pagpili ng pagpapaksain. Kailangang isaalang-alang ang paksang magiging kawili-wili sa mambabasa at sa manunulat din upang maging motibasyon sa pagsulat.

3. Kasarian- Mayroong mga paksang angkop sa isang particular na kasarian. Kailangan maging maingat upang maiwasan na makapanakit ng damdamin ng mambabasa.

4. Perspekstibo- Sa pagpili ng paksa, isinaalang alang na bawat manunulat ay may kanya kanyang pananaw o perspektibo sa isang paksa kung kaya’t sa pagsulat, sa simula pa lamang ay malinaw kung anong perspektibo ang mamamayani sa teksto.

Page 20: Retorika: Pagsulat

5. Lugar- Ang pook na kinalalagyan o kinaroroonan ng manunulat at ng mambabasa ay nararapat na isinaalang alang.

6. Propesyon- Ang propesyong kinabibilangan ng target na mambabasa ay nararapat na isinaalang alang upang matiyak na angkop sa kanila ang akdang isusulat.

7. Anyo at uri- Sa bawat anyo at uri ng akdang isusulat ay mayroong ng kahingian. Tiyaking ito ay mapapahalagahan upang maging mabisa ang akda.

8. Partikular na halimbawa- Ang pagsasama ng mga tiyak na halimbawa sa isang akda ay makakatulong upang higit na madaling maunawaan ang teksto.

Page 21: Retorika: Pagsulat

PAGBABALANGKASAng balangkas nag isang pangkalahatang plano ng isang

materya na siyang bubuo ng isang talumpati o sulatin.

Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunud-sunod sa isang katha o seleksyon.

 Ito ay ang pinakakalansay ng isang akda. Bilang karagdagan, ito ay ang paghahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob sa isang seleksyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito, (Bernales at Veneracion, 2009). 

Ito ang organikong kabuuan ng isang pagpapahayag, ayon kay Plato. Ito rin ang istruktura o porma at nilalaman o kontent ng diskurso, (Arrogante, 2007).

Ang layunin balangkas ay upang maisaayos ang isusulat na teksto upang matiyak ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya. (Lietazau, n.d.)

Page 22: Retorika: Pagsulat

Mga Hakbang upang makabuo ng isang kapaki-pakinabang na balangkas.1. Tukutin ang paksa

2. Kilalanin ang mga pangunahing detalye

3. Isaayos ang mga pangunahing kaisipan sa isang lohikal naorder at ialay sa balangkas.

4. Lumikha ng mga sub-point.

5. Suriin ang nabuing balangkas.

Page 23: Retorika: Pagsulat

ANYO NG BALANGKAS• Papaksa – isinusulat ito sa anyong parirala• Pangungusap – isinusulat sa buong pangungusap

PARAAN SA PAGGAWA1. Hanapin o alamin ang pangunahing diwa ng buong seleksyon.

2. Isulat ito bilang pinakapamagat ng balangkas

3. Isulat ang pangunahing diwa ng bawat talata na bumubuo sa seleksyon.

4. Gamitin ang roman numerals (I, II, III…) sa pagsulat ng pangunahing diwa o paksa.

Page 24: Retorika: Pagsulat

5. Gamitin ang malaking letra sa pagsulat ng unang salita at lahat ng mahahalagang salita ng bawat pangunahing diwa.

6. Maglagay ng tuldok pagkatapos ng roman numerals at malaking letra.

7. Isulat nang may pasok sa ilalim (indention) ng pangunahing diwa ang mga kaugnay na paksa.

8.Gamitin ang malaking letra (A, B, C…) sa bawat kaugnay na paksa (sub topic).

9.Gamitin ang arabic numerals (1, 2, 3…) sa unahan ng mga detalye na sumusuporta sa kaugnay na paksa.

10.Isulat ito nang may pasok sa ilalim ng kaugnay na paksa. Simulan   

     ito sa malaking letra.

Page 25: Retorika: Pagsulat

Mga dapat isaalang-alang sa pagbabalakas•      Sa paggawa ng balangkas, tanungin mo muna ang iyong sarili kung paano mo maaayos sa mga grupo o ma-uuri ang mga pangunahing ideya (titulo o pamagat) na nasasaisip mo.

•      Palawakin ang mga ideyang ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga detalye o subtopics sa bawat grupo.

•      Ang mga pangunahing ideya na pinagsamasama ay mga impormasyon o data na magkakapareho o magkakatulad.

Page 26: Retorika: Pagsulat

Semantic Mapping

-ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga ideya sa pamamagitan ng paglikha ng isang semantic map.

Ang semantic map ay isang biswal na representasyong nakatutulong upang makilala ang mahahalangang konsepto at kung sa papaanong paraan nagkakaugnay-ugnay ang mga ito.

Ang semantic map ay naglalahad ng mga mahahalagang ideya at naipapakita ang kaugnayan ng mga ito.

Page 27: Retorika: Pagsulat
Page 28: Retorika: Pagsulat

Sa pagbuo ng semantic map unang kinikilala ang CORE IDEA o pangunahing kaisipan. Kasunod ay ang mga STRAND o mga kaugnay