60
Kasaysayan ng Pag- unlad ng Wikang Pambansa sa Pilipinas

wikang pambansa

Embed Size (px)

Citation preview

Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang

Pambansa sa Pilipinas

Kung tutuusin hindi sana tumagal ng mahigit tatlong taon at tatlumpu ang ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nkararaming Pilipino.

(Bisa, et. al 1983)

Ang Wikang Pambansa sa Saligang

Batas

1935… ang Kongreso ay gagawa ng

mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na

katutubong wika. (Sek. 3 Art. XIV)

1973 (Art. XV Sek. 3)1.Ang Saligang Batas na ito ay

dapat ipahayag sa Ingles at Pilipino, ang dapat na wikang opisyal, at isalin ang bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa limampung libong taong-bayan, at sa Kasyila at Arabik. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig.

1973 (Art. XV Sek. 3)2.Ang Pambansang Asamblea

ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa na makikilalang Filipino.

1972 (Disyembre)• Nag-atas si Pangulong Marcos ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang isalin ang Saligang Batas sa wikang sinasalita ng may limampung libong mamamayan. (Art. XV, Sek. 3 [1])

1987• Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.• Sa Art. XIV, Sek. 6 at 8 nakasaad ang sumusunod:

1987Sek. 6 “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang Wika.”

1987Sek. 8 “Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.”

Ang Kalikasan ng

Wikang Pambansa

1937 [Nobyembre 9]Itinalaga ng SWP ang

Tagalog bilang saligan ng wikang pambansa at pinagtibay ito alinsunod sa Batas ng Komonwelt Blg. 184. (Pagkat ito ang siyang halos na nakakatugon sa mga hinihingi ng nasabing batas.)

1937 [Disyembre 30]Alinsunod sa Batas ng

Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

ay ipinahayag ni Pang. Quezon ang Wikang

Pambansa na batay sa Tagalog.

1937 [Disyembre 30]Bakit kaya Tagalog

ang naging saligan o batayan ng Wikang

Pambansa?

Naging batayan ang Tagalog dahil:

• Ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa.• Siyam hanggang sampung libong salitang katulad• Magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan.

Naging batayan ang Tagalog dahil:

• Nagtataglay ito ng: -5,000 hiram na salita mula sa Kastila - 1,500 sa Ingles - 1,500 sa Intsik - 3,000 mula sa Malay

Naging batayan ang Tagalog dahil:

• Mayaman ang Tagalog sa salita dahil sa paglalapi at pagtatambal.• Madaling pag-aralan

1959 [Agosto 13]Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’t

tukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin.

1996 [Depinisyon ng Wikang Filipino]Ang wikang Filipino ay ang

katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng

komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa

proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng

iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling

pagpapahayag.

SWP KWF

1936 [Nobyembre 13]Pinagtibay ng

Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa at nagtatakda ng kapangyarihan, layunin at tungkulin nito.

1971 [Marso 16]Nilagdaan ni Pang. Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 na nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililinaw ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.

1987Isinasaad ng Art. XIV Sek 9 ng Konstitusyong 1987:

1987Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga mga disipilina

na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga

pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,

pagpapalaganap ay pagpapanatili.

1987Ang komisyong ito ay tinatawag ngayong:

Komisyon sa Wikang Filipino

OKWF

Ang Wikang Opisyal

1940 [Hunyo 7]Batas Komonwelt Blg. 570 – pinagtibay nito at itinadhana bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng

Pilipinas simula sa Hulyo 04, 1940.

1968 [Agosto 6]Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 187 – nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan

na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng

Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

1987Art. XIV Sek. 7

[Konstitusyong 1987] – Ukol sa mga layunin ng

komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng

Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,

Ingles.

1987Art. XIV Sek. 7

[Konstitusyong 1987] – Ang mga wikang panrehiyon ay

pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at

magsisilbing pantulong sa mga panturo noon.

Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik.

1988 [Agosto 25]Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 335 – nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino na nagtatagubilin sa

lahat ng departamento, tanggapan, kawanihan,

ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng

mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang

Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at

korespondensya.

1989 [Setyembre 9]Kautusang

Pangkagawaran Blg. 84 – pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na

nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na

isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon

1940 [Abril 1]Kautusang Tagapagpaganap

Blg. 263 – binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang

Diksyunaryo at isang Gramatika ng wikang

Pambansa. Itinakda rin nito na simula Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan ng ituro ang

Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at

pribado sa buong bansa.

1940 [Abril 12]Pinalabas ni Kalihim Jorge Bacobo ng Pagtuturong

Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran:

ito’y sinundan ng isang sirkular [Blg. 26, Serye 1940] ng patnugot ng edukasyon Celedonio Salvador. Ang

pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna

sa mataas na paaralan at paaralang normal.

1974 [Hunyo 19]Kautusang Pangkagawarn

Blg. 25 – nilagdaan ito ni Kalihim Juan L Manuel, nagtatadhana ng mga

panuntunan sa [agpapatupad ng patakarang edukasyong

bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-

panuruan ‘74 - ’75. Alinsunod sa Saligang Batas 1972

1978 [Hulyo 21]Kautusang Pangministri Blg. 22

Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L.

Manuel. Nag-uutos ito na isama ang Pilipino sa lahat ng

kurukulum ng pandalubahasang antas. Magsisimula sa unang

semestre ng taong-aralan 1979-1980.

1978 [Hulyo 21]Kautusang Pangministri Blg. 22

Lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay

magbubukas ng 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng

palatuntunang aralin sa lahat ng kurso maliban sa mga kursong

pagtuturo sa 12 yunit.

1978 [Hulyo 21]Kautusang Pangministri Blg.

22Nabanggit din sa kautusang ito na ang Pilipino ang gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga

pan.alubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan

1983-1984.

1978 [Hulyo 21]Kautusang Pangministri Blg. 22Kalakip din dito ang pagkakaroon ng palatuntunan ng pagsasanay ng mga guro upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa

pagtuturo ng Pilipino sa pandalubahasaang antas sa pamamahala ng Ministri ng

Edukasyon.

1987Kautusan Blg 52 –

pinalabas ito ni Kalihim Quisumbing, na nag-uutos sa paggamit mg wikang

Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nagtatakda sa

patakarang edukasyong Bilinggwal.

1987-Tungkulin ng Edukasyong Bilinggwal• Pahusayin ang pagkatuto

sa pamamagitan ng dalawang wika [Filipino at Ingles] upang matamo ang

mataas na uri ng edukasyon gaya ng

hinihingi ng Konstitusyong 1987.

1987-Tungkulin ng Edukasyong Bilinggwal

• Patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino.• Pananatilihing wikang internasyunal para sa mga Pilipino ang Ingles at bilang di-eksklusibong wika ng agham at teknolohiya.

1966CHED Memorandum Blg. 59 – nagtatadhana ng siyam [9] na yunit na pangangailangan ng

Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa

deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino [Sining sa

Pakikipagtalastasan], Filipino 2 [Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina] at Filipino 3

[Retorika].

1966CHED Memorandum Blg. 59 – kalaunan ay naamyendahan ang

memorandum na ito upang itakda ang anim na yunit ng pangangailanagan sa Filipino para sa mga kursong hindi

HuSoCom [Humanities, Soc. Sci. at Communication] at upang baguhin ang deskripsyon ng

Filipino 1,2, at 3.

Ang Ortograpiy

a

Ito ang representasyon ng mga tunog ng wika na mga nakalimbag na

simbolo tulad ng alpabeto.

Ang pangunahing layon ng ortograpiya ay para makatulong

sa episyenteng pagbasa at pagsulat.

1987Kautusang

Pangkagawaran Blg. 81 – nirekomenda ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dating SWP, ngayon ay

KWF) na nilagdaan ni Kalihim Quisumbing ang

batas na ito na nagtatakda ng bagong alpabeto at

patnubay sa pagbabaybay ng Wikang Filipino.

2001Ipinalabas ng KWF ang

2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino upang

mapabilis ang estandardisasyon at

inteletwalisasyon ng Wikang Filipino.

2006Sa okasyon ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sinuspende ng KWF ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hangga’t walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling Wikang Filipino ng taong 1987.

2009Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at

1987 Alpabeto sa pamamagitan ng

pagpapalabas ng KWF ng Gabay sa Ortograpiyang

Filipino , bagama’t ano mang tuntunin sa 1987 at

2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling

ipapatupad.

Pagdiriwang ng Buwan ng Wika

1954 [Marso 26]Proklama Blg. 186 – nilagdaan ito ni Pang. Magsaysay dahil sa pagsususog sa Proklama Blg.12 Serye 1954, na sa pamamagitan nito’y inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon mula Agosto 13-19. Nakapaloob sa panahong saklaw ang pagdiriwang sa kaarawan ni Quezon [Agosto 19].

1954 [Marso 26]Bago ito, ipinagdiriwang ang Linggo ng Wika kasabay ng kaarawan ni Francisco Baltazar o Araw ni Balagtas.

1971 [Hulyo 29]Memorandum Sirkular

Blg. 488 – humiling sa lahat ng tanggapan ng

pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa

pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa,

Agosto 13 -19.

1986 [Agost0 12]Nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino

ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel

sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na

nagbunsod sa bagong pamahalaan.

1986 [Agost0 12]Dahil dito, ipinahayag niya na taun-taon,

ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ni Pang. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa, Linggo ng

Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa sa pangunguna ng mga

nasa pamahalaan at mga paaralan at gayon din ng mga lider ng iba’t ibang

larangan ng buhay.

1997 [Hulyo]Proklama Blg. 1041 – ito ay

nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Ramos at nagtatakda na ang

buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Biwan ng Wikang

Filipino. Nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng

pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

Inihnada ni

Bb. Jewel Augustine R. del Mundo

Instructor I - Filipino